Friday, December 3, 2010

HULA SCOOP: May Gusto Kang Makita Na Makikita Mo Na Rin

good luck sa kin sa pag-ayos ng kararating lang namin na mga gamit, sana mahanap ko ang hinahanap ko


HULA: May gusto kang makita na makikita mo na rin, maliban na lang kung naghahanap ka talaga nang gusto mo ngang makita (ang kulit!) na hindi mo pa nakikita.

SCOOP: Kung nagbabasa ka ng hula ko ngayon, malamang iisipin mo kung may hinahanap ka nga, kung wala, babalewalain mo na lang ito, kung meron naman mangingiti ka na lang sabay sabi na "ay oo nga!"

-------------------------------------------------

Kahit na wala pa kong internet eh naghanap talaga ako kung paano ako makakapagpost ngayon, mali kayo kung hinuhulaan nyong nakita ko na ang hinahanap ko. Well, medyo medyo pala na tama kayo hehehe pero kung anuman ang iniisip nyo, nagkakamali kayo hehehe. So ayun, ginamit ko ang "My wi" application sa iphone ko para magamit ko ang wifi ng cellphone ko sa laptop ko (thank you sa aking anak na dalaga, galing mo talaga!! thank you na rin sa pag jail break ng iphone ko hehehe) dahil kalilipat palang namin sa aming bagong bahay (hay sa wakas!! mga 3 buwan din kaya kaming naka suit case lang, ang hirap no!)...so sa madaling sabi (hay naku ang dami ko pa kasing kwento hehehe, lam mo naman ako, dami intro hahaha)....wala pa kaming internet connection. Ayun "the end" hehehe wait hindi pa..... na feature po ako sa "The Kablogs Journal" (click nyo yan after magbasa ng post ko ha) para sa December issue. Kaya......pagkakataon nyo na masilayan ang gusto niyong "makita" na si Sardonyx hehehe (baka tanggalin nila kagad yun at baka amagin ang journal nila sa kin hahaha)!!! Teka hanapin nyo pala sa "spotlight" feature sa bandang kanan ng page yun feature article para sa kin.

Salamat kay Nebz ng "Isla de Nebz" blog sa pakikipanayam sa akin (naks) sa pamamagitan ng email hehehe dahil sa magandang paglalathala ng aking buhay hehehe, siya po ang editor-in-chief at ang no.1 sa PEBA 2009 . Ang galing mo talaga Nebz, idol! At syempre sa bumubuo ng "The Kablogs Journal's" core team na sina Kenji Solis ng "Thoughtskoto," Charlie ng "Lord CM", at kay George ng "Palipasan." At sa iba pang editors, RJ, AZEL, Jess, atbp.

Di ko na hahabaan ito at naubos na ang memory ng cellphone ko hehehe, bye!

UKOL SA LARAWAN: Kuha mula sa cellphone ko, habang nag-a-unpack ng mga gamit ko (teka ano bang tagalog sa isang salita lang yun "unpack"? hindi naman impake kasi "pack" yun di ba?? hay naku bahala na kayo!). Naubos ko na ang maraming kahon na nakapatong-patong ng lagay na yan so malamang isang buwan ito bago matapos lalo na kung panay ang blog ko hehehe. Good luck for me!






7 comments:

  1. naks! sabi ko na maganda ka talaga eh! di ko pa tapos basahin yung interview mo pero comment muna ako! hahaha! good luck sa pag-unpack ng mga gamit. wala na pala kayo sa Hapon. ipagdadasal ko na magkaron na kayo ng internet connection :D

    ReplyDelete
  2. it's almost 1AM, Saturday here in Penang and I just cant resist your invitation to view kablogs' feature on you.
    sosyalin ka, sards, di ka na ma-reach!
    para kang HBO--simply the best, naks! hehehe

    seriously, congratulations for that witty and fun interview and thank you for sharing photos of the face (and her beautiful family) behind those humorously intelligent posts.

    ReplyDelete
  3. syel- thank you, ang galing mong magdasal, meron na akong internet connection hahaha, yahoo! kaso ang problema tambak pa ang mga gamit na i-a unpack ko hehehe

    docgelo- hahaha sosyal ba ang dating o feeling sosyal lang? I like that slogan, simply the best; salamat sa pagdalaw at pagbasa ng article sa kin ha, para sa kin you're the best doc ;-)

    ReplyDelete
  4. So that's you! the person behind this awesome blog. I wish na magkaroon ka na ng internet connection para makapag post ka lagi and I wish rin na maka hanap ka na ng job soon. good luck unpacking.

    ReplyDelete
  5. Lorena- yes it's me ;-) hehehe, sana di ka natakot lol, sa wakas meron na kong internet connection medyo busy lang sa pag unpack kaya di pa makapagpost palagi, pero di bale babawi ako pag nakasettle na ko

    ReplyDelete
  6. salamat sa pagbisita kabayan. anjan ka lang pala sa taas namin kapitbahay.

    ReplyDelete
  7. Sumalosep! kahit ako hindi ko hahanapin ang kailangan mong hanapin. ano ba ito? gubat? lmao! ano bay an! ala eh kahit na pera pa ang hahanapin ko ikaw na lang 'no!

    baka mamaya may ipis din diyan gaya ng mga kahon sa project ko. 8 weeks lang siya pero naman, naman, naman.... no way! lmao!

    nges hu?!?!?!?

    ReplyDelete