Tuesday, May 19, 2009

HULA SCOOP: Huwag Ikakahiya Kung Saan Ka Nagmula



HULA: Huwag ikakahiya kung saan ka nagmula, ang mahalaga ang hinaharap, ang problema lang kung malaki ang hinaharap mo......na problema hehehe. Pero huwag kang mag-alala, walang hinaharap na hindi nanggaling sa nakaraan....(ngek) ah ewan hehehe.

SCOOP: Dapat talaga nating ipagmalaki kung sino tayo at saan tayo nagmula. Kung sino ang mga ninuno natin at kung saang lugar tayo talaga nanggaling.

----------------------------------------------------------------------------------
From this corner.......

Ipinagmamalaki ko na ako'y "kala_ating Kapampangan at kalahating Marinduqueña pero tubo at laking Quezon City, paano ba nangyari yun??

Syempre nagkita ang tatay at nanay ko sa Quezon City kaya ayun doon nagsimula ang lahat hehehe.

Pero kahit di ako lumaking Pampanga at di makapagsalita ng kapampangan, nakakaintindi naman ako ng bahagya, at aminado ako na nawawala talaga ang "h" sa salita at kapag wala namang "h" dinadagdagan, di ba? Pero yun ibang kapampangan ayaw talaga umamin, eto pruweba:

Sampol:

Ate ko: Bakit nga ang mga kapampangan nawawala ang "h" sa salita tapos pag wala naman h sa salita dinadagdagan?

prend ng Ate ko: "Oy indi naman laat!!" (galit pa siya n'yan)

(ang yabang! hehehe...)
----------------------------------------------------------------------------------------
eto pa:

tatay ko: kunin mo nga yun manggang "ilaw"
ako: (sinadya ko ito pang asar sa tatay ko) tatay wala na po eh meron maggang "inog" (hehehe)

--------------------------------------------------------------------------------
eto pa, ang tita ko sumali sa "tawag ng tanghalan" singing contest noon panahon ng "kopong-kopong" pa, ang kinanta kundiman....eto ang kinanta niya

tita ko: "Ang uni ng hhibon haliw-iw ng batis sa bundok Banahaw..."
totoong lyrics: Ang huni ng ibon aliw-iw ng batis sa bundok Banahaw..."

ayun second place lang....sayang, nalimutan niya kasi....kasi yun heh...hayh, irap naman....H...ayun nasapol din hehehe

-----------------------------------------------------------------------------------
isa pa, yun prend ko:

prend: "hhhhay (as in trying hard na bigkasin ang h sa "hay") ang sarap naman ng "alayang hhhube mo!!" (as in diin na diin yun h, kala niya tama siya hahaha)

wag sana niyang mabasa itong blog ko hahaha

----------------------------------------------------------------------------------

Tungkol naman sa Marinduque, na probinsiya ng Nanay ko......hmmm saka na yun, tinatamad na ako e hehehe


UKOL SA LARAWAN: Salamat sa Kuya ko at pinaunlakan niya na ipost ko ang larawan niya na yan mula sa kanyang flickr site kung may interes kayo na makakita ng mga sexy na model ooppps mga ibang pictures niya pala hehehe , click mo lang "ito" (malamang walang magki- click niyan).

Ang nasa taas na larawan ay ang Bacolor Church, ito raw ang simbahan sa teleserye na "May Bukas Pa." Sa Bacolor, Pampanga nagmula ang lola ko (nanay ng tatay ko). Ang Bacolor ang siyang matinding nahagupit ng lahar noong 1991, lumubog nga ito at balita nawala na raw sa mapa....chismis lang naman hehehe. Pero nagwatak-watak na rin ang ilang kamag-anak daw namin dito.

Kaya kung nabasa ninyo ang diary ng lolo ko dito sa blog, ang mga bayan na nabanggit dito ay sa Bacolor, Pampanga.

10 comments:

  1. kulet nga ng kapampangan dialect. 'eee (nawala din 'h' ko)! nakakaaliw talaga ang mga local dialects sa atin. kakaiba!

    ReplyDelete
  2. What make us unique is our originality from the rest. or else para lang tayo lumitaw na parang palitaw. BTW i add you to my blog roll. have a nice day! http://lifemoto.blogspot.com/

    ReplyDelete
  3. syel- _e _e (hehe yan, nawala h) kahit di ka marunong magsalita ng kapmpangan minsan nakakahawa din; wala kasing h ang mga salita ng kapampangan parang spanish din

    Jessie- salamat sa pagdalaw at i-add na rin kita sa blog ko

    ReplyDelete
  4. hehehe, wala akong masabi kasi bisaya ako...Unsa on man ni oi.

    As usual pinangiti mo na naman kami dito.

    ReplyDelete
  5. e_e_e yan ba tawa ng kapampangan? LOL

    May GF ako dati na kapampangan pero nung nalaman niya na GF ko na pala siya biglang naki-pagbreak sakin e e e

    hhahahaha..gulo no?

    Ako nga sabi nila Bisaya daw ako eh wala naman gid sila ibidinsya, sus ginoo, LOL.

    ReplyDelete
  6. Dennis - bakit hindi po ba pwede mag halo ang balat sa tinalupan? :)

    ReplyDelete
  7. Ganu'n ba ang halaga ng titik 'H' sa Pampanga?! Hindi ko napansin (matagal akong paikut-ikot doon noon).

    Nakapasok ako dyan sa San Guillermo Church. o",) Nauna pa akong makarating dyan kay Santino. Mas nakalamang nga lang siya, kasi literal siyang kinakausap ni Bro, ako hindi.

    ReplyDelete
  8. Mr. thoughtskoto- unsa man dong? hahaha di ako marunong, salamat sa dalaw

    dennis- tama nga yan ang tawa ng kapampangan _e_e_e, naku baka may magalit na purong kapampangan dito hehehe

    about your gf naman, sayang naman di kayo nagkatuluyan, sana di mo na lang pinaalam hahaha, lagot ka kay Mr. Thoughskoto at niloko mo ang mga bisaya hahaha

    jessie- d pwedeng maghalo ang balat sa tinalupan kasi...tanong na lang natin kay dennis pala hahaha

    RJ- ang galing mo ha at nalaman mo na San Guillermo Church yun talagang name ng church hehehe. Nilagay ko talaga na Bacolor church para mapansin yun town name ng lola ko hehehe. Pero di mo talaga naalata na nawawala "H" nila sa Pampanga? Sabagay di naman laat kasi napapansin. Pero mga tito at tita ko as in grabe walang "H" talaga _e_e_e

    ReplyDelete
  9. hi..kapampangan po ako..
    ..comment lang..
    ..sa pagka2alam ko..konti lang ung mga tao samin na may H kht wala dun sa orig na word..mga mata2nda na ung mga un..ngayon kc modrn na ung mga tao..=D

    ReplyDelete
  10. ay ganun ba? sana nga hehehe pero yun mga friends ko na kapampangan ganun pa rin eh, medyo conscientious na siguro sa pagsasalita ngayon pero medyo may diin pa rin yun h hehehe...hindi naman natin masisisi ang kapampangan kasi wala naman h sa mga salita nila and even spanish they have the same too, wala rin sila h sa salita nila, kaya hirap din sila

    ReplyDelete