Thursday, April 7, 2011

HULA SCOOP: May Mga Lugar Kang Hindi Binibigyan ng Pansin



Bang bang bang, tunog ng mga baril


HULA: May mga lugar kang hindi binibigyan ng pansin na simula ngayon ay mapapansin mo na rin. Hindi mo lang alam kung ano ang mga ito na hindi mo napapansin noon na papansinin mo na nga ngayon.

SCOOP: Napag isip-isip n'yo ba na may lugar kayong "ini-echa pwera" n'yo na meron palang kabuluhan sa pagkatao o buhay n'yo?? Dami kaya, sige ibabahagi ko sa inyo ang ilan tapos kayo na bahala sa iba.

------------------------------------------------------------------
MGA LUGAR NA SA TINGIN KO AY KSP ("KI"NULANG SA PANSIN)

1. Kung saan ka lumaki o pinanganak- naisip nyo ba na kunan ng larawan ang lugar n'yo noong bata pa kayo? Ako naisip ko lang ngayon dahil uso na facebook hehehe, pwede na magbida...at pwede na magshare ng mga old memories.....then tag dito tag doon ng pictures hehehe, yun ay kung may ipagmamalaki ka sa lugar nyo. Naisip ko nga e kung saan ko naitago ang mga pictures ko na kuha kung saan ako lumaki. Pinagmamalaki ko naman ang lugar namin kahit pa hindi maganda ang bahay namin kahit gutay-gutay na ang pinto. Teka pinto nga lang yata ang makikita sa bahay namin e hehehe gutay-gutay pa.

2. May maituturing ka ba na iningat-ingatan mong picture na may kuha sa tapat ng school nyo? Kung may kuha ka man, binigyan mo ba ito ng pansin? Ako, wala lang....background lang yun school pero ako pa rin ang bida sa picture no hehehe. E ngayon hinahanap ko kung meron ba akong kuha ng picture ng mga school ko, lam nyo na pang "fezbuk" baga hehehe.

3. Naisip mo ba noon na bumisita sa isa man lang probinsiya o isla na malayo sa bahay ninyo at tapos magpa picture ka sa mga magagandang tanawin? Ngayon uso na to! Salamat sa internet, sa cellphone, sa digital camera at sa fezbuk uli at kung super hi-tech ka na salamat na rin sa DLSR camera hehehe. Parang lagi na natin bitbit ang mga gadgets natin tapos magpakodak-kodak ba.....kasi nga may facebook na no at meron ng blog pa, isa pa yun! Magpopost ng mga pictures para ishare, kung saan-saan na nakarating na lugar, pero dati ba naisip natin ito? Sa totoo lang, mas marami pa akong napuntahang lugar dito sa US kesa sa Pilipinas, kasi naman noon nasa Pilipinas pa ako ni pamasahe nga sa bus pahirapan pa kung saan hahagilapin, yun pa kayang magtravel papuntang Cebu o Palawan no?? ni hindi nga ako nagla lunch sa school para lang makatipid e, hayyy buhay nga naman parang buwan, bilog hahaha. Di bale pagdating ng panahon o bullet day mapapasyalan ko rin ang Cebu, Palawan, Bohol at mga scenic views, isa yan sa mga pinaplano ko pag-uwi ko uli ng Pilipinas, "tangkilikin ang sariling" atin ika nga.

4. Eto pa, alam niyo ba kung saan lugar ang Zapote at ano ang mahalagang kasaysayan nito?? Ehem, history naman tayo hehehe. Hindi yan kapote ha na sinusuot sa ano... sa katawan, para di ka mabasa hehehe.... ako tanda ko lang sa Zapote nakikita ko ito sa sign board ng mga dyip sa tin, sa may bandang Las Pinas yan e. Pero parang di ko pa ito napuntahan, nasakyan ko lang yata ang dyip hehehe. Ano naman kinalaman nito sa topic ko? Wala lang, blog ko to e so pwede kahit anong segway ko di ba? hehehe. Wag na kayong kumontra....at walang aangal. Teka, ito pa di ba ninyo alam na may kaugnayan si Emilio Aguinaldo dito?? Yun tinatawag nilang "Battle of Zapote." Eto ang chismis, si Emilio daw ang namuno sa laban na ito di ko lang alam kung totoo ito ha, hehehe. Ang alam ko lang, pininta ng pamangkin ko ang mural ng "Battle of Zapote" na matatagpuan sa Gen. Emilio Aguinaldo Museum sa Baguio hehehe. Salamat sa pamangkin ko, nalaman ko na meron palang Battle of Zapote hehehe parang absent yata ako yan ng tinuro sa kin ng teacher ko e hahaha. Kaya tara na ating puntahan ang museum na ito.....teka kayo lang pala di ako pwede malayo ako e, pag-uwi ko na lang uli sa Pilipinas. Isa pang teka, di ko alam kung bukas na yun museum hehehe, ang mahalaga pinaghirapan yan ng pamangkin ko kaya dapat lang na ipagmalaki ko yan. Kaya sana lang masilip nyo ang museum na yun pag nagawi kayo sa Baguio....at silipin ninyo ang mural na gawa ng pamangkin kong si Russell, eto yata ang unang malaking project niya na nagawa. Galing niya no, sayang di ako kasing husay niya hehehe, actually wala pala ako sa kalingkingan niya..... ni kuko nga wala e hahaha, baka cuticle lang ako sa kahusayan niya, jejeje. Yun tungkol pala sa kasaysayan ng Battle of Zapote, tanungin nyo na lang si kumpareng google at kumareng yahoo o kay kabayang yehey, mahahanap nyo naman yun e, pahihirapan nyo pa akong ipaliwanag dito hehehe.

Eto pa yun ibang mga larawan:











Battle of Zapote final version

7 comments:

  1. Meron palang artist sa pamilya nyo, Sardz, at historical mural pa ang binabanatan.

    Iba kasi pag ganito ang proyekto. Hindi katulad ng ibang paintings na galing sa isip ang "concept". Pag historical mural, nire-research ang mga detalye na dapat angkop sa "historical facts".

    Hindi ko rin alam kung si "Emil" ang namuno at nakipag sabayan sa "Battle of Zapote". Pero ang kabuoang "visual effect" ng mural ay magaling.

    ReplyDelete
  2. May nakita akong painting ng Battle of Zapote na ang tulay ay gawa sa kawayan, ito namang gawa ng pamangkin niyo ay bricks.

    Maganda ang mural painting! Magaling sa pagpipinta ang pamangkin niyo, Ms Sardonyx!

    ReplyDelete
  3. blogus- meron talagang artist sa pamilya namin no, AKO hahaha, actually yun Kuya ko (tatay ng pamangkin ko) magaling din magdrawing kaso di na lang niya napractice...ako rin naman marunong magdrawing....sa autocad nga lang hahaha...salamat sa iyong papuri

    RJ- hi tech na yun pamangkin ko siguro hahaha....o baka mas matalino ang mga guerilla sa painting ng pamangkin ko? hahaha...mana sa ama ang pamangkin ko hehehe....ako mana ako sa....pinagmanahan ko lol

    ReplyDelete
  4. there is no place like home . kahit na saan man yan. kaya sarap ishare.

    galing ng mga painting.

    have a nice day

    ReplyDelete
  5. kay husay naman pala ng pamangkin mo! pareho tayo, sards, absent din malamang ako nang ituro sa klase dati ang battle of zapote. may ganoon? :D

    ps : i'm throwing a little blog contest para naman masaya ang 4th bday ng blog ko sa mayo. dali, sali ka! :D

    ReplyDelete
  6. LifeMoto- yeah that's true, there's no place like home, kaya nga wala akong naiipon kasi almost every year umuuwi kami ng Pilipinas hehehe....di bale ok lang yun basta kasama ang pamilya ayos na ;-)

    docgelo- magkaklase pala tayo sa history doc hahaha absent pala tayo pareho nun....sige sasali ako sa contest mo, kailangan ko bang magreview?? hehehe

    ReplyDelete
  7. busy si sards, walang new post :(

    ReplyDelete