Saturday, December 18, 2010

HULA SCOOP: May bahagi sa puso mo na maawain...

Balai ni Mamay Private Resort Hot Spring sa Calamba, Laguna (dito kami nag outing)


HULA:
May bahagi sa puso mo na maawain, palakihin mo pa yan.

SCOOP:
Ang pagiging maawain ay likas na sa isang tao, siguro lalo na sa Pinoy, di ba? Syempre Pinoy tayo hehehe. Ang problema lang ay paano mo ito gagamitin sa tamang paraan at paano mo ito mauunawaan na awa ba ang umiiral sa'yo o katangahan na hehehe.

----------------------------------------------------------

Nang nagbakasyon ako sa Pilipinas nitong buwan ng Setyembre, ay nagkaroon kami ng munting salo-salo ng pamilya ng asawa ko, isang outing pagkatapos ito ng kasal sa selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng mga byenan ko. Nagpunta kami sa Calamba, Laguna kung saan sikat ang hot spring at mga private pool na alam naman natin na doon sila kilala.

So madaling sabi, swimming-swimming, chika-chika, hula-hula, kain-kain at kanta-kanta lam niyo na di mawawala ang karaoke dun hehehe, nag overnight kami ng dalawang araw...ay gabi pala (kaya nga overnight e hehehe).
Syempre pag may outing dapat may kainan din so kami ang toka sa pagkain, para makatipid (hehehe) pumunta kami sa "pamilihang bayan" (alam nyo ba ano yun?? hehehe). Matagal tagal na rin akong di nakakalanghap ng simoy ng imburnal este nakakaamoy ng amoy palengke, kaya ayun dun kami nagpunta. Nakakapanibago para sa kin pero sa mga tao na naroon eh walang pagbabago sa kanila hehehe, amoy palengke pa rin sila lol.

Habang namimili kami ng hipag at byenan ko, may lumapit sa kin na batang babae, nag-aalok ng kalamansi. So naawa naman ako dahil sa madungis na ay nakayapak pa siya, bumili ako ng dalawang balot na kalamansi, 15 pesos isang balot na plastic. Maya-maya, may nag-aalok uli ng kalamansi, sabi ko nakabili na ako sa kanya, sabi naman niya hindi raw siya yun. Ngek di pala siya yun, ay napahiya pa ako, akala ko kasi siya rin yun pareho kasing madungis hehehe at parang magkamukha sila, so bumili uli ako sa kanya ng isang balot. Aba, maya-maya meron na namang lumapit sa kin, wala pa raw siyang benta so ayun naawa naman ako, bumili uli ako. Kahit di ko naman kailangan ng kalamansi huhuhu....sana nga that time may ubo ako para binili ko na lang lahat ng tinda niya hehehe.

Anak ng kalamansi, di pa ako nakakalayo meron na namang kumalabit sa kin, at nag-aalok ng kalamansi uli sabi ko marami na akong nabiling kalamansi mukhang ngang magtitinda na ako ng kalamansi juice e sabi ko sa kanya at mas marami pa akong hawak kesa sa kanya. Hindi ko pinansin eh nangalabit na naman, sa loob-loob ko naaamoy ba nila ang galing ng ibang bansa at panay ang kalabit sa kin? amoy toblerone ba ko? hehehe (naks naman!)....so ayun naawa uli ako bumili uli ako sa kanya, mas mura pa 10 pesos lang, sabi ko sa nga sa kanya bakit ngayon ka lang nag-alok mas mura pala sayo (hehehe nanisi pa no). Sa loob-loob ko na lang, ano ba naman ang 10 o 15 pesos kumpara sa presyo ng kalamansi sa US. At least dito sariwa sa US madalang ang sariwa kalimitan nakalagay sa container at nakalabel na frozen "fresh" calamansi juice, frozen na fresh pa hehehe.


Medyo marami-rami na rin kaming napamili, may tilapia, manggang hilaw, bagoong, itlog na maalat, kamatis (tsalap! tsalap magkamay!) at syempre dito ako nakabili ng 5 kilong lansones. Magkalimutan na lahat wag lang ang lansones ko hehehe. Ayun, sa pagod kakalakad, nauhaw kami at nakita ko ang buko juice. Favorite ko yun at sabik na sabik ako sa buko juice. So bumili kami ng buko juice pamatid uhaw. Nang sa di kalayuan na kami, may nangalabit na naman sa kin, batang lalaki akala ko nagbebenta ng kalamansi uli...so inunahan ko na siya, sabi ko "boy ang dami ko ng kalamansi hindi na ko bibili," sabi niya hindi, sabay turo sa iniinom kong buko. Nauuhaw na raw siya kung pwede raw mahingi ang buko ko....ngek, anak ng buko nabigla ako pati pala iniinom mo eh hihingin pa rin sa'yo. Medyo malayo na kami sa magbubuko kaya sa halip na bilhan ko siya ng sarili eh binigay ko na rin! hehehe Hay naku, awa ba ito o katangahan na??? Hay nabitin tuloy ako sa buko juice! Di ko pa nananamnam ang sarap eh nahingi pa.


Ano ba yan! Ano bang nangyayari sa bansang Pilipinas??? Nakakaawa ang mga paslit na bata na sa murang edad ay naghahanap-buhay na sa halip na mag-aral ay laman na ng kalsada o palengke. Nakakaawa pero wala naman akong magawa kundi ang bilhan na lang ang kanilang tinitinda, kahit sa maliit na paraan ay makatulong sa kanilang naghihikahos na buhay....kahit na sa tingin ko na ang susunod na magtitinda ng kalamansi juice sa dami na napamili ko ay AKO hehehe.

Sayang kukunan ko sana ng picture ang mga batang kalamansi kaso iniisip ko baka hingin din ang camera ko eh at baka sa awa ko ay.....hindi ko pa rin ibibigay hahaha, eh gulpihin naman nila ko mahirap na.

PAHABOL:
Siya nga pala bago tayo magkalimutan, dalawin nyo naman ang "The Kablogs Journal" nafeature po ako dyan sa Dec issue. Makikita nyo na po ako dyan, panakot sa mga daga ninyo sa bahay hehehe.

Click mo na lang itong
"Click" para madali.

PAHABOL ULI:
Kung may tanong kayo kung anong direction papunta sa Balai ni Mamay Private Resort na yan, itanong nyo na lang sa iba, di ko rin kasi alam e, pasensiya na, pasahero lang hehehe.






11 comments:

  1. tingin ko naman nagamit mo yung mga kalamansi, masarap na sawsawan yun nung tilapia with patis. maawain ka pala, pag nagkita tayo manghihingi din ako ng kahit na anong hawak mo! hahaha! pero sabi nga diba, ang mabait at maawain pinagpapala :)

    ReplyDelete
  2. syel- ay oo nga nagamit ko yun mga kalamansi sa sawsawan ng tilapia hehehe at nabigyan ko pa mga kapatid ko at hipag ko at may uwi rin ako sa tinuluyan namin ;-) Sana nga pagpalain pa rin ako ng Ama, magdilang anghel ka sana. Happy Trip!

    ReplyDelete
  3. Siguro pumunta ka ng palengkeng ala turista. Naka "shade", short with matching buri hat at naka camera kaya ka pinutakte ng mga bata.

    Hindi toblerone ang na-amoy nila, dolyar! >: D

    ReplyDelete
  4. Blogus- hehe hindi nga e, simple lang suot ko mukha nga akong gusgusin e, wala rin akong hat at nakatsinelas, tshirt at short lang hehehe, wala rin bag kaya pera ko nasa bulsa ko lang

    ReplyDelete
  5. Sa dami mong kalamansi, tuloy ang bibig ko naaasiman na. Nakakaawa nga ang mga bata sa kalye pero nakakainis rin pag subra na ang kulit. Buti ka at least mahaba ang pasinsya mo at napakabait mo kasi pati iniimon mo binigay mo pa. Great post, funny as ever. Akala ko bibigay mo yung address, hahaha lol!

    ReplyDelete
  6. Lorena- oo nga nangasim din ako habang nagsusulat ng post na to e hehehe, nakakahiya nga at yun ininuman ko pa ang binigay ko at hindi na lang ako bumili para sa bata, e kasi naman yun bata parang nagmamadali pa, sabi ko nga nainuman ko na e pero ok lang sa kanya hehehe buti wala akong sakit na nakakahawa hahaha

    ReplyDelete
  7. kalamansi-mayaman sa vitamin C!
    hehe.. at least kahit medyo nakulitan at naawa ka sa sitwasyon ng mga batang kalamansi-vendor, nakatulong ka sa kanila. badtrip ako sa mga magulang nang ganoong mga bata; huwag na lang sana mag-anak kung di kayang palakihin at pag aralin ng tama. *ayan, nahigh-blood na ang doktor!*

    maligayang pasko, ms. alice at manigong bagong taon! este sards pala.

    ReplyDelete
  8. hahaha. naiimagine ko na. naiinis ka at naaawa at the same time sa mga bata. :D

    merry Christmas! eto Christmas gift ko sayo ha. binisita na kita. lol. promise bibisitahin ko ung link na binigay mo. :)

    ReplyDelete
  9. nabisita ko na yung link mo!!! i'm so happy to see you! :) ang galing naman at na-feature ka dun. nakakatawa naman kasi yung mga posts mo. sabi na nga ba mangkukulam este manghuhula ka eh. haha. hope to see you soon! let meknow when you visit the phils ha.:)

    ReplyDelete
  10. Happy Blessed New Year to all!
    Ano ang ginagawa mo pampaswerte pag bagong taon?

    Lifemoto MYM

    ReplyDelete
  11. nakapunta na ko jan :) sa balai ni mamai.. last week lang

    ReplyDelete