Friday, January 21, 2011

HULA SCOOP: Anuman ang pinaplano mo sa buhay ay matutupad na rin (Diary ng Aking Lolo- Part 8)





HULA: Anuman ang pinaplano mo sa iyong buhay ay matutupad na rin. Kailangan mo lang pagplanuhin ng mabuti para hindi ka mabigo. Kung mabigo ka man, ganun talaga may panalo may talo, at isa ka na dun.

SCOOP: Paano ka nga ba magplano? Inuumpisahan mo ba sa bagong taon? o inuumpisahan mo sa huli? Ibang-ibang uri ng tao iba-iba rin ang basehan kung kailan at saan ang simula. Ang iba naman wala ng plano-plano basta pasok lang ng pasok kaya ayun dumarami......ang mga bata hehehe. Iba pala ang pinasukan hahahaha.

Ako gusto ko may plano rin ako, para bang New Year's resolution, kailangan may baguhin sa mga bagay na dapat lang na baguhin hehehe. Kaya nga medyo nawala ako sa pagba blog ko ilang linggo lang naman, gusto ko kasing tapusin ang pag unpack ng mga gamit namin tapos saka ko raratsada ng pagba blog hehehe. Sa wakas, natapos na rin ang aking paglilinis konting ayos na lang ng mga frames at kurtina, ayos na ang buto-buto. Kaya eto pwede ng mag pa "petik-petik" sa facebook at blog.

Kung kayo ay matagal ng taga subaybay ko, alam niyo siguro yun tungkol sa diary ng lolo ko. Sa aking paghalungkat, nakita ko na rin sa wakas, dahil sa pag-aayos ko ng mga "anik-anik" ko,nakita ko ito sa isa sa mga baul ko hehehe. Hanggang part 7 lang ang naipost ko noon sa diary ni lol, kasi nga di ko makita yun original na diary. At ngayong nakita ko na nga, gusto ko lang ibahagi sa inyo ang ilan sa new year's resolution ni Lolo, sana ma-inspire naman tayo niya.

Mula sa Diary ng Aking Lolo:

"The Past is the basis of Progress"

What have we done during the last two years?

1. That we were the victims of house rents in the total amount of ₱ 97.50 during our stay in Uncle's house at 319 Prudencio as of December 31, 1932. (Sards: Wawa naman pala sina Lolo)

2. That we were always in a financial burden even incurring a debt in the chinese store in the sum of ₱ 6.oo every fortnight. (Sards: Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga makakaiwas sa Intsik, Mang Akong din ang pangalan nito hehehe, baka di pa uso ang bumbay nun hehehe)

3. That our meager income of ₱40.00 was reduced to ₱39.20 since May 1, 1932. (Sards: Grabe ₱40.00, ang baba naman ng sweldo noon, pang text lang yun ngayon e)

4. That as of December 31, 1932, we had saved only ₱1.00 in the People's Bank & Trust. (Sards: So may bangko pala noon na People's Bank & Trust, grabe piso lang nasave ni Lolo, isang text lang yun!)

5. That family quarrels were not avoided as they ought to be. (Sards: Sino kaya may kasalanan parati?? Aminin Lolo! hehehe)



Family Resolution for 1934

Spiritual and Moral Culture

In order that we shall prosper in our present mode of living, we should never neglect under no circumstances our spiritual obligations. Experience reveals to us that no human being on earth can ever succeed in his endeavor without the Help and Guidance of the Divine Power. The grandest thing in this world of ours is the purification of our soul and character. For if our very conscience and soul are absolutely pure and clean, prosperity and Good Luck will always lead us in our path. And in order to acquire this, the following points must be observed daily:

1. That we must always be CHEERFUL and CALM.
2. That we must be always honest, courteous, kind and humble in all our dealings.
3. That we must be always charitable to those who deserve our help and must try to do a noble act everyday.

Sards: Galing naman ni Lolo may ganito pa siyang nalalaman, feeling ko napaka strict niya, talagang in black and white pa ang lahat hehehe.

Pakibasa na lang yun karugtong, itong nasa baba na picture, tinatamad na kong magtype e hehehe at baka wala na rin magbasa.





Eto pa yun family budget ni Lolo, nakasulat lahat, hay sana ganito rin ako hehehe. Kaso walang naitatabi si Lolo sapat lang ang sweldo niya eh, kaya pala mahirap din kami hehehe.



Hmmm, gawa rin kaya ako ng family budget namin? Teka, gumagawa ba talaga dapat nun? Hindi pa kasi ako gumagawa nun eh hehehe, kaskas lang kaskas kay kumpareng master at minsan kalabit naman kay kumareng visa. Mahirap yun, sakit sa ulo, wag na lang, hayaan ko na lang maging avid fan ni Lolo, ang magbasa ng diary niya e masaya na ako. Kayo may family budget din ba kayo??

Saturday, December 18, 2010

HULA SCOOP: May bahagi sa puso mo na maawain...

Balai ni Mamay Private Resort Hot Spring sa Calamba, Laguna (dito kami nag outing)


HULA:
May bahagi sa puso mo na maawain, palakihin mo pa yan.

SCOOP:
Ang pagiging maawain ay likas na sa isang tao, siguro lalo na sa Pinoy, di ba? Syempre Pinoy tayo hehehe. Ang problema lang ay paano mo ito gagamitin sa tamang paraan at paano mo ito mauunawaan na awa ba ang umiiral sa'yo o katangahan na hehehe.

----------------------------------------------------------

Nang nagbakasyon ako sa Pilipinas nitong buwan ng Setyembre, ay nagkaroon kami ng munting salo-salo ng pamilya ng asawa ko, isang outing pagkatapos ito ng kasal sa selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng mga byenan ko. Nagpunta kami sa Calamba, Laguna kung saan sikat ang hot spring at mga private pool na alam naman natin na doon sila kilala.

So madaling sabi, swimming-swimming, chika-chika, hula-hula, kain-kain at kanta-kanta lam niyo na di mawawala ang karaoke dun hehehe, nag overnight kami ng dalawang araw...ay gabi pala (kaya nga overnight e hehehe).
Syempre pag may outing dapat may kainan din so kami ang toka sa pagkain, para makatipid (hehehe) pumunta kami sa "pamilihang bayan" (alam nyo ba ano yun?? hehehe). Matagal tagal na rin akong di nakakalanghap ng simoy ng imburnal este nakakaamoy ng amoy palengke, kaya ayun dun kami nagpunta. Nakakapanibago para sa kin pero sa mga tao na naroon eh walang pagbabago sa kanila hehehe, amoy palengke pa rin sila lol.

Habang namimili kami ng hipag at byenan ko, may lumapit sa kin na batang babae, nag-aalok ng kalamansi. So naawa naman ako dahil sa madungis na ay nakayapak pa siya, bumili ako ng dalawang balot na kalamansi, 15 pesos isang balot na plastic. Maya-maya, may nag-aalok uli ng kalamansi, sabi ko nakabili na ako sa kanya, sabi naman niya hindi raw siya yun. Ngek di pala siya yun, ay napahiya pa ako, akala ko kasi siya rin yun pareho kasing madungis hehehe at parang magkamukha sila, so bumili uli ako sa kanya ng isang balot. Aba, maya-maya meron na namang lumapit sa kin, wala pa raw siyang benta so ayun naawa naman ako, bumili uli ako. Kahit di ko naman kailangan ng kalamansi huhuhu....sana nga that time may ubo ako para binili ko na lang lahat ng tinda niya hehehe.

Anak ng kalamansi, di pa ako nakakalayo meron na namang kumalabit sa kin, at nag-aalok ng kalamansi uli sabi ko marami na akong nabiling kalamansi mukhang ngang magtitinda na ako ng kalamansi juice e sabi ko sa kanya at mas marami pa akong hawak kesa sa kanya. Hindi ko pinansin eh nangalabit na naman, sa loob-loob ko naaamoy ba nila ang galing ng ibang bansa at panay ang kalabit sa kin? amoy toblerone ba ko? hehehe (naks naman!)....so ayun naawa uli ako bumili uli ako sa kanya, mas mura pa 10 pesos lang, sabi ko sa nga sa kanya bakit ngayon ka lang nag-alok mas mura pala sayo (hehehe nanisi pa no). Sa loob-loob ko na lang, ano ba naman ang 10 o 15 pesos kumpara sa presyo ng kalamansi sa US. At least dito sariwa sa US madalang ang sariwa kalimitan nakalagay sa container at nakalabel na frozen "fresh" calamansi juice, frozen na fresh pa hehehe.


Medyo marami-rami na rin kaming napamili, may tilapia, manggang hilaw, bagoong, itlog na maalat, kamatis (tsalap! tsalap magkamay!) at syempre dito ako nakabili ng 5 kilong lansones. Magkalimutan na lahat wag lang ang lansones ko hehehe. Ayun, sa pagod kakalakad, nauhaw kami at nakita ko ang buko juice. Favorite ko yun at sabik na sabik ako sa buko juice. So bumili kami ng buko juice pamatid uhaw. Nang sa di kalayuan na kami, may nangalabit na naman sa kin, batang lalaki akala ko nagbebenta ng kalamansi uli...so inunahan ko na siya, sabi ko "boy ang dami ko ng kalamansi hindi na ko bibili," sabi niya hindi, sabay turo sa iniinom kong buko. Nauuhaw na raw siya kung pwede raw mahingi ang buko ko....ngek, anak ng buko nabigla ako pati pala iniinom mo eh hihingin pa rin sa'yo. Medyo malayo na kami sa magbubuko kaya sa halip na bilhan ko siya ng sarili eh binigay ko na rin! hehehe Hay naku, awa ba ito o katangahan na??? Hay nabitin tuloy ako sa buko juice! Di ko pa nananamnam ang sarap eh nahingi pa.


Ano ba yan! Ano bang nangyayari sa bansang Pilipinas??? Nakakaawa ang mga paslit na bata na sa murang edad ay naghahanap-buhay na sa halip na mag-aral ay laman na ng kalsada o palengke. Nakakaawa pero wala naman akong magawa kundi ang bilhan na lang ang kanilang tinitinda, kahit sa maliit na paraan ay makatulong sa kanilang naghihikahos na buhay....kahit na sa tingin ko na ang susunod na magtitinda ng kalamansi juice sa dami na napamili ko ay AKO hehehe.

Sayang kukunan ko sana ng picture ang mga batang kalamansi kaso iniisip ko baka hingin din ang camera ko eh at baka sa awa ko ay.....hindi ko pa rin ibibigay hahaha, eh gulpihin naman nila ko mahirap na.

PAHABOL:
Siya nga pala bago tayo magkalimutan, dalawin nyo naman ang "The Kablogs Journal" nafeature po ako dyan sa Dec issue. Makikita nyo na po ako dyan, panakot sa mga daga ninyo sa bahay hehehe.

Click mo na lang itong
"Click" para madali.

PAHABOL ULI:
Kung may tanong kayo kung anong direction papunta sa Balai ni Mamay Private Resort na yan, itanong nyo na lang sa iba, di ko rin kasi alam e, pasensiya na, pasahero lang hehehe.






Friday, December 3, 2010

HULA SCOOP: May Gusto Kang Makita Na Makikita Mo Na Rin

good luck sa kin sa pag-ayos ng kararating lang namin na mga gamit, sana mahanap ko ang hinahanap ko


HULA: May gusto kang makita na makikita mo na rin, maliban na lang kung naghahanap ka talaga nang gusto mo ngang makita (ang kulit!) na hindi mo pa nakikita.

SCOOP: Kung nagbabasa ka ng hula ko ngayon, malamang iisipin mo kung may hinahanap ka nga, kung wala, babalewalain mo na lang ito, kung meron naman mangingiti ka na lang sabay sabi na "ay oo nga!"

-------------------------------------------------

Kahit na wala pa kong internet eh naghanap talaga ako kung paano ako makakapagpost ngayon, mali kayo kung hinuhulaan nyong nakita ko na ang hinahanap ko. Well, medyo medyo pala na tama kayo hehehe pero kung anuman ang iniisip nyo, nagkakamali kayo hehehe. So ayun, ginamit ko ang "My wi" application sa iphone ko para magamit ko ang wifi ng cellphone ko sa laptop ko (thank you sa aking anak na dalaga, galing mo talaga!! thank you na rin sa pag jail break ng iphone ko hehehe) dahil kalilipat palang namin sa aming bagong bahay (hay sa wakas!! mga 3 buwan din kaya kaming naka suit case lang, ang hirap no!)...so sa madaling sabi (hay naku ang dami ko pa kasing kwento hehehe, lam mo naman ako, dami intro hahaha)....wala pa kaming internet connection. Ayun "the end" hehehe wait hindi pa..... na feature po ako sa "The Kablogs Journal" (click nyo yan after magbasa ng post ko ha) para sa December issue. Kaya......pagkakataon nyo na masilayan ang gusto niyong "makita" na si Sardonyx hehehe (baka tanggalin nila kagad yun at baka amagin ang journal nila sa kin hahaha)!!! Teka hanapin nyo pala sa "spotlight" feature sa bandang kanan ng page yun feature article para sa kin.

Salamat kay Nebz ng "Isla de Nebz" blog sa pakikipanayam sa akin (naks) sa pamamagitan ng email hehehe dahil sa magandang paglalathala ng aking buhay hehehe, siya po ang editor-in-chief at ang no.1 sa PEBA 2009 . Ang galing mo talaga Nebz, idol! At syempre sa bumubuo ng "The Kablogs Journal's" core team na sina Kenji Solis ng "Thoughtskoto," Charlie ng "Lord CM", at kay George ng "Palipasan." At sa iba pang editors, RJ, AZEL, Jess, atbp.

Di ko na hahabaan ito at naubos na ang memory ng cellphone ko hehehe, bye!

UKOL SA LARAWAN: Kuha mula sa cellphone ko, habang nag-a-unpack ng mga gamit ko (teka ano bang tagalog sa isang salita lang yun "unpack"? hindi naman impake kasi "pack" yun di ba?? hay naku bahala na kayo!). Naubos ko na ang maraming kahon na nakapatong-patong ng lagay na yan so malamang isang buwan ito bago matapos lalo na kung panay ang blog ko hehehe. Good luck for me!






Tuesday, November 16, 2010

HULA SCOOP: Maghahanap ka ng pagkakaabalahan mo



Congrats Manny!! (kuha este kinuha ko yun picture mula sa internet hehehe)

HULA: Maghahanap ka ng pagkakaabalahan mo upang kahit man lang sa isang saglit ay hindi mo maalala ang nagpapalungkot sa'yo.

SCOOP: Ubusin mo ang oras sa walang kapaparakang bagay para di mo maramdaman ang lungkot. Teka ano ba yang "kapararakang" na salitang tagalog na yan?? hehehe hindi ko rin alam, imbento ko lang hahaha


-----------------------------------------------------


Dahil sa wala rin akong magawa, ako'y naglakbay sa youtube para aliwin ko ang mga fans ng blog ko (teka meron ba??) yun nga...wala nga kong fans kaya, maghahanap na rin hehehe.

Ayun napunta ako sa mga videos ng laban ng idol ko na si Manny at naaliw ako sa mga comments ng mga tao, sila-sila nag-aaway sa laban ni Manny at ni Margarito, kaya eto ibabahagi ko sa inyo kung saan ako natawa, sana matawa din kayo:

Mga Comments sa laban ni Manny vs Margarito:

1. I couldn't tell if margacheato was chinese. His eyes looked chinito after getting his face whooped.

2. Rice is mightier than corn

3. MarGAYito hahahah big mouth at first zzzzz cant handle the fist of pacquiao? since when did you get that sausage on your eyebag margayito? haha

4. Whos da puto now ?!! haha margarita deserves it haha from mexican to chinese hahaha also now i know margarita is a cheater because after the fight he has 3rd eye hahaha

5. Poor margarito's face... hahahaha... that will be his christmas gift from manny's punches... happy holidays...

6. Yeah he can really take a punch and smart enough to throw a constant jabs. somebody should have told him that he has two hand. he threw left jabs the whole fight. what a dummy.

7. Manny Pacquiao really clearing the mexican boxers because he really wants to fight ZORRO

8. Margarito is very thankful to Pacquiao because pacman opened margarito's 3rd eye hehe :)

9. Indeed.. loud mouth like brandon rios.. shame on both of you.. PUTO de Kutchenta..

10.He's now called the "TIJUANA TORTILLA"

11. Gayweather shit his pants while watching pacquiao vs margarito fight and eating kfc...coz he does chicken right...lol

12. TO TO, TO TO TO, TO TO TOTOMATO FACE...

13. Pacquiao is the MEXICUTIONER!!!!!

14. Margarito should be really thankful that pacman gave him the chance to be paid as "punching bag" for 6million dollars...ur an expensive bag amigo...hahhaa..well i cd laughed at you now and this is the right time for me to pick on your street character mal educado mentalidad...now who is the puto like u said on tv?u'r such a poorboy but you have a braveheart...let me call u braveheart...hehehehe

15. D face of margarito become pizza margarita hahahahaha

16. Margarito is a PUTO and "puto" in the Phils. is a small cake, so pacman ate margarita

17. President Obama wants to know if they can build a huge Manny Pacquiao statue to scare off Mexicans from illegally crossing the US border :))

18. Isang congressman nambugbog ng mexicano hindi na kulong hahahaha peace we love you manny

eto ang matinding nag-away at nagsagutan:

palacioatir: wild beast o mabangis na hayup talaga itong si pacquiao(manny) sana makasama niya ang diyablo ang mabangis na hayup(ravening wolf) sa lawa ng apoy at lahat ng masasama na itatapon doon maliban na kung magsisi.kasi ang isasama ni GOD THE WORD JESUS CHRIST sa KAHARIAN NG AMA NIYA ay yung Mga parang Tupa o mga Righteous Man na Maaamo.kasi si CRISTO hindi kailanman nanakit ng Tao nung nandito pa SIYA sa lupa bagkus SIYA pa ang sinaktan at lpinatay na parang tupa sa patayan.Amen.

gudkisser: tumahimik ka baka isunod kita kay margarito, banal banalan kang hayup ka eh sa halip na ipagdasal mo si paquiao na magbago eh pinapupunta mo sa impiyerno, sabi mo hayup si paquiao eh mas hayup ka hindot kapa hahahaahahaha mamatay ka sa ingit bugok

palacioatir: sa iyo gudkisserr ang kapal ng pagkawalanghiya mo dapat ay purihin ka ng iba huwag ng iyong sariling bibig.huwag mong itaas sarili mo dahil ibababa ka rin hanggang burning coals of hell.lumalabas na ang pagiging mabangis na hayup mo dapat sa inyo itapon sa lawa ng apoy kasama ng mga mababangis na diyablo at demonyo sa lawa ng apoy magpasawalanghanggan maliban na kung magsisi o kung hindi magsisisi pati na si manny(tunog pera)ang pag ibig sa salapi ugat ng lahat na kasamaan.repent,and live.

Skah07: aba me nag mamalinis dito wo. .hahaha talagang me pag ka crab mentality tong taong to .. di mo ba alam yung pinag sasasabi mo eh kasama sa 7 deadly sins yan .. yung pagiging inggit? cguro natalo ka sa pusta kasi ke margarito ka pumusta? . ok lang yan tol ... wag kang iiyak ..

PAUNAWA: Ang salitang puto sa mga Mexicano ay masama, ang kahulugan nito ay lalaking puta (oooppps ang salitang yan ang masama sa Pinoy hehehe pero hindi puto)

PAHABOL: Pagpasensiyahan n’yo na ang mga comments ng mga Pinoy, mga pintasero talaga pag nananalo si Manny hehehe, at hindi maiiwasang nagkakapikunan sa mga sagot kaya nag-aaway pa, hay ang Pinoy nga naman...pasaway talaga

Anyways….congrats uli Manny and to my idol….Mommy Dionisia, I’m so proud of you pinalaki niyong mabuting anak si Manny….sabi nga ni Mommy D, let's celebrate, "blue the kick" !!! blue the kick!!! (blue the kick= blow the cake) hahaha



Friday, November 5, 2010

HULA SCOOP: Ingatan mo ang iyong kinakain



lechong mamoy ni Pingping

-------------------------------------------------------------

HULA : Ingatan mo ang iyong kinakain, mag-ingat sa mga taba at maalat, high blood malamang ang iyong katapat kung di ka papaawat.

SCOOP: Bakit nga ang maraming Pinoy laging sakit ay ang alta presyon?? Kasi naman ang ating pagkain ang number one na promotor!! Hmmmm bahala na si Ironman basta ako, mamamatay sa pagkaing masarap hehehe

-----------------------------------------------------------

Natapos na rin ang bakasyon ko sa Pilipinas, pero di ko maiiwasang kumain ng mataba at maalat, so talagang swak na swak sa akin ang hula nito (obvious ba?) hehehe, kaya eto na, ipapatakam ko sa inyo ang aking pinagsawaan.




pritong gagamba ng congo grille hahaha (pritong alimasag ba to o talangka?? basta masarap siya!)


ensaladang mangga na may bagoong


magellan landing ng seafood island



anak kong nagkamay sa loob ng seafood island restaurant hahaha

---------------------------------------------------------

At ang pinagkaabalahan kong prutas, 5 kilong lansones, inubos ko! hehehe siguro naman makakabawi na ako dito sa mga kinain kong maalat at mataba


tsalap!!! my peborit!


Wednesday, October 27, 2010

HULA SCOOP: Mararamdaman mo ang kirot sa iyong puso

Pansamantala naming tinitirhan (Air Force Inn)


HULA : Mararamdaman mo ang kirot sa iyong puso, kahit na pilit mong pasayahin ang ibang tao, hindi pa rin maikakaila ng iyong puso ang pighating nararamdaman nito.

SCOOP: Ano ibig sabihin ng hula?? E di malungkot ka, di ba? TH ka pa dyan as in "trying hard" na ngumiti pero di ka pa rin masaya. Naramdaman niyo na ba ito?? Hmm hula ko eh..."OO" lahat tayo ganyan, weather-weather lang yan as in "pana-panon" lang talaga natin yan hehehe, ang malungkot nito, panahon ko ngayon hehehe.

--------------------------------------------------------------

Bakit ako malungkot ngayon?

1. Nandito na kami sa Washington, US. Bagong lugar, bagong kultura, bagong kapaligiran.....walang mga kaibigan. Mabuti meron isang pamilya na kaibigan namin na nagpapasaya sa min.

2. Namimiss ko ang Japan, wala na akong nakikitang mga tao na nagba bow sa akin tuwing papasok at lalabas kami sa restaurant o mall. Wala na rin nagba bow sa tuwing pinapadaan ko ang mga taong nasa harapan ko tuwing ako'y nagmamaneho sa mga intersection. Miss ko na ang mga magagalang na Japanese!

3. Wala na naman akong work, mag-aapply na naman ako! Pahirapan na naman ito!

4. Nakatira pa rin kami sa temporary lodging hanggang makakita kami ng matitirhan. Nabubuhay kami ngayon sa maleta lang in other words, we are living in a suitcase, ika nga, naks ingles yan ha!! hehehe

5. Ang bagal ng internet dito, di ako makapaglaro ng restaurant city hehehe at di ako makadalaw sa mga peborit kong blogs kasi maghihintay ako ng mga 20 minuto para lang dalawin ko ang sarili kong blog. Buti na lang mabilis ng konti sa facebook hehehe.

6. Namimiss ko ang pamilya ko sa Pilipinas, matapos ang mahigit tatlong linggo namin bakasyon doon, mas nararamdaman ko ang pagkamiss sa kanila.

7. Birthday ng anak ko ngayon, Oct. 27 at 18 years old na siya!! Malungkot ako kasi hindi namin siya nabigyan ng debut party o kahit simpleng party lang kasi wala naman kaming maimbitahan dito sa bago naming tirahan, bagong lugar, bagong state at bagong bansa. Malungkot ako kasi dapat ito ang pinakamasayang birthday ng anak ko pero wala naman akong magawa para pasayahin siya....waaaaaaaaaaaaaaaa

8. he he he, naramdaman nyo ba na kahit ang "he he he" ko ay parang hindi masaya?? Miss ko na rin kasi ang blog ko na puno ng comment ko sa hehehe

9. Tumatanda na rin pala ako, magbibirthday na rin ako in two days, dumadami na naman ang uban ko, ang kati kaya nun! kakainis.


PAHABOL: Next post ko sana mabilis na mag upload ng mga pictures, para maishare ko na sa inyo ang bakasyon namin sa Pilipinas at Korea! Miss you all, pasayahin nyo naman ako, magcomment naman kayo hehehe





Wednesday, September 15, 2010

HULA SCOOP: Matutupad na rin ang inaasam-asam mo


HULA SCOOP: Matutupad na rin ang inaasam-asam mo sa buhay, kung gaano ka kasabik na malasap ito ay ganun din kasabik ang kaibigan mo at maging kaibigan ng kaibigan mo o kahit kakilala pa ng kaibigan mo.



-----------------------------------------

Parang super sikat yun "inaasam-asam" na yan, sino ba siya o ano ba yun?? hehehe

Basta ako natupad din ang "inaasam-asam" ko dahil......nandito ako ngayon sa "inaasam-asam" ko na makitang bansa (hulaan nyo kung nasaan ako hehehe, tignan nyo yun picture) at bukas pauwi na ako sa aking sinilayang bansa! hehehe

Yahooooo!!! Mga kamag-anak ko, ready na ba kayo??? Ay dapat pala baguhin ang tanong, "Sards ready ka na ba??"

Huhuhu, "gastos" na umaatikabo pero "super" saya ang feeling ko, dahil makikita kong muli ang mga mahal ko sa buhay! Saka na ang "kwenta" ang mahalaga talaga, IMPORTANTE!! hehehe

Malinaw man na malabo ang post ko ngayon, ang mahalaga, hindi malabo na malinaw, hahaha.

Sige na nga, hanggang sa muli and my adventure continues..........jejeje

Dalawin nyo na lang muna ang aking travelog sa kabilang pahina ng aking blog, so pano ba yan? ganun na lang muna, ganyan talaga, minsan kahit anu-ano pa yan, may ganun talaga hahaha (nababaliw ako sa kasiyahan!!)

PAHABOL: Makikita at mahahawakan ko na rin sa wakas ang trophy ko mula sa PEBA, excited na kong mapicture-an ang aking award, naks naman. At syempre kung sino man ang gustong sumali sa PEBA 2010, join na! click-click lang sa logo ko, ayos na ang buto-buto.