Holen
HULA: Magiging abala ka sa mga araw na darating, pero sa kabila nito mag-aalala ka pa rin sa kapalaran na alam mong darating sa'yo, ginagawa mo lang na abala ka sa sarili mo upang hindi mo maramdaman ang pag-aalala, tama ba?
SCOOP: Pasensiya na po at super busy po ako (hay as usual). Pero sa totoo lang iniisip ko pa rin ang mangyayari sa kin kapag ganitong tumatanda na ko. Parang swak na swak talaga sa kin ang lahat ng hula ko?? hehehe (nagtaka pa no).
-----------------------------------------------------
Kahit ganitong abala ko, minsan bigla na lang sumagi sa isipan ko ang lahat ng "alaala" na "naaalala" ko pa rin hanggang ngayon. Ating ngang "alalahanin" ang mga ito:
1- Tatlong araw palang akong sinilang nang magkaroon daw ako ng sore eyes, kawawa naman pala ako noon. Hindi pa nga ako nakakakita e mutain na kaagad ako hehehe. Noong isang taon na ako, wala raw party syempre walang cake at lobo, can't afford daw kami e hehehe.
2- Mga dalawang taon ako dumedede pa rin daw ako sa Nanay ko.
3- Mga tatlong taon, dumedede pa rin daw ako sa Nanay ko, paminsan minsan, "am" daw ang iniinom ko pag may sakit ang tyan. Pero gatas pa rin ng Nanay ko ang iniinom ko, libre na masustansiya pa hehehe.
4- Mga apat na taon ako, ang Tatay ko na ang.....ang sumipil sa kin sa pagdede ko hahaha (wag naman sanang iba ang naisip nyo dito lol), biro lang di ko matandaan e.....pero alam ko gala ako noon, laging laman ng lansangan, naglalaro ng taguan pong at bahay-bahayan...yun ang sabi ng Tatay at Nanay ko
5- Limang taon ako noon mas layas ako at mas marami na akong alam na laro, may agawan base, agawan panyo, chinese garter, piko, patintero, yoyo, open the basket, pick-up-sticks, pass the message (naks ingles mga to ah hehehe), pitik bulag, larong goma, larong trumpo, shato, tumbang preso, sipa, harangang taga, luksong baka, langit, lupa at impiyerno, holen at meron pa yun kaha ng mga sigarilyo ang ginagawang pera at yun tansan ang kinakalog mo (yun pinakamahal na kaha ay yun camel, 100 pesos ang halaga, ang champion ay 50 pesos yata, 5 piso lang ang marlboro ang dami kasing naninigarilyo nito) at marami pang iba na hindi ko na maalala. Pag pasko naman pinipitpit ang tansan para gawing parang marakas. At yung iba pang mga laro ay may halong kanta na kagaya ng monkey,monkey anabelle, Nena (as in "noong si Nena ay bata pa kaya ang sabi niya ay um-um um a-a-a) at ang iba ngayon ay pinauso ng composer na si Lito Camo kagaya ng sasara ang bulaklak, boom tarat tarat, atbp
6- Mga anim na taon ako, mas marami akong alam na laro na at mas bihasa na ako, bihasa na ko sa text, ibang klase ang text nun, pinipitik mo lang ang tatlong text na yari sa karton at lumilipad na, aabangan mo lang bumagsak at malalaman mo kung panalo ka o talo. Ngayon, ibang klase na ang text, pinipindot mo lang ang cellphone mo, zoom! mabilis pa kay superman tanggap na nang tao na tinext mo, di na kailangan lumipad, panalo ka kung sinagot ka, talo ka kung walang load yun tinext mo hehehe.
7- Pitong taon- eto yun nabundol ako at tumilapon lang naman sa kalsada, awa ng Diyos eto nagsusulat pa rin ng blog na binabasa ninyo, matino pa rin naman hehehe kahit may sayad ng konti, sayad sa kalokohan.
8- Walong taon, marunong na akong tumula, na ayon sa Tatay ko mahaba na para sa edad ko na masaulo ko ang limang saknong na may tig-sampung linya. Hindi ko lubos na maisip na nagawa ko na tumula sa maraming tao at lalo na kung napakinggan ako ng maraming tao sa radyo dahil sumali ako sa "Tita Betty's Children Show" sa DZBB. At sa sobrang kaba ko e nalimutan ko lang naman ang tula ko hahaha, pero pinagpatuloy ko naman nang maalala ko na hehehe, ayun second place lang. Ang pamagat ng tula ko, "Ang Kabataan At Ang Pananampalataya" hay di ko na matandaan ang buong tula e, sayang.
9- Siyam na taon na ako, so ayun grade 3 na ako, mahilig daw akong magdrawing sabi ng guro ko, pero hindi siya nasiyahan dito kasi raw sa desk raw ako nagdo-drawing hehehe habang nagtuturo pa siya (dino-drawing ko lang naman siya e hahaha).
10- Sampung taon, grade 4 na ko, ginawa akong muse ng teacher ko kahit ayaw ko at sinali ako sa contest, paramihan ng dyaryo, kung sino pinakamaraming dyaryo siya ang panalo at Ms......nalimutan ko na ang name ng contest na to.....sabihin na lang natin na "Ms. Dyaryo" hehehe. Ayun isa akong talunan, "kulelat pa" hahaha ni isang pirasong dyaryo wala akong binigay (sayang e, kami na lang nagbenta may pera pa kami hehehe). So ang nanalo yun bumili ng lahat ng dyaryo sa junk shop hehehe.
11- Labing isang taon ako, napabilang ako sa program na "Tulong Dunong" ng Ateneo kung saan ang masuwerteng o napili na "matatalinong" mag-aaral ng isang paaralan ay mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng tutor na poging Atenista (yes!) hehehe. Tuwing Martes, inaabangan na namin ang bus ng Ateneo para makita ang mga crush naming Atenista hehehe. At nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-aral ng summer sa Ateneo (Loyola), grabe nose bleed ako sa english doon at pati ang Math, sakit sa utak hahaha. Ang layo ng nilalakad ko noon mula Aurora Blvd/Katipunan hanggang loob ng Ateneo High School, minsan sumasakay kami sa "love bus" hanggang sa loob ng Ateneo, doon kasi dati ang garahe ng Love Bus kaya konti na lang lalakarin namin papuntang high school building. Kung bakit mga tao dun lahat may kotse kakainis hehehe.
12- Labing dalawang taon, grade 6 na ko, umasa ako na magiging scholar ako ng "Tulong Dunong" isang programa ng Ateneo na tumutulong sa mahihirap na makapag aral sa pribadong paaralan na tulad ng Ateneo, Maryknoll o kilala na ngayon na Miriam College, St. Joseph, at yun isa pang exclusive school for girls na malapit sa Katipunan, St. Bridgette (hay naalala ko rin)...ayun si Fr. O'Brien di ako kinuha na magtest for scholar, masama ang loob ko talaga noon, hanggang ngayon dala ko pa rin. Nakataga sa bato ang pangalan ng pari na yan hahaha, May favoritism talaga siya, hayyy sayang talaga. Ang isa pa sa kinuha niya na estudyante ay yun may sariling bahay sa Antipolo, samantalang kami walang sariling bahay , pero yun isa sa napili niya di rin naman nakapasa sa test, siguro ako baka nakapasa pa ako hahaha (ang yabang), syempre ang basehan ko eh may honor ako noon yun napili niya wala. Kaya hinding-hndi ko malilimutan ang pari na yan hehehe (sorry). Bakit hindi ako nakuha??? Why as in Y?
13- 16 years- high school days ang unforgettable days daw ng isang estudyante...kaya ayun di ko rin nalimutan, pero kalimutan nyo na muna yan, masyado ng mahaba ito e hahaha, basta ang alam ko magaling akong magkalas ng M-1 Garrand, naks yabang! Mga events: JS Prom, Graduation Ball, Valentine's Booths at Corps of Sponsors, ako ang nagpasimuno ng mga yan hehehe
17- Seventeen na ko! Naks first time makahipan ng cake! Grabe first time ko palang magkaroon ng cake hehehe pero hindi pa sa bahay namin, sa isang kursilyo hahaha.....uy pero mabait ako noon ha, alam nyo naman, yayaan ng barkada kaya napasama ako. Binale ko lang ang paniniwala na kapag masama ka e dapat daw magkursilyo, hahaha. Binaliktad ko yun, kapag mabait ka dapat magkursilyo ka para lalong bumait hahaha.
18- Debut ko, walang kutilyon.....yun pinsan ko nagdala ng mirror ball, component at speakers ayun nagkaroon ng maliit na party sa amin lang magpipinsan.....Coup d'etat- anak ng pating si Gringo Honasan binomba ang Aguinaldo e sa likod lang namin yun, ayun na evacuate kami, first time kong makakita ng tora-tora nakakatakot parang giyera talaga( pero sayang wala pang cellphone may cam nakuna ko sana ng picture), may mga tangke ng sundalo na nakaharang sa kalsada. Dumadagundong ang daan dahil sa pagbomba. Unforgettable yan, kesa sa araw na nakilala ko ang asawa ko hahaha.
20- Twenty na ko! Ang Mt. Pinatubo pumutok naman, nagkaroon ng lahar at yun abo narating pati Metro Manila pati nga karatig bansa eh at yun din ang araw na yan na ang ex-bf ko lumipad papuntang US, maraming nagsasabi kalimitan daw na pumupunta sa US hindi na bumabalik, binale ko rin ang paniniwala na yan! Thrice a week siya kung sumulat sa kin, nagkakasalubong na nga sa ere ang mga sulat namin e hahaha
21- Yun ex ko bumalik (naks!) mahal pala talaga niya ako hehehe, ayun di nako pinakawalan, nagbunga....ang araw hahaha, ng bata pala hehehe
22- Yun ex bf ko, mananatiling ex bf na talaga, dahil pinakasalan na niya ako hehehe, asawa ko na pala siya. So matapos makuha ko ang MD ko as in Marriage Degree ay nakuha ko rin ang BS degree ko in ECE, naks sa wakas nakatapos din! Nauna nga langa ng MD ko sa BS Degree ko lol
23- Hay nakapagtrabaho din kahit mahirap makakuha ng trabaho lalo na pag may asawa ang isang babaeng katulad ko.....ang lupit sa discrimination kapag may asawa ka na! Pero enjoy ako sa mga Hapon, ang hirap makaintindi ng ingles!! Uy hindi po ako naging japayuki (wala akong K hehehe), mga amo ko sila sa isang manufacturing ng semiconductor, SHARP LEDs ang aming produkto, hanep! techy na ko niyan!
24- Twenty four na ko, pero ayoko na! Nagresign na ko sa work, at inaayos ko na ang papeles namin ng anak ko papuntang US.
25- Sa wakas nakarating din sa US! Masayang masaya na naging buo na rin ang aming pamilya na minsan pinaghiwalay ng tadhana (naks ang lalim!). Manghang-mangha ako sa California, ang freeway ang lapad, pero maraming Pinoy para akong nasa Pilipinas pa rin. Lahat ng kamag-anak at kaibigan ko sinulatan ko sa sobrang homesick ko, bakit kasi di pa uso ang internet noon??
26- Twenty six na ko, dito na ko tumigil sa pagbilang ng araw hehehe...pagbibilang ng sulat sa mailbox ang inatupag ko sa sobrang lungkot, sa 30 na sulat ko mga wala pang kalahati ang natatanggap ko huhuhu, ang lungkot pag nagbibilang ka lang ng langgam na umaakyat sa kisame sa loob ng bahay, wala naman kasi akong makitang butiki dito, di pala uso dito yun.
27-29- Sa wakas nakapagtrabaho din, at sa manufacturing ng power supply...nag-umpisa ako bilang technician, nagkukumpuni ng power supply na sa hinagap ko e hindi ko naisip na magagawa ko yun at kalaunan na promote naman bilang component engineer, kalimitan nagtetest ako at hindi ako nagdedesign kaya hindi ako ganun sa iniisip nyo na "bigatin," unti-unti lang akong bumigat nun....sa timbang nga lang hehehe.
30- Trenta na ko, yun bunso ko sinilang ko, ang layo ng agwat nilang magkapatid nag-alala kasi ako na walang mag-aalaga ng magiging anak namin kaya tumagal ng mahigit walong taon bago nasundan ang anak ko, para akong nanganganay pero nagtrabaho pa rin ako sa same company, loyalista kasi ako hehehe.
31- 32- Masyado akong loyal pa rin, Engineer pa rin ako sa power supply company
33- 37- Lumipat na kami ng Hawaii, tinalikdan ko ang matagal kong trabaho sa California at pinili ang pamilya ko na makasama kahit saan man kami mapadpad at awa ng Diyos nakapagtrabaho naman kaagad sa isang research and development ng medical device company.
38- 39 Konti na lang ang maalala ko, tumatanda na yata talaga ako, mula sa Hawaii nalipat kami sa Japan.... nag enjoy kami sa Japan pero kailangan uling umalis, so ayun nagresign na naman ako.....hayyy
40 - Oct. 29 birthday ko na pala, parang ang bilis ng panahon, 40 na pala ako, waaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!! Tingnan natin kung talagang totoo na "Life Begins at 40"
Para kang bisaya, Sardz. Natawa ako sa MU (Mag-Un)! >: D
ReplyDeleteBugoy-bugoy ka talaga nung bata pa ano. Alam na alam mo ang lahat ng laro. Tatak yan ng laman ka nga ng lansangan. : D
Blogus- ang MU na yan lagi bukambibig naming mag-asawa yan hehehe....bugoy ba tawag sa kin? hahaha ang cute....oo batang lansangan ako noon e sayang wala akong picture noon ganda sana may souvenir pero tanda ko may kuha ako na nagtitext ako at naghoholen kaso wala akong tshirt e
ReplyDeletemaligayang kaarawan, sards!
ReplyDelete5 taon pala PO ang tanda nyo PO sa akin (paggalang lang po iyan, respeto sa nakakatanda!) LOL!
abot tenga na naman ang ngiti ko sa post mo, medyo naghintay nga kami pero sulit naman (kasi ang haba ng talambuhay! hehe!)
5 taong gulang nag pi-pick up sticks ka na? weh? hehehe... advance ha! bakit big deal sa babae ang walang kutilyon sa debut? kay tina din, sa bahay lang daw sya nag debut e, party na simple lang kasama kaibigan nya pero walang rigodon o kutilyon.
wow, atenista ka pala. pangarap ko noon sana makapag aral sa lasalle e (walang koneksyon ano?)
*antok na ako...maligayang bati muli!*
seriously, may God shower you with more blessings to share! :) stay happy, healthy and wealthy!
ps: may bagong post din ako. trick or treat, sards?!!!
Wow! Happy birthday! Nakakatuwa namang basahin ang taunan mong pag-alaala ng iyong nakaraan. Hanep! Super photographic ang memory! Which only says na hindi ka pa matanda.
ReplyDeleteTotoo ung life begins at 40. Kaya lang actually may three dots before the word 'life'.
...life begins at 40.
It could mean enjoyable, blissful, wonderful, adverturesome. It could also mean sad, miserable, difficult.
Nasa atin kung ano ang mauunang word sa 'life'. And knowing you, Alice, it's gonna be a joyful, filled with laughter, exciting and a more beautiful life.
Maligayang kaarawan po ulit...I'm happy for you.
docgelo- salamat sa iyong pagbati wag ka namang mamo po limang taon lang yan no uubanin ako sayo nyan e hehehe....e kasi pag sinabing debut parang nakadikit na yata ang kutilyon dun, madali lang naman mamulot ng sticks e yun nga lang paano ako maglaro, malay mo panay gumagalaw mga sticks ko nun naglalaro ako hehehe
ReplyDeletegrabe talambuhay nga pala ang sinulat ko hahaha
NEbz- thank you sa pagbati, korekek ka dyan, nasa atin nga kung ano ang ilalagay natin bago ang "life begins at 40" at sana puro masasaya.....magdilang anghel ka sana Nebz ;-) may natutunan ako sayo dito ah, malagay ko nga yan sa facebook ko hahaha
natawa ako sa reply mong uubanin ka pag nango-po muli ako, hahaha!
ReplyDeletekamusta nga pala ang birthday celebration?
ps : sakaling gutom ka, pasyal ka sa blog ko, dali! (madalian talaga, hehehe!)
happy birthday!!!!!!!!!!!!
ReplyDeletesabi na nga ba bday mo eh. isulat daw ba ang talambuhay in a nutshell sa blogpost? hehe.
Reena- thank you kahit late ka na hehehe, oo nga di ko akalain talambuhay na pala yun sinulat ko hahaha salamat sa pagbasa kahit mahaba
ReplyDelete