Thursday, August 6, 2009

HULA SCOOP; Magiging Abala Ka sa Pagbibilang


HULA: Magiging abala ka sa pagbibilang.
SCOOP: Ang pagbibilang ay naging bahagi na ng ating buhay. Maging ano man ang binibilang mo malamang di mo rin na mabilang kung anu-ano ang mga ito.

----------------------------------------------------------------

Napag-usapan ang pagbibilang, ang subject na statistics ay isa sa gumagamit ng pagbibilang at malaki ang naging tulong nito sa akin dahil naging abala ako sa aking bagong trabaho. Paano???

1. Nabilang ko kung ilang tao ang nagdadaan sa hallway kada isang oras.

2. Sa paghagod ko sa aking buhok sa pamamagitan ng dalawa kong daliri, ang hintuturo at hinlalaki, nabilang ko kung ilan ang patay na buhok at ilan ang uban. Mas marami na pala akong uban.

3. Binilang ko rin kung ilan parking spot ang nababakante pag oras ng ng lunch tuwing 11am, 11:30am, 12nn at 12:30pm. At nalaman ko na magandang maglunch ng mas maaga ng 11:30am, dahil pagbalik ko maganda na ang nakukuha kong parkingan.

4. Sa anong oras ang panay ang hikab ko at anong oras ang hindi ako nahikab.

5. Anong probability sa pera na inihagis, kara o krus....ay di pala, tao o ibong agila (quarter na dollar kasi ang gamit ko e).

6. Nabilang ko rin kung ilan ang nakasuot na khaki, gray, puti, itim o walang panty....ooooppps pants pala hehehe.

Ngayon balak kong gamitin ang SPC (Statistical Process Control) para ilagay sa chart ang mga nakalap kong data, ayos ba??? Ang problema anong klaseng chart ang gagamitin ko? Saka ko na iisipin yan......malaki pa ang problema ko......wala pa rin akong ginagawa sa opisina ko! hehehe


UKOL SA LARAWAN: Inisip kong mabuti kung paano ko iuugnay ang hula ko sa larawan na yan??? Eto, sa sampung pugita na nakain mo ilan kaya ang babae? hehehe....Siyanga pala ang mga pugita na yan ay nilalagay sa tako yaki, ang japanese version ng squid ball sa atin....ay octopus ball pala nila ito hehehe....pareho din yun magkamag-anak naman sila basta walo ang galamay magkamag-anak na yun hehehe


tako (pugita) yaki yan

10 comments:

  1. Pugita..masarap ba yan? mukhang masarap ah..Di ba mahirap magbilang ng tao sa hallway?hehe

    ReplyDelete
  2. yumyum! mahilig ako sa takoyaki. akala ko flowers ung nasa picture. kundi mo pa nabanggit na pugita di ko babalikan ng tingin. hahaha! lumalabo na ang mata ko!

    ReplyDelete
  3. Yan ang work ko dito, ang magbilang araw-araw, hahahaha. bilangin kung ilang oras lumipag ang aming mga eroplano, ilang beses na lumanding, ilang beses nasisira ang eroplano, ang panahon ng masira, tag-init ba o taglamig, gaano katagal bago nasira, ilang beses nasira mula ng ikabit, pati ulo ko nuon pakiramdam ko masisira hahahaha. binibilang ko ang mga yan kada oras, araw, buwan at taon hehehehe.

    Nakakatuwa rin, di nila alam na mahalaga ang ginagawa ko.

    ReplyDelete
  4. Aba!!!Saan may work na ganyan...kuhanin nyo naman ako oh lolzz

    ReplyDelete
  5. Naniniwala na akong you're really bored Sards. Kawawa ka naman. That's the saddest that could happen to me in Saudi, actually. Ang bilangin ang oras.

    (Buti na lang hindi mahigpit sa amin kaya I get to blog, play games and chat kapag walang ginagawa. Bawal ba sa inyo? Pag free ka lang naman saka mo gagawin di ba?).

    ReplyDelete
  6. Ruel- masarap din, pareho ang lasa sa pusit, basta nakakain ko ito pag nasa loob na ng tako yaki hehehe di ko parin makain ng buo na parang pusit....pinakamahirap ang trabaho ng magbilang ng tao sa hallway promise hehehe

    syel- kasi ang liliit ng ulo at tentacles nila kaya akala mo sa flowers hehehe,malamang epekto yan ng kaka macro mo hahaha

    pope- so kahit saang anggulo talagang may pakinabang ang lahat ng trabaho na ginagawa natin at sa pagbibilang malalaman mo ang peak kung saan ganado magbilang ang tao hehehe

    Lord CM- dito sa trabaho ko, 3 linggo ka yaata munang magbibilang ng kung anu-ano, sinu-sno bago ka magstart hehehe

    nebz- hay naku I wish I could do blogging, eh kasi that time na ginagawa ko ang pagbibilang na yan e wala akong computer, 2 days ago lang ako nagkaroon kaya ang hirap talaga. Pwede naman magsurf sa internet pero maraming bawal na site isa na dito ang blogspot, di ko maaccess, ito kaagad nga pinuntahan ko pero access denied hehehe...ooopppss malas talaga! pati yahoo mail, facebook, friendster bawal hehehe...hay boring

    ReplyDelete
  7. ang sarap ng squid lalo na kung gagawing calamares... hehehehe...

    boring noh? pero don't wait for the time na tambakan ka na ng workload.. dahil baka kahit umihi di mo na magawa... hehehehe..

    for the meantime, enjoy lang muna sa pagiging observant.

    ReplyDelete
  8. Habang nagku-comment ako rito ngayon, nangangalay ang mga kalamnan ko! Akala ko problema ang maraming ginagawa, parang mas problema pa pala ang walang ginagawa. Huh!

    ReplyDelete
  9. akala ko nagbibilang ng tulogn ang topic, buti na lang, kaya co comment ako, ahihihi.

    Ako binibilang ko, oras ko to do christian service, yun bang door to door, kasi JW ako eh, every month yun, if possible, to get people to come to know God.

    Then siguro binibilang ko ang araw, na sana, uwi ako ng Pinas!!! sana!

    ReplyDelete
  10. AZEL- oo nga nag eenjoy lang ako ngayon dahil wala pang work masyado pero sana marami work hehehe para di ako antukin....favorite ko rin yun calamares

    RJ- mahirap din pag walang trabaho mahirap hilahin ang oras para uwian na mabuti pa ang busy di mo namamalayan ang oras

    Francesca- aba maganda ang ginagawa mong pagbibilang ng oras, kabanalan yan :-) di ko yata kaya yan at baka ako maupos hehehe....teka ano yun JW? sensiya na di ako familar dun sa term mo....yup ako rin binibilang ko ang araw pag-uuwi ako ng Pilipinas

    ReplyDelete