HULA SCOOP: Hindi mo mapigilang sumimangot ngayon parang wala ka sa mood, hindi maganda yan kaibigan pag nalulungkot ka na.....alam mo na dapat ang gagawin mo......ang paligayahin ang sarili.....ang ibig kong sabihin maghanap ng ikalilibang mo sa iyong sarili hehehe.
------------------------------------------------
Lagi kong naalala ang namayapa kong kaibigan, pag ganitong nalulungkot ako. Dahil unforgettable kasi ang kwento niya sa kin. Ang asawa niya noon ay naghahanap ng trabaho. Pinag-aapply niya sa isang opisina, sagot ng asawa niya, boring daw dun. So pinag a-apply niya sa department store, ayaw rin dun dahil daw hindi daw masaya so sinabi na lang ng kaibigan ko na mag apply na lang siya sa Disneyland, pinakamasaya raw na lugar sa balat ng lupa hehehe. Yun pala ang slogan ng Disneyland- "The happiest place on earth!" hahaha
Speaking of Disneyland....diyan kami nagpunta sa Tokyo Disneyland!!!!! So masayang-masaya talaga ako, para nga akong bata eh!
Eto share ko na lang ang mga pictures ko sa inyo, tinatamad kasi akong magkwento e. Umuulan ng magpunta kami pero awa ng Diyos nagpakita rin si Haring Araw mga bandang 4pm na, at least umaraw din.
Sumakay kami ng train mula sa JR station hanggang sa Disneyland 200 yen ang bayad, one way lang, (ano ba yan may bayad pa pala wala pa nga sa loob ng Disneyland) ang cute ng bintana mickey mouse shape
Cute ng mga Japanese girls, sumakay sila sa splash mountain ride, di na kami sumakay kasi ang haba ng pila mga 2 hours ang waiting time
Bahay ni Mickey Mouse sa Toon Town, ang haba rin ng pila magpa-picture lang kay Mickey, isang oras ba naman hmmmp wala kaming tyaga pumila e
Sa Cricket Country yata ito, resto lang ang nasa loob niyan, dyan sana kami kakain kaso natakot ako sa ambiance hehehe masyado kasing madilim di ako makakapagconcentrate kumain nun
It's a Small World!! Pumunta kami sa loob at mapapakinggan mo yun kanta na It's a small world habang makikita mo iba't ibang manika na naka costume mula sa iba't ibang bansa
Ginabi na kami para hintayin yun electrical parade, ganda ng mga lights
Ayan nag umpisa na ang electrical parade, syempre ang bida ang una, si Mickey at Minnie Mouse
Si Beauty kasama si Beast (parang nawala ulo niya hehehe pero nakaharap lang siya sa kabilang side kaya ganun, mabigat siguro ulo niya kaya nakayuko lol)
Si Snow White, kasama yun mga dwende niya pero di ko nakunan ng picture, ang dami kasi nila di kasya sa picture ko lol
Ayun, wala rin, nagkwento rin pala ako hehehe. Dami pa sanang pictures kaso tinatamad akong mag upload ngayon e hehehe at least di ako nakasimangot di ba, yun ang mahalaga! hehehe
Malapit na kaming umalis ng Japan kaya panay-panay na ang gala namin....kaya abangan nyo na lang ang iba ko pang mga post, hula na travelog pa hehehe
Cool! Sarap maging bata paminsan-minsan no? Love your photos. Made me want to go to Disney especially ngayon na hindi ako masyadong masaya sa kung saan ako naroroon.
ReplyDeletePero dahil imposible for now na makarating ako sa Disney, pagmamasdan ko na lang ang mga photos mo ng Disney dito.
ang ganda!!!! my sister went to japan last month and binista nga nya ang disneylan. maganda nga daw kasi umiilaw ang mga gowns. :D
ReplyDeletenakaka-relate ako syempre dito, hehehe..
ReplyDeletei also liked the electrical parade of lights, gininaw kami sa pagiintay dyan sa kalsada ng tokyo disneyland. dyan lang meron nyan e. sa anaheim California dati noong nagpunta kami doon wala pa. big time talaga mga hapon!
haba nga ng pila. nakasakay kami sa 3 rides, 1 hanggang 3 oras ang pila!!!.. yung haunted mansion, medyo di ako natakot, hapon kasi salita ng mga moo-moo e. hehehe
nagpunta ba din kayo sa tokyo disneysea?
mas gusto ko doon! =)
aalis na din pala kayo ng japan puntang US.
if God wills it, by the end of the month, i'll be working in another Asian country; hopefully my wife and our son could follow after a month or two. *crossed fingers*
Gusto ko sanang pumunta ng Tokyo Disneyland. Gusto ko rin kasing makakita ng singkit na Mickey Mouse! >: D
ReplyDeleteNebz-pag pinagmasadan mo mga pictures ko ng Disney baka ka lalong malungkot hehehe, dapat punta ka na lang sa HOngkong di ba meron na rin dun hehehe, isama mo gf mo ha
ReplyDeleteReena- first time ko rin makapanood ng electrical parade kasi sa California di ko napanood o di ko alam kung meron silang electrical parade din e
Doc- oo nga hapon mga salita ng mga multo sas haunted mansion hahaha, pati mga shows di ko an rin pinanood kasi nga di ko rin maiintindihan, nagpunta kami sa Tokyo Disney Sea last year pa yun ang inuna namin puntahan, good luck and happy trip ha!
blogus- hahaha baka syang lang pamsahe mo kung singkit na mickey mpouse lang ang hahanapin mo hehehe, mahaba ang pila magpapicture kay mickey mouse tapos wala naman pagbabago sa mukha niya hehehe
Sobrang magical! It looks like you really had a great time.
ReplyDeleteLooking forward to the week ahead?
Thanks for visiting Norwich Daily Photo and leaving your comment. Come visit again tomorrow!
Magaganda ang mga pictures! U
ReplyDeletePero mas maganda sana kung kasama si Sardonyx, para makita ko kung talagang masaya nga siya noong nakarating s'ya sa Disneyland.
Nalilito tuloy ako kung saang Disneyland ako pupunta.
kaka-inggit! pangarap ko din magpunta sa tokyo disneyland eh! meron bang astroboy dun?! :D hahaha! tagal ko hindi nakadalaw ah. abala ako sa pagbabantay ng bundok eh! hehe
ReplyDeleteJoy- sorry, super late ang reply ko, super busy kasi hehehe
ReplyDeleteRJ- pag sinama ko sarili ko baka malungkot naman kayo kaya wag na lang hahaha
syel- ako rin tagal na rin akong di nakadalaw sayo at sa blog ko hahaha, di ko alam kung may astro boy e sino ba yun? hahaha