Thursday, May 7, 2009
HULA SCOOP: Mag-ingat Sa Taong.....
HULA: Mag-ingat sa taong may matamis na dila, baka akala mo sweet siya pero matamis lang pala....matamis magluto hehehe.
SCOOP: Matamis ang dila o bolero/bolera o mambobola, kung anu-ano pa basta ako nabiktima na ako ng tipo ng tao na may matamis na dila, mabuti na lang sa magandang paraan, ayun sabi ko nga sa huli kong post, nakatuluyan ko ang taong nambola sa akin ....ayun asawa ko na hehehe. Pero yun lang ang maganda,pambobola sa magandang paraan, para mabihag ang puso ko, naks naman hahaha ang corny!
Nakakatuwa minsan na alalahanin ang istorya ng pag-ibig (tagalog yan at baka mabasa ng anak ko hehehe)....pag naalala ko, natatawa na lang ako, ang corny pala ng asawa ko o kahit pa yung mga manliligaw ko, pacornihan yata ang diga noon. Pero ngayon di ko alam kung paano na manligaw ang mga kabataan sa Pilipinas.
Ihahambing ko dito ang naranasan ko noon at ang ngayon na tipo ng panliligaw.
Noon: (mula sa karanasan ko sa asawa ko)
Nanliligaw pa lang: Pwede ba kitang ihatid?
MU na (Mag-un hehehe): Hatid na kita mamaya ha?
3- 6 months: Sige ihahatid na kita, hintayin mo ako ha
6 months to 1 yr: Ihahatid na kita baka matraffic ka pa
1 yr and up: Basta ihahatid kita, kahit gabihin pa ako
Ngayon: (mga kabataan ngayon, mula sa email na naglipana)
Nanliligaw pa lang: Ahhh... pwede ba kitang ihatid?
MU o Exclusively Dating (hehehe): So pwede na kitang ihatid araw-araw?
3-6 months na: Sige, Ihahatid kita ha
6 months to 1 yr: ano ehhh... ihahatid pa ba kita? ikaw? papahatid ka pa ba?
1 yr and up: Text mo na lang ako pag nakauwi ka na
Ganyan ang nagagawa ng text ngayon hehehe
UKOL SA LARAWAN: Ang larawan na nasa itaas pala ay ang mga sulat sa akin ng mga "tanga"hanga ko hehehe, at yun "cheap" na kapirasong papel na di man lang nilagay sa stationary yan ay mula sa bolero kong asawa hehehe (dinaan yata sa ganda ng sulat-kamay eh?), ang cheap talaga at bolero pa rin sa sulat hehehe.
Mga 3 yrs ago binigay sa akin ng Ate ko ang mga sulat na yan, nakita nila sa isang kahon ko habang nag-aayos sila ng mga gamit, kaya buhay pa mga yan. Akala ko nga naitapon ko na. So bago ko itapon ay kinunan ko na ng larawan, bago pa magselos asawa ko hahaha.
Nabasa nga ng anak ko, ang sabi niya:
Lei: "ang cheap at baduy pala ni Papa noon, grabe ?!"
Sagot ng Papa niya: "Kita mo naman ako ang pinakasalan ng Mama mo, hehehe."
Sagot ko naman: "Yabang mo talaga" (sabay kurot sa t...enga hehehe)
----------------------------------------------------------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hindi na raw ngayon hatid-sundo kundi sundot-hatid hehehe.
ReplyDeleteButi naka-survive yang mga sulat--pwede na sa archives. Ang batch siguro natin ang huling henerasyon ng mga may ganyang sulat kamay pa na love letter...Ngayon puro chat, YM, Twitter, at Text na uso.
hindi pa uso text nun kaya sulat lang.
ReplyDeleteMag-un - haha, sa palabas dati.
ang ganda ng sulat kamay nung kay garfield oh.
Dennis- ok yun "sundot-hatid" hehehe may bago na naman akong natutunan sa'yo nyan; oo nga di ko naman tinago yun pala ang Ate ko ang nagtago binigay pa sa kin at baka maitapon daw nila sa paglilipat....so amgka edad nga tayo hehe; oo nga puro chat, YM, twitter, text at e-mail na ang uso ngayon.
ReplyDeletechoknat- oo di ko na experience ang may manligaw sa kin through text, nauso yun beeper pero can't afford ako bumili ng beeper hehehe; si garfield, engineering writing ang diga hehehe siya si "panis ang laway" sa huli kong post hahaha
hehe. okay sa letters ah. garfield!!!
ReplyDeletemedyo inabutan ko pa naman yung mga nag-aakyat ligaw pero dahil sa technology, bigla nlng nawala lahat. :)
aha, yun pala ang napangasawa mo ha. nadaan ka sa bola. :)
nice! kinilig naman ako! hehehe! pero kakatuwa magbasa nga ng mga loveletters no? yang mga ganyan ko nakatago sa baul. hehehe! nadaan ka pala sa matamis na dila...ganon ba talaga katamis??? lol!
ReplyDeleteHahahahaha, marami pala akong ka-batch dito sa love letters, ito ang nagsilbing tulay naming mag-asawa sa matagal na panahon. Pareho kaming OFW sa magkaibang bansa and we survived the test of time through constant communication by snal mails lang, napakamahal pa rin ng pone calls nuon.
ReplyDeleteNaging "mag-un" kami ng wifey ko na hindi ko naranasan masyado ang hatid-sundo rituals na yan kasi magkatabing bahay lang kami nuong time na nannliligaw pa ako sa kanya hahahaha I'm the boy next door ika nga hahahaha. Pero hindi ko sya binola, ako ata ang nabola hahahaha.
A blessed evening Bb. Sardz.
Reena- oo nga garfield, ang baduy ba? hahaha, ang drama pa nga ng sulat niya eh
ReplyDeletesyel- oo nadaan ako sa matamis na dila, panay ang bola kahit sinabi ko na ayoko pangmag bf eh ang kulit, humirit pa kahit daw MU lang hahaha, naku nasa baul pa pala mga love letters mo ha, ako wala na yung iba tinapon ko na
Pope- malamang ikaw nga ang nabola kasi nawala sa isip mo ang magpari? yun asawa ko di ako sinusulatan nyan noong nanliligaw pa, pero nang makatuntong ng US 3x a week kung sumulat hahaha
Narinig ko na nga rin ang term na sundot-hatid. Natawa na naman ako. Sweet naman ng mga sulat.
ReplyDeleteNgayon alam ko na kung bakit masarap basahin ang mga posts mo. Natuto ka sa kanila. Nadadaan mo ako sa jokes palagi.
Sa sundo-hatid pala talaga nagsisimula. o",)
ReplyDeleteHumn, bukod sa mag-ingat sa mga taong matatamis ang dila, mag-ingat na rin pala ngayon sa mga taong matatamis ang daliri- 'yong mahusay mag-text.
hahha.. nice topic.. totoo 'yan.. Iba an talaga ang bagong henerasyon... hindi lang yan applicable sa mga nanliligaw, pati na rin sa mga mag asawa...
ReplyDeleteSalamat sa pagbisita....
http://buhatsatambay.com/
i nominated you sa blog awards nyo sa peba. hahaha... pero di ko alam kung pwede akong makialam. hahaha...
ReplyDeletehahaha! oo, nakatago k'se masarap balikan paminsan-minsan ang kakornihan eh! naalala ko ang kahulugan namin naman sa MU- Mag-Unggoy! lol!
ReplyDeletenebz- ngayon mo lang nalaman kung bakit ka bumabalik sa blog ko, syempre sa jokes hehehe kahit corny at totoo yan natuto ako sa mga taong may humor at syempre pa sa mga email na naglipana sa tabi-tabi; mga prends ko inaabangan ang mga forwarded jokes ko hehehe
ReplyDeleteRJ- siguro ngayon wala ng sundot hatid hehehe sa text na lang siguro hehehe, oo nga siguro mag ingat na rin sa matatamis ang daliri hehehe ang bantot pakinggan, isip tayo ng ibang termino dyan hehehe
burn- oo nga applicable din sa mag-asawa kasi pag mag-asawa na, itetext na lang siguro kung nakauwi na sa bahay hehehe, pero di uubra yan sa kin, lagot asawa ko pag ginawa niya yun hehehe
Reena- wow sweet naman, at ni nominate mo ako pero di pa yata pwede kasi wala pa akong entry hehehe pero pag may entry na ako, nominate mo uli ako hehehe yun ay kung may entry ako ....pero thank you talaga ha, nakakataba ng pu...so talaga hahaha
syel- hahaha ngayon ko langh natutunan yan, mag-unggoy, mas malala pa pala kayo, sayang di ko natago yun eroplanong papel na yun, na may nakalgay na "Can I buy you a royal tru orange" kakainis...pang archive na yun sabi nga ni dennis v.
Happy Mother's day! :)
ReplyDelete