Sunday, August 2, 2009

HULA SCOOP: May Maaalala Ka Na Lang Bigla


HULA: May maaalala ka na lang bigla, malamang ang tao o mga taong naging bahagi ng buhay mo dahil..... wala kang magawa.

SCOOP: Kung minsan may pagkakataong matatawa ka na lang bigla sa sarili mo na para kang sira, dahil siguro sa naalala mo ang taong minsan nagpasaya o kahit pa nagpahirap sa'yo....di ba? tama o mali?

------------------------------------------------------------------

Mahirap kapag walang ginagawa sa trabaho lalo na pag nagsisimula ka palang, nabilang ko na ang lahat ng taong nagdaraan sa hallway at nabilang ko na rin ang mga langgam na kumakaway sa akin habang pabalik-balik sa dingding na kanilang nilalakaran. Hmmm kaya ayun bigla ko na lang naalala ang naging titser ko na naging parusa ng college life ko pero naging katawa-tawa pag naalala ko siya, hmmm nasaan na kaya siya? Kung nasaan man siya....sana nandoon pa rin siya hehehe.

Isa sa mga kinatatakutan o "kinawiwirduhan" na instructor sa amin noong kapanahunan ko sa Mapua ay si Mr. Sison o si Sison ika nga ng iba (isa na ako dun hehehe). Hindi raw kumpleto ang stay mo sa Mapua kapag hindi mo siya naging instructor. Bakit kaya??? Kasi....

1. Naglalakad siya ng patalikod sa hagdan, baka raw kasi may tumulak sa kanya.

2. Ginuguhitan niya ng chalk ang bawat madaanan niyang wall para hindi raw siya maligaw pagbalik hehehe.

3. Sobrang talino kaya galit kay Isaac Newton kaya lahat ng unit namin na Newton sa subject niyang Strength of Materials pinalitan niya ng "Killton" gusto raw niya kasing patayin si Newton (hello patay na siya no!!) Kaya pag Newton o "N" ang nilagay mo sa sagot mo sa test (sa unit ng force) siguradong mali ka na! Dapat "K" as in Killton. Hay huwag niyo na tanungin sa kin paano na yun kilogram hehehe nalimutan ko na yun symbol nun sa subject niya, dami niya kasing pinalitan!

4. Bawal ang negative sign sa kanya dapat ang symbol ng (~) ang ilalagay mo yan ang negative sign niya.

5. Pinapatay ang upos ng sigarilyo kapag nasa loob na ng klase namin at binabalik ang natirang sigarilyo sa beltbag niya na suot suot niya habang nagkaklase, malamang gagamitin pa niya yun tirang yun.

6. Ang style niya sa pagsuot ng barong ay naka tuck in sa harap dahil nandun nga ang beltbag niya syempre yun likod tuck out.

7.Ang quiz namin ay laging "take home" pero hindi kami makapagkopyahan dahil lahat kami iba-iba ang sagot. Ang sagot kasi naman laging 4 decimal places from the right of decimal point. Yun tipong ang sagot ko ay 1.2345 at ang katabi ko naman ay 1.2352 kapag mali ang isang number mali na. Kasi nag assign pa siya ng seat number at ateb number (baliktad ng beta) doon nagkakatalo ang mga given numbers namin sa quiz. Hayy nakakahilo, basta ganun wagnyo na isipin yun hehehe.

8. Napakanta namin siya ng "Silent Night" (with matching actions huh) sa klase pero hindi namin naintinidhan, German version yata ang kinanta niya kasi kamukha niya si Hitler hehehe.

9. Lahat kami hindi namin maintidihan ang turo niya, may sariling style pero tama naman, galit sin sya sa author ng isang libro ng strength of materials (nalimutan ko na name ng author) kaya lagi niyang kinumpara ang method niya dun sa libro, mas maikli nga sa kanya pero....hello di pa rin namin siya magets.

10. Minsan lang ako makakuha ng mataas na grade sa Mapua na yan, sa kanya pang subject! Ako ang highest sa klase pero wala akong naintindihan at di ko rin alam kung paano ko napeperfect ang quiz niya??? Siguro sa sobrang takot na bumagsak hehehe. Ang nakakahiya pa, tinawag pa ako sa klase at pinakilala na ako ang highest tapos uutusan lang pala niya ako na pumunta sa harapan para icheck at sabihin sa kanya kung ang bawat kaklase ko ay may permit, ang sasabihin ko lang daw, "yes." (grabe hiyang hiya talaga ako nun!!! shy type pa naman ako....ngek....noon yun hehehe). Di ko alam kung magmamalaki ako sa nakuha kong grade o ikahihiya ko hehehe kasi hindi deserving wala akong natutunan (as in wala!!), pattern lang sa lecture ang ginawa ko sa quiz para makapasa hehehe....ika nga resourceful pero hindi smart. Ayun...yun lang, ang weird niya di ba??? Oo na lang kayo!

UKOL SA LARAWAN: Ginuhit ko ang larawan na yan, habang wala akong ginagawa sa aking munting opisina. Pagpasensiyahan n'yo na ang drawing ko, hindi ako magaling pero ganyang-ganyan talaga ang mukha ng titser ko hehehe, yan lang tumama sa mga drawing ko. Wala yun sapatos niya kasi hawak-hawak niya sa likod, nakatupi yun pantalon kasi baha, ganyan hitsura niya nang masalubong ko siya sa underpass ng cityhall, bitbit ang sapatos.

12 comments:

  1. Para sa akin, mas nagpapaalala yung mga taong nagpasaya sa akin. Pilit kung binabaon sa limot yung ilang tao na nagbigay sa aking ng alta presyon.

    ReplyDelete
  2. Pero love mo sya Sards. Paano kasi hindi mo sya nakalimutan: ang style nya at ang kanyang mukha. Hehehe.

    I bet hindi mo na mai-drawing ung iba mo pang teachers dahil they didn't leave an impression to you as much as Mr Killton (este Sison pala) did.

    Therefore, I must conclude (me ganun?!) na he's a one hell of a character!

    ReplyDelete
  3. What a character your prof was! Hmmm comes to mind some of my own prof in college--daming weirdo!

    Anywaya nice of you to recall those years---homessick ka na ba talaga heheh?

    Galing mo palang mag drowing---may sense of humor hahhaha---Joke lang ha?

    ReplyDelete
  4. Yung mga sumunod na generation sa akin, most of them ay graduate ng Mapua, at natatandaan ko isa itong si Singson sa mga "weird" professors sa school and one of the funny story I remember (I am not sure kung si Singson din iyon, their prof ay nagtatago sa ilalim ng lamesa near the blackboard, at kapag dumating na ang mga students sa loob ng room ay bigla na lang syang lalabas mula sa pinagtataguang lamesa hahahaha, gusto raw nyang malaman kung sino marinig kung may nagsasabi ng masama laban sa kanya hahahaha.

    Marami talagang wierdo na Prof, dala siguro ng sobrang talino nila hehehe.

    ReplyDelete
  5. Naman! Totoo ba 'to Sardonyx?! Hahaha! Ayos 'tong si Mr. Singson, ah. Nakakaaliw ang kwento niya, parang gusto ko tuloy siyang maging professor.

    ReplyDelete
  6. natatawa ako Sardz, lalo na yung bumababa ng hagdan ng patalikod kasi baka may tumulak sa kanya, hahaha.

    Hay naalala ko ang college days ko sa MSU. 37 units in one semester, at may mga instructor na ang tawag namin Terror. Kasi ba naman kung hindi 3.0(pasang-awa) ang grade mo, segurado, 5.0 (bagsak) ka!

    nice, napasaya mo na naman kami. Matindi din pala sa mapua...ay matindi talaga dun!

    ReplyDelete
  7. Sardz, nakalimutan mo yung volkswagen nyang may "stove" sa likod at yung libro nyang hindi na-approban ng DECs dahil sya lang ang nakakaintindi.

    Yes! ganyan sya ka sikat. Hindi sya "terror". Pagtuntong mo sa klase nya, 3.0 kaagad ang grade mo. Bahala ka kung gusto mong itaas pag katapos ng semestre.

    ReplyDelete
  8. nomadic- tama ka dyan, mas magandang alalahanin ang mga taong nagpsaya sa'yo kaya siguro di ko malilimutan si Sison hehehe

    nebz- may tama ka! hehehe labs ko nga siya kasi pinataas niya ang GPA ko hehehe, di ko malilimutan yun mukha niya kasi parang caricature ba hehehe madaling idrawing kasi may eyebags hahaha

    dennis- oo weird nga sya hehehe kaya kilalang kilala sa school at kahit yata sa ibang school pa, yun drawing ko eh may sense of humor talaga yan hahaha, sa drawing palang matatawa ka na di ba? hehehe

    Pope- parang si Sison din nga yan nagtatago sa lamesa, sa sobrang daming kawirduhan na ginawa niya hindi ko na naalala ang iba pero sa klase namin hindi niya kasi yan ginawa. Ganun yata pag masyadong matalino

    RJ- naku maraming ayaw maging instructor siya pero wala kaming choice kasi sa ibang subject nagtuturo din siya hehehe....baka isumpa mo ang araw na ginusto mo syang maging prof hahaha

    Thoughtskoto- MSU ka pala, parang pareho din sa amin, pag under ka sa terror tres ka na kagad nga o singko hehehe, kaya ako maraming tres, at least pasang awa, kakainis lang ang pangit sa report card hehehe

    blogusvox- aba at may alam ka rin palang kwento kay Sison hehehe di ko nga alam na may stove pala siya sa volkswagen niya hahaha....at meron pa siyang article minsan sa school paper namin,ini explain nya yun isang formula kung paano nya naderive pero hindi talaga namin maintindihan hehehe, tinatawanan na lang siya tuloy...pero nakakatuwang isipin kahit ibang school alam ang kwento tungkol sa kanya hehehe kagaya mo

    ReplyDelete
  9. hahaha...ang ganda ng drawing mo. and ramdam na ramdam ko yung mga experience mo kahit na hindi ako taga-mapua. nakaka-relate ako kasi may mga ganyan din akong propesor dati, pero surprisingly hindi mga arki prof ko.

    masarap balikan mg ganyang kwento. nakakaaliw..

    ReplyDelete
  10. Reena- thank you kahit alam kong katawa-tawa talaga ang drawing ko hehehe pero yun naman talaga ang punto ko ang maging katawa-tawa hehehe...nag-iisa lang yata yan sa school namin that time kakaaliw nga ;-) hehehe

    ReplyDelete
  11. Dear Sardonyx,
    Thanks a lot pinatawa mo na naman ako.. Grabe ka talaga effective palagi.. comedy with sense.. ang galing mo talaga.. pls keep it up..

    ReplyDelete
  12. Ate Loida- thanks din at kahit paano ay napatawa kita...gamot yan sa flu hehehe, take care

    ReplyDelete