Thursday, May 21, 2009

HULA SCOOP: Iwasan ang Kumain ng Marami

HULA: Iwasan ang kumain ng marami lalo na ang matatamis, baka ikaw ay tumaba. Patabain mo ang puso mo sa saya pero huwag ang katawan mo ang magdusa.

SCOOP: Kapag nasa ibang bansa ka at hindi mo nakikita ang mga paborito mong pagkain o mga "street food" sa atin, wala sa bokabularyo ko ang "diet-diet" basta ako kakain ng mga namimiss ko sa atin. At ang hula ko na yan.....hmmm hindi totoo yan, tara kain tayo kaibigan!

MGA NAMIMISS KO NA PAGKAING KANTO SA PINAS:

TURON- mas masarap ang turon pag may langka sa loob pero pag ganitong nasa ibang bansa ka, kahit wala pa nito at kahit anong saging pa yan basta turon ayos na!

BANANA CUE- naubusan ako ng pambalot sa turon kaya ayan bananacue na lang mas masarap pa. Basta saging at asukal na brown....bananacue lang ang katapat! Di na kailangan ang stick, basta eat na lang ng eat!



TAHO- namimiss ko ang sigaw ng suki ko na si Mang Gerry, noon tuwing umaga dumadaan sa bahay namin yun, kapag di ko narinig panay pa ang balik. Gusto ko yung maraming arnibal at sago at ayoko sa lahat ay malabsa na taho. Ayan ang pruweba gumawa pa ako nito, soft tofu lang, talo-talo na di na kailangang magluto pa, init lang sa microwave, tulo laway ka na hehehe.






SORBETES NA MANGGA , UBE, KESO AT ABOKADO- Si Mang Fred ang matagal na naming suki, maliit pa ang Kuya ko suki na nila siya hanggang lumabas na ako sa mundo suki ko pa rin siya, naging suki pa siya ng panganay ko. Lagi na lang akong may libreng isang scoop sa suki ko. Laging kumakalembang yun maliit na kampana ni Mang Fred dumadaan lagi sa tapat ng bahay tuwing hapon. Nasan na kaya siya??? at ang sorbetes niya? maitim pa rin kaya siya? hehehe

LUMPIANG PRITO- dito kami nagtatalo ng mga kaibigan ko na tubong Marikina, sa kanila daw "okoy" daw ang tawag nila dito, hmmm kaya nang inalok niya ako ng okoy sabi ko salamat at di na sana ako kakain pero nang ilabas niya at inihain naku sunggaban ko kagad ito, tinutukoy pala niya ay lumpiang prito!

FISH BALLS at SQUID BALLS- marami pa rin ang nagtatanong kung puro lalaki daw ba ang fishballs at squidballs kasi raw may balls....wateber! Basta ako mahilig sa balls....ng fish at squid hehehe...sinasaw-saw pa sa 3 na sawsawan, matamis, mix na matamis at anghang at syempre ang suka na maanghang na may toyo. Kaya daming nagkaka hepa dito hehehe.

At ang squidballs masarap sa hot sweet and sour sauce pa! hmmmm tsalap! Ayan nagluto ang kaibigan ko nito na pinagsaluhan namin sa bahay ko.



MGA LARAWAN: Ang mga larawan ay pag-aari kong lahat na kinunan ko pagkatapos lutuin ang mga pagkain na yan.....dito na sa Japan. Ganyan ako ka.....homesik sa ating bayan! waaaaaaaaaaaaaa :-'(

9 comments:

  1. "Patabain mo ang puso mo sa saya pero huwag ang katawan mo ang magdusa." Okay toh, pero nung makita ko ang turon! Wahhhhhhhh! Foforward ko toh sa misis ko! Three years na di ako nakakain ng turon! grabe!

    The rest, di na ako magcocomment, punta muna ako sa kitchen namin...heheh

    ReplyDelete
  2. Tsalap...tsalap... Ginutom tuloy ako.

    ReplyDelete
  3. Hayyyyy ang sarap sarap naman...eto naman ang mga na mi-miss ko at mga peborit ko noong kami eh sa tondo pa nakatira:
    1) mami na nilalako ng mamang naka side car
    2) binatog - yum yum yum sarap sa mirienda with kinudkod niyog
    3) flying saucer - hahaha pinitpit na monay with matching palaman your choice (nag hanap pa ako nyan dito hahaha kasi nakita ko yung waffle maker)
    4) pancake - kulang ang isa o dalawa kasi sobrang liit lagyan lang ng isang damakmak na butter at asukal oks na!
    5) lumpiang sariwa - wow as in super sarap nito with lots of bawang

    marami pa pero next time na lang baka dumating na ang boss ko....

    ReplyDelete
  4. Nakakagutom!

    Ang okoy sa amin (sa Antipolo at kahit dito sa Saudi) ay ung toge (minsan kalabasa) at hipon (pero hindi binabalot). Nilalagyan sya ng batter (flour) tapos piniprito. Ang lumpiang prito ay ung binabalot sa lumpia wrapper at (siempre pa) piniprito. Pag gulay, lumpiang gulay. Pag karne, anunangaun? I forgot.

    Paano mo ginawa ung taho?

    Dito sa Saudi, madalas naming ginagawa ung turon, bilo-bilo, biko, sapin-sapin, pansit luglog, bihon, canton, tsaka pala gulaman at buko pandan.

    Ung grupo kasi namin, me phobia sa gutom. Hehehe.

    ReplyDelete
  5. Ang pinakanami-miss ko 'yong ice cream na ube flavor! Whew! Ang dami ko talagang nakain niyan nu'ng umuwi ako last April. o",)

    ReplyDelete
  6. Grabeh, nakakagutom naman, lahat ng nabanggit mo ay paborito ko, lalo na yang taho, na sa edad kong ito ay inaabangan ko pa rin ang magtataho sa tuwing ako'y magbabakasyon sa amin sa Antipolo.

    A blessed weekend.

    ReplyDelete
  7. Mr. thoughtskoto- sige paluto ka na ng turon kahit anong saging pwede na hehehe

    desert aquaforce- salamat sa muling pagdalaw

    crazypinay- oo nga binatog miss ko rin yan, lagi rin kumakalembang yun suki namin sa binatog, yun flying saucer ngayon ko lang narining yun hehehe at di ko pa natikman yun

    nebz- yes okoy din ang tawag sa min nyan, yun may toge at shrimp at lumpiang prito yun binabalot sa wrapper; gumagawa ako nyan kaso nalimutan kong kunan ng picture kasi ginutom kaagad ako hehehe. Yun taho bumili lang ako ng soft tofu at ininit sa microwave then tinanggal yun tubig at gumawa ng matamis ng arnibal yun brown sugaar syrup at sago...hmmm tsalap na! yun mga sinabi mong kakanin naluluto ko rin dito hehehe

    RJ- oo masarap nga yun ube ice cream, sayang wala ditong ube kakainis di tuloy ako makagawa ng ube na kalamay

    Pope- ako rin lagi akong bumibili ng taho pag umuuwi sa Pilipinas, sa Antipolo ka pala, bungad lang ng Antipolo ang narating ko yun overlooking Metro Manila hahaha, sa tower ng isang radio dun kami lagi pumupunta hehehe

    ReplyDelete
  8. haha. iwasan bang kumain ng marami. ako kelangan ko kumain ng marami

    ReplyDelete
  9. gabi na pero inaatake ako ng gutom. hahaha! kakaluto este kakakain ko lang halos ng lumpia, turon, bananacue, squidballs at fishballs. madali lang makahanap ng ganyan dito. ung taho nila kakaiba nga lang pero mas gusto sa atin. wala dito ung sorbetes, sosyal mga ice cream nila eh at naalala ko nga ang binatog. sama mo na din mga kakanin! kakagutom!

    ReplyDelete