Monday, August 10, 2009

HULA SCOOP: Hindi Ka Makakapag-sip Ng Mabuti


HULA: Hindi ka makakapag-isip ng mabuti dahil sa nabitin ka sa pahinga mo nitong nakaraang weekend. Mabuti pa huwag ka na lang mag-isip, isipin mo na lang na iisipin ka rin ng iba, malamang magdalawang isip ka pa at makapag-isip isip din.

SCOOP: Hindi nga ako makapag-sip kaya eto nabuo kong scoop, halatang hindi na nakapag-isip. Lumang paksa at mukhang "palasak" na pero wala kayong magagawa nagbabasa lang kayo kaya wag na magreklamo.

Marami sa mga ginagamit nating salitang tagalog ay hango sa salitang Kastila na namana natin nang masakop nila tayo ng higit tatlong daang taon. Kaya narito ang mga salitang Kastila at ang tunay na kahulugan sa tagalog o wikang Filipino.

Part 1:

Lamesa - hapag kainan
Bintana- durungawan
Eroplano- salipawpaw
Kuwarto- silid tulugan
Kasilyas o kubeta- palikuran
Pera- salapi
Aritis- hikaw
Bisita- panauhin
Entablado-bulwagan
Diyaryo- pahayagan
Kotse- sasakyan
Grupo-pangkat
Almirol- gawgaw

Part 2: (humirit pa, tama na nga eh)

Baso- salong tubig
Tasa- salong sabaw
Kutsilyo- panghiwa
Kutsara- pangkain
Tinidor- pantulong ng pangkain

Matagal na nating alam na:

Sinturon- salong bewang
Silya- salong puwet
Panty- salongguhit
Brief-salongganisa

Rayuma- salonpas (hehehe puro salon kasi eh)



BABALA: Sabi nga sa hula wala akong maisip kaya yun part 2 di ko maisip ang kahulugan sa tagalog kaya inisip ko na lang, kayo may maisip ba kayong tagalog ng kutsara at tinidor, di ko kasi maisip e? Actually (hmm feeling artista ahh hehehe) yun ibang salita sa part 2 e hindi na spanish iba dun hehehe.....pampagulo lang at ginulo ko lang kayo hehehe.

LARAWAN: Yan ay puto, pero huwag niyo na itanong sa akin kung ano sa spanish nito, dahil masama ang ibig sabihin.....muntik na akong mapaaway sa dati kong kasamahan sa trabaho ng mag-alok ako ng puto sa kanya hehehe.



13 comments:

  1. hahaha! naisama mo ba ang tagalog ng "bra"?! nakakaaliw yang mga ganyan! at nakakamiss ang puto!

    ReplyDelete
  2. anong tagalog sa wheelchair?
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    sa lumpo....

    :D

    ReplyDelete
  3. syel- di ko na sinama yun bra kasi baka msyadong sensored hehehe

    AZEL- hahaha sa lumpo??? ok yun ahhh

    ReplyDelete
  4. Hahaha! Puro salong-something ang tagalog!

    Honestly hindi ko alam kung may tagalog pa ang kutsara at tinidor dahil tagalog naman na sila, db?

    Curious lang ako: ano sa Spanish ang puto?

    ReplyDelete
  5. Ano ang "kutsara" sa wikang tagalog? Eh di "ispon". : )

    ReplyDelete
  6. Para di ka masensore sabihin nalang na Salong Dibdib :)

    ReplyDelete
  7. nebz- oo nga wala na yatang tagalog ang kutsara at tinidor....ang ibig sbaihin ng puto sa spanish ay pokpok na lalaki hehehe

    blogusvox- ispon? ay ang galing!!! hehehe parang totoo hehehe

    lifemoto- oo nga salong dibdib pwede na rin hahaha

    ReplyDelete
  8. Panty--Salongguhit! Hahahaha!

    Paano kaya kung yung panty ng may isandosenang anak..hekhekhek

    E yung pasador ano kaya...salong---hehe wwag na lang baka ma-censor

    ReplyDelete
  9. Dennis- isang dosenang anak? hmmmm ang hirap nun, pero malamang hindi na salongguhit yun hehehe, baka salong balon? hehehe; yun pasador baka salongpula hehehe d naman censored eh kadiri lang hahaha

    ReplyDelete
  10. SALIPAWPAW!!!- ngayon ko lang nalaman na iyon ang tagalog ng eroplano...lol.. aliw talagang magbasa ng posts mo, sards, himukin mo, dami pa nga namang salong-ewan sa tagalog... lol.
    at rayuma-salonpas?!!! hehehe paano naman ang omega pain killer kaya? lol.

    ReplyDelete
  11. hahahahahah.............. ngayon lang ako magko-comment pero avid reader ako ng HULA SCOOP kahit na noong nandoon ka pa sa Bahay Online.

    Pwede ko bang i-share ito sa aking wall sa facebook? Nakakatuwa kasing magbasa dito.

    Abby920

    ReplyDelete
  12. Hahaha...tama ka, ndi nga ako nakapag-isip kasi bigla akong nagutom sa picture ng puto. makulay na masarap pa! :)

    haha...salongganisa? haha. now ko lng yan nalaman. tama ang term na yan... hehe

    ReplyDelete
  13. docgelo- salamat naman kahit paano may natutunan ka sa hulascoop ko hehehe, yun omega pain killer parang ang hirap naman nun....salonmega hehehe, ang corny ko talaga

    abby920- salamat sa dalaw at salamat sa comment, sige ok lang ishare sa facebook mo, basta sabihin mo na rin sa mga friends mo iboto nila ako sa PEBA hehehe

    ReplyDelete