-----------------------------------------------------------------------------------
Monday, September 28, 2009
HULA SCOOP: Ano Mang Bagyong Dumating Sa Inyo
-----------------------------------------------------------------------------------
Thursday, September 24, 2009
HULA SCOOP: Maging Mahinahon.....

HULA: Maging mahinahon sa mga maririnig mo sa ibang tao. Masakit pero minsan totoo. Pumikit ka na lang para di mo marinig hehehe
SCOOP: Mahirap maging mahinahon kung ang bawat salita na marinig mo ay lumalatay sa katawan mo. Katulad na lang ng mga salita na binigyan ko ng kahulugan. Mga salita na “gamit” o “kagamitan” pero pag nabasa mo ang kahulugan ay nagiging pang-uri (adjective)ang mga ito, masasabi natin na nagiging uri na ng tayutay. Sa palagay ninyo anong uri ng tayutay ang mga salita na ito?:
Aparador- tawag sa mga nanay na walang hinto sa paglaki ng katawan
Bariles- namimilog at lumalaking katawan ng babae o maging ng lalaki
Tingting- payat na tao na pwede nang gamitin sa pagwalis ng dumi sa bahay
Sandok- taong may mahabang mukha na animo’y pwedeng gamitin sa pagsalok ng sabaw
Patpat- taong walang pag-asang tumaba at pwede ng ipanghampas sa mga bangaw na umaaligid sa bahay
Palito- tao na animo’y wala ng laman sa katawan at pwede ng gamitin pansindi ng posporo
Uling- maitim na tao na akala mo napabayaan masunog sa kusina; mga ngipin, palad at talampakan lang ang tila di nasunog
Band-aid- ahhhh band aid lang pwede ng isuot di na kailangan ang bra hehehehe
Kahulugan:
Tayutay- tawag ng isang anak sa kanyang ama na nakahandusay sa sahig dahil sa kalasingan, "tayutay! tayu" hehehe
Saturday, September 19, 2009
HULA SCOOP: Gaganahan Ka Sa Iyong Ginagawa

HULA: Gaganahan ka sa iyong ginagawa. Kung saan ka man ganado, pagbutihan mo yan.
SCOOP: Kapag nararamdaman mo na ginaganahan ka sa isang ginagawa mo, huwag mo nang papalagpasin pa. Gawin mo na.
------------------------------------------------------------------------
Mukhang ginaganahan nga ako ngayon, umaandar ang radar ko para magkaroon uli ng hula. Kaya eto ang naisip ko ngayon, ang tagalugin ang mga sikat na quotes sa mga taong humulma ng ating kasaysayan.
MGA QUOTES NILA AT KWOTS KO:
1. "When it is obvious that the goals cannot be reached, don’t adjust the goals, adjust the action steps"- Confucius
"Kung di mo kaya, huwag kang pasaway"- Sards Shoes
2. "Whether you think you can or you can’t, you’re right!”- Henry Ford
"Kung alam mong mali, tama ka."- Sards Toyota
3. "It is better to remain silent and be thought a fool than to open one’s mouth and remove all doubt."- Abraham Lincoln
"Huwag kang magsalita kung tatahimik ka lang." - Sards Lingkod
4. "Never give in, never give in, never, never, never, never - in nothing great or small, large or petty - never give in except to convictions of honour and good sense."- Winston Churchill
"Huwag bumigay kaagad, huwag na huwag, sabi ng huwag eh, wala ng pero-pero" - Sards Chapelhill
5. "If a man will begin with certainties, he shall end in doubts, but if he will content to begin with doubts, he shall end in certainties."- Francis Bacon
"Huwag kang maniniwala kung magdududa ka rin naman dahil kung magdududa ka hindi ka rin naman maniniwala.- Sards Tocino
6. "When one door of happiness closes, another opens; but often we look so long at the closed door that we do not see the one which has been opened for us."- Hellen Keller
"Kung sarado ang kanyang kaligayahan, magbubukas din yun. Tinititigan mo kasi ang sara eh meron naman tumitiwangwang para sa atin."- Sards Killer
------------------------------------------------------------------------------------
Pakibasa pa.......
PAUNAWA: Ang mga salin na salita ay binungkal ng may akda sa kanyang mababaw na pananaw kaya patnubay ng isipan ang kailangan. Huwag asamin na magkatugma ang ingles at ang pagsa sa tagalog.....asa ka pa.....si Sards pa??? Ako Pa???
PASALAMAT: Ang unang quote ay galing kay Confucius (syempre) pero pinost ng prend ko sa kanyang facebook's status kaya nagkaroon ako ng inspirasyon na isalin ang iba pang quotes dito sa hulascoop ko. Salamat Jazz, my prend (sana lang nagbabasa siya nito).
LARAWAN: Nabanggit ko sa hula ang facebook, ang larawan na yan ay kinodak ko at pinost ko sa facebook ko....yan lang ang naiisip ko na pwede kong iugnay sa hula ko hehehe
Tuesday, September 15, 2009
HULA SCOOP: Madali kang matatanggap ng ibang tao
HULA: Madali kang matatanggap ng ibang tao maging sino ka man lalo na kung malaki ang iyong hinaharap….na pangarap sa buhay.
SCOOP: Marahil nabasa nyo na siguro ang isang joke na naglipana sa mga email ninyo tungkol sa isang babaeng nag-aapply ng trabaho. Naisip ko lang na isalin ito sa tagalog yun nga lang medyo naiba yata ang pagkakatranslate ko. Kaya eto na, kayo na humusga:
-----------------------------------------------------------------------------------------
Ser deer
Nais q pong mg aply ng trbho bilang sixytary ninyo na nkita ko sa nwspipr. Mgaling po aQ pumindot, kahit 1 finger lang makktapos kaagad po ako sa acconteng…magcount 1 to ten lang, basta count to ten lang ng count to ten.
S tingin q po mgaling din po aq khit sa fon lang, nkktpos din po aq dun, dhil ako’y mhilig talaga . Ang mga tao ngugus2han nila kaagad aq ewn q po ba qng bkit.
Gus2 q pong mging sexytry nyo pro ayaw q nman na mhihirapan ako.
Psensya na po sa ispeling at txt shortcut po lang ang alam q, pero mdlas nattnggap kgad ako bcoz of my pirsonlity. Aq ay laging open kaya pwedeng daanin sa maboteng uspan ang byad na sa tngin nyo po ay spat sa ggwin q s inyo.
Pwede po aqng mgsimula ngaun. Tnk u n advnce 4 ur answer,
Ang pee nakamagaling na mag aply sa lahat
Tapat na po,
May Bigpee Satililing
PS
Maikli lang ang resimay ko kaya nglgy n rin aq ng pix q

Sagot ng magiging amo:
Dear May Bigpee,
Ok lang iha, sanay naman ako magbasa ng text messages punta ka na kaagad dito at rerentahan kita.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Original version:
Deer Sir,
I waunt to apply for the secritary job what I saw in the paper. I can Type real quik wit one finggar and do sum a counting.
I think I am good on the phone and no I am a pepole person, Pepole really seam to respond to me well.
Im lookin for a Jobb as a secritary but it musent be to complicaited
I no my spelling is not to good but find that I Offen can get a job thru my persinalety. My salerery is open so we can discus wat you want to pay me and wat you think that I am werth,
I can start imeditely. Thank you in advanse fore yore anser
hopifuly Yor e best aplicant so farr.
Sinseerly,
Peggy May Starlings
PS : Because my resimay is a bit short - below is a pickture of me
(pareho picture sa taas tinamad na akong magdownload eh hehehe)
Employer's response:....
That's OK honey, we've got spell check, you just come on in and we'll hire you.....
Thursday, September 10, 2009
HULA SCOOP: Mag-iisip Ka ng PAg-iisipan Mo

HULA: Mag-iisip ka ng pag-iisipan mo, pero di mo pa rin maisip kung ano. Baka kasi nagdadalawang isip ka lang, pag-isipan mong mabuti yan at baka maisip mo rin kung bakit ka nag-iisip.
SCOOP: Bakit nga minsan isip tayo ng isip pero wala naman tayong maisip? Di ba? Korek ba ako dyan? Isang palakpak naman diyan hehehe. Klap!
-----------------------------------------------------------------------------------
Kakaisip ko ng hula scoop ko ay naisip ko tuloy na mahigit na isang taon na pala kami sa Japan (sasabihin ko pa sana na 14 months to be exact pero wag na lang kasi wala namang nagtatanong) ....kaya ayun....malas n'yo yan ang paksa ng aking hula ngayon.
Anu- ano ba ang nalaman at natutunan ko dito sa Japan:
1. matatandang kuba- tabi-tabi po pero unang salta ko palang dito napansin ko na marami sa mga lolo't lola ay .....mga kuba, so nagsaliksik ako, tingin dito tingin doon, silip dito silip doon, kodak dito kodak doon. Ayun nalaman ko na tuwing papasok kami sa restaurant o kahit sa mall, lagi na lang sila bow ng bow sa amin kahit di ko sila maintindihan, pag nagbayad ako...bow, pag pumasok ako sa store...bow, pag mag-oorder ako...bow, pag-aalis na kami......bow pa rin, sobrang galang nila pala. So sabi ko sa sarili ko hinding hindi ako magba bow sa kanila, nevah! ayokong maging kuba! hehehe
2. paatras- natuto na rin akong magpark ng sasakyan ko na paatras, dati puro ako pasulong sa pagpa park hehehe. Di ko alam kung bakit kailangan ng mga Hapon na ito na magpark na paatras......sa sobrang kipot kasi ng mga daan siguro dito, pero may kinalaman ang physics dyan eh hehehe....physics lang ang katapat!!! physics!
3. tip- ang kainaman dito sa Japan di na kailangan mag tip, pag kakain sa mga restaurants, aba maraki rin ang natitipid ko, ang tanong bakit ayaw nila ng tip??? basta masaya na ako na di ko na kailagan mag tip. Pang iinsulto yata aang magbigay ng tip. Teka alam ko sinabi sa amin ang dahilan eh hmmmm di ko maisip eh saka ko na sasabihin sa inyo pag naisip ko rin.
4. lapad (pakibilis ang bigkas)- nakita ko na rin ang tinatawag ng mga Japayuki na lapad, bakit ang 100,00 yen lang ang tinatawag nilang lapad pero lahat naman ng pera ng Hapon ay pare-pareho ang sukat at kalalapad??? basta ako yen pa rin ang tawag ko...100, 000 yen! (~$100)
5. nihonggo- kapag kinakausap ako ng Hapon ng nihonggo o Japanese, nakangiti lang ako palagi at sabay sabi na "wakarimasen" (medyo pacute pa ang banat ko niyan) ang ibig sabihin nito "hindi kita maintindihan" pero sa isip ko talaga ( tumahimik ka, di kita maintindihan!") at sa ingles...."shut up" hehehe
6. ahas- pers taym kong makakita ng ahas na nakipagtitigan sa akin as in nakipagtitigan talaga, pagbukas ko ng pinto namin bumungad siya sa tapat ng bahay namin mga limang dipa ang layo sa akin, papunta yata sa garahe namin galing sa front yard namin na bukid hehehehe.......waaaaa, ang ahas lang na nakita ko noon eh yun mga nakadisplay sa zoo hindi naman nakikipagtitigan mga yun katulad ng nakita ko dito....ganun kaya ang mga ahas na Hapon o Japanese snake? hehehe, tinagalog ko nga eh kaya umalis din bumalik sa bukid, siguro sabi niya "wakarimasen!" hehehe
7. tunnel- karamihan ng mga tunnel dito ay binutas ang mga bundok para mas mabilis ang paglalakbay, napa isip lang ako na parang wala yata nito sa Pilipinas, hmmm sa palagay ko nakakatakot magkaroon ng ganitong tunnel sa atin, kukurakutin ng mga gobyerno ang mga materyales at kapag lumindol baka matibag pa mga ito dahil sa kulang sa pundasyon, lam mo na, kulang sa lahat kasi nadagdag sa bulsa ng iba.....hay naku mabuti na lang pala at wala sa atin nito.....ayoko ngang matrap sa tunnel 'no at ayokong mamatay na matatabunan lang pala ako ng mga bato....nevah! ayokong maging rebulto no!

ayan tama na yan.....dami ko palang naisip! salamat may isip pala ako hehehe
PAHABOL: Pagkatapos ng isang taon nalaman ko na hindi pala sa pag bow ang dahilan ng pagiging kuba ng mga matatandang Japanese, eto tingnan ninyo ng husto ang larawan na ito....wag mo titigan ang monitor ha, iklik mo kaya ang picture para lumaki

Tuesday, September 8, 2009
HULA SCOOP: Maghihintay Ka Sa Wala
SCOOP: Wala nga
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
bukas na lang....wala talaga eh hehehe
.
.
.
.
.
.
.
.pasensiya na po busy lang, babawi na lang uli
Wednesday, September 2, 2009
HULA SCOOP: Maaalala Mo Kung Anu-anong Bagay Ang Mga Nangyari Sa'yo

HULA: Maaalala mo kung anu-anong mga bagay ang mga nangyari sa'yo nang nagdaang taon. Hayaan mong sariwain mo ang mga matatamis mong mga nakaraan, maaaring makapagpakilig sa iyo at ganahan ka sa araw na ito. Kung anong gana, di ko alam kung saan, bahala ka na do'n.
SCOOP: Minsan habang lulan ka ng sasakyan at binabagtas mo ang kahabaan ng daan ay marami kang naiisip at naaalala mo ang mga nakaraan na nakapagpabago sa'yo ngayon (kagaya na lang ng nasa larawan, naks naisingit din hehehe). Naalala ko tuloy itong napulot ko, isang diary notes, isang babae na isinulat ang lahat ng nilalaman ng kanyang puso.....ang problema may pagka forgetful siya at naiwan niya sa upuan sa isang restaurant, kaya eto binabahagi ko sa inyo. Ssssh wag niyong ipagkakalat ha, atin-atin lang to hehehe.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dear Diary......(tililing tilling may kuliling)
June 1, 2008
Huwag mong hayaang mawala
at huwag mong hahayaang makaalis, alam ko ito at dapat lang na malaman ko
alam mo naman kung saan lumalabas ang galing ko......
June 23, 2008
Minsan pag nagdidikit ang ating mga katawan
Nababasa ako sa'yo....para ka kasing isang malawak na karagatan
Mabuti na lang nahuhugot mo sa takdang oras
huwag mo ako hayaang malunod at patuloy na pumaibaba sa'yo, dahil sa'yo kaya nasasabi ko ang lahat ng 'to
July 6, 2008
Eto nandito na naman ako nawawala sa sariling bait
Lagi na lang binabanggit ang pangalan mo, gusto ko kasi maipamukha sa'yo
na hindi naman tama na tumitig lang sa'yo
at hayaan isipin na ang lahat ng mga bagay......ay ikaw ang lahat ng mga yun
July 31, 2008
Kung anuman ang masabi at lumabas sa aking bibig
Dapat ngang sabihin ko na sa'yo kung bakit,,,,,uulit- ulitin kong sasabin ang katotohanan na....
sabihin mo sa akin na dito ka na lang lumagi.
Huwag ka naman labas masok lang na lagi mong ginagawa, minsan naman umindayog ka ng kagaya ng ginagawa ko
Oohh- ohh gusto kong malaman ang lahat sa'yo
Walang gamot dito at walang katiyakan kung kailan
Na ang lahat ay bigla na lang nagbago, lumabas lahat
Nagbigay tuloy sa akin ng pagdududa nakakapagod din
Parang wala na akong gana nagtatalo na ngayon ang ulo at puso ko
Wala na rin akong katuwiran, nawasak na
At ngayon naging maasim na ang lahat
Na dating matamis kada hapon
Sabihin mo naman ng mag-iistay ka, huwag naman na basta ka na lang papasok at lalabas......
September 2, 2009 (ngayon)
Sards; Ano kailangan ko pa bang ituloy? Wala na po tapos na, kasi Sept 2, 2009 na ngayon hehehe. Kailangan ko pa bang sabihin sa inyo na tinagalog ko lang po ang lyrics ng "sway" na kinanta ni Bic Runga, na kinanta rin ng MYMP na theme song ng American Pie??? hehehe kung di ninyo alam yun kanta na yan, eto baka mapa indak ka pa hehehe.....at baka kantahin nyo na rin yan sa karaoke ninyo hehehe.