Saturday, February 28, 2009

HULA SCOOP: May Matututunan Ka Ngayon




HULA: May matututunan kang aral sa araw na ito; huwag ka lamang lituhin ng magtuturo sa’yo.

SCOOP: Noong nakaraang blog (dalawin nyo naman baka di nyo pa nabasa) ko napag-aralan natin ang sawikain o idioms ngayon naman dumako tayo sa salawikain o proverbs.

KAHULUGAN:

Salawikain: Mga kasabihan ng mga matatanda na nagpapahayag ng payo batay sa kanilang mga karanasan, ito ay nagpasalin- salin na sa ating lahi.


SALAWIKAIN AT ANG KAHULUGAN KO:

1. "Walang matimtimang birhen, sa matiyagang manalangin."

-Magtiyaga ka mang manalangin di ka na makakakuha ng virgin.

2. “Habang maiksi ang kumot, magtiis kang mamaluktot.”
- Kuripot ka lang


3. "Ang mahaba ay putulan, ang maiksi ay dugtungan."

-Mamili ka maiksi o mahaba? Huwag na kaya nating putulan?


4. "Ang pag-aasawa ay hindi biro, 'di tulad ng kanin, iluluwa kung mapaso."

-Huwag mag-asawa kung iluluwa mo lang pag napaso, di biro ang maging kanin.

5. "Kumatok ka at ikaw ay pagbubuksan, tumawag ka at ikaw ay pakikinggan, humingi ka at ikaw ay bibigyan."

- Pulubi


6. "Buntot niya,hila niya, sungay niya, sunong niya."

-Kalabaw


7. "Damit na hiniram mo lamang kung di masikip ay maluwang."

-Manghihiram ka lang ng damit magrereklamo ka pa, bumili ka na lang kaya?


8. "Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis."

-Matibay man ang walis mas ok na ang vacuum di na kelangan ibigkis.


9. "Ibong sa hawla'y ikinulong ng mahigpit, pag nakawala'y di na babalik ."
- Huwag higpitan ang ibon niyo maging mapagbigay para labas masok man ay sulit

10. "Mainam na ang pipit na nasa kamay kaysa lawing lumilipad."

-Malas mo, magtiyaga ka na lang dyan sa maliit mong ibon, asa ka pa (suntok sa buwan hehehe).

PAUNAWA: Dahilan sa ang mga salawikain ay nagpasalin salin sa iba’t ibang salinlahi ay nagkaroon na ng ibang pakahulugan ang iba’t ibang tao lalo na sa taong gumawa nito, huwag maniwala, nililito ka lang nito.

PAHABOL: Ang larawan ay pandisplay lang, kuha ito sa Tokyo DisneySea, alam ko naman hindi nyo mahuhulaan kung saang lugar ito hehehe

Friday, February 27, 2009

HULA SCOOP: Magiging Madrama Ka Ngayon


HULA: Magiging madrama ka sa araw na ito, pero lilipas din kaagad ito at maaaliw ka rin, sa pamamagitan ng paglipat lipat ng channel…matatagpuan mo rin ang pelikula o teleseryeng makakapagpasaya sayo.

SCOOP: Ang buhay ng tao ay parang pelikula minsan madrama, may comedy, may horror at minsan may action pa, kaya nga naisipan kong maghanap ng mga pelikulang tagalog na pwede ninyong panoorin para maibsan naman ang inyong lungkot. Narito na at para sa mga nahihirapan magtagalog ay isinalin ko pa sa english. Kaya hanapin nyo na to online at umpisahang panoorin na.


Masikip Sa Dibdib- Heartburn
Bituing Walang Ningning- Moon
Walang Kapalit- No Return No Exchange
Hula Mo Huli Ko- It’s a bird!
Di na natuto – Dumb
Kung Ako Na Lang Sana- Let Me Try
Tuhog- Barbecue
Bayarang Puso- Heart of Gold
Milan- Only me
Sabel- In Bell
Bakit Ikaw Pa Rin?- Next!
May minamahal- Taken
Sukdulan- Climax
Ama, Ina, Anak- Family
Honey, nasa langit na ba ako?- Honey, am I in yet?
Bata Bata Paano Ka Ginawa?- In and Out?
Eto na naman ako- Oh I’m coming again
Kaya kong abutin ang langit- I can come
Ngayong Nandito Ka- Now you’re in here
Hindi Pa Tapos ang Laban- Let’s have another round


PANUTO: Ang larawang nasa itaas ay pinilit ko talagang iugnay sa hula ko. Ito ay kuha sa Akihabara, Tokyo Japan. Bilihan yata (may DVD kasing nakasulat di ba??) ito ng mga DVD syempre Japanese, at least may "DVD" at may kaugnayan sa hula ko kahit katiting hehehe

Thursday, February 26, 2009

HULA SCOOP: Maiinis Ka sa Isang Tao



HULA: Maiinis ka sa isang tao, easy ka lang huwag patulan ang mga ganitong tao na makakapagpasira ng iyong araw daanin mo na lang sa hula.

SCOOP: May mga kaibigan tayo na sa katagalan makikita natin ang kanilang mga ugali, pero gaano man siya kasama o kabait dapat alam mo kung paano mo siya pakikitunguhan na hindi masisira ang inyong relasyon. Narito ang mga iba’t ibang salita na pag-aaralan natin tungkol sa kaibigan, mapa slang o bansag man.


Prend- slang word ng friend o kaibigan

Friendship- slang word na tawag sa kaibigan, ang unang nagpasimula ng slang na ito ay si Rufa Mae Quinto (ayon sa magazine na nabasa ko na pinadala pa sa akin ng byenan ko, kaya walang kokontra…. sipsip hehehe) na nagpasalin salin na sa bibig ng mga artista like Ai-Ai, Kris, etc at sa bibig ng bading, babae o kaya kayo.

Mababaw- dalawa ang pakahulugan nito kundi mababaw ang kaligayahan at humahagalpak ka kaagad ng tawa kahit sa corny jokes o mababaw ang dahilan para makipag away ka sa prend mo.

Nandadamay- kapag mababaw ka, malamang idamay mo at awayin ang prend mo na prend din ng inaway mong prend kahit wala syang ginagawa sa’yo…ngek parang ang gulo?? Yun na yun

KSP- kulang sa pansin; lahat ay gagawin magpapansin ka lang sa mga tao na hindi kumakausap sa’yo na gusto mong kausapin

TH- trying hard, hind ito yun taong magaling magpatigas ng ano…o ng kahit ano…..kundi super ang effort niya gawin ang isang bagay pero di pa rin pasado sa taste ng ibang tao, feeling niya in na siya sa crowd pero hindi pa rin

Ahas- kapag inagaw mo ang bf/gf o asawa ng prend mo

Tupperware- plastic ka, mabait ka sa prend mo pag nakaharap pero pag nakatalikod ang daming sinasabi sa prend niya, prend ka nga ba pag ganun?

Balimbing- pag mabait ka sa kaharap mong prend at sinisiraan mo ang other prends mo sa kanya then pag kausap mo naman ang other prends mo sila naman ang mabait at sinisiraan mo ang other prend mo… hay mas lalong magulo! Basta ganun!

Doble kara- e syempre dalawa mukha, parang bipolar siguro paiba iba ang ugali di mo alam kung may tama o may mali hehehe

Tirador- mahilig manira ng tao

BFF- best friend forever, syempre umulan man o bumagyo nandiyan pa rin siya sayo…prends mo pa rin, kahit ang lakas ng toyo mo, kahit patis pa, basta lagyan mo lang ng kalamansi ayos na hehehe.

Close friend- malapit na sa best friend, super close na kayo as in iingatan ang friendship nyo at gagawa ng paraan huwag lang masira ang friendship, hindi mandadamay

Berks- barkada, sa lahat ng lakad magkakasama

Kuyog- barkada na when it comes sa awayan laging magkakasama, gugulpihin ang kaaway ng isa

PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay inuugnay ko sa hula ngayon, ang "friendship" bow!! Gaano man kaikli ang shorts nila hindi nila ito kinakahiya ang mahalaga terno ang sumbrero at medyas sa short nila hehehe. Kuha ito sa Tokyo habang ako ay naglalakad, mga estudyante na tila di nilalamig at super ikli ng shorts nila.

Tuesday, February 24, 2009

HULA SCOOP: Iwasang Magsukat ng Kabutihan Mo sa Kapwa


HULA: Iwasang magsukat o magbilang ng kabutihang naitulong mo sa kapwa bagkus gawin mong isang pasasalamat ang mga ginawa mo sa kanila. Sandamakmak man ang naitulong mo sa iyong kapwa kung ang turing sayo ay kalaban ituring mo na lang na natalo ka sa sugal, pero kung gusto mong makapitik man lang e magsolian na lang kayo ng kandila? At least may kandila ka pa, pampabango rin ng bahay yan.

SCOOP: Nabanggit ko ang salitang sandamakmak, isa ito sa slang words ng Pinoy kung ang unit of measurements ang pag-uusapan at hindi ko maubos maisip kung may translation ito sa ingles. Narito pa ang ilan:


Konti- iilan
Kapiranggot- konti
Katiting- konti rin
Gahibla- kasing nipis ng hibla (ng nylon, ng buhok)
Gabuhok- kasing nipis ng buhok
Gabutil- kasing laki ng butil ng palay, asin, bigas, mais depende sa gusto mo
Gadaliri- kasing laki ng daliri, ewan anong daliri, mamili na kayo
Sandamukal- madami
Sankaterba- madami rin
Sankatutak- madami pa rin
Sandamakmak- madaming madami
Sandakma- isang dakma ng kamay, kung paano ka dumakma ng …ibon ganun, pero dapat kalapati para swak na swak
Himaymay- isang bahagi (fraction)
Dingding lang ang pagitan- yun na rin ang kahulugan
Isang dangkal- sukat ng inunat na kamay mula dulo ng hinlalaki (thumb) at dulo ng hinlalato (middle finger)
Isang dipa-sukat mula dulo ng 2 hinlalato pag inunat mo ang dalawa mong braso; pag di mo magets, kung alam mo ang UP oblation ganun magsukat ng isang dipa…ang braso ang susukatin at hindi yun nakatiwangwang sa gitna ha hehehe

PANUTO: Dagdagan nyo na lang kung meron pa kayong alam wala na akong maisip. Gabutil ng asin lang kasi ang utak ko e hehehe...


PAHABOL: Ang larawan na nasa itaas ay isang halimbawa na sandamakmak na tao sa tawiran ng Shibuya, Tokyo Japan. Nikon-an ko ito noong Feb. 19, 2009.

Monday, February 23, 2009

HULA SCOOP: Huwag Mamintas sa Panlabas na Kaanyuan


HULA: Huwag mamintas sa panlabas na kaanyuan ng isang tao, magpasalamat ka na lang dahil hindi ka katulad ng iba diyan…..ang sabi nga ni Melanie Marquez, “Don’t judge my brother, because he is not a book.”

SCOOP: Narito ang ilang mga panlalait na maririnig natin sa mga tao, kaya maging matalas ang pandinig pag narinig nyo ang mga slang na salita na ito…. habulin nyo kagad ng itak ang magsabi sa inyo kung…. kayo ay pikon pero kung hindi naman…tawanan nyo na lang, kasi ang asar…talo!


Pangako- mapanga
Barok o mongol- mongoloid
Miyak- may cleft lip
Rudolph- namumulang ilong dahil sa tigyawat
Buwan- mahaba baba (quarter moon)
Monay- bilog at matabang mukha
Airport- malapad ang noo pwedeng lumanding ang eroplano
nakakasilaw- panot, nakakasilaw ang liwanag sa ulo
Mr. clean- kalbo
Patpat- payatot
Sexy- dalawa ibig sabihin niyan sexy ka talaga o mataba ka
Aparador- malapad na kayo sa katabaan
May putok- lakas ng bo (body order) nyo
Usi- mas malakas ang putok (ang baril na usi di ba malakas ang putok??)
Kalansay- buto’t balat, isang germs na lang ang pipirma at sementeryo na ang punta nyo
Siksik- di na sexy
Laki radar- laki tenga; tengang daga
Burog- butas-butas na mukha dahil sa maraming tigyawat
Burog-burog- walang tigyawat….na paglalagyan (no space available hehehe)
Maita- May tama
Brenda- brain damage
Booba- malaki ang hinaharap

PAUNAWA:
Ang mga halimbawa na ito ay malamang na hindi na angkop sa panahon natin ngayon sa Pilipinas dahilan sa pinaglupaan na siguro ito ng panahon, in other words......ay sa madaling salita hehehe ang labo pa rin.

Dagdagan nyo na lang pag may alam pa kayo, pag humaba kasi ito di nyo na rin naman babasahin e.

PAHABOL PA: Ang larawang nasa taas ay kuha ko sa Tokyo, pinag-iisipan ko pa kung may kinalaman ito sa hula ko ngayon....hmmm saka na lang nga.

Monday, February 16, 2009

HULA SCOOP: Maghihintay Ka Sa Wala


HULA: Maghihintay ka sa taong hinahangaan mo pero...hindi siya darating. Malamang maghihintay ka talaga sa wala.

SCOOP: Kung nandito ka para icheck kung may hula ngayon ehhh meron....pero wala wala hehehe.

Pasensiya na at wala po akong maihula ngayon at sa darating pang mga araw dahil sa ako po ay namamangha pa sa ganda ng Tokyo. Baka po sa pagdating ko na lang uli ako makapanghula, hindi po kasi gumagana ang radar ko ngayon at nababangga ng mga nagtataasang mga gusali dito sa Tokyo. Pagbigyan na ninyo ako at unang pagkakataon ko na masilayan ang bayan ng Tokyo.

PAUNAWA: Ang larawan po na nasa itaas ay kuha ko po at hindi ko po hiniram. Iyan ang Tokyo Tower isa sa humaharang ng signal ko na makapanghula hehehe.

Friday, February 13, 2009

HULA SCOOP: Masaya ka sa Araw ng mga Puso








HULA: Masaya ang araw mo ngayon at bukas. Makakatanggap ka ng isang regalo na alam ko namang inaasahan mo na darating.


SCOOP: Dahil bukas ay araw ng mga puso kaya malamang talagang makakatanggap ka ng regalo sa iyong “babes, ” "waswit," “honey, ” “mahal," "mokong" o "damuho" man. Masaya ka ngayon kasi sabik ka na rin kung ano ang matatanggap mong regalo bukas.


Wala akong maisip na iregalo sa aking honey kaya ako’y gumawa na lang ng love letter, matagal-tagal na rin akong di nagbigay nito sa aking asawa. Kaya paki check lang po kung ok ba ito, alam kong corny kasi tagalog na tagalog pero ok lang yun, "ang nagmamahalan daw ay talagang corny" hehehe. Paki iwan po ang inyong "puna."



AKING VAL,


Wala mang mamutawing mga salita

At ang pagkakataong makapangusap ay wala

Maririnig pa rin kita


Kung wala mang mga luha

Ang maramdaman sa loob man ay wala

May damdamin pa rin ako sa’yo


Kahit man ang araw ay sumuko nang magliwanag

Kahit pa ang paglalambingan ay di na tugma

Ang puso ko pa rin ay sa'yo lamang

Hanggang matapos ang kailanman

Ikaw ang tangi kong kailangan

Aking mahal, aking Val


Sa aking buong buhay

Ikaw lang ang aking hinihintay

At lahat ng iyon ay ‘yong ibinigay

Minulat mo ang aking mga mata

At tinuro mo sa akin kung pa'no maging mapagbigay sa pagmamahal


Pinangarap ko ang ganitong pagkakataon maka ilang libong beses na

Maging sa aking panaginip ang lubusang mahalin ka ay di ko magawa

Ibibigay ko sa’yo ang aking puso

Hanggang matapos ang kailanman

Aking mahal, Aking Val



Martina


PS:

La da da

Da da da da


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


PANUTO: Syanga po pala ang tunay na pangalan ni Val ay Valentine kaya paki palitan na lang ang pangalan na Val sa Valentine at pakisalin sa ingles….presto may lyrics ka na ng kantang “My Valentine” by Martina Mcbride hehehe


PAUNAWA: Wala po akong blog sa araw ng mga puso dahil kami po ay magba blog-blog-an muna kung anuman ang ibig sabihin ng “blog-blogan” ay sa akin na lang yan huwag nyo nang alamin pa, malay n'yo....malay ko rin hehehe.


PASALAMAT: Ako po ay nagkaroon ng inspirasyon na isalin ang kantang ito dahil sa nabasa kong blog mula kay Mr.Thoughtskoto, sana lang mathought moko este makilala mo ako hehehe.


Salamat na rin sa nag upload ng video na ito galing kay cha20