Sunday, August 16, 2009

HULA SCOOP: May Mga Katanungan Ka


HULA: May mga katanungan ka na minsan di mo masasagot kung hindi ka mag-iisip ng paraan. Hala mag-isip ka naman!

SCOOP: Alam niyo tama yang hula ko eh (syempre! ako pa... hahaha), may mga katanungan ako na hindi ko talaga masagot kaya si pareng google at si mareng yahoo lang ang katapat pero minsan mahirap hanapin ang sagot sa kanila lalo na kung wala akong tiyaga kaya ayun tinanong ko na lang ang anak kong panganay para mas madali hehehe.

----------------------------------------------------------------------------

Nang wala pa akong ginagawa sa aking bagong trabaho, marami akong naisip na kaisip-isip at napag-isipan ko .....(hehehe daming isip yan) na kung ang mga tao ay may iba-ibang salita siguro pati mga hayop din. Hay malamang epekto ito ng kakalaro ko ng farm town sa facebook. May mga hayop din kasi sa farm town, s'yempre bukid nga eh.

Kaya ayun tinamad akong magtanong kina pareng google at kumareng yahoo kaya sa anak kong nag-aaral ng Japanese ako nagtanong. Salamat sa kanya at nasagot niya ang mga Japanese na salita na di ko alam.

Kaya nang masagot niya ang mga tanong ko ay nabuo itong hula scoop ko ngayon:

mga salita ng hayop:

pusa:
US: "meow"
Pilipinas: "ngiyaw"
Japan: "nya nya"

aso:
US: "woof woof"
Pilipinas: "aw aw"
Japan: "wan wan"

manok:
US: "cock-a -doodle-doo" (ang haba naman???)
Pilipinas: "tiktilaok"
Japan: "kokekokko"

Ayan, di ko na hinabaan p,a sa sobrang dami ng hayop sa bukid eh yan lang ang kinaya kong alamin.

Hay kahit pala ang mga hayop iba rin ang mga salita nila kung saan man dako ka mapadpad. Sa Saudi, Dubai, China, Singapore, Australia ay ano kaya ang mga salita nila??? Hmmmm kayo natanong nyo ba yan???

Eto pa may naisip na naman ako, paano kung nagdala ako ng pusa sa US at ngayon nga napadpad na kami dito sa Japan at dala ko rin ang pusa ko (kunwari lang naman), paano kaya magligawan ang mga pusa??? Hula ko lang naman ito:

Nagliligawang Pusa:

Lalaking Amcat (amerikanong pusa): "now??"
Pakipot na Hapcat (hapon na pusa): "yoko"
Go na go na Pincat (pinay na pusa): "now na!!" hehehehehe (ala Kris Aquino pa siya!)

Alam ko may kwento pa sa mga hayop sa bukid eh pero....baka alam niyo na ang kwento na yun kaya yan na lang hehehe.

UKOL SA LARAWAN: Ang larawan na nasa itaas ay kuha ko sa Pilipinas, mga pusa ng ate ko yan. Only in da Pilipins na kumakain ang mga pusa ng McChicken....dahil sa US at Japan wala namang McChicken hehehe...only in da Pilipins talaga.

13 comments:

  1. Hayaan mo't ire-research ko kung paano sa Arabic ang miyaw ng pusa, kahol ng aso at tilaok ng manok.

    Farmtown sa Facebook? Hay naku, hindi ko makuha kung paano nilalaro. I'm sure ung mga itinanim ko before, patay na lahat. Hindi ko na kasi dinalaw ang farm ko e. Nakakapag-init ng ulo. (hehehe).

    ReplyDelete
  2. Hehehe :D may iba iba rin palang salita ang pusa enoh...salamat sa info :D

    ReplyDelete
  3. may award ka sa pahina ko, bilang pagsuporta sa KaBlogs :)

    ReplyDelete
  4. natawa ako sa jokes mo ngayon... like na like ko sya talaga! hahahahaha! now na!!!

    ReplyDelete
  5. hahaha..oo nga. bakit nga ba may ibang sound yung animals sa ibang bansa? iba din language nila. ...

    galing ng pincat ah! lol

    ReplyDelete
  6. hahaha, alam mo love na love ng PEBA ang cat, eh we get rid of our cats nung nagbuntis na si Mrs. Thoughtskoto. Now, as we look for a persian cat, tumataginting na 300USD ang bawat isa.

    Haha, miyow pa rin sa Saudi eh.

    Congrats pala sa Kablogs Awards! Most Funny Blog!

    ReplyDelete
  7. nebz- sige iresearch mo ha kung ano ang ngiyaw, kahol at tiktilaok sa Saudi hehehe...teka nasan na yun mga stamps ko? hehehe; malamang wala kang tyaga talaga sa farm hehehe, ok lang yan kahit asawa ko wala rin tyaga eh

    LordCM- oo meron ngang iba-ibang salita rin kahit ang hayop no hehehe, uy salamat sa award, nabigla nga ako eh as in........ayun shock talaga ako hehehe

    AZEL- you like???? hehehe now na! salamat

    Reena- oo nga eh bakit iba-iba ang salita nila pero pag pinapakinggan ko naman eh ganun pa rin ang dinig ko hehehe

    Mr. Thoughts- sigurado ka miyow pa rin dyan?? baka naman yun lang ang dinig mo hehehe, ang mahal naman ng persian cat dyan, eh yun arabian cat baka mas mura hehehe

    ReplyDelete
  8. Nga pala,baka mejo ma-late ung reply sayo ng award at uwian na ng mga taga Dubai lolzz tpos na working hours nila pero baka sipagin pa sila pagdating sa bahay,nagkataon taga Dubai ang taga reply sa awarding eh...hintay lang ah :)

    ReplyDelete
  9. salamat kahit late pa yun ok lang hehehe, masaya na ako nyan....syanga pala natanggap ko na rin di ko palang naipopost at nag-iisip pa ako ng hula ko hehehe

    ReplyDelete
  10. dagdag ko lang puro mandarin nga lang

    pusa - miao

    dog - waf waf

    cow - mer mer

    duckling - ka ka

    chick (siguro pati chicken) - tzi tzi

    wag mo na tanungin kung bakit ko alam! hahaha!

    at nagutom ako sa mcchicken, ala nyan dito eh! hehehe!

    ReplyDelete
  11. ganyan talaga salita ng pusa sa Japan? kung ganun.. ang kyut! hahaha! gusto ko ng pusang Japanese! ahaha

    ReplyDelete
  12. syel- thanks ang galing mo pala sa chinese huh, yun cow kakatuwa mer mer hehehe....gusto ko pa rin itanong kung bakit mo alam ang mga yan? nagtanong ka ba kay google at yahoo? hehehe

    choknat- sige bibigyan kita pag may napulot ako dito hehehe kaso di kumakain ng may tinik na isda yun puro fish fillet lang as in sushi hehehe

    ReplyDelete
  13. you are so funny..thanks for the laugh

    ReplyDelete