Wednesday, June 16, 2010

HULA SCOOP: Isa sa mahal mo sa buhay ay magbibigay sa'yo ng karangalan


HULA: Isa sa mahal mo sa buhay ay magbibigay sa'yo ng karangalan. Kaya abangan mo na ito, malapit na, di maglalaon, ay di magluluwat, at higit sa lahat hindi na magtatagal......manapay.......nasa mga pintuan mo na hehehe.

SCOOP: Anuman ang karangalang ibibigay sa'yo ng mahal mo, dapat mo talaga itong ipagmalaki. At huwag ka ng magreklamo, just grab ka na lang ng grab.

---------------------------------------------------------

Bago ang lahat......hihingi lang ako ng pasensiya sa anak ko pero di ko sasabihin sa kanya, dito na lang hehehe (baka magalit LOL):

1. Pasensiya na anak, kung hindi kami kuntento sa grade mo pag "B" at nagtatanong ng, "Bakit B?" Anong nangyari? B lang?"

2. Pasensiya na anak, kung lagi namin sinasabi sayo na gumawa ka lagi ng homework mo at huwag matutulog nang hindi tapos.

3. Pasensiya na anak, kung napapaiyak ka namin dahil sa mataas lagi ang expectation namin sa'yo dahil alam namin kaya mo at alam namin na matalino ka.

4. Pasensiya na anak, kung kailangan mo pa rin gumawa ng gawaing bahay kahit tambak na ang homework mo.

5. Pasensiya na anak, kung minsan gustong awayin ng Papa mo ang mga teacher mo kapag may B ka sa klase.

6. Pasensiya na anak, kung minsan nagiging makulit kami, na tinutulak ka namin para maging aktibo sa mga extra curricular ng school niyo. Lam mo naman si Mama mo showbiz ang dating hehehe

7. Pasensiya na anak, yan lang ang kaya namin ipapamana sa'yo ang edukasyon at ang maging matalino sa klase.....kasi ganyan din ang sinabi sa amin ng mga magulang namin.......kaya kami nandito ngayon sa kinalalagyan namin. Alam kong mali pero yan ang tama , hehehe ang drama ko!!! Sige na nga tama na yan.....baka maging mali pa yan hehehe.


Di na ko magpapaliguy-ligoy pa, I'm proud of my daughter!!! Yahoo, Congrats Lei! Love you
Eto na po ang Salutatorian speech niya.....salamat naging mabuti kang anak!!






Di ka pa tapos anak, simula pa yan ng panibagong kabanata ng iyong buhay. May college pa, pahirapan pa lalo pero kaya mo yan! Kung iiyakan mo ang college days, ok lang yan kaya nga may luha para malinisan ang mga mata hehehe. Madugo magpa-aral baka kami ang umiyak sa'yo hehehe pero ok lang yan. Kaya natin yan! Congrats! and we love you!! mwahhh

16 comments:

  1. Congrats sa achievement nya Sis. Napakasarap sa isang magulang na mabigyan ng ganitong karangalan ng ating anak. but syempre kung ano man ang maibigay sa atin ay i appreciate natin. Goodluck and God Bless iha!

    ReplyDelete
  2. Congratulations! She is good...I can see,sShe got your humor too, that's really cool..Good luck on a new chapter of her life.

    ReplyDelete
  3. congrats!!!! ndi ko pa napanuod ung speech. balikan ko later ha. :D

    ReplyDelete
  4. ayan, pinanuod ko na! ang ganda niya. :) and may slang pa ha. hahaha. congrats again. so anong course nya in college and saan siya mag-aaral?

    ReplyDelete
  5. lifemoto- thanks at tama ka, kung ano maibigay dapat tanggapin hehehe

    Lorena- thanks, actually mas mana siya sa Dad nya nahawa lang ako ngayon hehehe

    Reena- salamat at napanood mo na hehehe, mana sa kin syempre kanino pa hahaha...balak niya magtake ng pre-med (ouch madugo yun!!! hehehe) pero pangarap ko rin na maging doctor sya para malibre naman ako sa gamot LOL pag matanda na ko hehehe

    ReplyDelete
  6. I don't know about other races, but as a Pinoy, I too am proud of your daughter's achievement. Every time a Filipino shines abroad, hindi ko mapigilang maging mayabang.

    ReplyDelete
  7. Hang galeng galeng naman ni Lei mami sardonyx hahaa! manang mana sa pretty mommy! =) Beauty, Brains & Humor! =)

    ReplyDelete
  8. Congrats to her and also to you!! hindi sana ako magcocomment kasi di tayo close pero I so love her speech!! :)

    ReplyDelete
  9. Hi Sards! Congrats! Ang galing galing naman ng daughter mo.

    ReplyDelete
  10. blogus- tama ka dyan, we should be proud of our kababayans hehehe, thanks ;-)

    roanne- thank you thank you, ehem ehem hahaha baka ako machoke kaka ehem nito

    Mr. Panguy-ab- salamat sa bati, di naman kailangan maging close para magcomment hehehe sana lagi kang dadalaw dito para maging close na tayo hahaha

    betcha!- musta na? long ntime no hear, salamat sa bati, so proud of her hehehe pati dito sa blog ko pinost ko pa hehehe

    ReplyDelete
  11. Eh tinutulak mo pala!Wag mo itulak ah!! lolzz

    Congrats naman sa iyong anak :)

    ReplyDelete
  12. i can hear tina's and my own voice while reading your "pasensya ka na anak,,," posts.
    particularly #7 : it's so true! naiblog ko na din ata ang linyang ito few weeks ago. education is the only thing that no one can take away from us. gasgas na dialogue ng mga magulang natin, at ngayon na tayo'y magulang na din, we perpetuate the message by imparting it to our own kids. tama naman e, walang mali.

    mabuhay ang iyong anak, sardz!
    congratulations to her parents (kayo po yun ng mister nyo, hehehe) for raising her well.

    tama yun, never settle for mediocrity; always strive to be the best (parang milo commercial lang, hehehe)

    ReplyDelete
  13. CM- hehehe, oo nga e, ganun talaga kasi walang motivation mga bata dito e, wala kasing competition walang mga awards-awards, walang mga honors at walang medal only in senior years.

    docgelo- thanks, gasgas na linya nga yun #7 hehehe...pang milo ka pala doc! kala ko the olympic energy drink lang lagi nilang slogan hehehe

    ReplyDelete
  14. I can truly see how proud and happy you are as parents - ang edukasyon talaga ang pinakamagandang mana na naibibigay sa mga anak. Congrats sa daughter mo!

    ReplyDelete
  15. Nomadic- salamat sa bati ha, nakakatuwa talaga na may anak akong smart hehehe (mana sa.....ama lol)

    ReplyDelete
  16. Congrats Atche!!! tagal ko ng hindi nakakabisita sa site mo...i hope all is well :)))
    Kblag

    ReplyDelete