Sunday, November 15, 2009
HULA SCOOP: Matutuwa Ka Ngayon
HULA: Matutuwa ka ngayon kasi yun inaasahan at hinihiling mo ay natupad din.
SCOOP: Congrats sa'yo kaibigan, natupad din kung ano man yan inaasahan mo. Ako hindi lang tuwa ang nararamdaman ko ngayon, masayang-masaya na tuwang tuwa na ngiting ngiti habang tumatawa na mag-isa dahil natupad lahat ang inaasahan ko, nanalo kasi si Pacman hehehe.
-----------------------------------------------------------------
Sa mga umasa na mananalo si Pacman, congrats! Sa mga umasa na matatalo siya, congrats next time baka manalo na ang manok nyo hehehe.
Ito lang ang masasabi:
Sard's headline:
Manny "sinuyod' si Cotto
Cotto tiniris ni Manny
Hiniling "cotto," manalo si Manny
"Manny cotto" (ooppps pangit pakinggan hehehe)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Interview ni Manny pagkatapos ng laban niya kay Cotto: (napanood ko lang sa ESPN)
Brian Kenny ng ESPN ininterview si Manny:
Brian: Rounds 2, 3 and 4 were all time rounds, what is it like being involved in those rounds?
Manny: First 3 rounds I'm trying to measure his power that's why I didn't move and I'm trying to get hit to measure what I said, power.
Brian: What do you think his (Cotto) power?
Manny: Well, strong but I'm pretending that I'm not hurting his punches and "you know" I made it.....
Brian: Where is this rate in your career among the worst you fought?
Manny: One of the hard fight of my boxing career......I considered "kuto" is tough.....
Di ko na tinuloy kayo na magtuloy, nose bleed ako talaga sa ingles ni Manny, pero panalo ka pa rin Manny! galing mo sa "boxing", 7 titles, a really great boxer!
PAHABOL:
Dahil sa laban ni Pacman nawalan ako ng boses, kakasigaw bukod sa nabingi yun katabi kong kaibigan hehehe. Sakit din ng palad ko, kakapalo at hampas ko sa asawa ko hehehe
Nang iinterview-in na si Manny parang gusto kong ifast forward yun interview di naman pwede, wala kasi akong maintindihan sa mga sagot niya, "you know" hehehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMALI ang aking hula na si Cotto ang mananalo, pero masaya ako sapagkat si Pacquiao ang nanalo. Sigurado akong tuwang-tuwa ang mga Pilipino, lalo na 'yong mga nanalo sa pustahan. o",) Balato naman dyan Ms. Sardonyx.
ReplyDeleteMay isang tanong ding hindi rin nasagot ni Manny ng maayos.
Parang ganito:
"Manny, I have observed that you are getting better and better in every bout... but in this fight what, do you think, have you learned?"
Hindi man niya nasagaot ng maayos ang mga katanungan, ang mahalaga nanalo siya. o",)
RJ- di ako nanalo dahil walang pustahan dito at walang gustong pumusta kung meron man hehe yup masaya na naman ang mga Pinoy kahit naghihirap at nasalanta ng bagyo ok lang basta nanalo si Pacman.
ReplyDeleteKailan lalabas sa ospital ang asawa mo sa tinanggap niyang hampas at palo mo? LOL. Mabuti na lang nanalo si Pacman, kung natalo siya baka lalong tatagal sa ospital ang asawa mo LOL. Just kidding.
ReplyDeletetruly he is a record breaker. Marami ang nagdasal para sa katagumpayan ni Manny.
ReplyDeleteSa kabilang dako isa rin sa boser natin ang nagbigay din ng karangalan sa bansa, yun lang medyo di gaano pa sya bida, na ngayon nangangailangan din ng dasal natin para sa kanyang complete healing. Si Z Gorres.
Well congrats to Manny!
Maraming salamat kay Pac-Man sa kanyang pagkapanalo kay Miguel Cotto kung saan sa kanyang pagbulusok sa himpapawid ng tagumpay ay kanya ring iniluluklok sa kaitaasan ang lahing Pilipino at bansang Pilipinas.
ReplyDeleteMarami ring salamat Bb. Sardz, sa iyong panulat na "Si Manny Sinuyod si Cotto" hahahaha.
grabe, kinabahan ako sa fight kasi parang patas lng yung laban eh. hehe. pero buti nlng!!! wohoo!! go Manny! hehe
ReplyDeleteako man, bilib na bilib kay manny, hindi lang sa husay sa boxing kundi sa dami ng "you know" pag nagsasalita ng ingles... fillers nya ata yun, pag, "you know.." =)
ReplyDeletePasensiya na sa lahat ng nagcomment at ngayon lang uli ako nakadalaw sa sarili kong blog hehehe.....super busy kasi eh....busy kakabasa ng mga news kay manny at jinkee, "you know" hehehe
ReplyDeletebertN- mabuti naman at hindi na ospital asawa ko kaso nawalan siya ng boses kakasigaw sa laban ni pacman kaya ayun ang hirap makipag-usap sa kanya ng sign language hehehe
lifemoto- oo nga record breaker na si Manny pero kawawa nga si Gorres, nanalo nga pero minalas din, mahirap talaga ang buhay ng isang boksingero
Pope- talagang sinuyod ni Manny si Cotto hehehe at duguan pa, yup isang karangalan sa lahing Pilipino si Manny, super sikat na siya kaya daming umaaligid na mga babae hehehe
Reena- ako rin kabado pero kada suntok ni Manny sumisigaw kami hehehe nakakawala ng kaba
docgelo- tama ka doc, fillers niya nga yun you know hehehe, at least kakaiba kesa sa popular expressions na "ahhh" "ehhh" sa kanya 2 syllables pa haha
Mommy S, natawa ako sa post mo, you know.
ReplyDeleteNakakatuwa ang pagkapanalo ni Pacman. Breaking the record talaga! I couldn't be any prouder (nosebleed yan ha!).
Pero I'm sure mas tuwang tuwa si Crystal Ranillo (b un?). Hehe. Entrega, sabi nga ni Mommy D.
Nebz- hoy anong Mommy S hehehe don't say that, si Mommy D lang ang may k dyan hehehe. Oo nga ang daming intriga ngayon kay Manny, may Crystal na pala siya kumikinang siguro hehehe...parang showbiz na rin ang mga sagot nila ni Jinkee, LOL naiyak daw sa homily hehehe
ReplyDeletehahaha! ang galing nga ni pacman pero di ko naman napanood laban nya, kasalukuyan ata akong nahihimbing ng maganap un, naheadline na lang sa dyaryo ko nabasa. sayang nga lang k'se natabunan ung tagumpay ni pacquiao dahil sa isyung personal hanggang dito nasa dyaryo un.
ReplyDelete