HULA: Maganda ang umaga mo sa araw na ito, masisilayan ang yong mga ngiti kahit na may panis na laway sa'yong mga labi. Mag-ingat ka pagdating ng tanghali.....dahil baka labi mo'y mapangiwi.....hindi ko na alam ang sunod pang mangyayari. Bahala ka na dumiskarte life mo yan no...go, go, go dali!
SCOOP: Malamang masaya ka ngayon kasi mapapangiti ka raw e. So ako naman isip-isip, paano nga ba ako mapapangiti?
-----------------------------------------------------
Sa totoo lang ang hirap talaga mag-isip ng ipopost ko dito, kung bakit kasi hulascoop pa ang paksa ng blog ko, para talagang naghanap ako ng pako na ipupukpok sa ulo ko....ay martilyo pala na may pako hehehe. Ang hirap!! Minsan wala talagang pumapasok sa utak ko as if meron naman akong utak? hehehe
Ayun, eto nagtatype lang ako pero wala pa akong topic, bahala na si daliri kung saan ako dalhin go lang ng go, sunod lang ako, wag lang sa parte na mamasa-masa e ibang lugar na yan....tubig na yan no! hahaha kala nyo ha! di yata ako makakapag type sa tubig no! So eto, balik uli ako sa keyboard, basta pindutan medyo mabagal ako e, sanay kasi ako sa himas ba....himas ng ballpen lang kasi alam ko habang nag-iisip. Ganyan ako nun di pa uso ang computer...hehehe.
So eto nagbabalik tanaw na lang ako, lam n'yo naman kahit matagal na ako dito sa Amerika ang puso't isipan ko ay nasa Pilipinas pa rin.
Eto mga ginawa ko kanina bago ako gumawa ng blog:
1. Pag gising ko, may ngiti sa aking mga labi, naks totoo pala ang hula ko! "Happy Yipee Yehey" talaga! hehehe...hmmm bakit kaya? syempre birthday ng aking Papa kahapon lam n'yo na, dapat may surprise gift....kaya ayun....bingyan ko siya ng......secret....syempre secret dapat yun niregalo ko sa kanya no hehehe. Eh masaya ang aking Papa kaya masaya rin ako kaya hanggang pag gising ko masaya pa rin ako, basta ganun hehehe. Wala kasi akong bad dreams no hehehe.
2. Mga 6:45am nag alarm ang celfon ko , so "pinindot" ko ang snooze, idlip uli ako....tumunog na naman yun alarm, pindot na naman ako, ayun pindot-idlip-pindot ang ginawa ko, kakapagod kaya ginising ko na rin sarili ko, nakakagising pala talaga ang pindot...hehehe. Bakit kasi nauso ang "snooze" sa alarm clock o kahit sa cellphone? E kaya ka nga nag-aalarm para magising ka tapos maglalagay sila ng button na snooze para umidlip uli? Ang labo talaga ng tao, di ko magets minsan.
3. Pinatay ko na ang alarm ko at handa ng tumayo mga 7:10 yun, dakma kaagad ako sa aking peborit....ang aking celfon. Wala na pala ang aking Papa, pumasok na sa trabaho, nagising nga pala ako sa kanyang halik para magpaalam na aalis na siya. Kaya ayun, check ko ang twitter ko, hanep 2 days ago lang ako nagsimula na magtwitt pero 2 years na akong may twitter. Medyo feel ko maaadik yata ako dito, dati kasi facebook ang una kong chinecheck ngayon twitter na. Masamang senyales na naman ito, tsk tsk tsk. So ayun, nagtwitt na ako then nagcheck ng facebook at nagkolekta ng mga pera sa aking cityville hehehe. Teka, follow nyo naman ako sa twitter ko, "hulascoop" ang username ko hehehe.
4. Bumaba ako at tumungo na sa aming kusina ng 8am, ang dalawa kong magaling na mga anak, tulog pa rin, napuyat kakapanood ng korean soaps (hmmm ewan ko ba naadik na sila dun, mabango kaya yun mga soaps ng Korean?? hehehe), hayy.... bakasyon na kasi sila, kitang-kita ko ang "ibidinsya" makalat ang kwarto!! grabe! Pero hindi ako nagpaapekto sa aking magandang umaga, ignore ko na lang sila, tatanda lang ako kagad kung magagalit ako no. Kaya nagtoast (ano nga ba ang toast sa tagalog? hay naku nalimutan ko na) ako ng pandesal at take note po, wheat siya binili ko sa Valerio's bakery...feeling healthy hehehe. Gumawa rin ako ng kape. Hmmm ano kayang palaman, peanut butter! Eto na naman ako nagbalik sa alaala ko ang ginagawa kong palaman noon na swiss cup na chocolate lasang chocnut yun, wala na yata ngayon ganun sa Pilipinas. Pero tanda ko talaga ang pangalan kasi may tinda kami nun sa tindahan namin, hugis bilog siya at hindi hugis cup at masarap, peborit ko yun. Dinudurog ko at binubudbod yun swiss cup sa pandesal, lasang peanut butter na hehehe.
Tsalap!! Kaya pandesal na peanut butter ang palaman at kape ko ngayon sa almusal, labit!lab it! Isasawsaw ko pa sana sa kape pero nahiya ako sa sarili ko hahaha, may palaman naman pandesal ko e kaya di ko na ginawa para ano pa, para pagkatapos isawsaw sa kape, hihigupin yun kape kasama yun mga "mumu" mula sa pandesal?? hehehe para masabing super linis ko?? gawain ko yan dati hindi na ngayon....paminsan-minsan na lang hehehe.
5. Naalala ko ang mga kapatid ko sa Pilipinas, kailangan na naman daw ng tulong e kaya, tumawag muna ko, bandang 8:15am yun. Ayun kwento-kwento about buhay-buhay nila then buhay-buhay uli ng ibang tao....kung ano ng nangyari kina nina Javier, Alexander, ang mag-inang Via at Magda, Abel, Rein, Ana Manalastas, atbp. hay nakakaadik kasing manood ng mga teleserye sa TFC no hehehe di pa ako makuntento e tinanong ko pa sa Ate ko hehehe. Kaya kung di nyo sila kilala, wag pansinin mga bida lang yan sa mga teleserye ng channel 2 hehehe. So kwentuhan uli at yun sa "hinaba-haba ng prusisyon, sa pagpadala ng pera din ang tuloy" ayun magpapadala ako ng pera bukas hehehe. Kung bakit pa kasi ako tumawag e hehehe.
6. Pag tingin ko sa orasan namin, 8:30am na pala so akyat uli ako sa taas at chineck ko pa muna ang facebook ko at saka nagpalit na ng damit, pumasok na naman sa alaala ko ang kanta ni Yoyoy Villame ang sikat na "Mag exercise tayo tuwing umaga" handa na kasi akong mag "jazzercise" todo na to! exercise to the max na hehehe. Ayun sinundo ako ng Thai friend ko para mapasabak uli sa exercise na umaatikabo.
7. Mga 10:30 na ako nakabalik mula sa jazzercise namin, iniisip ko kung kakain uli ako, gutom na kasi ako e hehehe, pero napigilan ko pa rin. Akyat na ko at check uli ng twitter, ayun isip ako ng hulascoop ko na ipopost ko sa twitter. After maipost, parang gusto ko rin mag update ng blog ko kaso wala talagang maisip na iba blog e. Hanggang eto gumawa na lang ng post kung anong pinag gagawa ko ngayon as in now na!
8. Tinatawag ako ng anak ko, gising na rin...at gutom na! Wala pa pala kaming ulam 12:30 na hahaha, pasensiya sila at nagkaroon sila na adik na Nanay, adik sa facebook, blog at twitter hehehe. Ano kayang uulamin namin??? Hmmm isip-isip...lucky me pancit canton na lang hahaha. O sige na magluluto na ko ng lucky me tapos lalagyan ko na lang ng itlog ng pugo. Peborit ko yan nunmaliit ako, laging may naglalako sa min ng itlog ng pugo, lagi ko rin almusal.
"Lucky me!" ay wish me luck pala...sa aming tanghalian, hehehe.
So anong masasabi nyo sa tanghalian namin, Pinoy na Pinoy ba? hehehe
bilin ko din yan sa lolo ni gabby pagpunta sa penang next month : lucky me! hahaha.
ReplyDeleteremember, i am your #2 stalker in tweeter; si architect reena kasi #1 mo, naunahan ako! :)
ps : kakainggit ang pandesal mo, sards. (naku, baka sabihin ng mga detractors ko ay inggitero talaga ako, haha!)
doc- don't worry may gift ka rin sa kin, teka ano bang gusto mo? hehehe para mapag ipunan na...pag wala ka talaga sa Pilipinas yun hindi mo napapansin dati e mapapansin mo na, hehehe si lucky me sikat na sikat talaga sa abroad hehehe
ReplyDeleteok lang mainggit sa pagkain hahaha, ako rin inggitera basta pagkain na pinag-uusapan LOL
Very healthy ang morning activities! Halos pareho lang tayo except the PC thing na late afternoon ko lang binubuksan.
ReplyDeleteI saw your caricature sa blog ni Ed. It's so you. Cool and beautiful.
hahaha! sobrang natawa ako at nagutom sa pic! naman last year pa huli kong kain ng pan de sal! at ang pancit canton...two years na ata akong di kumakain nun! hahaha! makabili nga nun dito! miss you sards!
ReplyDeleteMahilig din ako sa pandesal at sinasawsaw ito sa mainit na kape..pero mas gusto kong palaman ang dari creme kaya medyo natutunaw pa ito sa kape..napakasarap ng kape't pandesal lalo na sa umagang malamig ang panahon...
ReplyDeleteHapi Beerday pala sa Papa mo hhehee..miss na miss ko na pagbasa dito sa blog mo...i-compile mo na nga ito na isang libro!
pahabol : sa sobrang kagustuhan namin ng pandesal (hindi na inggit, masama yun, deadly sin ba!), nagpapadala ako sa tatay ko ng pan de manila sa sabado ng gabi; naway makarating mula pinas hanggang penang!
ReplyDeletemasarap parin ang lasa ng pinoy pandesal sa atin...iba ang lasa dito sa lupang buhangin..he he he.. teka maliban pala sa pandesal. naalala ko tuloy ang notreban ba yun..sa halagang 25cents may palaman na, na cocojam...:)
ReplyDeleteNebz- thanks for visitng me again, mabuti at nadalaw ka uli (tampo, hehehe)...oo nga kamukha ko yun caricature mas maganda pa yata yun drawing e hahaha
ReplyDeletesyel- ano ka ba naman, hala bili na ng pandesal at pancit canton no hehehe
Dennis- ay gusto ko rin yun dari creme at star margarine na pampatangkad daw hehehe...pano ba magcompile? hahaha hayaan mo pag-iisipan ko yan...good idea yan...ang problema may bibili ba? lol
docgelo- ang adik mo sa pandesal nang inggit pa at magpapadala pa from Pinas...ako tuloy ang nainggit hehehe
pamatayhomesick- ay nagsawa ako dyan sa nutriban na yan dahil yan lang ang kaya kong bilhin sa baon ko na bente singko hahaha, at yes naalala ko yun cocojam na yan, lam mo bang bumili rin ako ng cocojam last month di ko pa nga naubos e next time pipicture-an ko rin yan lol