Thursday, April 15, 2010
HULA SCOOP: Maghihintay Ka Ng Matagal Sa Walang Kwentang Bagay
HULA: Maghihintay ka ng matagal sa walang kwentang bagay. Pero sige pa rin ang hintay kahit wala naman, umaasa na kahit konti ay may masisilip kang pag-asa....kahit magsingkit na ang mata.
SCOOP: Wala nga!!! Pero parang meron kahit konti.......may konti akong kwots para sa inyo.
----------------------------------------------------------------------
Wala akong maisip! Kulta na utak ko!!! Sensiya na tao lang....pero ayaw kong mapahiya kaya, gumawa ako ng mga kwots ko (ginaya ko anak ko e hehehe).
kwots ni sards: (seryoso yan ha!)
Gravity.....
"Mabuti pa ang yoyo pag binato mo paitaas, bumabalik ito ng kusa,
Di tulad ng bola pag binato mo paitaas, sigurado sa ulo mo babagsak"
Life....
"Ang buhay ay parang buhok
May diretso, maikli, mahaba, magulo
at higit sa lahat buhol-buhol na parang......ayun nga buhok nga"
Friendship....
"Huwag magreklamo sa kaibigan na maingay na parang lata
Pasalamat ka at hindi siya plastic na parang tupperware, di ba?"
Envy.....
"Mabuti pa ang baso kusang nadadampian ng labi
Samantalang ako....kailangan pang uminom
Para madampian ko naman ang baso..."
I wish....
"Minsan gusto kong maging bananacue
Tinutuhog at super sweet!"
Ayan wala na kong maisip! Miss ko na kasi ang bananacue eh! Sige thank you na lang sa nagtyagang basahin ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hagalpak tawa naman ako dito sa mga kowts mo sards! gusto ko si bananacue dahil tinutuhog, lalo na kung malaki ang saging! hahaha! in fairness pasok lahat ng mga kowts mo! :D
ReplyDeletebananacue, tinutuhog. wahaha!
ReplyDeleteako mahilig maghintay, kahit sa walang kwentang bagay. hilig umasa. tsk
syel- hahaha ako rin favorite kong kwot ko yun babanacue LOL ngayon ko lang naisip masarap nga pag malaki ang saging (you gave me an idea hahaha)
ReplyDeletechoknat- so totoo sayo ang hula ko hehehe, kagaya niyan mukhang hinintay mo yun post ko LOL, thank u ;-)
may picture din ako ng ganitong mask kuha sa souvenir shop sa asakusa.
ReplyDeleteanyway, nakangiti na naman ako habang binabasa ang mga 'kwots' mo sardz.. ang saya! pero may sense sila ha. malalim nga yung iba e. aliw pa! haha. =) happy weekend, sardz!
Long time no everything! Haha! Natakot ako dun sa mask. Yung mga ganyang mask talaga, there's something eerie about it.
ReplyDeleteAgree ako dun sa Friendship. Basta gusto ko maiingay na tao kahit walang katuturan yung mga sinasabi. Naalala ko mga high school friends ko. Haha!
Tagal ko na ring di kumakain ng Banana Cue ah. Meron dyan sa Vito Cruz banda, masarap at lagi pang mainit. At malambot pa!
hahahah uli..
ReplyDeletemiss ya!
Favorite ko yung quote about friendship. Oo nga naman ang kaibigang maingay very transparent kasi lahat sinasabi. lolz
ReplyDeleteHabang matiyagang naghihintay... tawa muna sa mga 'kwots' nyo Ms. Sardonyx. Hahaha! Bumili ng saging sa Asian shop at magluto nalang ng banana cue.
ReplyDeletehahah...natawa din ako sa bananavue. pero fave ko yung life. hahahah..hay naku sards. napatawa mo nanaman kami. more quotes please!
ReplyDeleteNice! Ako din agree ako dun sa lata at plastic. Babanggitin ko nga sa mga friends ko un.
ReplyDeleteNaalala ko dun sa 'Envy' ung kanta ng Tuck and Patti: How I envy the cup the holds your lips, let it be me...or the table that feels your fingertips, let it be me...
Me ganun pa daw eno?
doc- yun mask that time ko lang nakita yan dito during Japan Day, malalim pala ang mga kwots ng lagay na yan hahaha
ReplyDeletehalfcrazy- long time no blog ah? hehehe thanks sa dalaw, ininggit mo pa ako sa bananacue na yan di bale malapit ko na uling matikman yan hehehe
Ate Loids- miss u too! mukhang may time ka na uling maghop ng blog ah hehehe
REj- thanks sa dalaw, mas gusto ko kasi maingay at least alam mo kung ano nasa loob kesa sa plastic, makunat hahaha
RJ- musta naman yun saging na nabili mo? nagawa mo bang bananacue? hehehe
Reena- hayaan mo mag-iisip pa ako ng kwots ko hehehe ang hirap no, hinalukay ko pa yan sa kailaliman ng aking utak na maliit LOL
Nebz- di ko yata alam yun kanta na yan hahaha at di ko rin kilala un kumanta hahaha ano ba yan....so may ganyan palang kanya, alam ko lang yun tula