
HULA: Patuloy kang magbibilang ng kung anu-ano kahit sinu-sino pa sila basta ano man ang bibilangin mo....malamang mapapabilang ito sa mga nabilang mo na dati. Kaya bilang ka lang ng count to ten, basta count to ten lang ng count to ten....bilisan mo lang ha.
SCOOP: Kung ano man ang nabilang mo malamang, may numerong kasama yan. Kaya nga bigla na lang nasagi sa isipan ko ang mga numero. Bagama't tayo ay Pinoy may mga salita tayo na di maiiwasang gamitin ang salitang spanish at ingles, lalo na sa numero, yang salita palang na yan spanish na, di ba? ----------------------------------------------------------------------
Numero (bilang)
oras- bakit kay hirap bigkasin ng oras pag gagamitin ang tagalog, kagaya na lang ng 11:59pm, paki basa nga ito sa tagalog? di ba mas mabilis sa spanish? lalo na sa ingles?
barya- bakit pag barya ang pag-uusapan, nandyan lagi ang singko, dyes, bente singko, bakit di ba pwedeng sampung sentimo, dalawampu't limang sentimo (teka may "s" ba dapat sa sentimo? kung meron, paki lagyan na lang di kasi ako sanay hehehe)
petsa- madalang na rin natin gamitin ang tagalog dito, Oct. 29, 1971, paki bigkas nga ito sa tagalog? di ba ang hirap, malamang iningles mo nga ng basahin mo ito eh. Bakit kasi kelangan pa ng "ika" bago ang petsa....teka ang petsa di ba ay spanish din? ano bang petsa sa tagalog? sitaw? bataw? patani? hehehe petchay pala yun.....sorry...ahhh "araw" nga pala hehehe, mas maganda kasing pakinggan pag ingles, "date" parang lagi akong in lab hehehe
bilang- bakit pag nagbibilang tayo ng bagay, hayop o tao man....ay gamit pa rin ang ingles, minsan sa tagalog hanggang sampu, suwerte na kung may marining ka pa hanggang dalawampu....ang hirap kaya magbilang hanggang isang daan sa tagalog.
sandata- bakit ang kalibre kuwarenta y singko (45) ay di pwedeng tawagin sa tagalog? pag ba tinagalog natin baril pa rin kaya yun? (kalibre apatnapu't lima hehehe) e bakit ang balisong bente nuwebe, bakit di na lang tawaging dalawampu't siyam??? (itanong kaya natin sa mga Batangenyo hehehe).
grade o marka- bakit pag narinig mo ang salitang "uno" ang sarap pakinggan, pero pag sinabi mo ang grade mo ay "isa" ....ay ano ba yun??? walang kabuhay-buhay....baka tanungin ka pa ng iba "ano yun" hello number kaya yun hehehe.....katulad na rin ng tres at singko tagalugin mo ang mga grades mo....walang dating, di ba?
area o sukat- paki basa nga ang 2x2....di ba iningles mo rin, eh kung spanish ano basa mo dyan? dos por dos di ba??? sabihin mo kayang magpapakuha ka ng ID na dos por dos baka ka pagtawanan ng photographer hehehe, kung sa spanish nga di uubra ano pa kaya ang tagalog nito? dalawa taymis dalawa ba? dalawa tapos dalawa?? hehehe ang bantot!!
teka baliktarin natin, pag bibili ka ng kahoy, sasabihin mo ba na pabili ng kahoy na 2 by 2, maintindihan ka kaya ng mga trabahador sa hardware? alam ko dos por dos ang alam nila o de kwatro yata o de singko? tama ba? di kasi ako bumibili sa hardware eh....ibang hard ang binibili ko noon hehehe...hard drinks naman (kayo talaga!)....teka mali, nagbebenta pala ako noon at di bumibili hehehe....pero ngayon iba ng hard ang alam ko talaga......hard drive na hehehe....
Hay ang laki talaga ng problema ko, de "numero" talaga ang nasa isip ko, ewan ko ba mula nang na "onse" ang kapatid ko ganito na ako, ni "singkong" duling di ko na talaga nabawi ang pera na yun. Kaya panay ang bilang ko eh hehehe.
UKOL SA LARAWAN: Kuha ko habang tumatakbo ang sasakyan namin, kung inyong papansinin may mga numero yan sa sign board, basahin nyo lang. Puro numero kasi ang daan dito, wala lang gusto ko lang iugnay ang hula ko sa larawan kahit walang kaugnayan hehehe.