Saturday, June 18, 2011

HULA SCOOP: Mapagbigay at Maalalahanin Ka Sa'yong Minamahal sa Buhay

Ang Tatay ko, mana sa kin hehehe


HULA: Mapagbigay at maalalahanin ka sa 'yong minamahal sa buhay, huwag mong babawiin ang anumang binigay mo na, alalahanin mo na lang na binigay mo na nga sa kanila yun kaya walang bawian....kuha mo? hehehe


SCOOP: Dapat lang na maging mapagbigay at maalalahanin ka lalo na sa iyong ama ngayong nalalapit na ang Father's Day at kahit saan man sya naroroon kapiling mo man o hindi, alam mo kung gaano mo siya kamahal at dapat lang na pahalagahan mo kung paano ka niya pinalaki at naging ano ka man ngayon ay dahil sa kanya, bahagi sya ng buhay mo. Teka, may regalo ka ba sa kanya?? hehehe kung wala e.....bumili na no!

----------------------------------------------------------

Malapit na ang Father’s day kaya bilang pagpapaalala sa mga ama natin ay narito ang ilang sinipi kong mga jokes na pinulot ko sa kung saan-saang panig ng cellphone at email ko:

Tatay: Anak, painumin mo ang kalabaw!

Anak: Opo tay!

Anak: Tay, ayaw uminom ng kalabaw eh!

Tatay: Saan mo ba inilagay?

Anak: Sa baso!

Tatay: Sus! Katangang bata! Lagyan mo ng straw


Tatay: Juan, mag-aral ka ha!

Juan: Ayoko tay, bobo kasi ako. Hindi ako makaintindi.

Tatay: Mag-aral ka nga para makaintindi ka!

Juan: Ayoko nga tay! Bakit hindi ka makaintindi? Bobo ka rin ba tay??


Nanay: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang di mo kayang bilangin?
Anak: Mas bobo si tatay 'nay, kasi narinig ko
minsan sabi niya, “Tama na Inday, hanggang tatlo lang ang kaya ko.”

Tatay: Lakas mong kumain ah,
kapal talaga ng mukha mo! Bwisit!
Anak: Itay naman! E kung yung baboy, kumakain,
tuwang tuwa pa kayo! Sino ba talaga ang anak nyo, ako, o yung baboy?

Tatay: Anak, Aatras ko BMW ha, sabihan mo ako kung mabubunggo na!

Anak: Ok.Tay. Sige, atras... Atras pa! Sige, atras pa! Atras pa! BOG! Ok, bunggo na tay!

Ina: Anak, tawagan mo nga ang tatay mo sa cellphone. Pauwiin mo dito. (Pagkatapos tawagan)
Anak: Inay, babae po ang sumagot!
Ina: Lintik! Sinasabi ko na nga ba, may itinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?

Anak: You only have zero pesos in your account. Hindi ko na tinapos, inay, mukhang matapobre eh!


HAPPY FATHER's DAY sa aking Tatay at sa mga Tatay na nagbabasa ng hulascoop ko at sa mga Tatay ng mga Tatay na nagbabasa nito!!! At syempre sa Tatay ng mga anak ko hehehe

6 comments:

  1. Hehehe :D ang kulit lang lolzz

    ReplyDelete
  2. Happy Father's day din sa ama ng mga anak mo, Sardz!

    ReplyDelete
  3. LordCM- sino makulit? ako o ang Tatay ko o ang mga jokes? LOL

    Blogus- salamat akala ko ko naisama ko na ang asawa ko e hahaha, nalimutan ko ayan nilagay ko na....happy anniversary sa'yong blog ;-)

    ReplyDelete
  4. wala kang kupas, sards! hagalpak na naman ako sa tawa! hehehe! :D

    happy father's day din sa tatay mo at tatay ng mga anak mo! :D

    ReplyDelete
  5. doc- salamat, belated happy father's day sayo! korek ka dyan wala talaga akong kupas kasi hindi ako damit LOL

    ReplyDelete
  6. happy father's day sa tatay mo! haha. san mo naman napulot yung mga jokes mo. ang galing mo talaga. :)

    ReplyDelete