Tuesday, December 1, 2009
HULA SCOOP: Susuwertehin Ka Ngayon
HULA: Susuwertehin ka ngayon sa mga bagay na may kulay “kahel” o orange, simulan mo ng hanapin ang mga kulay na yan, kapag lumipas na ang araw na ito, malas na yan.
SCOOP: Suwerte nga ba ang kulay na yan sa’yo? Ewan ko no hehehe
-----------------------------------------------------------------------
Napag-uusapan ang kulay kahel, ano nga ba ang nagpapaalala sa akin kapag nakakakita ako ng kulay na kahel o orange, eto:
Pumpkin- kapag ganitong taglagas o “fall” or “autumn” season sa US o Japan (nandito nga pala ako nakatira hehehe), ang napakarami at naglalakihang pumpkin ang karaniwang makikita sa grocery stores. Kapag Oct. 31 o Halloween ginagawa nila itong “Jack-o-lantern” at kapag natapos na ang Halloween, ginagawang pumpkin pie ang loob nito. Bakit nga ba walang pumpkin sa Pilipinas??? Ano ba ang tagalog ng pumpkin? Malaking kalabasa?? Kamag-anak ng bayarang babae??? hehehe
Wala naman kasi tayong Halloween talaga, nakikigaya na lang tayo ngayon, e sino ba namang Pilipino ang bibili ng malaking kalabasa tapos tatanggalin o kakayurin mo lang ang loob nito at bubutasan ang harap para magkakorte ng mukha ng tao? At lalagyan mo ng ilaw sa loob??? at ididisplay mo lang sa gabi para takutin ang mga bata??? Sa hirap ng buhay ngayon mayaman lang ang makakagawa nito sa atin, ang kaso mas marami ang mahirap sa atin so malulugi ang mga magtatanim nito. Hindi rin mahilig ang Pinoy sa pumpkin pie, malamang gagataan ng mga Pinoy ang pumpkin at isang buwan nila itong ulam sa laki ng pumpkin matagal maubos hehehe. Pero wala naman sigurong pumpkin sa atin so wag na lang natin problemahin kaya hehehe.
Persimmon- first time kong makakita ng persimmon ay sa California, ang akala ko noong una ay chesa ito, pinaka ayaw kong prutas pa naman ay chesa. Hindi naman pala, ang lasa nito ay pinaghalong “papaya” na “chiko” hehehe, ano kaya ang tawag nito sa Pilipinas??? Papako? Hehehe Nagsaliksik ako kay pareng google at ang sabi ay mabolo daw ang kamag-anak nito sa atin. Di ko pa natikman ang mabolo kasi ang mahal nito noon siguro naman hanggang ngayon din. So kamag-anak pala siya ni Mabolo ... ay ng mabolo. Kulay red ang mabolo pero yun lasa hindi ko maikumpara kasi di pa ako nakatikim nga, hayaan n’yo pag balik ko ng Pilipinas bibili ako ng mabolo para malaman ko ang pagkakaiba. Ang alam ko ang mabolo ay mabalahibo ang balat nito ala velvet ang dating, samantalang ang persimmon ay napakakinis ala porselana ang dating hehehe.
Nabigla ako nang makita ko na marami pala nito dito sa Japan at kung itinda nila ay kahon-kahon. Ang tawag nito sa Japan ay “kaki” pero di naman kulay kaki hehehe kulay orange din siya. Para sa akin, mas masarap ang persimmon nila dito kumpara sa California o Hawaii. Hindi kasi ako nahilig kumain nito nang nasa California at Hawaii kami e at iba ang hugis nito doon. Eto pa, dalawa ang klase ng persimmon, astringent at non-astringent akala ko ang astringent ay pang eskinol lotion lang hehehe so pati pala prutas ginagamit ang term na yan, na ang ibig sabihin ay “to bind fast” o “ “mabilis na pagdikit?” o “madikit na mabilis??” o rugby??? hehehe whatever! Iba-iba rin pala ang species nito, may itim or black persimmon, mabolo or velvet-apple (kulay red), date-plum (lasang date at plum) , American persimmon (orange) at ang Japanese persimmon (kaki)….kaya pala iba-iba ang lasa nito, kahit pare-pareho sila ay iba-iba rin pala hehehe, ang labo talaga!
Paano ito kainin- ibuka ang bibig, kagatin,ngatain, lunukin….teka babalatan mo pa pala hehehe
Orange- alam niyo naman kung ano ang orange so ok na yan, super haba na itong scoop ko no. Ask niyo na lang si mareng yahoo naman.
PAUNAWA: Walang kinalaman ang pumpkin at persimmon sa suwerte niyo, nasa tao yan. Kung suwerte ka, di ka malas at kung malas ka di ka naman suwerte. Ganun lang yun, pareho yan pero iba.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hmm, kulay kahel, yan ang kulay ng partido ni Erap at sya ring kinopya ng partido ni Villar sa Halalan 2010. Malalaman natin kung may hatid na swerte ang kulay ng kahel kapag isa sa kanila ang nanalo sa pagka-Pangulo sa Mayo 2010, hahahaha. Pero sa mga pagsususuri, tila kulay ng 'chesa' - dilaw ang nangunguna, hahahaha.
ReplyDeleteAno kayang kulay ang aking iboboto? Ano ba ang kulay ni PGMA? Wala lang (lolz).
ganun favorite ni ERap yun kahel? malamang matatalo na siya kasi hanggang ngayon lang ang araw na ito na swerte ang orange hahaha, ano bang kulay nga ni GMA? di ko alam baka itim? hehehe ano ba yan nangangamoy pulitika ka na Pope ah hehehe kulay lang yan....kulay lang.... hahaha
ReplyDeleteNung maliit pa kami, tuwing "all souls day", buko ng niyog ang ginagamit namin. Yung tatlong butas tinatakpan namin ng pulang papel tapos tinitirikan ng kandila sa loob. Instant "jack-o-lantern" na, pinoy style.
ReplyDeletemasarap nga ang persimmon pero dito ko lang nalaman kamag-anak pala ng mabolo yan, gusto ko din k'se ng mabolo eh! masarap un! at mahilig ako sa pumpkin soup! hahaha!
ReplyDeletegusto din ng asawa ko ang persimmon. una nya itong natikman sa auckland, nz tapos hinanap namin sa manila pag uwi, mahal! sa sobrang mahal per kilo kinalimutan ko na kung magkano, hehe.
ReplyDeletemissy, natawa ako sa meaning mo sa "pumpkin" LOL
aha! sandali, ung isa kong blog post about luck din ah. what a coincidence!
ReplyDeleteat ako ay sumama sa isang orange picking activity nung weekend. sana nga swertehin ako. pero tama ka, nasa tao yan. :)
never ko pa natry yung persimmon.
Isang beses pa lang akong nakakain ng persimmon, ayos naman, pero ito ang prutas na hindi ko hahahanap-hanapin.
ReplyDeleteKapag swerte sa kulay-kahel dapat bang kumain ng mga pagkaing kulay orange at magsuot ng damit na kasingkulay nito?