
HULA: May matatanggap kang balita na ikatutuwa mo. Sa sobrang tuwa mo ipapamalita mo pa sa ibang tao kahit di mo pa sila kilala hehehe.
SCOOP: Parang tugma talaga sa akin ang hula kong yan o talaga lang na tinaon ko? hehehe Syempre hulascoop ko ito eh kaya lahat ng hula tama para sa akin dahil puro kalokohan lang naman ito.
---------------------------------------------------------------------------
MAGANDANG BALITA
M-asayang masaya ako
A-t di ko maipaliwanag kung ano, paano at gaano
Y-akapin ko man ang buong mundo
W-alang hanggan ang kaligayahan ko
O-o kahit ano pang dumating na bagyo
R-amdam ko man ang bigat ng dalahin ko
K-ahit ano pa lahat ng suliranin ko ay napawi ng totoo
N-ang dumating ang balita na ito
A-y biglang sumaya ako
A-ng saya- saya na di ko maipaliwanag kung ano
K-ahit gaano kahaba ang hinintay ko
O- Diyos ko maraming maraming salamat sa'yo dahil.........
(Pakibasa uli ang unang letra ng bawat linya ng tula ko at iyon ang "magandang balita ko sa inyo")
BOW!!!
UKOL SA LARAWAN: Kuha ko ito habang lulan ng sasakyan sa kahabaan ng Coastal Road. Ang "sunset" ang simbolo sa akin ng "May Bukas Pa' ngek hehehehe.....habang may sunset may sunrise hahaha......pagkatapos ng dilim ay may liwanag....BOW! wow-wowowow! hehehe sige na mali late na ako........first day ko kailangan maaga!! mamaya na ang proofread.