Tuesday, May 12, 2009

HULA SCOOP: Magtatanong Ka Sa Iyong Kaibigan


HULA: Magtatanong ka sa iyong kaibigan, di ko alam kung ano itatanong mo pero malamang yun hindi mo alam.

SCOOP: Na homesick na naman ako eh pagpasensiyahan n'yo na ako at "patalastas" na naman ang nasa utak ko. Sabi nila may iba raw kahulugan ang mga tag lines na ito pero di ko maisip talaga kung bakit may ibang kahulugan.....hmmm bakit kaya? Yan ang mga tanong ko sa inyo mga prends hehehe. Basta peborit ko mga tag lines na 'to, kayo peborit din ba ninyo ito?


COMMERCIAL TAG LINES



1. Keeps on absorbing even when wet (ano ba inaabsorb nito as in "sinisipsip kahit basa" ba sa tagalog yun?? tama ba tagalog ko?)
2. Pitong beses man gamitin (makapito ka man, magagamit mo pa rin wow ang galing naman nito?? gusto ko 'to!)
3. You're in good hands (naku ha, anong klase kayang kamay ang hahawak sa akin nito, kamay talaga kaya??)
4. Twist, lick, dunk (pipilipitin muna, didilaan pa at tapos ida dunk, ano nga ba yun dunk sa tagalog??)
5. Bilis galing, sarap tulog (mabilis naman matulog nito pero magaling daw, kaka intriga ito ah)

6. Ang mundo ko, sana makita mo (ano kayang klaseng mundo ang dapat ipakita dito? bakit gustong gusto niyang ipakita??)
7. I haven't zip my fly in 3 years (eh bakit di mo i-zip??? baka lumipad nga yan)
8. In kainin, in dalhin (wow "in na in" nga ba??)
9. Take the plunge (ano sisid ako? saan??)
10 To be sure you get the right quality, look for the bird (anong klaseng bird, maraming klase po ang bird no, depende pa sa laki)



UKOL SA LARAWAN: Kuha ko sa loob ng food court ng Morioka Mall mga dalawang oras mula sa aming bahay.

Ano kaya ang tag line ng mga Hapon sa Mister Donut? Basta ang alam ko isa sa mga sagot sa sampung tag lines na yan ay Mister Donut, kayo alam niyo ba mga sagot sa mga yan? Bahala kayo hehehe.

12 comments:

  1. Reyna k ng double-meaning!!! (At ako naman ang number 1 fan mo na mabilis gumana ang makulay na utak).

    Yoko sanang mauna dahil bopol ako sa mga tv commercials. Pero dahil nauna na ako, try kong sagutan.

    1. Cleene Cotton
    2. Golden Fiesta Cooking Oil
    3. Metrobank
    9. Nestea

    Ay hanggang doon lang pala! Ipaubaya ko n lang sa iba ung iba.

    Ikaw Sardonyx, gaya ng Smart ay, simply amazing at gaya ng Surf, wais!

    ReplyDelete
  2. haha. i like isladenebz' last line about you. :)

    and yes, puro may double meaning ka talaga. hahaha.

    i'm not sure kung ano yung brand:

    1. cotton
    3. metrobank
    4. oreo ata :)

    haha. yun lang alam ko. :)

    ReplyDelete
  3. pa-try :D

    1 cleene cotton
    2. cooking oil (basta di sya minola! hahaha!)
    3. metrobank
    4. oreo
    9. nestea
    10. albatross

    sana naman may tumama!

    ReplyDelete
  4. 1. Modess pero parang "dalaga ka na hindi na bata" yata yung modess...Cleene?
    2.
    3. Metrobank / All State
    4. Oreo
    5. Vicks vaporub
    6. Happee daw sabi ni Hubby
    7. Levis?
    8. Mister donut
    9.
    10. Albatross sabi ni Hubby

    KBLAG

    ReplyDelete
  5. Yes I agree we can really learn from these commercial lines. Magagaling ang kanilang mga gimik para bumenta heeheh..

    Natawa ako sa last line ng comment ni Nebz hehehe..

    ReplyDelete
  6. Ang ganda ng blog mo, have a nice day!

    ReplyDelete
  7. nebz- natawa naman ako sa tag lines mo na kinumpara mo pa sa akin hehehe, ito naman ang masasabi ko, para kang champion, "laging buo ang loob" hahaha, ok ba? Tama ka lahat ah?? 4 points! hehehe

    reena- lagi nga ba akong may double meaning o kayo lang yun? hahaha, you have 2 points! hehehe yun cotton, cleene po yun, di pwede cotton kasi pwede cotton candy, cotton balls at iba pa kaya be specific hehehe (ang higpit pa raw hahaha)

    syel- may 5 points ka! be specific sa cooking oil mahirap na no pwedeng used cooking oil di ba? hehehe

    kblag- aba aba ang galeng ahh, nagtanong pa sa hubby hehehe, 8 points!!! yes tama yun cleene no

    dennis- oo nga mabebenta ang mga products kung natatanim sa utak ng mga tao ang mga taglines nila....si nebz mukhang adik din sa commercials at nacompare pa ako sa smart at surf hehehe, wais! hehehe

    ReplyDelete
  8. bradpete- salamat sa dalaw, "tama ba ang daan" mo dito? o sa dating daan ka talaga? hehehe biro lang, bradpete kasi name mo eh naalala ko si isko always known as brad pete hehehe

    ReplyDelete
  9. ang alam ko lang yata, number 3, metrobank, banko namin yan eh hehehe.

    hahaha, the rest natawa na lang ako.

    ReplyDelete
  10. ang lupet mo naman. hahaha... pwede na yung cotton! :)

    ReplyDelete
  11. Mr. thoughtskoto- "may tama ka!" hehehe 1 point!! hahaha

    Reena- sige na nga pwede na rin kahit mali talaga, lakas mo sa kin eh hahaha, pero 3 points ka lang din hehehe

    Sa lahat na nagtangka na sagutan- maraming salamat po sa lahat

    ReplyDelete
  12. Congrats kay kblag! si anonymous po siya- galing naman.....kblag salamat sa lagi mong pagdalaw dito ha; si kblag po pala ay kaibigan ko sa isang forum na kung saan ay kapwa kami member nito (di ko pa po sya nakikita ng personal sa pictures lang).

    narito po ang mga sagot:

    1. Keeps on absorbing even when wet- cleene cotton
    2. Pitong beses man gamitin- golden fiesta cooking oil
    3. You're in good hands- metrobank; or all state (sa US ito, pareho sila slogan hehehe)
    4. Twist, lick, dunk- oreo
    5. Bilis galing, sarap tulog
    6. Ang mundo ko sana makita mo- hapee toothpaste
    7. I haven't zip my fly in 3 years- levi's button fly
    8. In kainin, in dalhin - Mr. Donut
    9. Take the plunge - nestea
    10 To be sure you get the right quality, look for the bird - albatross


    SALAMAT po pala kay Scel )isang kaibigan din sa forum)na nagbigay sa akin ng mga sagot na yan, kahit ako di ko rin kasi maperpek eh hehehe

    ReplyDelete