Wednesday, October 14, 2009

HULA SCOOP: Huwag hayaan manlamig sa iyong "minamahal"

Kung gusto ninyo magkaroon ng lifetime pakner tulad nila, sundin lang ang tips ko ngayon


HULA: Huwag hayaan manlamig sa iyong "minamahal" patuloy mo pa rin siyang mahalin at pahalagahan, huwag kang magsasawa sa payo kahit ilang beses mo na itong nabasa sa hula, go ka pa rin wala namang mawawala.

SCOOP: Sa relasyon ng mag-asawa o kahit na magkasintahan man, ang isang daan para manatiling matatag ang pagsasama ay ang kung paano natin pasalamatan at purihin ang bawat isa, sa ganitong paraan natin naipapakita kung gaano kahalaga siya sa’yo at ikaw sa kanya.

````````````````````````````````````````````````````````````````

Narito ang mga tips kung ano ang dapat natin sabihin sa mga "lab"natin para lalo pa syang mapamahal sa iyo kahit na iba ang kahulugan nito sa isip mo:


1. "Ang macho mo na, lumalaki na ang muscles mo sa braso.” (Hmmm ano ba yan parang palo-palo lang wala na bang ilalaki yan, ni langaw di mamatay sa hampas mo e.)- Para sa mga misis o dala na o dalaga pala ito hehehe

- Kahit na alam mong hindi naman lumalaki ang muscles niya sa braso dahil di naman siya nagwo work out sabihin mo na rin na lumalaki ito, yun nga lang sa ibang paraan malay mo kakabuhat niya sa mga pinapabuhat mo o baka naman pati ikaw nagpapabuhat din, diba?

2. "Ha ha ha ha ha ha ha." (ang corny mo talaga kakainis)

-Minsan kailangan mo rin matawa sa mga corny jokes niya, o kaya isipin mo na lang na nakakatawa kahit na siya na mismo ang nakakatawa at hindi ang jokes nya.


3. "Wow." (ay bakit ganyan yan?)

-Ito ang pinakamaikli na masasabi mo na gaganahan ang pakner mo. Bahala ka na ano meaning nito sa iyo malaki man o maliit basta wow ka na lang…huwag mo na lang sundan pa ng ibang salita baka mabad trip pa siya.


4. ”Ano sa palagay mo? (feel mo ikaw masusunod, hello?!!)

-Para sa mga misis o dalaga- Syempre kailangan bigyan mo si mister/bf ng kahalagahan, kaya tanungin mo siya sa ano mang opinyon niya sa mga desisyon ninyo sa buhay tapos syempre sayo pa rin ang final approval kahit ano pa sinabi niya, at least di ba nagtanong ka….e ikaw yata ang alas, hari lang siya.


5. “Ang cute naman ng mga paa mo” (parang luya, watak watak ang mga daliri, kadiri!)

-Kahit pa kamag-anak ng luya ang paa niya, sabihan mo pa rin na cute ito sabayan mo na lang na mas maganda kung magpa pedicure siya. Sabagay pag sa gabi o madilim di mo na yun makikita at di ka naman niya tatapakan no, kaya ok lang yun.


6. "Meow." (harrr para siyang daga, sarap siyang gutay gutayin hehehe)

- Kaya nyo ba maging pusa? Bahala ka na kung ano isagot niya basta nag ala pusa ka ayos na yun hehehe. Malas mo pag sinagot niya na ala pusa din na "not now" hehehe


7. " Hanep!” (yah right!)

Para sa mga misis ang tip na ito- Kailangan ng guy ang ganitong word from you kahit ano pang ginawa niya learn to appreciate him. Aba mahirap ang manginain… ng tirang ulam, magpipindot….ng remote control, magtutuwad…para tanggalin ang bara ng toilet, sumisid….sa pool dahil nahulog ang wedding ring nyo at anu-ano pa.


8. "Gusto Kita!” (gusto kita sa ilalim....ng kama kaw talaga hehehe)

- Hindi lang gusto mo ang mga mata niya o pananamit niya dapat buong buo sya na gustuhin mo kahit pa tumataba na siya at napagkakamalan mo na siyang refrigerator niyo hehehe.


PAUNAWA: Ayan tama na yan sana may napulot kayong aral sa mga tips ko na pwede niyong itapon pagkabasa hehehe

10 comments:

  1. Ang galing talaga ng mga payo mo Madam Sardonyx, kahit pilit ay dapat nating pag-initin ang relasyon sa minamahal kahit medyo nanglalamig na ang bawat isa. Medyo mahirap pero kakayanin heheeh

    ReplyDelete
  2. Hehehe :D Ayos...Hindi lang basta basta nararamdaman ang pagmamahal, kailangan mong gumawa ng paraan para maramdaman ito o maparamdam sa partner mo..

    ReplyDelete
  3. meow!

    hahahahaha!
    natawa ako promise!

    aw! aw!

    ReplyDelete
  4. madaling araw pero muka akong may tililing dito kakatawa! siguradong patok ang mga tips mo!

    ReplyDelete
  5. Dennis- hehehe Madam Sardonyx na ba ako niyan? hehehe kulang na lang yun bolang kristal ano? hahaha

    CM- yup korek ka diyan kailangan iparamdam, naks naman parang may natutunan ka yata ngayon sa hula ko ah? hehehe

    AZEL- ngiyaw??? talaga natawa ka? salamat hehehe, pamis gagalingan ko pa hehehe

    syel- mukhang patok nga yata tips ko at napatawa kita kahit madaling araw na hehehe baka naman inaantok ka lang talaga kaya ka natawa??? hehehe ang labo no

    ReplyDelete
  6. hello. hahaha.. based on experience ba mga tips na to? lol. sabagay, kelangan tlga gumawa ng paraan para ma-maintain ang romance. :D see you around sardonyx.

    ReplyDelete
  7. Isa pa:
    Kay mr. - bago mo himasin ang kotse, manok o kung ano man yang hobby mo, unahin mo munang himasin ang kumander mo!

    Kay mrs - kahit nakainom ka ng suka, pilitin mong ngumiti pag dating ng mister mo galing ng trabaho.

    ReplyDelete
  8. -- masubukan nga yang meow na yan hihi ^.^

    ReplyDelete
  9. I love it, i tried leaving a comment the other day pero may problema ata ang browser ko, pero sabi nga nila huli man at magaling tardy pa rin hahahaha.

    Wala ka pa ring kakupas-kupas, tama ka, dapat papag-initin ang pagmamahalan kahit mga gurang na hahahaha.

    Happy weekend.

    ReplyDelete
  10. Reena- hindi ko pa na experience mga yan no hahaha

    blogusvox- ok yan mga tips mo hehehe, tama nga kelangan himasin mo muna si hubby bago ang kung anu-ano pang hobby mo hehehe

    wait- thanks for visiting sige try mo lol

    Pope- minsan din hindi rin ako makapgcomment sa ibang blog, ok lang kahit huli basta nandyan ka lang hehehe

    ReplyDelete