Wednesday, May 11, 2011

HULA SCOOP: Bigyan Mo Ng Pagpapahalaga Ang Naging Bahagi Na Ng Buhay Mo

Kay Selyo...ay Ang Selyo pala hehehe


HULA: Bigyan mo ng pagpapahalaga ang naging bahagi na ng buhay mo. Huwag maging "ningas-kugon." Ano o sino pa man ito patuloy mong pahalagahan ang mga ito, ang mahalaga talaga ay importante....hehehe

SCOOP: Ano at sino nga ba ang mahalaga sa buhay natin, na minsan nakakaligtaan na natin dahil mayroon na tayong bagong pinapahalagahan, na hanggang sa simula lang at hindi na natin natatapos?

-------------------------------------
Teka bago tayo magsimula e hayaan nyo munang ipaliwanag ko ang binanggit kong idiom, para may matutunan naman kayo dito sa hulascoop ko, naks naman hehehe:

Kahulugan ko:
"ningas-kugon"-
ningas- apoy
kugon- uri ng damo? (tama ba?)

-siguro madaling mag-apoy kaya sa simula lang maningas tapos pag upos na e di wala na...hmmmp syempre wala ng ililiyab di ba e ubos na nga e? di ko alam kung saan nanggaling ang idiom na ito pero ang tanda ko lang, namana natin ito sa mga kastilaloy hehehe....at pati na rin ang pag-uugali na yan

O sige na nga hayaan ko naman kayong mag-isip ng kahulugan niyo, eto na ang aking topic......

MGA NASIMULAN KO NA HINDI KO MATAPOS-TAPOS

1. Natuto akong mag gitara ng maliit pa ako, pero hanggang basic na chords na lang na A, B, C, D, E, F, G ang natutunan ko wala na kasing H kaya hindi ko na rin tinapos ang pag-aaral ko, kung yun ngang chords e hanggang G lang e bakit ko pa tatapusin ng hanggang Z, di va?

2. Noong nasa mataas na paaralan na ako, mahilig akong mag-ipon ng mga selyo naging pangulo pa ako ng Philatelic Society Club sa aming paaralan. Iningatan ko ang mga ito, inisa-isa kong balutan ang bawat isang selyo para hind madumihan o masira ang perforation o mga ngipin ng mga ito. Hanggang ngayon marami pa rin akong mga selyo na dinala ko pa dito sa US pero wala ng balot, mga hubad na silang lahat hehehe.

3. Noong nasa mataas na paaralan pa rin ako, naging miyembro din ako ng rondalla, tumutugtog ako ng bandurya noon, pero ngayon iba na ang tinutugtog ko....pinipindot ko na lang ang ipod o iphone ko at may tumutunog na rin naman hehehe at hindi pa ako nagkakalyo.

4. Noon nasa college ako, gusto kong matutong tumugtog ng piano, ang problema wala kaming pambili ng piano hehehe. Natuto rin ako ng kaunti sa pamamagitan ng aking matalik na kaibigan pero nakikigamit lang ako ng piano sa kanila hehehe, ngayon may electronic organ naman kami pero di ko na rin tinutugtog....ibang organ kasi ang gusto ko sana......hmmm bamboo organ sana no! hahaha

5. Noong unang dating ko sa US, sa sobrang pangungulila ko, natuto akong manahi ng "cross-stitch" pero ang nagawa ko ay simpleng si "tweety" lang, di ko na kinaya ang mga mala anghel na mga disenyo .......hay hanggang tweeter na lang yata ako talaga hehehe....tweet na lang ng tweet

6. Noong napunta kami sa Hawaii, bumili naman ako ng ukulele( tamang bigkas ayon sa mga taga Hawaii ay: u as "uu" sagot ng mga nagtitext kung oo o hindi ang tanong, ku-le-le ang "u" ay hindi binibigkas na you, kuha mo? hahaha

7. At nitong wala na akong trabaho, naisipan kong gumawa ng blog...ayun sinipag magpost, dalawang blog pa ang nilikha, nanalo ng top 10 sa PEBA 2009 lalong sinipag magpost, pero ngayon halos isa sa isang buwan na lang ako magpost ng blog.....wala na kasing nagcocomment sa post ko e hahaha, nagsawa na sa hula ko, corny kasi e hehehe.

Bakit kaya ako ningas kugon? Y??

Eto pa, nagtayo ako ng resto ko, pero nagsawa din ako, napabayaan ko na rin.....bumili rin ako ng ekta-ektaryang lupain para ipabungkal sa mga magsasaka para makatulong sa paglago ng kanilang sakahan pero.... iniwanan ko rin at ngayon balak kong maging mayor, kakayanin ko kaya??? Hay grabe kaka adik talaga ang mga larong yan sa Facebook! Na adik kasi ako sa Farmville, Farmtown, Restaurant City at ngayon eto inuumpisahan ko na ang Cityville. Kuha mo?? Kung hindi, manood ka na lang ng 100 days to heaven ng channel 2 hahaha, yan kasi ang bukang bibig ng bida e lol.

Ang iniisip ko lang, siguro pwede ko pang ipagpatuloy ang mga nabinbin kong mga paglilibangan sana, kundi lang dahil kay Mark Zuckerberg, kung bakit naimbento pa niya itong facebook ngayon adik na adik na halos lahat ng mga tao at isa na ako doon. Kahit yata ang mga may-ari ng mga pagawaan ng mga kamera ay lumakas dahil kakafacebook ng mga tao, post ng picture dito, post doon. Punta sa party o gumala kung saan post ng pictures uli hehehe....parang ako hehehe

Hay, nagpapasalamat pa rin ako dahil sa facebook, nalilimutan ko ang pangungulila at lungkot ko lalo na kung maghapon ka lang sa bahay....kung walang facebook.....baka masira ang ulo ko kakabilang ng mga langgam na gumagapang sa dingding namin hehehe....kuha mo??

8 comments:

  1. kuha ko! nanunuod ka ba ng 100days to heaven? haha

    wow, musically inclined ka pala. ako hindi eh. ungbata kami, pinapili kami kung anong instrument gusto naming tugtugin. Dahil hidni ako mahilig, sabi mag voice lessons na lang ako. haha. Pero hidni parin ako magaling kumanta. hanggang videoke lang ako. :)

    Akala ko nga may farm at restaurant ka. Nakakaaddict nga yun. Nag-FB ako once dahil lang sa Farmtown. Na-addict din ako so i decided to deactvate FB. lol

    kuha mo?

    ReplyDelete
  2. Reena- oo nanonood ako ng 100 days to heaven hehehe, kakatuwa yun si Xyriel e, ngayon lang ako makaka umpisa ng teleserye after came back from Japan hehehe....hindi ako musically inclined, music declines me hahaha

    kaka adik talaga FB, wala akong nagagawa hahaha....kuha ko talaga

    ReplyDelete
  3. tinamaan naman ako sa ningas-kugon mo, sards. yung violin lessons ko, 2 weeks ng deadma, haha.. work has taken the toll on me. google translate : toxic sa trabaho pati weekends last week may pasok! resume na lang ang yukulele este violin this weekend.

    pinamigay ko na din ang lupain ko sa farmville at ipinaubaya ko na ang restaurant ko sa restaurant city, hahaha! busy ako di ko mamanage! hehehe

    ReplyDelete
  4. Reena- oo nanonood ako ng 100 days to heaven hehehe, sarap tirisin si Ana hahaha...bakit mo naman dineactivate ang FB mo? walang buhay pag walang FB hahaha adik na kasi ako e hehehe....hindi ako musically inclined, musically declined kamo hehehe

    Docgelo- hahaha doc nananalaytay sa dugo mo ang pagka ningas kugon din pala...ikaw ang dahilan kung bakit ko naumpisahan ang restaurant city ko no hehehe...kaya ako ayoko nang umpisahan ang violin e hehe wala akong matatapos lalo

    ReplyDelete
  5. Hi. Please replace my old blog with my new blog link. I have a new blog now, its called http://therapistessence.blogspot.com I already added you to my blogger friends thanks.

    -Arlini

    ReplyDelete
  6. Hi! This is Earvs from UP. I am currently doing my MA Thesis. The topic shall focus on OFW bloggers. Is it possible to get your email? I would like to formally invite you to be part of my research for UP. Please email me at ecabalquinto@gmail.com.

    ReplyDelete
  7. Arlini- thanks for dropping by again, I added your new site na

    Earvs- thanks for visitng my blog ;-) and choosing me to be part of your research

    ReplyDelete
  8. during my elementary and highschool days ay nagiipon din ako ng stamps. nakakatuwa tignan ang mga iyan.

    salamat sa bisita . ingat !

    ReplyDelete