Monday, April 26, 2010

HULA SCOOP: Magulo ang buhay mo ngayon

Kitkat sa Japan, pare-parehong kitkat pero iba-iba


HULA: Magulo ang buhay mo ngayon. Pero kahit paano, malalagpasan mo ang lahat ng yan, basta madaanan mo lang, yun ang mahalaga. Pag di mo madadaanan di mo talaga malalagpasan.

SCOOP: Kapag ganitong magulo ang buhay kailangan may maisip ka na paraan para hindi lalong gumulo. Pasensiya na, tumatagal na ang mga araw na wala akong blog, mahirap talaga pag gulo ang isip e. Kaya eto, nakapag-isip-sip ako ng mga kwots uli . Wala lang....

---------------------------------------


MGA KWOTS NI SARDZ

May mga bagay na hindi mo maintindihan
At may mga naiintindihan ka na hindi bagay.
----------------------------

May mga bagay na pare-pareho
Pero iba-iba (katulad ni kitkat di ba?)

----------------------------


Minsan dumarating sa tao na nagkakasakit
Nako "coma," o kaya cancer sa "colon"
Pero ang mga babae kahit kelan lagi na lang masungit
At laging dahilan, may "period!" Hello??? Nasan ang "point" dun??

---------------------------------------------

Mabuti pa ang gitara pag kinakalabit tumutunog
bakit pag si misis ang kinakalabit, iba ang tunog?

-----------------------------------------------

Mabuti pa ang keyboard pag pinindot sumusunod
Samantalang pag si mister ang pinindot may kasunod

------------------------------------------------


May mga taong kahit walang kwenta
Humahanga sa kanyang gawa
Kaya kahit tapos na siya sa pagkwento, sige tuloy pa
Sa pagbasa ..... ng blog niya...

hoy hindi na to kwot no, wala na kong maisip!


Sige tutulog na ko may pasok pa ko bukas, ang hirap mag-isip!!

6 comments:

  1. Hehehe :D Masayang umaga na naman!

    Sandali, ano ba ang tunog ng kay misis? lolzz

    ReplyDelete
  2. as usual, ako'y nakangiti habang binabasa ang 'makahulug--ang' quotes mo,sardz.
    ang init na dito sa pinas; miss ko na tokyo! sana naman umulan na...gawa ka quotes sa tag ulan ha.. yung may kalabit ni misis ulit at pindot kay mister, LOL!

    ReplyDelete
  3. ayos mga kowts mo sards ah! meron ka bang namimiss?! hehehe! kainggit naman sa choices ng kitkat dyan!

    ReplyDelete
  4. Nakaktuwang mga kowt, lalo na sa gita at keyboard hehehehehe.

    Pinasaya mo na naman ang aking pagbabalik blog.

    God bless.

    ReplyDelete
  5. CM-salamat sa dalaw, ang tunog ng kay misis ay..... ask your wife no! hahaha

    docgelo- makahulog-"b--" ba? hahaha, balik ka uli sa Tokyo w/ misis and son, sige try kong gumawa ng kwots sa tag-ulan LOL

    syel- oo meron talaga akong namimiss si Papa ko LOL, oo naaadik ako sa mga different flavors ng kitkat dito

    Pope- welcome back Pope!! saan-san ka kasi naglilimayon e hehehe

    ReplyDelete
  6. I love KitKat! It's so light and creamy - and the wafer is divine.

    Norwich Daily Photo is back online. Sorry I've been away so long. I look forward to your visit and your comments. See you soon!

    ReplyDelete