Tuesday, March 15, 2011

HULA SCOOP: Tatapusin mo ang naumpisahan mo nang gawa

O tukso layuan mo ako!



HULA:
Tatapusin mo ang naumpisahan mo nang gawa, ang problema mo lang kung saan mo uumpisahan ang nasimulan mo, na hindi matapos-tapos sa simula palang.

SCOOP: Dapat talagang tapusin ang naumpisahan mo na dahil hindi ka magwawagi kung hindi ka mananalo hehehe, labo ko talaga! May tawag diyan e....."palabra de honor" o "may isang salita," yan ang magpapalaya sa inyo! Naks naman.

-----------------------------------------------------------

Kahulugan ko:

Palabra de honor- matinding paninidigan na nangangahulugan ng "may isang salita," yan ang natutunan ko kay Eddie Garcia mula sa pelikula na "Palabra de Honor" hahaha

Ano naman ang kaugnayan nito sa hula ko?

Well kung may palabra de honor ka, at nangako ka sa isang bagay o gawa na tatapusin mo, dapat tatapusin mo talaga! Diyan ko iniugnay ang hula ko kahit baluktot pilit kong tinutuwid na iugnay ito hehehe

Ano naman kinalaman nito kay Sards?

Tatapusin na ba ni Sards ang pagbablog niya?? Hmmm (esep-esep) oo nga no?? Actually, hindi po! Ngayon ko lang naisip yan tanong na yan pero sa ngayon, sasagutin ko yan na hindi po talaga. Actually, si Sards may palabra de honor, sineseryoso ang pagpapapayat hehehe...yun ang totoo! hehehe...remember yan ang New year's resolution ko, sana nga lang pumayat ako huhuhu

Bakit ko ba naisipan na magdiet na??

1. Mataas ng konti ang cholesterol ko, nasa borderline na
2. Kulang ako sa Vitamin D, pahamak na Washington state to e, hindi kasi umaaraw dito hindi man lang ako nadadantayan ng sinag ng haring araw hehehe
3. Hirap na akong magsintas ng sapatos pag nakaupo ako hehehe
4, Hirap din akong maglagay ng snowboard shoes ko sa snowboard ko, tumatagaktak na pawis ang inabot ko bago magsnowboard.
5. Higit sa lahat sinabihan na ako ng asawa ko na tumataba na ko waaaaaaaaaaaaaaaaaaa, ang sakit sobra akong nahurt huhuhu (masakit tanggapin ang katotohanan pero...totoo! waaaa)

Kaya eto, hindi na ako masyadong nakakapagblog, panay ang exercise at workout ko, zumba dito zumba doon, giling dito giling doon, kembot dito kembot doon hahaha......kaya pagpasensiyahan nyo na kung madalang akong magpost ngayon may palabra de honor lang ako hehehe

Pero may isa pa rin akong salita, hindi ko pa rin pababayaan ang blog ko.

Hanggang sa muling pagtutuos,
Zumba hehehe














9 comments:

  1. hahaha, goodluck sa pagpapapayat :D

    ReplyDelete
  2. wow! dapat may before and after pics yan! actually, nakaka-addict ang magpapayat. nagawa ko na yan last year. in fairness i lost 18 pounds. o diba? haha. pero nabawi ko lang ata nung pasko. hahaha.

    goodluck! kaya mo yan! sige take your time. sisilip parin lang naman kami sa blog mo. :) pero hwag kang aalis ha...

    ReplyDelete
  3. "3. Hirap na akong magsintas ng sapatos pag nakaupo ako hehehe"

    i can see you... ahahaha! parang gusto mo na lang iuto sang pagsisintas ng sapatos mo sa iba. lolz!

    gusto ko ang kulay ng blog mo :) ang sarap parang chocolate :D

    ReplyDelete
  4. susmaryones! at nag-di-diet ka pala! ayan na nga ang matagal mo ng dapat sinimulan noon na hindi mo matapos-tapos dahil hindi mo naman sinimulan sa simula pa lang LOL!!!

    ReplyDelete
  5. wow, bising bisi sa pagpapayat at pagdidiyeta!
    (pero ang picture sa taas, pagkasarap-sarap!)
    iyan yata ang 2 bagay na hindi ko pa kayang gawin. sa lahat ng doktor, ako ang matigas ang ulo (hmmm, iba na naman iniisip mo, sards! hehehe) ayaw ko magpa-laboratoryo (muna!). kaya secret sa akin ang cholesterol, glucose levels ko (etc). bad! i know it's bad thing to say what you don't know won't hurt you. hahaha! ang galing-galing kong magturo, magpayo, magreseta, tapos sarili ko di ko magawa yun. hahaha... at least hindi ako mahuhusgahan ni eddie garcia na walang palabra de honor. di ba sards? :D

    pahingi ng cupcakes! (plural iyon ha, with "s")

    ps : washington ba kayo? may kaibigan akong matalik dyan, sa yakima.

    ReplyDelete
  6. anung diet-diet?!!!! wag! sarap sarap pa naman kumain! di ka tumataba, pumapayat lang sila! lol! seriously though, ako din nagpaliit ng konti. four months na walang rice tapos ngayon once a week lang ang rice intake then takbo at strecth. pero di pa din pumapayat! haha!

    ReplyDelete
  7. LordCM- salamat sana pumyat hehehe

    Reena- wala ng before and after pics kasi parang walang pagbabago e hehehe, ang galing mo naman naglose ka ng 18lbs hay sana magawa ko yan

    AZEL- korek ka dyan, para nga akong buntis e di maabot ang sintas ng sapatos hehehe

    Dennis- oo nga di matapos tapos ang pagdadiet kasi wala namang sinimulan nga hahaha, korek na korek ka dyan!

    docgelo- ang tigas nga ng ulo mo hahaha, dapat magpa lab test ka na mahirap ang magsisi sa huli pag malala na hehehe, sabagay wala naman kasing pagsisisi na nasa una LOL, sige iyo na yang cupcakes na yan! tukso sa kin yan e hehehe

    Syel- di ko yata kaya ang ginawa mo na walang rice, hay nanghihina ako e hehehe, pero dinadaan ko na lang sa exercise, zumba at cut down sa rice and sugar pero may rice pa rin hehehe

    ReplyDelete
  8. Pareho lang tayo. Ang kaibahan natin, nagsisimula ka na. Ako isang libo't isang pagsisimula pero hindi matapos-tapos. Wala akong will power para mag-exercise.

    Mataas din ang choles ko. Madali na akong hingalin. At (pabulong...) meron na yata akong rayuma.☺

    Go, girl! Kaya mo yan. Post mo about your zumba experience. Will wait for it.

    ReplyDelete
  9. Nebz- baka kailangan mo ng inspirasyon para magpapayat o kaya kailangan mo ng isang mabigat na constructive criticisms hehehe....marami pa akong kakainin bigas bago ako pumayat....oooppps bawal pala ang maraming bigas ay kanin pala hahaha so marami pa akong kakaining brown rice! pwede na yun brown rice basta dapat may rice pa rin ako hehehe

    ReplyDelete