HULA: Marami kang malalaman na hindi mo pa nalaman noon na ngayon ay inaalam mo na. Lalawak na ang iyong kaalaman basta lang alamin mo ang mga ito.
SCOOP: Sa mga natutunan mo sa buhay at anuman ang iyong mga pagkakamali ay itutuwid ka nito sa tamang daan ng iyong buhay. Dito pumapasok ang bago mong kaalaman, korek ba? korek!! Hala alamin mo na no!
-------------------------------------------------------------
Maglalabing limang taon na rin pala ako umalis ng Pilipinas, 13 taon sa bansang America at dalawang taon sa Japan, marami na rin akong natutunan dito sa US lalong lalo na pagbigkas ng ingles.
Anu- ano ba ang mga natutunan ko dito na mali ang pagkakaalam ko nang nasa Pilipinas pa ako??
1. Akala ko noon, ang bag at bug ay homonyms...hindi pala! ang bigkas ng bag ay medyo mahaba na may halong arte at yun bug naman ay pabigla as in kablag na parang may sumundot sa pwet mo at nagulat ka hehehe.
- Mga ilang linggo palang ako dito sa US nang magtanong ako sa cashier, "Miss do you have an extra bag?" ang sagot sa kin ay "I'm sorry, what was that again?" so sagot naman ako, "Bag so I can put my other clothes there" at sagot naman ng bruha, "Ohh did you mean "baaag?" sabi ko naman "Yes, baaaaag!" (bruha! hehehe) Bakit nahihingi kaya ang bug?? luko-loko talaga ang bruha! Hindi ba niya makuha sa sentence ko?? hello?!!
2. Ang bank at bunk ay hindi rin homonyms, wala rin pinag iba yan sa bag at bug. Kaya pag magbibigkas kayo ng bank dapat may arte na rin na parang "bennnk" kundi hindi ka maiintindihan dito. Akala nila bunk ang sinasabi mo.
3. Huwag kang magtatanong ng kung nasaan ang CR nila dito, dahil tinanong ko rin yan nun unang dating ko sa airport di nila naintindihan, so sinabi ko na malumanay na ...."CR as in comfort room" hay di pa rin nila ko naintindihan kaya sabi ko na lang "How about toilet???" anak ng tinapa di pa rin ako naintindihan!!! Hay hinanap ko na nga lang at ayun nakita ko ang sign "Rest Room!!" Pahingahan pala ng sama ng loob hehehe.....kaya mula nun di ko na ginamit ang buset na CR at Toilet na yan wala palang pakinabang dito. Ingles na nga di pa rin maintindihan!
4. Ang salitang "arrive" ay di nila ginagamit dito, ang iba di yata naiintindihan yan. Tanda ko nun sabi ko "What time did you arrive?" ang tanong sa kin "What did you mean?" Hmmm di nila pala ginagamit ang word na yun para bang sa tagalog ehh napakalalim na salita na sa kanila yun. Ang gamit nila ay "come" or "get" kagaya ng "what time did you get in here?" or "what time are you coming in here?"
5. Ang sundo ay "pick up" at hindi nila ginagamit ang "fetch." Kagaya ng "I will pick up my kids later today."
6. Ang "hatid" ay "drop-off" at hindi accompany.
7. Ang "often" ay hindi pala silent "t," anak ng pating yun titser ko tinuro sa min silent t ang bigkas ng often as in "ofen" yun pala of-ten pa rin, bakit ganun?? Sino bang mali, ang titser ko o ang titser ng titser ko??
8. Ang bigkas ng "tube" ay "toob" parang tu-ba at hindi "choob" tawanan ka pa nila dito! hehehe kaya pag sinabi nyo ang "youtube" siguraduhin ninyo hindi ito "you choob" bigkasin ha, ok ulitin nyo, basahin nyo uli hehehe. Walang pinag-iba yan sa tulip, paano nyo ba bigkasin ang tulip? chulip o tulip? syempre tu-lip , ganun din ang tube hehehe.
9. Huwag kang magsasalita ng malakas dito na winawarningan mo ang anak mo at sasabihin, "Madapa ka"....dahil ang "madapa ka" tunog ng "Mother F***ker sa kanila hehehe.
10. Ang salitang "aso" pag narinig ng mga Amerikano ay napapalingon sila kasi akala nila minumura mo sila na "As*hole" hahaha, pagpasensiyahan nyo na sila mga bingengot kasi sila e.
11. Ang madalas sabihin ng mga Pinoy na pag di nila naintindihan ang kausap nila ay, "Come again" (lalo na sa telepono) di ka nila maiintindihan dito niyan come again mong yan, baka iba ang dumating sayo niyan hahaha, ask mo na lang sila ng "I'm sorry I didn't hear it" o "Execuse me, can you say it again" at alam ko sa Canada ang expression nila ay iba rin kumpara sa US, "pardon me" ang gamit nila. At huwag ka rin sasagot ng "Ha?" pag di mo sila naintindihan. E "Bakit" siguro ang itatanong mo sa kin??....... wag ka naman magtanong sa kin nyan hehehe
12. Dahan-dahan sa pagbigkas ng "beach" dahil baka "bitch" ang dinig nila, so hindi rin sila homonyms.
13. Ang ballpen ay di nila kilala, si "pen" lang hehehe
14. Ang pentel pen ay brand ng marker kaya tawag nila ay "marker"
15. Ang puncher ay hole puncher o two-hole punch o three-hole punch
Hay ang dami no! Kakaloka! Yun iba nalimutan ko na e, next time na lang....pero ang naiinis ako yun pinag-aralan ko sa Home Ecananay (HE) ay di naman pala ginagawa dito, kagaya ng pag nagseserve sila ng pagkain, laging walang kutsara! puro tinidor, di tuloy ako makakain ng masyado pag tinitinidor ang kanin, kainis! e paano pa kaya kung buhaghag ang sinangag, e di hindi ako matapos-tapos sa pag gamit ng tinidor, unfair talaga sila, bakit ang Chinese at Japanese tanggap nila na gamit ay chopsticks pero bakit ang Pinoy di nila i-accept na kutsara't tinidor ang gamit sa pagkain. Hay kahit nakakahiya, yun serving spoon, ginagamit ko pag kumakain kami sa restaurant hehehe, pakialam nila no! Pinoy yata ito!
UKOL SA LARAWAN: Wala lang, wala akong mailagay e, share ko lang sa inyo kung ano ang hirsura ng downtown Seattle hehehe, at least ngayon may nalaman na kayo so swak pa rin pala sa hula ko hehehe.
napatawa talaga ako dito sa post mo Sards! k'se ako naman dito sa Sg difference ng American-English at British-English. ang capsicum-pepper; eggplant-aubergine; toilet/loo - rest room; tap - faucet/water; rubbish - crap/garbage. at madami pa! minsan pati ako sumasakit ang ulo :D
ReplyDeletepanalo sa akin ang bag at bug, saka yung madapa ka! tawa ako ng tawa. si tina na nanood ng pelikula sa laptop nya ay kinailangang mag pause at makitawa sa akin! :D
ReplyDeletesyel- ginagamit palagi ang word ng rubbish sa Hawaii pero dito trash, hay kakahilo talaga no, kada lugar iba ang english na ginagamit parang Filipino din, kakaloka nga minsan
ReplyDeletedoc- yun madapa ka lagi ko ngang nasasabi sa anak ko at kada may nakakarinig tumitingin sa kin akala minumura ko ang anak ko hehehe
MADAPAKA! Bwahahahaha!
ReplyDeleteDito naman ang CR ay WC as in water closet.
Ang "fetch" ata ginagamit lang nila sa pag utos sa aso. >: D
Pero sardz, para sa akin, ang kano'ng hindi nakakaintindi ng "arrive" o "sofa" ay kulang sa pag aaral o hindi naka labas ng ibang bansa.
you are a winner, have a gift for you :)
ReplyDeleteblogus- ang cute naman ng name ng CR nyo dyan water closet hehehe, alam naman nila ang word na arrive kaso nagbibingi-bingihan lang para wag kong gamitin yun word na yun hehehe....parang kino korek ako na pahaging ba, which is nakakainis minsan
ReplyDeleteLifeMoto- saan ako nanalo? hehehe anong gift ko??
ayos! harhar!
ReplyDelete