HULA: Matututo ka ng maraming kaalaman sa internet. Pero mag-ingat ka, baka matulad ka sa iba dyan, lam mo na....alam ko na rin yun, alam mo na nga ba?? hahaha basta alam mo alam ko na rin!
SCOOP: Paano ba mag-ingat para matuto? Pulutin mo ang mabubuti para sayo at itapon mo ang di dapat pero huwag ka naman maging basurero. Magshare ka rin naman sa iba. Tama di ba??
--------------------------------------------------
Sa panahon ngayon parang ang hirap matuto na nag-iingat, masyadong maimpluwensiya ang internet ngayon. Pero minsan nakakatuwa rin isipin na mas napapadali ang lahat dahil sa paggamit ng internet dahil sa pagtanong mo kay pareng google o kahit pa kay kumareng yahoo, may sagot agad, na dati rati parang milya-milya ang layo para malaman mo ang isang bagay na hindi mo alam. Noon kapag hindi mo makita si kapitbahay na Merriam o kahit pa si Britannica hindi mo na alam ang sagot sa mga katanungan mo e paano na lang kung wala kang kapitbahay na Merriam o Britannica?? Di ba? Pupunta ka pa sa public library, para lang alamin pero sa sobrang tamad ng mga tao at sobrang abala hindi na nanaisin pang malaman o pumunta sa library..... teka ano nga ba ang tagalog ng library? Teka matanong nga si pareng google......hintay kayo ha.
Ayun, aklatan! Nalimutan ko na nga yan salita na yan sa Tagalog, pero ngayon mas mabilis na lalo na kung wala akong English-tagalog na dictionary(wala naman talaga), sa internet nandun na ang kasagutan. Ang dati-rati na "milya-milya" ang layo, o kahit "ga-dipa" o ga-kamay" (meron ba nun? hehehe) ang layo ng dictionary mo sayo, ngayon "ga-keyboard" o "ga-daliri" o "ga-pindot"na ang lapit hahaha.
Natatandaan ko nga noong ako pa ay nagtatrabaho sa California, may ka opisina ako na Pinoy din at naitanong niya sa akin ito, mga 10 taon na itong nakakalipas kaya siguro noon eh hindi pa niya masyadong ginagamit si google ng buhay ko hehehe:
Joe: Sards alam mo pa ba ang preamble ng Philippine Constitution natin?
Sards: Ahhh oo naman (sabay type sa google ng "preamble of the Philippines Constitution.....habang nagchecheck ako ng sagot sabay tanong ko na).....bakit di mo ba yun alam??? (ayun lumabas na ang sagot, ang bilis!)
Joe: hindi e, nalimutan ko na. Talaga alam mo pa rin yun preamble? Saulo mo pa rin? Sige nga sabihin mo sa kin. (Aba ang mokong hinahamon talaga ako, hehehe)
Sards: Oo naman, eto (sabay basa sa internet, dahan-dahan na parang sinasaulo at ninanamnam):
"We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution."
Joe: Ang galing mo naman.
Sards: Syempre sinaulo ko yan nun nasa College ako no at until now saulo ko pa rin. Ang higpit ng teacher ko nun.
Joe: Eh yun 1987 Philippine Constitution alam mo lahat??
Sards: Sobra ka naman, di ko na alam yun no, ang hirap kaya nun! (baka mahalata na ko nya no, hahaha)
Aral 1: Daig ng wais ang mabagal magtype, hahaha.
Aral 2: Ibahagi ang nalalaman, huwag maging taga pulot na lang, kasi basurero labas mo nyan.
Aral 3: Minsan kailangan mong mag sinungaling kaysa maging hambog para makuha mo ang paghanga ng iba.
Sana lang huwag niyang mabasa ito, dahil hanggang ngayon di pa niya alam ang sikreto ko, hahaha.
Hehehe :D Susumbong kita!
ReplyDeleteAng tutuo ganyan din gawa ko minsan, tatawag sa akin officemate ko at magtatanong kung ano raw ba english ng ganito, ganyan, ako naman google agad, hmmm, sandali, tamang isip, pero nagtatype kay google, tapos biglang ayun! hehehe ako na ang marunong sa english-tagalog, salamat kay google :))
LordCM- at least di pala ako nag-iisa hehehe, di na ko magi guilty masyado hahaha
ReplyDeleteKung ako ang kausap mo, huli kita. E sa high school pa lang itinuro na sa amin ang Preamble na yan.
ReplyDeleteblogus- low tech yun school ko nang high school e, di ko yata natutunan nun yun preamble o baka absent lang ako nun tinuro hahaha.....pero syempre may lusot pa rin ako, dahil pag college mas fresh pa ng konti na maalala ang preamble dahil pag high school baka magduda na yun friend ko lol
ReplyDeleteAy, so true. Dapat magbahagi ng kaalaman. Parang pagda-download din yan sa internet. Dapat magbahagi k rin ng stuffs dahil kung download k lang ng download, leech ang tawag dun. Masakit pakinggan. Mas feel ko ung 'basurero' mo. Hihihi.
ReplyDeleteI miss visiting here.
memorized ko din ang preamble noong may pol sci subject kami back when i was in premed. pero ngayon, syempre, first sentence na lang ang alam ko. hahaha!
ReplyDeleteimagine our world today without information superhighway? malamang matrapik! matagal magresearch kung walang net e!:)
ps : naisip ko lang, napakahenyo siguro ng kasamahan mo sa trabaho at preamble ng consti ang pinag usapan nyo. naisip ko lang kung ano pang topic ang pwede nyang itanong sa'yo, hehe
hi sards! hahahah! natawa naman ako ng husto dito. pero tama ka din naman, sobrang nagre-rely na lahat kay google. pero minsan mas gusto ko pa din ang amoy ng papel sa libro! lalo na pag medyo may kalumaan. :D naalala ko yang preamble, pinapakabisa sa amin nung college, nakabisa ko naman pero nakalimutan ko din! hahahaha! di ata nagtagal sa bumbunan ko!
ReplyDeletehmmm, walang bagong hula? scoop?
ReplyDeletebusy si sards!
gala siguro ng gala.. bakasyon!
enjoy, have fun then share it to us! :)
Nebz- salamat at bumisita ka dito, napaisip mo pa ako sa leech na yan, linta lang pala lol
ReplyDeletedocgelo- buti ka nga kahit first sentence ng preamble saulo mo pa, ako hindi na hehehe, ewan ko ba dun sa kaibigan ko na yun, wala sigurong magawa nun time na yun kaya kahit preamble tinatanong o kaya tinetest niya ko kung matalino ako hahaha di niya alam tuso lang lol
syel- may bumbunan ka pa pala?? ako wala na e hahaha, ako naman ayoko na ng libro, sa kin sa ulo kagad ang naiisip ko pag nakikita ko yun e siguro nagsawa lang ako nun nasa College ako, super aral kasi nun kaya sinumpa ko yang Mapua na yan hahaha (kunwari lang, pero ngayon nagpapasalamat naman na ko naks)
doc- masyado nga akong busy panay ang bakasyon hehehe kaya super late na, minsan tinatamad na akong magpost dahil wala na akong maisip na topic