
HULA: May sasabihin ka, pero malilimutan mo ang sasabihin mo. Kaya kahit wala kang dapat isipin mag-iisip ka ngayon kung ano bang iniisip mo na nalimutan mong isipin. Hay kakalitong mag-sip! Di ko maisip!
SCOOP: Bakit nga tayo minsan pag nagsasalita bigla na lang malilimutan mo na ang sasabihin mo o kaya wala ka na talagang masabi. Kaya mapapa ahhh ehhh ihhh oohh uhhh ka na lang hehehe, anu-ano kaya ang mga dahilan nito??
MGA HALIMBAWA NG MGA SALITA O KATAGANG NABIBIGKAS KAPAG WALA KANG MAISIP (ano nga bang tawag sa mga salitang ito??? di ko maisip tawag eh)
1. ahhh- kalimitang nabibigkas sa unahan ng pangungusap at nababanggit kapag nagtatalumpati sa maraming tao o kapag kinakabahan
halimbawa: ahhhh ahhhhh ahhhh kinakabahan kasi ako pasensiya na po
2. eh- kapag walang masagot na dahilan; o kaya nag-isisip kung paano magsinungaling
halimbawa:
mister- eh eh sensiya na dear ginabi kami ng uwi kasi galing kami sa patay eh eh eh......
dear- anong patay???baka sa "patay sindi" na mga ilaw kayo galing??? at umaga na no!!!! @#$%%^&@@!@!!!!!!!!!
3. ano- kapag hindi alam ang tawag sa isang salita, alam mo ang pangalan na tinutukoy mo pero nasa dulo ng dila mo at di mo masabi (kamayin mo kaya dila mo no ng maalala mo hehehe)
halibawa: kasi yung ano di ako makapag ano kapag naaano ako kaya wala akong maano, paki ano na lang ha makakaano ka rin kapag naano mo
4. yun- kapag may tinuturo na di alam ang pangalan o may tinutukoy na ayaw banggitin ang pangalan o di lang talaga alam ang pangalan
halimbawa: paki abot nga yun, oo yun, yun nga!
5. you know- nahawa ka na sa ingles ni pacman o baka idol mo na si pacman, you know
halimbawa: Kuto (Cotto) is tough "you know" that's why i let him hit me you know....
6. lalala- kapag hindi mo na alam ang kanta yan na ang lyrics na kinakanta mo
halimbawa: la la la la la
7. nanana- bagong "lalala" para maiba naman kakasawa na kasi ang lalala
halimbawa: eto click nyo yun video
Marami pa sana kaso di ko na maisip ang iba, kayo naman mag-isip kung may maisip kayo kung wala naman ehhh ok lang yun! Anuman yun basta ano yun, yun na!