Thursday, November 12, 2009

HULA SCOOP: Mag-ingat Sa Mga Taong Nasa Paligid Mo

Eastwood, Libis


HULA:
Mag-ingat sa mga taong nasa paligid mo baka magoyo ka ng kanilang matamis na pananalita kamukat mukat mo dupang pala. Matutong dumiskarte sa ganitong pagkakataon, mahirap nang maisahan baka mapraning ka lang.

SCOOP: Goyo? Dupang? Diskarte? Praning? Gets nyo ba ang mga salitang ginamit ko? Muli natin tatalakayin ang mga salitang kanto o slang. Narito ang ilan sa mga napulot ko sa internet na mga halimbawa nawa’y kapulutan nyo rin ng aral:

1. banil- libag na makikita sa leeg at batok na mahirap matanggal sa kapal; pinagpatong-patong na libag
2. baktol- matinding putok o body odor
3. balbonik- taong mabalbon o mabuhok sa katawan
4. bakti- bakat ang panty
5. tutsang- buhok na lumalabas sa ilong
6. atchaka- buhok sa ilalim ng labi (from the phrase bigote “atsaka” balbas)
7. baskil- basa kilikili
8. karug- buhok sa ilalim ng pusod (“karug” tong ng buhok sa baba hehehe)
9. mcarthur- "dumi mo" na bumabalik pagkatapos mong iflush ang toilet (eeewwww)
10. wetpaks- pwet
11. hindot- bayarang babae
12. Booblets- maliit ang boobs (ooopps sorry, ano bang magandang ilagay ingles o tagalog nito??)
13. Boyoyong- malaki ang labi
14. Bumper- boobs o malaking hinaharap (ayan mukhang mas tama to)
15. nikotin- mantsa sa underwear na kulay tsokolate hehehe

BABALA: Ang mga salitang ito ay napulot lang sa tabi-tabi, patnubay ng matinong kaisipan ang kailangan. Kung nalaswaan kayo sa kahulugan paumanhin na lang kaibigan, sensiya na tao lang.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BONUS:

Malapit na laban ni Pacman kaya nandito ang lumang mga jokes tungkol sa kanya, matalo, manalo, si Pacman pa rin sa akin ang panalo!!

Lumang Pacman Dyoks uli

>
>
> Pacquiao: honey, buksan mo na yung sweets...
> Jinky : lambing mo talaga. mwah !! nasan ang sweets honey?
> Pacquiao: yung sweets ng ilaw. di ako makakita... ang dilim!!
>
> ************************************************************
>
> Noodle!! Noodle!! Noodle!!
>
> -
Manny Pacquiao sa Deal or No Deal.. =)
>
>
>
> *************************************************************
>
>
> -Sa
Las Vegas-
>
> Waiter: May i take ur order, madam?
> Aling Dionisia: Soup
> Waiter: Chicken, asparagus, noodle, fish or soup of the day?
> Aling Dionisia: Soup drenks!
>
> **************************************************************

> 'you iS!'
>
> 'you is!'
>
> 'you is!'
>
> -sigaw ni Aling Dionisia pgdating sa Amerika. Andito na aq sa 'you is!'


> **************************************************************


LARAWAN: Ang kamay at paa na nasa larawan ay sa akin hehehe, pagpaumanhin ninyo ang mga kuko ko, si Pacman ang kinukunan ko dito hehehe

13 comments:

  1. nakita ko na naman yang mac arthur na yan! lolz!

    you is!!! (panalo!!!)

    ReplyDelete
  2. angkulet naman ng pacquiao jokes mo. yung ibang salitang kanto alam ko, ung iba, hay nahuhuli talaga ako sa balita.

    ReplyDelete
  3. my smiles are up to my ears once again at half hour past 1 in the morning dito sa pinas dahil sa post na ito, hahahaha!!! "noodle!, noodle!" bago lahat to sa akin, hahaha,, mas nakaktawa ba na late ako sa pacman jokes? hehehe. thanks for sharing, dami ko na namang baon.... btw, akala ko name ni manny nasa hollywood blvd na, sa eastwood city pala, courtesy yan ni kuya germs!

    ReplyDelete
  4. Hehehe :D Nabasa ko na ung kay pacman, binasa ko tuloy uli lolzz

    Kailangan ko tulong mo d2 http://lordcm.blogspot.com/2009/11/isang-minutong-smile.html ... email mo na rin pix mo para sa Isang Minutong SMILE :)

    ReplyDelete
  5. Promotion din ba ito ng pelikulang 'Ang Tanging Pamilya'? Introducing Aling Dionesia Pacquiao 'yon. U

    ReplyDelete
  6. may nadagnag na naman sa bokabolariyo ko. kailangan natin balikan ang ating panitikan kanto paminsan minsan.

    ReplyDelete
  7. galing! natural sa iyo ang joke kaya keep it up... may marami ka pang mapapasaya sa blog mo...

    ReplyDelete
  8. hi i'm arlini. i'm a blogger too and soon to be an expat blogger.

    i find your blog really nice. is it okay with you if we exchange links? will wait for your reply.

    anyway, here's my blog - iamarlini.blogspot.com

    thanks

    ReplyDelete
  9. hahaha. naiimagine ko si mommy D na sumisigaw ng "you is!" hahaha. she makes me laugh

    ReplyDelete
  10. Aling dionisia in an interview:

    "I-wan ku ba dito ke Manny, binigyan aku ng bis-nis class tikit... eh wala naman aku bis-nis!"

    wala kang kupas sis! :)

    ReplyDelete
  11. Oh dear. Dapat ang title mo: "Mag-ingat sa mga nagdididikit sa yo."

    Akala ko iba ang meaning ng hin-something na 'bayarang babae'. Akala ko kan-something na sa English ay sex act.

    Alam ko ung wetpaks dahil lagi kong naririnig sa mga kaibigan ko ung term na wetpapaks (tonguing the you-know).

    (Pabulong habang nakatingin sa langit: Patawarin nyo po ako dahil naimpluwensyahan lang po ako ni Ms S, pero nakakatawa naman po talaga ung You Is nya about Aling D, di ba?.)

    ReplyDelete
  12. AZEL- you sis panalo talaga, yun mcarthur luma na no hehehe

    syel- salamat nakulitan ka hahaha, oo nga kulit ng pacquiao pero nakakatuwa kahit luma na

    docgelo- kala ko nga mas updated kayo kasi galing sa Pilipinas yun mga jokes na yan hehehe, siguro naiintimidate ang mga friends mo na magpadala ng pacquiao jokes hehehe; oo nga daw courtesy of kuya germs daw yun ala hollywood names na yan at nangunguna si Pacman dyan, which is dapat naman

    CM- sige try ko puntahan yun link na yan, dami ko na utang sa link hehehe at lagi kasi busy

    RJ- oo nga promotion na rin ni Aling Dionisia yan hehehe, bastaq natutuwa ako sa kanya kaya pinost ko mga jokes about her and Pacman

    Lifemoto- oo dapat ma update tayo paminsan-minsan sa mga bagong salitang kanto para di tayo mabenta

    Joseph- salamat sa pagdalaw sana dumalas pa ang pagpunta mo dito ha parang awa mo na hehehe

    Arlini- thanks for dropping by, no problem sige exchange tayo link, sorry medyo ngayon lang uli ako nakapag open ng blog ko hehehe

    Reena- ako rin, kapag binabasa ko mga jokes ni Aling Dionisia pati pagbasa ko may accent hehehe para feel na feel ko

    Roanne- bago yan joke na yan ah hehehe, bisnis tiket ok yan thanks for sharing hehehe

    ReplyDelete
  13. Nebz- hahaha, bakit naman yun ang suggestion mo, "mag-ingat sa nagdididikit sa kin?" oo nga parang angdalawang isip tuloy ako dun sa "hin-" na yun hehehe bad word pala hahaha e di ko kasi talaga alam ang meaning nun ask ko lang si pareng google, pero parang tama kasi yun naririnig ko sa mga tita ko na kapampangan LOL- you is! you is!!!!

    ReplyDelete