Saturday, July 23, 2011

HULA SCOOP: Mapalad ka sa darating na mga araw



HULA : Mapalad ka sa darating na mga araw pero hindi mo lang alam kung kailan at anong araw yun. Ang mahalaga susuwertehin ka at papalarin na darating ang araw na yun. Maghintay ka lang, may araw ka rin.

SCOOP: Ang suwerte minsan lang dumating sa buhay natin kaya dapat sinusunggaban kaagad yan. At kapag dumating na sa buhay mo huwag mong hayaan makawala dahil hindi naman lumilipad ang suwerte e kaso bakit minsan nawawala?? Yun ang dapat mong malaman. Bahala ka na kung paano hehehe

-------------------------------------------------------------

Mag-iisang buwan na pala nang manalo ako sa pakontest ni Blogusvox sa kanyang blog na "The Sandbox" at ang premyo ay ang larawan na nasa taas, ang aking caricature, ang ganda no? alam ko maganda yun drawing nya at hindi ako hehehe.....ok lang, ganun talaga. Salamat Blogus! Super fan po niya ko sa larangan ng kanyang mga nilikhang mga caricatures at cartoons kaya tuwang-tuwa ako nang manalo ako.

Ang tanong niya sa contest ay "Sino ang utak sa pagpatay kay heneral luna," nakasulat ito sa ating katutubong "alibata" kailangan munang ibreak ang code na yun para mabasa mo. E hindi naitatanong ng iba (actually ng lahat pala hehehe) na ka-birthday ko si kumpareng Antonio Luna, kaya medyo alam ko ng konti ang kanyang buhay, "blessing in disguise" naswertehan ko na manalo....."luck-luck" (swerte-swerte) lang talaga na manalo sa pacontest.

Siyanga pala, naging adik na rin ako sa twitter bukod sa facebook kaya ibabahagi ko lang ang ibang mga tweets ko dito sa blog ko dahil madalang na akong magpost dito, isang buwan palang akong nagtwi-twitt, adik ba? hehehe

Mga tweets ko:

Mga katanungan na walang sumagot:


  • bkit nga ang hirap iwnan ang isang bgay na minsan mo nang naumpisahan na? khit alam mong pinaiikot-ikot ka na ng pagkakataon?
  • Gaano kadalas ang minsan para minsan malaman natin kung gaano kadalas ito? Hayy ang labo ko talaga
  • Bkit may mga taong wlang pic ang profile s facebook? Kya nga facebook dpat kita face,kung takot silang mglgay sna nagtwitter na lang sila
  • Pag ba kumakalam ang sikmura nagugutom na? O naiirita lang ang bituka dahil puro hangin lang ang nakakain niya??


Wala Lang:

  • Ang hirap gumising! kung pwede lang tungkuran ang mga pilikmata ko ng posporo kaso wala e ayoko nmang lighter ang gamitin ko
  • Mahirap magsimula sa umpisa pero mas mahirap magsimula sa dulo, dahil mahuhuli ka, kuha nyo? Kailan kaya dadami followers ko? Hehe
  • Ang hirap ng gutom ang ingay ng tyan ko di ko naman mapagalitan
  • "Pagmulat ng mata langit nakatawa sa nanana-....." wala lang kumakanta ng theme song ng batibot hehe
  • Motto ko: "walang matigas na kape sa mainit na kapeng pagsasawsawan"
  • Ang buhay ay parang paglangoy kailangan mo munang mkainom ng tubig bgo mo mlman n nalulunod ka na, kya ayokong lumngoy alm ko n lsa ng 2big

Hula:

  • May gumugulo sa isip mo, wag mong hyaan guluhin ka nito baka lalong magkagulo at lalong gugulo ang buhay mo.
  • Hindi mo maiiwasang mainis, pero iwasan mo pa rin mahirap na baka lalo kang mainis.
  • Maganda ang umaga mo, masisilayan sayo ang ngiti kahit na may panis na laway pa sa'yong labi.
  • Magbabaksali k sa isang bgay n d mo pa ngawa pero susubukan mo p rin kc pasaway ka hehehe
  • May isang tao n hindi mo malilimutan, 2 lang ang dhilan nito mlamang pntibok o sinksak ang puso mo ni2. Buti pa puso ng saging manhid
  • May isang tanong sa'yo na magbibigay sa'yo ng kasagutan na isang katanungan din. "Bakit" kuha mo?
  • Magdadalawang isip ka, iniisip mo kung pag-iisipan mo bang iniisip ka ng iba o iniisip mo na iniisip ka ng nag-iisip sa'yo

7 comments:

  1. "Maghintay ka lang, may araw ka rin..."
    Napatawa ako dito hehehe..kumusta Tita Sards? Miss your Hula, too!!!

    ReplyDelete
  2. Thanks sa pagbisita Dennis sa uulitin hehehe

    ReplyDelete
  3. pareho kami ni dennis! natawa rin ako sa line na yun. haha. ndi ako gaya-gaya ha. lol. ano yung matigas na kape? oo, natikman ko na rin ang tubig. paminsan masarap lalo na kung mainit ang panahon. haha

    ReplyDelete
  4. congratz, sards! ang husay ng caricature-prize mo pero mawalang-galang na po sa gumawa, nadarama ko na mas maganda ka sa personal! inside-out! naks... :)

    ReplyDelete
  5. Reena- thank you kahit paano natawa kayo,mali pala yun nalagay ko dapat matigas na tinapay hahaha, salamat sa pagkorek

    Docgelo- salamat at kahit paano e gumanda ako sa paningin mo hahaha, yun caricature daw e talagang ganyan, exaggerated hahaha....pero tuwang tuwa pa rin ako sa caricature ko hehehe

    ReplyDelete
  6. Oo nga naman, mas mahirap magsimula sa dulo. Natawa ako dito, parang kasabihan ni Yogi Berra.

    ReplyDelete
  7. Blogus- thank you uli sa caricature mo ha, galing talaga.....ano ba yan nag google pa ako para icheck sino yan Yogi Berra na yan hahaha di ko sya kilala lol

    ReplyDelete