HULA : Matututo ka ng ibang bagay na hindi mo pa ginagawa sa tanang ng buhay mo, kailangan mo lang pag-aralan ito ng husto.
SCOOP: Bagong taon na, dapat bagong buhay, bagong pag-asa....at bagong pagkatao. Ano bang New Year's resolution ninyo? Alam kong malapit ng Valentine's Day pero kailangan meron muna tayong layunin sa taon na ito. Teka, ano nga palang pakialam ko sa inyo, KKB na lang! Kanya-kanyang Buhay hehehe.
---------------------------------------------------------------------
Huli man daw at magaling ay.....ok pa rin hehehe. Kaya kahit February na, go pa rin ako sa New Year's Resolution sa blog ko, anyway blog kko yata to hehehe. Kung bakit ba naman ang January ang laging nakatoka para sa New Year's Resolution, bakit di pwedeng December o kaya March? Natatandaan ko pa noong elementary ako, pagbalik namin mula sa Christmas vacation, yung teacher ko lagi kaming pinapasulat kung anu-ano ang mga New Year's Resolution namin kahit yata hanggang high school pinagawa pa rin sa min yun. Nakakasawa na!
Dati ang New Year's Resolution ko ay "tumaba" bakit ngayon iba na ang takbo ng ihip ng hangin, pabaliktad na talaga, ngayon naman, "pumayat!" Ang nakapagtataka lang, parang taon-taon din iisa lang ang New Year's resolution ko pero wala pa ring pagbabago hehehe.
Ang New Year's Resolution Ko:
1. Pumayat!
2. Pumayat pa rin
3. Dapat akong pumayat talaga!
3 in 1 yan! Pero kahit isa pa yan parang ang dami ko pa rin gagawin para magawa yan.
Anong Kailangan Kong Gawin Para Pumayat?
1. Iwasan ang itlog, mataas daw sa cholesterol
hmmm pwede ba yun?? kelangan ko ang dalawang itlog!! lol. Eh bakit nun bata pa ako parati akong pinapakain ng itlog, sabi ng nanay ko kailangan ko raw yun, ngayon naman bawal?? ano ba talaga Kuya?
2. Mag exercise
anong klase??? alam ko lang yun may "s" sa unahan ng exercise, hehehe joke lang! kayo talaga. Hay bakit noon bata pa ko, kahit di ako nag eexercise ang payat-payat ko pa rin. Hay di na talaga ako bata (asa pa hehehe)
3. Iwasan ang mani
ano naman kinalaman ni mani?? kakainis naman
Yun mani daw may 6 calories isang piraso kaso kung kumain naman tayo, "sandamakmak" kaya kung naka 100pcs ka, 600 calories pala yun?? tama ba?? teka anong klase kayang mani yun? may buhok este may balat o basa? o tuyo? hahaha...
4. Iwasan ang hotdog
naman?? as in naman! why??? mataas daw ang cholesterol nito at maraming fats, hay favorite ko pa naman ang hotdog lalo na pag pinapasok...sa stick anong tawag dun? ahhh nakatuhog pala hehehe
------------------------------------------------------------
Ayoko na yatang pumayat ang pagkaing Pinoy kasi ay mayaman sa cholesterol hehehe....at hindi ko kailanman maitatanggi ako ay Pinoy (hahaha ang layo, basta may dahilan lang para hindi magdiet dinadamay pa ang pagka Pinoy hehehe) basta ako ang natutunan ko ngayon, marunong na akong magsnowboard, 400 calories ang nawala sa kin ng isang oras kaso pagkatapos magsnowboard, kumain naman ng malaking alimasag! ang sarap pa ng mga aligi! hehehe....hay buhay nga naman parang life...life is so beautiful ika nga.
Hehehe, mahirap nga kung ganyan ang new year's resolution mo, kaya goodluck...
ReplyDeletepero try mo dagdagan ung bilang ng sexercise mo, baka sakaling makapayat :D
Hehehe, mukhang naiinsecure si Sardz. >: D
ReplyDeleteGulay lang at bawasan ang kanin. Siyempre exercise din. Walking lang na 4km every other day okay na yun.
CM- korekek ka dyan, talagang good luck sa kin baka next year ito uli New Year's resolution ko hehehe....dinagdagan ko na ang exercise ko no plus s pa LOL
ReplyDeleteblogus- yup naiinsecure ako pag may nakikita akong mga payat at hapit hapit pa ang suot na blouse hehehe, ang layo rin kaya ng 4km mga 2.5 miles din yun ah...hayaan mo pag pumayat ako ipopost ko ang picture ko dito hahaha, malamang malabong mangyari yun LOL
tandaan mo ba noong umuwi kayo, sa airport pa lang kandahaba na leeg ng jowa mo sa kahahanap ng sundo nyo? un pala nasa harapan lang nya ko at di nya ko nakilala! YES! i lost 35 lbs from 180 naging 145! wala akong ginawa kundi maglakad ng maglakad at kumain ng 2 hopya at tubig sa tanghalian! that's my secret
ReplyDeletesosyalin, pa snowboarding-snowboarding na lang si sards! para kang celphone na walang load, kasi di ka na ma-reached! hehehe...
ReplyDeleteanonymous- parang kilala na kita hehehe, so ngayon anong nangyari? bakit parang tumaba ka uli bwahahaha
ReplyDeletedocgelo- yun snowboarding daw mataas ang calories na nabuburn e mga 300 calories per hour hehehe kaya nagtry ako naka 4 hours yata ko so marami-rami yun hehehe
hahaha! galing, madunong na mag-snowboarding! pero alin mas gusto mo snowboard or s-excercise?! hahaha! ang hirap talaga magpapayat pag masarap kumain! pikit mata na lang palagi! hahaha!
ReplyDeletesyel- yun snowboarding pag winter lang nagagawa, yun "isa" eh palagi kaya dun na ko sa palagi LOL, mga 100 calories daw nabuburn nun e bwahahaha
ReplyDeletebusy si sards!
ReplyDeletewalang bagong post :(
Belated Happy V Day, Ms Alice!
ReplyDeleteDitto. Pangarap ko rin ang pumayat. Lagpas na nga ung pustahan namin ng flatmate na come Feb 25 at hindi pa rin maliit ang tyan ko, maggi-gym n ako. Yun. Pareho na kaming hindi naggi-gym at malaki na rin ang tyan nya. Hehe.
Pero I'm really resolved to lose weight and lose my belly fats. Para na rin sa sarili kong kalusugan. Mataas kc ang cholesterol level ko kaya I need to do something otherwise baka kung ano pa ang maging ibang resulta ng high cholesterol level ko.
Ingat po and Godbless.
kasalanan ko ba na nagbago ako ng URL?
ReplyDeletehindi tuloy kita nasundan ate...
pero ang hirap ng pointer na yan para sa pagpayat. teka, effective ba? natry mong iwasan? i bet, not!!!
hahaha. ako rin, inuulit ko yung resolution ko pag feb kasi chinese new year naman.
ReplyDeletedocgelo- dito na uli ako, sorry kung 1 month akong di nakapagpost hehehe
ReplyDeleteNebz- pareho tayo, mataas na rin ang cholesterol ko, kaya dapat iwasan mo ang itlog lol, maganda raw ang fish oil sa mataas ang cholesterol
AZEL- kasalanan mo yan kasi di ko alam na nagbago ka na pala ng URL no, pero thank you sa pagdalaw at naalala mo pa rin ako
Reena- parego pala tayo ng isip hehehe ayos yan