Friday, May 15, 2009
HULA SCOOP: Matutong Magpahaba ng Papel .....
HULA: Matutong "magpalapad ng papel" sa bosing mo o kahit sa mga kaibigan mo, huwag na huwag mong hahayaang "mabasa ang papel" mo sa kanila, kundi...."wala ka ng papel" kahit kelan sa buhay nila at malamang parang "nilamukos na papel" ang mukha mo pag nagkataon hehehe.
SCOOP: Mula sa eroplanong "papel" na patalastas ng royal tru orange ay napadpad ang isipan ko sa mga iba't ibang klaseng papel sa atin na ilan dito ay di ko nakikita sa US o kahit dito sa Japan. Kaya naisipan kong sariwain ang mga nakalipas sa aking buhay mag-aaral sa elementary, tililing-ling-ling-ling-ling, ding-dong.......
MGA IBA'T IBANG KLASENG PAPEL NA GINAGAMIT SA PAARALAN:
1. Cartolina- lagi kaming pinagdadala nito noong nasa elementary palang ako, pag umpisa ng school year bitbit ko na ito, nakarolyo o nakabilot ito; ginalugad ko na ang mga stores sa US at kahit dito sa Japan pero wala akong nakitang katulad nito na may iba't ibang kulay pa. Gusto ko kasing malaman ang ingles ng cartolina hehehe baka alam niyo naman, ipamahagi ang inyong kaalaman. Baka cartoline? hehehe
2. Manila Paper- bukod sa cartolina lagi rin nakalista ang manila paper sa dadalhin namin sa school. At ginagamit ko rin ito sa pagbalot ng mga libro ko. Sa US malamang wala nito, kasi pang Manila lang ito hehehe. Pero sa tingin ko ang kahalintulad ng Manila paper sa US ay ginagamit sa packing, sa pagshi-ship ng mga bagahe....packing paper yata tawag dito kasi ilang beses na akong naglipat ng bahay eh, kulay brown din siya pero mas manipis lang nga ito, pang cushion sa mga babasaging gamit.
3. Papel de liha- lagi rin akong nagdadala nito sa unang araw ng klase namin pag wala kang dala, "patay kang bata ka" hehehe lagot ka sa titser mo. Kailangan mag- is-is o magliha ng mga desk na sinulatan ng mga ibang estudyante na huling gumamit nito. Paputian at pakinisan kami.....ng desk (hindi binti ha, sakit nun pag sa binti kiniskis hehehe).
4. Colored Paper- ang papel na ito ay medyo magaspang at malimit din kaming pinagdadala ng titser ko para sa arts subject namin. Construction paper ang tawag naman nito sa US. Huwag ninyo akong tatanungin kung ano tawag sa Japan, at "mapa" ang isasagot ko, "ma" at "pa" hehehe.
5. Art paper- eto naman ang makinis na papel na iba't ibang kulay, syempre sa arts din ginagamit ito mas high class yata ito. Wala pa rin akong nakikita nito sa US, dito sa Japan hahanapin ko pa lang hehehe.
6. Papel de Japon- papel kaya talaga ito ng mga Hapon? Bakit kaya tinawag na papel de Japon ito??? Nagsaliksik ako, at nalaman ko na ang papel na ito ay ginagamit pala ng mga hapon sa "origami" ...hmm kaya pala. Noong maliit din ako, nagdadala naman kami nito kapag December, kasi gumagawa kami ng parol mula sa papel na ito. Tapos ang patpat naman ay mula sa kawayan. Noong panahon daw ng kopong-kopong ang mga dalaga raw ay ginagawang lipstick ang papel na ito kasi madaling dumikit sa labi kapag nabasa.
7. Kokong ban- hehehe, yan ang sabi ng kapit-bahay namin na minsang bumili sa akin, ang sabi niya, "pabili ngang kokong-ban" hehehe ang lupet! Sa US pag sinabi mong "coupon bond" di nila rin alam yun, "bond paper"ang alam nila. Sinabi ko minsan yan, di ako naintindihan, sinagot ko na lang sila ng wateber!! hehehe Bakit nga ba naging coupon bond yun? Wala naman coupon yun??? Ah ewan.
8. Yellow Paper- naunang nauso at naging sikat sa atin ang yellow paper at nang kalaunan ay nagkaroon na rin ng iba't ibang kulay nito, meron blue, green at pink. Isang beses habang ako ang bantay sa tindahan namin may bumili, eto ang sabi, "pabili nga ng yellow paper yun pink ha" tawa ako ng tawa sabi ko ano ba talaga, yellow o pink? hehehe....inulit pa, "yun yellow paper nga na kulay pink," ssshhhh pinsan ko pala yun bumili hahaha. Walang pinag-iba yan sa bumibili ng toothpaste, colgate na close-up daw hahaha.
9. At marami pang iba- haba na post ko no, tama na yan!
UKOL SA LARAWAN: Wala lang, pinagsama-sama ko lang ang papel na nakakalat sa kuwarto ng anak bago ko itapon hehehe.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Teka, mukhang wala yata yung Papel de Kubeta hehehe.. Sabagay dati hindi tayo pinagdadala ng Toilet Paper sa paaralan pero nagulat ako ang mga bata ngayon ay pinagdadala na nito sa eskwelahan.
ReplyDeleteAng Manila Paper at manila rope ang kontribusyon ng ating bansa sa industirya ng papel at lubid.
Parang homesick ka na naman....;)
ukol sa larawan, akala ko kasi sardz, nagtuturo ka ng elementary, hehehe
ReplyDeletenatawa ako ng malakas sa kokong ban...wahahaha! akala ko coupon band?
By the way, pwede na po inominate ang Hulascoop now sa PEBA Homesite!
Bakit hindi kasama ang Crepe Paper? [Tama kaya ang spelling ko?]
ReplyDeletehaha, yung mga laging pinapabili..
ReplyDeleteDennis- mabuti naman at pinagdadala na ang mga bata ng toliet paper kasi super baho naman ang mga banyo sa atin. Nahulaan mo rin na homesick na naman ako no hehehe, galing mo.
ReplyDeleteMr. Thoughtskoto- hahaha hindi ako nagtuturo, pero mahilig akong magturo ng kahit ano kagaya ng damit, pagkain at kung anu-ano pa hehehe, ay wala pa akong blog entry sa PEBA hirap yan baka di kayanin ng powers ko hehehe; sana kung pwede lang pagsama-samahin na lang ang mga post ko para di na gumawa hehehe (humirit pa no)
RJ- oo nga may crepe paper pa pala, ginagamit sa bandiritas ba yun o yun pamparty at nilalawit at pinipihit ito at nilalagay sa kisame hehehe, di ko na kasi nilagay ang iba at marami na masyado. Sa school naman di ko matandaan kung saan namin ito ginagamit, malamang pag october naman, pang UN day hehehe
Choknat- salamat sa dalaw
Salamat sa pagpapa-alala tamang tama ang post mong ito at magsisimula na naman ang klase sa Pilipinas, mabenta na naman ang mga nabanggit mong mga uri ng papel.
ReplyDeletePero tila ko ata matandaan na pinagdala ako ng papel de liha, kung nagkataon tyak na lilihain ko ang mga binti at braso ng kaklase kong tadtad ng kagat ng lamok, di ko alam kung aware ang magulang nila na naimbento na ang kulambo.
naku kawawa naman pala sayo mga kaklase mo kung pinagdala pala kayo ng papel de liha, baka yun kulambo nila may butas kasi baka akala nila di sila makakahinga pag walang butas ito hahaha
ReplyDeleteAha! (Magkasing-edad b tayo?) Naabutan mo rin ung pag-i-is-is ng lamesa! Naalala ko tuloy nung bata pa ako. Minsan ung dahon ng magaspang ang ginagamit namin. Mga late 80's un. (Ganun?!)
ReplyDeleteKlasik din sa akin ung naka-pre-sized 1/4 at 1/2 na papel. Meron pa rin ba nun hanggang ngayon?
Tsaka tuwing sasabihin ni teacher na kapag may quizz: "Class...please take out your 1/4 sheet of paper."
Sabay-sabay na sasagot ang mga estudyante ng: Maaam...one-fourth?
Hahaha.
napag-daanan ko din lahat yan. ang dami-daming requirements!
ReplyDeletesana isinama mo yung tracing paper. :)
Pope- ikaw yun kausap ko kanina ha, di ko nalagay name mo hehehe
ReplyDeletenebz- waaaa :-'( mas matanda ako sayo no, mga 10 yrs yata tanda ko sayo eh hahaha....oo natatandaan ko nga rin yun may 1/2at 1/4 sheet of paper meron pa nga yun 1/2 lengthwise pa di ba? pag spelling namin ginagamit yun pero natawa naman ako sa'yo nagtanong pa kung 1/4? hahaha pasaway talaga no?
Reena- oo nga may tracing paper pa, di ko na sinama baka magreklamo ka na kasi ang haba na ng post ko eh at tapos baka di mo pa basahin lahat hahaha; di ko kasi alam kung ang onion paper ba ay pareho rin ng tracing paper? hehehe
Those were the days. Wala din dito ng most of the things you listed. I enjoyed working with those school supplies while at school.
ReplyDeleteThanks for visiting Norwich Daily Photo and leaving your comment. Come back tomorrow for the last photo in the Keukenhof series!
joy
A Pinay In EnglandYour Love CoachI, Woman
Joy- wala rin pala dyan ng mga papel natin? Iba talaga sa atin, unique hehehe
ReplyDelete