
HULA: Mag-ingat sa manloloko, maraming manloloko sa paligid mo.
SCOOP: Dalawa lang klase ng tao dito sa mundo, ang manloloko o naloloko. Kayo sa palagay ninyo, ano kayo?
------------------------------------------------------------------------------
SCAM MAG-INGATNag-uusap kami ng asawa ko tungkol sa kuya ko na nasa Pilipinas na naulinigan ng panganay ko. Nagtanong siya, "Paano nalaman ni Tito "J" na may denge siya??? Natawa ako, palibhasa ang anak ko medyo marami na ring di alam na tagalog kaya namali ang dinig niya. Sabi ko, "denggoy"....nadenggoy si Tito mo. Tanong niya uli, ano yun? "Naloko" sagot ko naman.
Hayyyyy ang buhay nga naman, marami talagang nanloloko sa atin sa Pilipinas, isa na dun ang kuya ko, hindi siya ang manloloko pero naloko siya ng manloloko. Eto ang scenario:
May natanggap na text message ang kapatid ko ang nakalagay (ito lang ang pinakabuod o summary ng sinabi ng kuya ko at hindi ito mismo ang natanggap niyang text):
"Si Sards ito, nakaroaming ako ngayon kaya piso lang ang text mo sa kin, may negosyo ako sa'yo. Mabenta ang roaming dito sa Japan, yun 500pesos na text load kikita ka ng 400pesos. Marami mga kaibigan ko na gustong bumili. Kaya kung pwede paluwalan mo muna at bumili ka ng load at itext mo sa kin ang card and pin number, sa katapusan ng July na lang kita babayaran. Siyanga pala nagpadala ako ng box dyan baka matanggap niyo na."
Parang ganito ang naging text sa kapatid ko at ayun paniwalang paniwala ang kuya ko na ako nga ang nagtext sa kanya. Dahil wala siyang trabaho kaya sabik na sabik na magkaroon ng pera at mabigyan ko ng maliit na negosyo pero di niya alam hindi pala ako ang kausap niya. Panay "daw" ang text ko sa kanya at pinipilit ko siyang bumili ng load at marami na raw akong buyer eto namang kapatid ko na wala namang trabaho at pera nangutang pa sa kaibigan niya dahil paniwala siya na ako nga ang ka text niya at umasa lang naman siya na magkaroon ng sariling pera o kita.
Sa madaling sabi, nauto siya ng katext niya at nakapangutang pa siya ng 30,000 pesos na tumataginting (aray ko!!!!!). Kanina lang niya na isip na parang may mali at parang "baka hindi ako" yun dahil bakit daw nagmamadali ako na isend lahat ang card and pin number na halagang 30,000 pesos. Kaya yun friend niya nagtext sa akin para iconfirm sa "business namin daw" na phone cards at nag iwan pa ng voice message sa kin na "importante" lang. Kaya dali-dali akong tumawag sa cellphone ng kuya ko.
Nang malaman ng kuya ko na hindi ako nagtetext sa kanya ay nanlumo siya at totoo nga yun kutob niya na scam lang yun, parang na high blood pa nga yata siya (wawa naman kaya kinalma ko na lang). Hindi siya nagduda ng una dahil, bakit nga naman alam ang cellphone number niya at name ko at bakit alam na nasa Japan ako at nang sinabi pa daw nun kausap niya na magpapadala ako ng box. Doon naman nabuo ang hinala ko na kaya nalaman ng "manloloko" na yun ang cell# ng kuya ko at name ko ay dahil sa box na pinadala ko last week. Dahil nakalagay sa box yun name ng kuya ko at yun name ko at ang cellphone number niya at ng Ate ko dahil wala naman sila kasing landline. Nagbago kasi ako ng forwarder, dati rati "forex" ang gamit ko pero nagtry lang ako sa isang forwarder na 'to (hinding hindi na ako magpapadala dito!!! grrrrr). Hindi ko naman masisi ang kumpanyang ito baka wala naman silang kaugnayan sa scam na yun dahil ang info ko ay nasa box kaya malamang marami ang nakakakita nito at ginamit lang ang name ko. Ang hirap malaman kung sino kasi kahit sino madaling magpalit ng sim card ng cellphone.
Waaaaaaaaa, unang linggo ko palang sa trabaho, hindi pa nga ako sumusweldo may utang na kaagad ako hehehe. Wala naman akong magawa at naawa naman ako sa kuya ko, wala na ngang trabaho, wala na ngang pambayad sa utang, umasa lang naman siya na magkakaroon na rin siya ng kita sa pamamagitan ko......impostor pa pala ang bugok na hinayupak na yun, kung sino man siya hehehehe. Hay kung pwede lang banggitin ang lahat ng pangalan ng demonyo ay binanggit ko o kung pwede lang ngang mangkulam ginawa ko na hehehe pero hindi eh, dahil hindi ako mangkukulam hehehehe....ganun talaga.....kailangan tanggapin...."nadenggoy" ang kuya ko! Kailangan ko lang tanggapin ng maluwag na.....nadenggoy siya at ako ang magbabayad, sana lang ma karma ang gumawa nun hanggang sa ikasampung salinlahi niya (ang puso ko, ang puso ko hehehehe....ahhh nandito pa). Hindi ko na lang iniisip eh....baka lang ako tumanda, iniisip ko na lang na pera lang yan.....pero hindi eh dapat pala pera yun! waaaaaaa......mahirap kitain! Pero ang iniisip ko na lang na pampalubag loob ay sa unang linggo ko sa trabaho ko ay wala naman akong ginawa kundi basahin ang isang standard procedure na ilang beses, bilangin ang dumadaan na tao sa hallway habang naghihintay ng internet access ko na hanggang ngayon wala pa......yun, yun na lang ang iisipin ko na yun pambayad ko ay di ko naman pinaghirapan ng husto (sana lang makumbinsi ko sarili ko hehehe).
Sana maging aral ito sa lahat. Lalong lao na sa mga nagpapadala ng box, huwag niyong ilalagay ang cellphone number ng kamag-anak niyo at paalalahanin ninyo ang mga kamag-anak ninyo sa Pilipinas na huwag basta-basta maniniwala sa mga text messages na nanghihingi ng pera. Marami na talagang scam ngayon. Kahit may pinag-aralan minsan naloloko pa rin, walang sinisino-sino at walang sinasanto ang mga mokong na yun.
---------------------------------------------------------------------------------
PAHABOL: Sa sobrang gigil ng kuya ko gusto niyang isumbong sa XXX ng abs cbn. Sana lang may mangyari dito.
UKOL SA LARAWAN: Kuha sa EDSA habang ako ay nasa sasakyan. Parang gusto kong ipabugbog kay Pacquaiao kung sino man yun tao na nanloko sa kapatid ko at ibitin ng patiwarik sa flyover ng EDSA hehehe.
PAUNAWA: Pasensiya na at hindi ako makapagcomment sa ibang blog ninyo at pati magreply sa blog ko, di ko alam kung bakit. Hindi nagsho show up yun username ko at pati yun comment ko sa inyo. Sana maayos ko na ito bago ako mawalan ng pag-asa......dahil sa patong-patong na kamalasan na hehehe.
-----------------------------------------------------------------------------