HULA SCOOP: Magiging abala ka sa araw na ito at sa mga susunod pang mga araw. Huwag kalilimutang ngumiti kapag ikaw ay masaya at huwag kalimutang magbasa ng mga balita o magasin na sa iyo'y magpapangiti. Bullet train..... ay bullet day pala (balang araw) magiging masaya ka dahil hindi ka na rin abala.
-----------------------------------------------------------
Pasensiya na sa matagal kong hindi pagdalaw sa sarili kong blog at sa mga tagasubaybay ko sa tabi-tabi dyan (meron ba? hehehe). Kami po ay nagbakasyon lang sa lalawigan ng Tokyo, mga 10-11 oras kung amin itong lalakbayin na gamit ang aming sasakyan pero dahil sa nakakapagod magmaneho ay minabuti na lang naming sumakay ng bullet train para may maipagmamalaki naman ako sa mga kabigan ko pag kami ay lumisan na sa bansang Japan at masasabi ko na....."ang bilis pala ng bullet train" hehehe, kaya ayun...zoom!!! tatlong oras lang nasa Tokyo na kami.
Habang nasa bakasyon ako ay di pa rin pwedeng di ko gagamitin ang internet, dahil sa wala akong maisip na hulascoop ngayon ay ibabahagi ko na lang ang napulot ko sa facebook, eto:
Top 10 Lies
10. I'm on my way (maliligo pa lang)- hmmmm parang asawa ko to a hehehe
9. Miss na kita (may masabi lang)- hmmm asawa ko pa rin
8. I don't smoke (pag kasama ka lang)- asawa ko pa rin (???) grrrr
7. I like you (naniniwala ka na naman)- hmmm mga nanligaw sa kin na sinabihan ko nito
6. Sleep na ko (tinatamad ka ng katext)- hayyy sayang di ko naranasan ang ligawan thru texting
5. Busy pa ko (may katext na iba)- ahhh parang may nareceive na ko na ganito
4. Low bat na ko (nasa gimikan)- parang nasabi ko na to pero ibang klaseng gimik lang nga
3. Nakasilent phone ko (ayaw sagutin tawag mo)- teka parang alibi ko to minsan ah hahaha
2. Walang load (may kasamang iba)- ahh di applicable sa kin to di kami naglo load dito e
at yung no 1
1. "i love u "(para tumahimik ka na)- ang sweet pa rin marinig kahit sinungaling nagsabi nito hehehe
Kayo nagamit nyo na rin ba mga lines na yan? aminin!!!
na miss ko mga post mo. been busy lately. i always lie the number 9 haha
ReplyDeleteguilty ako dito --> "10. I'm on my way (maliligo pa lang)" LOL!
ReplyDeleteano pa kaya ang maidadahilan ko kay misis binuking mo na :) hehehe!
ReplyDeletearlini- ok lang ako rin naging busy lately
ReplyDeleteroanne- buti isa lang ang guilty ka sa 10 na yan hehehe
LifeMoto- hahaha buking na buking ba??? wag mo ipakita kay misis ang blog ko, panalo ka pa rin hehehe
Kadalasan ito ang "text" na nareceived ko sa mrs ko:
ReplyDeletebigas
coke
sibuyas
garlic
tide
eggs
blogus- hahaha so pinabibili ka pala ni mrs bago ka umuwi ng bahay??? LOL at least nagtitext sayo no hehehe
ReplyDeleteNakakatuwa ka. I love your humor.
ReplyDeleteuy, nag-tokyo ulit kayo! na-miss ko tuloy ang gotanda, yurakucho, shibuya, harajuku, asakusa, dineysea at disneyland etc.
ReplyDeletenever rode a shinkansen line when i was there pero yung narita express from shinagawa to narita airport mabilis din! iyon sinakyan ko en route to aiport pauwi. saya!
regarding your post, misis ko alam pakiramdam ng paano ligawan sa text. ehem. =)
bakit nawala mga reply ko?? hehehe 8 comments pero 4 lang ang nagsho show up??? huhuhu ano nangyari
ReplyDeleteuulitin ko na lang reply ko:
ReplyDeletearlini- miss na rin kita (naks naman!) busy din ako lately kaya ok lang at least nakadalaw ka uli hehehe
roanne- sigurado ka isa lang ang guilty ka sa 10 na yan? lol
lifemoto- wag mo ipakita blog ko di ka mabubuking no hehehe
docgelo- di ko napuntahan yun gotanda, yurakucho at harajuku wala ng time e; yup mabilis din yun express nila, sinakyan din namin yun before taking the shinkansen
ehem, nang inggit pa siya, so niligawan mo lang ba si misis sa text? hehehe
I so miss your blog. And to answer your question: oo, nagamit ko na rin yan. Buti na lang hindi sya nagbablog kaya hindi nya mababasa ito. Hehe.
ReplyDeleteAt I'm sure nagamit na rin sa akin yan. Hehe ulit.
Mari- thanks at natutuwa ka sa humor ko (appear tayo dyan! hehehe)
ReplyDeleteNebz- ganyan ka naman e di mo na ako naaalala hehehe. So ilang taon na kayo ng gf mo na naglolokohan? hahaha ay nagbibiruan pala LOL
Hahah! Gusto ko 'yong number 6! Yan ang madalas kong message. lalo na mag ahead ang 2hrs dito kaysa sa Philippines. Magandang reason. o",)
ReplyDeleteHahaha! Gusto ko ang number 6! Yan ang madalas kong message, lalo na mas ahead ng 2hrs dito kaysa sa Philippines. Napakaganda o valid na reason. o",)
ReplyDeleteNapaisip tuloy ako, hawak dati ng Japan ang Philippines. Kung hindi kaya sila napalayas, naging high tech din kaya ang Pilipinas? Siguro 2hrs lang sa bullet boat o bullet plane ang Manila-Davao! Galing nyan! Hoo!
ReplyDeleteSeriously, gusto ko ring makasakay sa bullet train na yan.