Mabuti pa ang mga isda hindi namomoroblema sa kakainin nila samantalang ako, pinoproblema ko kung paano ko sila kakainin hahaha
HULA: Mamomoroblema ka sa problema ng iba. Kaya bilisan mong maghanap ng solusyon dahil baka magkaproblema ka naman.
SCOOP: Bakit nga ba tayo namomoroblema sa problema ng iba? Eh di naman natin problema yun? Ganun talaga ang Pinoy! Magaling magpasan ng problema ng iba. Napansin nyo ba yun?
---------------------------------------------------------------------------
Paano mamroblema ng problema ng iba ang mga nasa abroad o OFWs?
1. Walang trabaho ang kapatid
Solusyon- magpadala ka ng pera
2. Walang pangtuition ang mga anak ng kapatid
Solusyon- magpadala ka ng pera
3. Walang pampuhunan sa negosyo ang kapatid
Solusyon- magpadala ka ng pera
4. Walang pambayad ng kuryente at telepono
Solusyon- magpadala ka ng pera
5. Walang pambayad sa upa ng bahay
Solusyon- magpadala ka ng pera
Konklusyon- magpadala ka na lang ng pera buwan-buwan para di mo na marinig ang problema ng iba hehehe
Speaking of problema ng iba, ang anak ko namomroblema sa speech niya, Salutatorian siya pero may speech pa rin ang Salutatorian dito (swerte naman niya!). Kaso until now wala pa rin siyang maumpisahan. So nagtanong siya sa akin kung anong idea ang magandang topic. Ako pa ang tinanong niya eh hulaan nyo kung anong sinabi ko?? E ano pa sabi ko since uso ang facebook, twitter, tumbler or whatsoever eh di ipasok niya yun sa speech niya hehehe, natawa na lang ang anak ko sa kin (hmmmp kung di ko pa alam e baka gamitin din niya yun hehehe, we'll see).
Isa pang pinoproblema ko, di yata makakarating ang asawa ko sa graduation ng anak ko sa June 11 mula sa deployment niya sa Middle East. Yan ang pinoproblema ko kasi, malungkot ang anak ko, mamimiss ng Tatay niya ang pinakamahalagang bahagi sa high school life ng anak ko, yun graduation niya bukod pa sa makukuha niyang award, waaaaaaaaaaaaaa.
Di bale, ang mahalaga....importante talaga!! hahaha, nababaliw na ko! Ang pinapanalangin ko lang ngayon, makarating sa araw ng graduation ang asawa ko, kundi.......ganun talaga, that's life LOL ayoko ng mamoroblema pa. Kung di ukol, bukulin mo na lang! hehehe
correct ka dyan, talaga ngang mga pinoy mahilig pumasan ng problima ng iba.. Simple lang naman din halos ang mga solution, at correct ka rin dyan, MAGPADALA KA NG PERA..
ReplyDeleteWow, congrats sa anak mo pati narin sayo, matalino siya.. Sana nga makarating asawa mo para sa graduation nya para happy happy ang buong pamilya..
You are so funny..kung di ukol, bukulin...hahahah
Hahaha :D Kung gusto mo tanungin ko panganay kong anak na graduate din na salutatorian kung naitabi nya speech nya nung graduation...yun nga lang di ko sure kung naitabi nya :D
ReplyDeleteHehehe... ganyan ang pinoy! Pati pang kasal at pambinyag ng kapatid at pamangkin sasagutin.
ReplyDeleteKongrats sa anak mo! Mabuti na lang at hindi nag mana sayo! >: D
congratulations! ka-swerteng nanay mo naman! kanino kaya nagmana?! hahaha! for sure swerte din ang anak mo. balitaan mo kami sa speech nya ha! :)
ReplyDeletebless you more, sardz at isa kang ulirang kamag-anak. sana kapamilya mo din kami, para may remittance din kami, hehehe!
ReplyDeletecongratulations to you for having a salutatorian kid! grabe, kanino pa ba magmamana ang anak? malamang sa mister nyo *biro lang, peace!* alam ko naman hindi problema ang speech na iyon, kung alam lang ng salutatorian kung gaano ka-humorous ang nanay nya! gawin nyo na kasi ang speech *suggestion lang po* hehehe
seriously, i know how you feel about the uncertainty of your husband's arrival from his work to make it to your child's graduation. i felt the same anxiety too when i was in tokyo last march and almost missed out gabby's kindergarten graduation. may 2 honors din pa naman.
Wow, talino naman ng anak mo, manang mana, syempre sa iyo ^_^
ReplyDeleteHindi pa pala nakakauwi si hubby mo, di bale, ang mahalaga nandyan ka sa tabi ng anak mo, there is no greater joy to be part of this memorable occasion of your son, congratulations... palakpakan ^_^
Sa pagiging OFW ay bahagi na ng responsibilidad natin ang pagtulong sa kamag-anak, ikaw ang tunay na bayani sa iyong mga kapamilya.
Lorena- thanks sa bati, sana nga makarating ang asawa ko kundi hindi bubukol hehehe, ang labo no
ReplyDeleteCM- may high school ka na rin palang anak?? talino rin ha hehehe, eh nagsa suggest nga ako sa anak ko e pero wala naman nauumpisahan, ano bang topic ng anak mo?
syel- kanino pa ba magmamana no??? ehem ehem hahaha, sa Tatay niya no! LOL baka kasi kumontra ka e pag ako hehehe
docgelo- tama ka sa mister ko nga nagmana kasi salutatorian lang siya bwahahahahaha LOL actually I'm a proud Mom
tama ka dyan upset nga asawa ko dahil hindi siya makakaabot yata, proud na proud pa naman siya sa anak namin
hayaan mo pag natapos ang speech niya ishi-share ko dito (hula ko makikinig sa suggestion ko yan e hehehe, hmmm facebook thingy! hehehe)
Pope- parang pinagkakaisahan nyo ako ah? hehehe bakit parang tulak ng bibig ang pagkakasabi nyo na mana sa kin? hahaha, parang ayaw nyo bitawan ang salita na mana sa kin? hehehe
salamat sa bati na rin, yun dalaga ko ang maga graduate yun bunso ko ang lalaki hehehe
di ko kailangan ang maging bayani sa pamilya ko pero thank you na rin, alam ko may bayani na sa buhay nila, si BF nyehehehe (corny!!! hahaha)
Wow congrats naman mami sardonyx, lahat ng sacrifices ng isang ofw worth it! Galing cheers!!!!
ReplyDeleteroanne- thanks sa bati and yes you're correct all the hardships are really paid off hehehe
ReplyDeletekaya nga minsan hinahayaan ko na lang problema ang mamroblema sa akin para cool lang, di ba? miss ya, sardonyx..
ReplyDeleteAte Loids- tama ka dyan, dapat yun problema ang mamoroblema sa atin hehehe
ReplyDelete