HULA: Hindi ka masisiyahan ngayon, parang laging may kulang ang pakiramdam mo. Gusto mong magkaroon na wala ka ngayon. Bakit kaya?? Di ko alam no!
SCOOP: Bakit nga ganun ang tao, lagi na lang walang kasiyahan? Kung anong wala, gustong magkaroon pero hindi naman lahat pwede. Narito ang ilang mga naisip ko na nakakabaliw kung iisipin na bakit natin hinihiling na magkaroon tayo.
PAGHAHAMBING:
1. Kulay
Mga Amerikano, puti o mga Caucasian- nagbibilad sa araw na naka two piece o nakahubad pa habang nakadapa pag nasa beach (gustong maging tan) pero ilang araw lang balik kaagad ang kulay puti nila hehehe
Mga Pilipino o mga Asian- mga Pinoy, naka long sleeve, may sombrero, nagtatago sa lilim ng puno pag nasa beach (ayaw mangitim) kasi kapag nainitan taon ang bibilangin para bumalik lang ang puti nilang kulay hehehe
2. Kulay uli
Mga Amerikano- bumibili ng tanning lotion, nagsa sun bath, nagpupunta sa tanning salon para lang maging tan sila
Mga Pinoy- bumibili ng papaya soap, bleaching or whitening lotion, nagpapableach sa Belo's clinic para pumuti lang sila
3. Tipo (type)
Mga Amerikano- gusto ang beauty ng exotic na Pinay (kung ano man ang definiton ng exotic, sarilinin nyo na lang hehehe)
Mga Pinoy- gusto ang pogi na maputlang kano basta blue, green o hazel eyes, matangos ang ilong at mahaba.....ang pasensiya ayos na ang buto-buto hehehe
4. Klima
Mga taong pinanganak at lumaki sa paligid ng snow- gustong tumira sa tropical area, konting araw tuwang-tuwa na sila, magsusuot na kaagad ng top tank, shorts o bikini, sabik magtampisaw sa dagat
Mga taong pinanganak at lumaki sa tropical season- sabik na makahawak ng snow binibilin pa sa friend na magdala ng snow sa bote para may souvenir daw hehehe; konting lamig naka jacket at leather boots na kagad makaporma lang
5. Buhok
Mga taong straight ang buhok- gusto magpakulot
Mga taong kulot ang buhok- gustong magpa straight ng buhok
6. Buhok Uli
Mga tao na blonde ang buhok o kulay mais ang buhok- nagtitina ng buhok para maging brunette o itim
Mga tao na brunette o itim ang buhok- nagpapa highlights o nagtitina ng buhok na kulay blonde kahit na pinagtatawanan na sa email ang mga blonde jokes sige pa rin sila magpakulay; ang sama lang ng hitsura kapag blonde hair tapos ang itim-itim at sarat pa ang ilong hehehe parang di bagay hehehe (ooopsss tabi-tabi po hehehe)
KONKLUSYON: Hay ang tao nga naman walang kasiyahan talaga, kaya nga ako sana di na lang ako nakapagtrabaho, kasi ngayon wala na akong time mag blog ng araw-araw, maglaro sa facebook tulad ng farm town, restaurant city, farmville, scramble, bejeweled blitz, mag friendster, magsurf sa ibang blog at manood ng mga teleserye sa TFC... kakainis sagabal ang magtrabaho pala hehehe (oooppps joke lang baka bawiin, e sayang naman ang paghihinagpis ko noon hehehe).
LARAWAN: Ang larawan na nasa itaas ay kuha ko. Namimiss ko na ang Hawaii ngayong nasa Japan na ako, pero noong nasa Hawaii ako gusto kong maglaro ng snow at makarating ng Japan. Ngayon narating ko na ang mga ito gusto ko nang bumalik ng Pilipinas, waaaaaaaaaaaaaaaa, iba pa rin ang sariling bansa....bow!
Nakakatuwa nga, bakit nga ba di maunawaan ang gusto ng tao, ang mapuputi gustong mag tan, at ang mga kayumanggi ay gustong pumuti. Ang kulot ay nais magpa-rebond at ang mga stright hair ay nagpapakulot. Buhay nga naman, parang life, sala sa init, sala sa lamig.
ReplyDeleteDito maraming Pinay ang nagpapa-cute sa US Serviceman, pero tama ka di sila type ng mga Kano ang hanap nga nila ay mga exotic ang dating hahahaha.
Sadya yatang hindi nakukuntento ang tao sa kung ano meron sya...
ReplyDeletePope- waaa pinapakaba mo naman ako dami palang Pinay dyan na nagpapacute sa US military madedeploy pa naman wishart ko dyan huhuhu, tama ka sala sa init at sala sa lamig ang tao parang samalamig hehe ang labo ko yata ah hehe
ReplyDeleteCM- oo nga tumpak ka dyan di tayo makuntento lagi tayong naghahanap hehe
Parang marami pang ganito, Sardonyx. Dagdagan mo pa. More, more, more! U
ReplyDeleteNakakatuwa naman ang post mo and it is so true. Dahil sa katotohanan ng buhay ay we all are insatiable.
ReplyDeleteWalang kasiyahan.
Laging may kulang.
Laging naghahanap.
Buti na lang si Lord super galing kaya He only provides us what we really need.
(And yes, bakit nga ba kasi mas masarap magblogging at magFB kesa magtrabaho?!)
Wala talagang satisfactin ang mga tao. Sala sa lamig sala sa init. ika nga ni Erap weather weather lang yan.
ReplyDeleteOO nga more pa ...
OO nga marami pinoprovides ni Lord. Ika nga ni shaina sa Tanging Yaman "hindi ba nalilito sa mga nirerequest ng mga tao?"
RJ- marami pa nga sana pero masyado ng mahaba e baka malimutan mo na yun nabasa mo sa sobrang haba hehehe, next post na lang para meron pa akong hula uli hehehe
ReplyDeleteNebz- tama ka diyan, binibigay ng Diyos kung ano ang pangangailangan natin; agree ka rin pala na mas masarap magblogging at mag FB hehehe kaso di naman laging ganun, kelangan kumayod para makatulong sa iba hehehe, hay buhay kung bakit kasi tinukso ni Eba si Adan ayun pinarusahan ng Diyos ang tao....ngek ang layo nang napupuntahan ng topic ko hehehe
LifeMoto- totoo yan weather weather lang yan hehehe, bullet day balang araw hehehe; next time na yun iba nito at super dami, pag-iisipan ko pa ng husto hahaha parang may isip ako? hehehe; naks may movie tag lines ka pa ah, mabuti natandaan mo pa yun sinabi ni Shaina? hehehe, pero totoo yan, bakit ang tao mahilig sa gusto ko nito, gusto ko niyan panay ang hiling natin pero kulang naman tayo sa gawa....oooppps mukhang nagiging Ate Helen na ko hahaha
Hayaan mo babantayan ko hubby mo dito, kaya no need for you to worry, I'll keep an eye on him. Besides I am sure na behave ang husband mo justl ike me, dadalawa na lang kaming mabait sa mundo, we are near extinction hahahahaha.
ReplyDeletePope- hahaha sana nga magkita kayo kung makakalabas siya ng base, oo behave naman yun ang problema hindi behave yun mga girls hehehe
ReplyDeletehahaha! korek ka sa mga obserbasyon mo. natawa ako sa ironies ng buhay.
ReplyDelete