Saturday, June 12, 2010

HULA SCOOP: Sobrang Saya Mo Na Naman Ngayon


HULA: Sobrang saya mo na naman ngayon, parang kang nasa ulap.

SCOOP: Paano mo ba masasabing sobrang saya mo??? Kanya-kanyang sagot yan, kaya wag na lang tayong magkopyahan hehehe ay mag inggitan pala.

-------------------------------------------------------------
STAGES ng SOBRANG SAYA
(ayon lang kay Sards)

bata- masaya na sa lollipop

teen-ager- sobrang masaya kung marami na siyang pambili ng lollipop na ibibigay niya sa barkada niya, di lang lollipop kahit chocnut, cloud 9, flat tops, atbp pwedeng pwede na

may syota na- sobrang saya dahil hindi lang lollipop ang nabibili niya, nadiskubre din niya na ang cloud 9 ay hindi lang chocolate pala

may-asawa na- sobrang saya niya kung.....(itutuloy ko pa ba??) ibang klase na ang lollipop niya at ang cloud 9 ibang meaning na sa kanya

sensiya na masayang masaya lang talaga ako e, eto na lang......


Masayang Masaya Ako Kasi.......


1. Dumating na ang asawa ko!!! yipeeee! ( puyatan na naman!! .....unahan sa internet no.... kayo talaga! hehehe)

2. Gumradweyt na ang anak ko sa high school!! (na dapat graduate na siya kung sa Pilipinas siya nag-aral, at nasa 2nd year college na sana siya ngayon)

3. Dumating ang asawa ko dalawang araw bago ang graduation ng anak ko (matapos makipag-away sa mga nagpapaalis sa kanila para ipilit isingit ang sarili sa mauunang batch na aalis hehehe, para lang makaabot sa graduation)

4. Tagumpay ang speech ng anak ko as Salutatorian.

5. Sinunod ng anak ko ang payo ko na banggitin niya ang "facebook" sa speech niya hahaha !!! Yes, tagumpay as in success ang speech maraming natawa!!!!


Next time ko na ipopost ang speech ng anak ko magpapaalam muna ko hehehe, mahirap na at baka mapagalitan pa ako hehehe.

10 comments:

  1. Ang magulang gagawin ang lahat para lang sa anak.

    ReplyDelete
  2. Oist tama na internet at baka mamaya umalis na naman si hubby, lungkot ka na naman lolzz

    ReplyDelete
  3. WOW!!! Ang saya nga mami sardonyx haha! Congrats! hihintayin ko yung speech nung anak mo! =)

    ReplyDelete
  4. hahaha. sa "bata" palang alam ko na kung ano ang mangyayari sa mga susunod eh. lol. madumi pala isip ko. haha

    im so happy for you. magpupuyat ka nanaman lagi. hehe.

    pero more imptantly. congrats sa salutatorian!!! very good ang anak at syempre ang magulang. :))

    ReplyDelete
  5. natawa syempre ako sa "lollipop" at sa "cloud 9" ng may-asawa! 'kaw talaga, sardz! =)

    wow, i can almost feel your happiness for all those great things that happened. ang saya naman!
    congratulations muli sa anak nyo na with honors!
    galing!

    ReplyDelete
  6. blogus- korekek ka dyan kahit ano gagawin ng magulang para lang makabili ng lollipop ay para pala maging success ang anak hehehe

    CM- di pwedeng tumigil sa internet ito ang kaligayahn ko no hehehe

    roanne- salamat, wag ka mag-alala ipopost ko na kagad din hehehe

    Reena- mukhang napaghahalata na palagi kang nagbabasa ng hulascoop ko ah hehehe,sa lollipop pa lang masama na ang isip mo LOL

    doc- salamat sa bati talgang masayang masaya ako ngayon hehehe para akong may lollipop lagi LOL at laging nasa cloud 9, iba talaga feeling

    ReplyDelete
  7. You are blessed, all your prayers are being heard and answered.

    ReplyDelete
  8. sards, di lang saya yan eh! malamang nagpakalunod ka sa ligaya! lol! so nakaka-ilang round naman kayo...sa internet?! ginagabi-gabi nyo ba? hahaha! intayin ko speech ng anak mo ha, for sure mana sayo un. btw, oo lumipat na ko ng bahay sa paanan ng bundok! lol!

    ReplyDelete
  9. Pope- thank you, thank you!

    syel- oo lunod na lunod nga ako hehehe, di ko mabilan gkung ilang round e LOL

    may bundok pala Singapore? hahaha bakit ka naman dun lumipat ang hirap kay maglakad nun hehehe

    ReplyDelete
  10. sards, mas masarap sa paanan ng bundok eh! hehe! exercise to the max ang drama ko. bundok k'se ang tawag Mt. Faber eh! hahaha!

    ReplyDelete