Monday, May 4, 2009
HULA SCOOP: Mapapangiti Ka Kahit Walang Dahilan
HULA: Mapapangiti ka kahit walang dahilan, siguro may biglang pumasok sa isip mo.....ang iyong di makalimutang nakaraan.
SCOOP: Minsan may mga pagkakataon na bigla na lang tayong napapangiti kahit wala tayong kausap, kasi bigla na lang sumagi sa isipan mo ang mga di mo makalimutang nakaraan sa buhay mo na nagpasaya sa'yo o kaya naman may naalala kang crush mo o kaya love mo, di ba totoo yan? Aminin!
Madalas mangyari sa akin ang mapangiti sa sarili na para akong sira ulo at minsan lagi akong nahuhuli ng bunso kong anak. Napapahiya tuloy ako hehehe, lakas pa naman mang-asar ng anak ko....mana sa pinagmanahan hehehe.
Ang huli kong hula ay tungkol sa mga patalastas, malaki talaga ang naging impluwensiya nito sa akin. Pero pag ganyang laban naman ni Pacman, mabubuwiset ka talaga kung puro commercial na ang mapapanood mo hehehe, matagal pa ang commercial kesa sa laban hehehe. Thank you nga pala kay Mr. Thoughtskoto at nakapanood ako ng laban ni Pacman (mabuti walang commercial hehehe)....galing mo!
Balik tayo sa aking kuwento (ting-a-ling-aling -a ling), natatandaan ko pa nang nasa college ako, di sa pagyayabang mabenta ako noon hehehe ikaw ba namang mag-aral sa engineering school na puro lalaki ang mga estudyante kundi ka ba naman pagkaguluhan hehehe (yabang no! hahaha).....pagbigyan n'yo na lang ako, hehehe.....wala kasi silang choice hahaha kaya pinagtiyagaan nila ako. Tatlo lang nga kaming babae sa humigit kumulang na 45 na lalaki sa isang klase, kaya malamang 1:15 ang ratio hahaha....ang haba ng hair ko yata noon ah hahaha.
Narito ang mga baduy na strategy na panliligaw ng iba sa akin at ang paghusga ko sa katauhan nila sa pamamagitan ng sawikain o idioms:
1. Nagpalipad ng papel na eroplano na tamang-tama na lumanding sa akin, binasa ko ang nakalagay, "Can I buy you a royal tru orange?" napatawa ako hahaha, grabe walang originality, ginaya si Joey ng commercial ng royal tru orange as in pareho ang sinulat. Tanda ninyo pa ba ang commercial na yun? Sayang di ko mahanap sa youtube eh.
idiom ko: "mahina ang loob"
2. Nanghiram ng notebook, at sabay kausap sa akin kung taga saan ako. Pagkatapos na makausap ako hindi naman hiniram ang notebook ko, nadenggoy tuloy ako. Pero di pa rin niya nakuha ang phone number ko, ano siya hilo?? hehehe.
idiom ko: "matamis ang dila"
3. Pagsakay ko ng jeep papuntang Cubao bigla na lang may nagbayad sa akin, hindi ko kilala, naku gusto raw akong ihatid sa bahay namin, hindi man lang nagpakilala ang mokong.
idiom ko: "mahangin ang ulo"
4. May sumusulat sa akin lagi, di ko kilala kung sino, ang nakalagay na pangalan, "your secret admirer" Kinilig naman ako hahaha, hay kakainis di pa kasi uso noon ang text
idiom ko: "bahag ang buntot"
5. Hinatid ako, sumakay kami ng jeep mula sa Manila City Hall hanggang bahay namin hindi ako kinausap, tama ba yun? Nanliligaw ba ang lagay na yun?? Hello??
idiom ko: "panis ang laway"
TANONG: Sino ang hula ninyo ang nakatuluyan ko? Kayo naman ang manghula no! hehehe
Eto pala si Joey (RJ Ledesma in real life), maraming series yun RTO na commercials na si Joey ang bida, baka matandaan ninyo siya.
UKOL SA LARAWAN: Ang larawan ay isang halimbawa ng panliligaw....ng kapwa matanda hehehe, dapat pala bibilhan mo ng sorbetes ang liligawan mo hahaha, kasi napapalibutan na sila ng bulaklak. Kuha ko ito sa Hirosaki, Japan ang cherry blossom festival.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Me edad ka na, Sardonyx! Inaalala mo na ang kabataan mo! Hehehe.
ReplyDeletePero true sa hula mo, napangiti ako nang maalala ko ng Royal Tru-Orange commercial. And yes (kahit d ko makita ung larawan dahil super bagal server namin ngayon), naaalala ko si Joey.
Hula ko dun sa limang binanggit mo? Ung first. Ung nagpalipad ng papel. Hinuha ko kasi'y malapit sa puso mo ang commercial ng Royal TO. Tama po ba ako?
hello, i'm here. babalik, babalik ulit ako. :D
ReplyDeleteang hirap manghula pero sige, ung panghuli ba??!! ang kulet ng lumang commercials! hahaha! sobrang bata pa si joey dun. ang natatandaan ko lang ung medyo binatilyo na sya.
ReplyDeleteWow, skul campus figure ka pala hahahaha. I have never enjoyed my life nung college, kasi puro aral. Hey I remember that boy, kailan lang ipinakita sya sa TV, he's a grown up man, isa na syang business enterpreneur, but yes, he's the guaping boy neks door during his time.
ReplyDeleteTeka I had to share this one, during high skul, ako ang taga gawa ng lab letters ng mga klasmeyt ko sa mga nililigawan nila, but I never made one sa crush ko, kasi super torpe ako hahahaha, isa pa gusto ko ngang magpari HAHAHAHAHA.
hahahah natawa ako sa RTO na commercial
ReplyDeletemeron akong isang naalala na commercial din ng RTO nag spin the bottle sila...can't remember the exact details pero me ganon hahahaha
Kblag :)
nagbasa ako, natawa, hehehe, hahaha. hay nawala ang pressures...stress...
ReplyDeletesalamat salamat sa suporta at tiwala, iboto niyo po ako...ay ibato, este...wala pala akong entry...
Basta mabuhay ka! Mabuhay tayo! Mabuhay ang Filipino!
yes, natatandaan ko yan si joey. Saan na kaya siya ngayon..
ReplyDeleteSakura means cherry blossoms. I love singing this song and the flower...
Hope na mapadaan ka sa blog ko.. salamat!
nebz- waaaa oo nga may edad na talaga ako pero wala pa naman ako sa 40 kaya feeling bata....batang isip hehehe; di siya picture video sya, try mo para maalala mo si joey hehehe; wala di mo pa rin mahulaan ano ba yan hehehe
ReplyDeletechoknat- salamat sa dalaw, sige balik ka lagi ako rin babalikan kita, namiss ko nga ang chocnut nang makita ko name mo e hehehe
syel- siguro bata ka pa noong nauso ang commercial ni Joey naku talagang napaghahalata na may edad na pala ako, parang kailan lang, ang mga pangarap mo ay....lalalala kumanta pa no hehehe
Pope- kaya pala Pope ang screen name mo e dahil frustrated na pari ka pala??? grabe hehehe, pero ang galing mo naman at ikaw ang taga sulat ng love letters hehehe; yun nanligaw din sa akin noon nagpasulat ng love letter sa friend niya kaso nabuking ko hehehe, ako pa ang lakas ng radar ko hahaha
crazypinay- hahaha ikaw pala si kblag??? as in bongalicious at b70s ng ating forum? hahaha, salamat sa dalaw; naalala ko rin yang commercial ni joey na nagsping ng bottle pero di ko nga rin matandaan kung anong nangyari hay makakalimutin na talaga ako lam mo na ala "dory" na talaga ako hehehe
Mr. thoughtskoto- sige babatuhin kita....ng pasasalamat lagi hehehe wag kang mag-alala teka di ko alam pano pala sumali sa PEBA, hahaha grabe na talaga ako, parang aatras na lang yata ako hehehe wala ako maisip eh...bahala na si batman, spiderman at superman
burn- sige dadaan ako sa blog salamat sa dalaw; sabi ni Pope business enterpreneur na raw si joey, kaya bigatin na nga siya hehehe
syel- mali rin hula mo pala hehehe
ReplyDeleteMADALAS AKONG GANYAN. NAPAPANGITI NG WALANG DAHILAN. PAPATINGIN NA NGA AKO SA MENTAL EH. HEHE. NAKAKAALIW TALAGA ANG MGA POST MO.
ReplyDeleteayun, andito na naman ako.
ReplyDeletelagay ko na nga lang link mo para isang click na lang lagi. :D
kagutom, gusto ko ng champ!!
gawain ko yung bigla na lang napapangiti. hahaha
hhhhmmm....huling hula, yung pang-apat ba?! hehehe!
ReplyDeleteaww...parang nakakakilig lahat ng ligaw moments mo ah. pero i think si number 4 kasi kinilig ka sa kanya eh. hehe.
ReplyDeletei watched the old commercials. shucks, wala akong maalala. hahaha...
@ burn... si RJ yung editor ng mga mens magazine dito sa pinas. and he is also into real estate development. classmate ko sya. :)
pahula, pang-apat ba yun, yung bahag ang buntot, hahaha.
ReplyDeleteIm finishing my entry STEP BY STEP GUIDE TO PEBA NOMINATION, kaya sali ka na.
joshmarie- salamat at napangiti kita kahit wala kang kausap hehehe
ReplyDeletechoknat- salamat sa muli mong pagdalaw at pag add sa kin, na add na rin kita :-)
syel- mali na naman hahahhahaha
reena- hay mali rin, kahit pala kinilig ka sa isang guy pero di ka tinamaan sa puso bale wala rin pala hahaha (corny ko talaga!); ay ang galing classmate mo pala si Joey hahaha close ba kayo? sabihin mo fan niya ako ng RTO commercial niya hehehe
mr. thoughtskoto- mali din po ang huli nyo hehehe, hay so totoo lang kahit ako di ko rin inisip yun makakatuluyan ko eh kasi pina baduy yata siya sa nanligaw yun tipo ng panliligaw niya hahaha (sssshhh wag kayo maingay baka mabasa)
to all- hula ko talaga walang makakahula kung sino ang nakatuluyan ko hehehe, pinaka baduy ba naman sa panliligaw pero napana ang puso ko eh hehehe ganun yata talaga, may kasabihan nga tayo "tulak ng bibig, kabig ng dibdib"..... ang nakatuluyan ko at hindi na ako pinakawalan ay walang iba kundi....dan-da-ran....hehehe si no.2!!!! si matamis ang dila!!! hahaha at siya pa rin ang pinagtitiyagaan ko ngayon hehehe, ang pinakamamahal kong asawa....naks naman!!!
salamat sa mga nanghula at dumalaw, di lang napangiti kundi napatawa ninyo ako ng husto....kaso nakita na naman ako ng anak ko kaya asar talo na naman ako sa kanya hehehe, di bale may araw din siya hehehe
Sino naman po kaya sa mga binigyan mo ng 'idiom' na 'yon ang naging boyfriend mo?
ReplyDeleteRJ- si no.2 ayan nagpost na ako ng panibago, basahin mo na lang hehehe, akala ko nga bf lang eh, naging asawa pa hahahaha
ReplyDeleteRJ- may binigay pala akong award sa'yo tingnan mo na lang under awards sa label ko, dami ka na ngang award galing sa mga friends mo sa blog no, dinagdagan ko lang hehehe
ReplyDeleteAyos ang pagsesentimental journey at nostalgia trip! Siguro homesick ka na ano? Marami pang matatandang palatastas na Tagalog sa Youtube hanapin mo lang:
ReplyDeleteSample:
http://www.youtube.com/watch?v=sCFCqbl8_bo
Galing yan sa koleksyon ni Adman1909.Andun sa Youtube lahat.
oo nahohomesick na ako dito hahaha kaya panay ang nostalgia trip ko hehehe obvious ano?
ReplyDeleteoo nga kilala ko na nga si adman1909 noon pa, fan na niya ako sa commercials hehehe