Wednesday, August 19, 2009

HULA SCOOP: Mapapansin Ka Rin Ng Iba


HULA: Mapapansin ka rin ng iba kahit gaano ka pa tagal naghintay, ang mahalaga napansin ka nila. Ang masakit pag nagpapacute ka na ni anino ng lamok at yapak ng langgam ay di mo man lang nakita.

SCOOP: Yehey napansin din ako! hehehe. Salamat sa lahat ng bumubuo ng Kablogs team at nabigyan ako ng parangal bilang "funniest blog" sa karamihan ng mga OFWs. Mabuti na lang at hindi "corniest blog" ang pinangalanan at pumasa pa ako sa funny blog. Kaya sa lahat, maraming maraming salamat po uli! HIndi ko na kayo babanggitin na isa-isa (hmmm feeling artista ako ah hehehe) at baka may malimutan pa ako.


---------------------------------------------------------------------------

Nasabi ko na dati ang "speech" ko nang ako ay naparangalan ng mga kablogero ko, pero "S-P-E-E-C-H" as in "speech!!!" lang sinigaw ko noon, hayaan n'yo naman akong makapagbigay ng maikli pero malaman na mga quotations ko:

Sard's quotations: (hay nalimutan ko na tagalog ng quotations, pasensiya na ninenerbyos ako sa award ko e naku araw ng wika pa naman ngayon)

"Ang buhay ay parang gulong, minsan para kang sinisilaban ng apoy at minsan naman para kang bato sa tigas....kaya nga may "fire stone."

Teka ano naman kinalaman nito sa napanalunan ko? Di ko rin alam eh pero isa pa, pagbigyan n'yo na ako:

"Ang buhay parang gulong talaga, minsan mabuti ka, minsan feeling mo rich ka at minsan feeling mo ok talaga ang may boyfriend, kaya ba may BF good rich?"

isa pa pwede?

"Ang buhay ay gulong na gulong (mabilis ang bigkas ha) talaga, minsan ang buo mong taon ay napakabuti para sa'yo, kaya pasalamat talaga ako dahil ako ay nanalo! "good year" talaga ang 2009 na to!"

BOW!


Sa mga kapwa ko awardee congrats sa inyong lahat mapa OFW o mga kababayan natin sa Pilipinas.......manigas kayo! (You rock! hehehe) Congrats uli!

PAHABOL: Sana pagkatapos kong ipost ito ay hindi bawiin ng kablogs team ang award ko dahil sa kakornihan ko ngayon hehehe.

---------------------------------------------------------------

14 comments:

  1. Hehehe :D You deserve it, kaaga aga napatawa mo na naman ako, kulit ng mga kowt lolzz

    ReplyDelete
  2. panu kea maging active sa mga ganyan..heheh

    ReplyDelete
  3. hahahaha... bagay na bagay talaga sayo ang Award na yan..

    continue making us laugh...
    kahit kakatawa... kadalasan naman sapul ang entries mo. that is your trademark na sa blogosphere Sards.

    "malungkot ka?"
    this way please.... http://hulascoop.blogspot.com/
    sigurado tanggal ang lungkot mo...

    kitams!

    CONGRATS!

    ReplyDelete
  4. Ako talaga natawa, gulong ang topic ngayon! hahaha

    Okay, Firestone, BF Goodrich, and Good Year...

    hahaha, vulcanize one, meron?

    para akong temang tawa ng tawa mag-isa sa office ko.

    Congrats sa award, you deserve it! Keep it up! We love Sardonyx, actually may plan pa nga ang kablogs sa post mo, ano ba yun, i-rss yata. hehehe

    tsikret muna...

    ReplyDelete
  5. CM- tenk u at hindi nyo binawi yun award hehehe

    lycloer- kelangan ipopost at ililink mo ang banner ng kablogs sa blog mo at baka mapasama ka rin sa manominate

    choknat- salamat, madalang ka ng dumaan dito, kumukunat ka na yata sa pagdalaw sa kin hehehe

    AZEL- ganun ba? sapul na sapol? hmmmm next time bola na man at hindi gulong hahaha binigyan mo ako ng idea eh, salamat at natawa ka kahit paano hehehe

    Mr. Thoughts- vulcanize? hmmmm pag-iisipan ko pa yun mahirap yata pero baka mapunta sa kaberdehan ang isip ko e hahaha, thanks sa award

    ReplyDelete
  6. congrats! super deserving ka naman mabigyan ng award. lahat yata ng bumibisita dito napapahalakhak mo eh. mabenta ka talaga!

    ReplyDelete
  7. Wow ang galing naman ng aming Tita Sardonyx nanalo bilang funniest blog heheheh. Well deserved talaga dahil tuwinang ako'y mapapadaan sa blog mo ay nagiging sira-ulo ako tumatawa mag-isa sa harap ng kompyuter heheheh.

    Ayos ka talaga, inuman na hehehe.

    ReplyDelete
  8. You deserve it Sards as in hands down ako sa pagkapanalo mo. In fact sa tuwing nalulumbay ako ikaw ang una kong dinadalaw dahil alam kong matutuwa ako at matatawa sa yo. Bagay talaga sa u ang "best funniest award" (tingnan mo naman huh, best na, funniest pa!).

    congratulations ulit. padating na ang stamps mo. promise.

    ReplyDelete
  9. syel- salamat kahit paano nabebenta ako hahaha

    dennis- natawa naman ako at tita na ang tawag mo sa akin hehehe, salamat kahit paano ay natatawa ka kahit mag-isa ka pa....toma muna hehehe....kampay!

    nebz- naku ha, best na funniest pa hehehe, dapat siguro bestest hehehe ay teka about sa stamps i checked my sent folder di ko pala nabigay name ko hehehe ok lang kaya yun??? siguro kung sobre lang eh ok lang hehehe...salamat in advance nebz ha....may utang na ako sa'yo nyan

    ReplyDelete
  10. CONGRATS sardonyx a.k.a. missy and hulascoop..! Pls keep on giving us the best laugh ever..

    ReplyDelete
  11. Nilagay ko sa envelope: Sardonyx. I hope it gets to you soon.

    May question ako sau: turuan mo naman ako how to make links. I saw your links sa Alexa, it's soooo huge! Kakainggit. I think it's more than 400k. Ako 8 lang. Panu ko maabot ung ganun kalaking links? Thx in advanced.

    ReplyDelete
  12. Ate Loids- musta na? long time no hear from you, thanks sa bati at sana makadalaw ka dito palagi I know you've been too busy lately

    Nebz- thanks nebz! may utang ako sau ha hehehe, teka anong gus2 mo dito, hello kitty? hahaha

    about link, ano yun? ano yun Alexa?? di ko maptandaan na napuntahan ko yun eh? paano uli makakapunta doon? honestly di ko alam talaga yun, anong 400k? visitors ba yun??? hay naku di ko talaga alam yun eh, let me know at baka may naclick lang ako at doon ako napunta pero di ko talaga matandaan yun eh

    ReplyDelete
  13. nebz- pasensiya na at paulit-ulit salita ko hehehe

    ReplyDelete