Saturday, November 28, 2009

HULA SCOOP: May Sasabihin Ka Pero Malilimutan Mo


kuha sa tapat ng bahay namin......ahhhh ano tawag nga sa mga ano na yan?? yun mga yun, nakikita ko yan sa farmtown at farmville eh


HULA: May sasabihin ka, pero malilimutan mo ang sasabihin mo. Kaya kahit wala kang dapat isipin mag-iisip ka ngayon kung ano bang iniisip mo na nalimutan mong isipin. Hay kakalitong mag-sip! Di ko maisip!

SCOOP: Bakit nga tayo minsan pag nagsasalita bigla na lang malilimutan mo na ang sasabihin mo o kaya wala ka na talagang masabi. Kaya mapapa ahhh ehhh ihhh oohh uhhh ka na lang hehehe, anu-ano kaya ang mga dahilan nito??

MGA HALIMBAWA NG MGA SALITA O KATAGANG NABIBIGKAS KAPAG WALA KANG MAISIP (ano nga bang tawag sa mga salitang ito??? di ko maisip tawag eh)

1. ahhh- kalimitang nabibigkas sa unahan ng pangungusap at nababanggit kapag nagtatalumpati sa maraming tao o kapag kinakabahan

halimbawa: ahhhh ahhhhh ahhhh kinakabahan kasi ako pasensiya na po

2. eh- kapag walang masagot na dahilan; o kaya nag-isisip kung paano magsinungaling

halimbawa:
mister- eh eh sensiya na dear ginabi kami ng uwi kasi galing kami sa patay eh eh eh......
dear- anong patay???baka sa "patay sindi" na mga ilaw kayo galing??? at umaga na no!!!! @#$%%^&@@!@!!!!!!!!!


3. ano- kapag hindi alam ang tawag sa isang salita, alam mo ang pangalan na tinutukoy mo pero nasa dulo ng dila mo at di mo masabi (kamayin mo kaya dila mo no ng maalala mo hehehe)

halibawa: kasi yung ano di ako makapag ano kapag naaano ako kaya wala akong maano, paki ano na lang ha makakaano ka rin kapag naano mo

4. yun- kapag may tinuturo na di alam ang pangalan o may tinutukoy na ayaw banggitin ang pangalan o di lang talaga alam ang pangalan

halimbawa: paki abot nga yun, oo yun, yun nga!

5. you know- nahawa ka na sa ingles ni pacman o baka idol mo na si pacman, you know

halimbawa: Kuto (Cotto) is tough "you know" that's why i let him hit me you know....

6. lalala- kapag hindi mo na alam ang kanta yan na ang lyrics na kinakanta mo

halimbawa: la la la la la

7. nanana- bagong "lalala" para maiba naman kakasawa na kasi ang lalala

halimbawa: eto click nyo yun video






Marami pa sana kaso di ko na maisip ang iba, kayo naman mag-isip kung may maisip kayo kung wala naman ehhh ok lang yun! Anuman yun basta ano yun, yun na!

9 comments:

  1. hi. i tagged you as one of my friends whom i love. please get your badge on my blog. mwah!

    ReplyDelete
  2. Natuwa naman ako sa 'nananana' lyrics mo to the tune of "Hawak Kamay" ni Yeng. You are woman of many talents, marunong ka rin palang mag-gitara. Pogi naman ng angel boy mo.

    A blessed morning to you and your family.

    ReplyDelete
  3. anak mo?

    errrr... ahhhhh.. ano.... lalalalal... nananananana! ahahahaha!

    basta un na un!
    (naintindihan mo?)

    ReplyDelete
  4. Arlini- thanks sa badge kakatuwa at nadagdagan na naman friends ko sa blog at pati na rin yum badge ko hehe wag Lang magsasawa sa pagdalaw dito

    Pope- salamat sintunado naman ako hahaha the video was taken 2 yrs ago pa yata tumaba na yan anak ko, di ako marunong tumipa simple lang alam ko sa gitara, next time post ka naman ng naggitara ka, I admire people who can play guitar and piano eh

    AZEL- yup anak kong makulit, nanana ang latest ngayon eh hehe

    ReplyDelete
  5. bungisngis si bagets sa video ha, mana ata sa nanay ng pagiging smiley =) nanananana...
    ...regarding sa post mong ito missy, ah eh, ano, speechless ako eh..you know LOL! yun yun eh!

    ReplyDelete
  6. uhm, ah, kulet ni bagets ah! hahaha! galeng mo mag-gitara na-ano naman ako! hahaha! pero yun nga medyo naka-relate ako sa ano, mga sinulat mo. btw, ung picture, hay yun diba? di naman haystack pero hay diba? hehehe!

    ReplyDelete
  7. docgelo- actually sa personal tahimik ako ;-) sa blog lang ako bungisngis hehehe, lam o mo na...."you know" shy kasi ako e LOL

    syel- oo tama ka "hay" nga, kaso hay roll kasi naka rolyo e hehehe yan ang tawag sa farmville hehehe adik no...makulit nga yan anak kong yan pero that was 2 yrs ago ngayon naman madaldal LOL

    ReplyDelete
  8. "Uhmn..." isa din yan...

    'Yong teacher ko sa T.H.E. noong high school kapag may salitang hindi niya maalala ang sinasabi niya ay, "...of what we call... uhmn." Palaging ganyan. Hahah! U

    ReplyDelete
  9. RJ- tama ka, yun uhmmm na yan maraming ibig sabihin depende sa lakas ng pagkakasabi hehehe

    ReplyDelete