Sunday, May 10, 2009
HULA SCOOP: Pasayahin mo ang Nanay Mo...
HULA: Pasayahin mo ang Nanay mo sa araw na ito, kung wala ka ng Nanay, alalahanin mo na lang siya kung bakit narito ka sa mundong ito.
SCOOP: Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay at sa mga magiging nanay, sa gustong maging nanay at sa mga tatay na gustong maging nanay!!! hehehe
Tula ko sa aking ina, Happy Mother's Day....sana
SANA
Sana narito ang aking ina
Ina na naging matatag sa lahat
Lahat ng mga pagtitiis at dusa
Dusa na sa amin nagmulat.
Nagmulat sa amin ng tunay na buhay
Buhay na dapat pahalagahan tuwina
Tuwina ang aking ina ay naaalala
Naaalala na sana di siya sa amin nawalay.
Nawalay sa buhay na kailanman di na mababalik
Mababalik lamang tuwina sa aming panaginip
Panaginip na lagi sa akin na nanunumbalik
Nanunumbalik ang pagmamahal ng inang matalik.
O aking ina, ilang taon ka nang nahimlay
Di ko pa rin matanggap ang sinapit ng iyong buhay
Kasaganaan sa buhay na di mo man lang nalasap
Na mula't sapul sa pagkabata ko ay akin ng pinangarap.
BOW!
UKOL SA LARAWAN: Ang larawan na nasa itaas ay munting regalo sa akin ng dalawa kong anak, ibingay sa akin nang 12 mn impunto ng Mother's Day. Nakakataba ng puso at sinorpresa pa nila ako. Ang sagot ko sa kanila, "Thank you.... I love you" (sabay halik sa kanila), at sabay banat ko na...." saan ninyo ito binili?" hehehe"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
So sweet naman. You and your kids are the sweetest!
ReplyDeleteHappy mother's day Sardonyx!
Happy Mother's Day to you and to your Mommy, Madame Sardonyx.
ReplyDeleteIniisip ko kung sino ang gusto kong magiging susunod na mother ng aking magiging anak heheheh
Nakakagawa ng tula... Talagang inspired kang ina, Sardonyx.
ReplyDeleteHappy Mother's Day!
nebz- sweet ba? bunga siguro ng "matamis ang dila" na tatay at nabolang ina hehehe kaya kinalabasan...asukal na mag-anak hehehe, thanks sa bati
ReplyDeletedennis v.- salamat sa bati, natawa naman ako sa sinabi mo na sino naman ang susunod na magiging mother ng iyong magiging anak hehehe, bakit puro panganay ba mga anak mo o pangarap mong magkaron ng puro panganay na anak? hahaha
RJ- salamat sa bati, actually late na nga ang post ko dito hehehe, wala akong maisip kaya nakagawa ng walang kwentang tula hahaha....ilang araw ko na pinag-iisipan kung anong hula ko sa mother's day pero wala ako maisip talaga, pero pag nasa harap na ng laptop...ang bilis mag-isip hehehe...adik na yata ako.
Great poem, talagang patuloy mo akong pinahahanga, pati sa paglikha ng tula mahusay ka rin.
ReplyDeleteNakakatuwa naman ang mga anak mo, may mga regalo pa sila at talagang pinaghandaan nila pati ang oras ng pagbibigay ng gifts.
Happy Mother's Day to you... and to your Mom in heaven.
Happy Mother's Day ulit po ^__^!!!
ReplyDeleteHAHAHA!
Yung binili ko po yan, sabi ko kay Crystel... "Tatanungin ni mama ko 'Saan mo 'to binili?'" HAHAHA TAMA PO AKO!!!
So I got the poetic genes from you?! :) Hehe.
Sana nga nandito pa po si Mommy... =(
Anyway,
Thank you po sa lahat lahat! =)
I love youuu!!!
Happy Mother's Day!! <333
PS* Hindi ko po alam what is "lawaran" hehehe
aww, sweet. :) at may trophy pa ah! :) san nga ba nila nabili yun? hehehe
ReplyDeletei like your poem too.
happy mother's day!
Happy mothers day sau galing sa mga Thoughtskoto! ang sweet ng mga kids mo...
ReplyDeletePope- salamat muli sa iyong pagabti at salamat din at nagustuhan mo ang aking maikling tula
ReplyDeleteLei- salamat at kahit "TH" ka sa tagalog ay ipapasa kita hahaha, thank uli sa binili mo, lab u....hulaan mo kung ano yun "larawan" hahaha
reena- salamat sa bati, nabili raw niya sa BX (base exchange ng military) hehehe, kaya humngi sa kin ng pera hahaha
mr. thoughtskoto- salamat sa bati, hayaan mo paglaki ng anak mo malamang sweet din siya o magiging sila na rin pag dumami pa mga anak mo hehehe
nahuling pagbati dito. belated happy mother's day! ang ganda ng poem. talentado ka na sa panghuhula pati sa paggawa ng tula talentado din! super sweet naman ng kids mo. both are lucky. lucky you for having them and lucky them for having a mom like you!
ReplyDeletegift ba yan lahat sa inyo? nice! napaka-thoughtful naman nila. belated happy mother's day pero nakaktuwa talaga!
ReplyDelete