Monday, July 20, 2009

HULA SCOOP: May matatanggap kang balita...


HULA: May matatanggap kang balita na ikatutuwa mo. Sa sobrang tuwa mo ipapamalita mo pa sa ibang tao kahit di mo pa sila kilala hehehe.

SCOOP: Parang tugma talaga sa akin ang hula kong yan o talaga lang na tinaon ko? hehehe Syempre hulascoop ko ito eh kaya lahat ng hula tama para sa akin dahil puro kalokohan lang naman ito.

---------------------------------------------------------------------------

MAGANDANG BALITA

M-asayang masaya ako
A-t di ko maipaliwanag kung ano, paano at gaano
Y-akapin ko man ang buong mundo

W-alang hanggan ang kaligayahan ko
O-o kahit ano pang dumating na bagyo
R-amdam ko man ang bigat ng dalahin ko
K-ahit ano pa lahat ng suliranin ko ay napawi ng totoo

N-ang dumating ang balita na ito
A-y biglang sumaya ako

A-ng saya- saya na di ko maipaliwanag kung ano
K-ahit gaano kahaba ang hinintay ko
O- Diyos ko maraming maraming salamat sa'yo dahil.........

(Pakibasa uli ang unang letra ng bawat linya ng tula ko at iyon ang "magandang balita ko sa inyo")


BOW!!!


UKOL SA LARAWAN: Kuha ko ito habang lulan ng sasakyan sa kahabaan ng Coastal Road. Ang "sunset" ang simbolo sa akin ng "May Bukas Pa' ngek hehehehe.....habang may sunset may sunrise hahaha......pagkatapos ng dilim ay may liwanag....BOW! wow-wowowow! hehehe sige na mali late na ako........first day ko kailangan maaga!! mamaya na ang proofread.

Thursday, July 16, 2009

HULA SCOOP: Tatamarin Ka Sa Araw Na Ito


HULA: Tatamarin ka sa araw na ito kaya idadaan mo na lang sa pagkain ang lahat. Hinay-hinay lang baka mabilaukan ka hehehe.

SCOOP: Nakakatamad nga ang panahon pero ang sarap naman kumain, hayyyy lalo na pag yun pagkain na nakita mo ay yun matagal na di mo na nakain, yun bang namiss mo ng pagkahaba-haba ng panahon at eto nasa harapan mo, e di ano sunggaban mo na! hehehe

-------------------------------------------------------------------------------

Nang umuwi ako ng Pilipinas, mga prutas na wala dito ang inuna kong binanatan....oooppps execuse me ibig sabihin nilamon, ay di pala....tinikman (Maria Clara kuno hehehe).....tikim sabay....sagpang hahaha. Di ko na kasi mapigil eh. Kaya eto ang mga nakain ko: Santol, manggang hilaw at hinog, lansones, atis at saging na lakatan.

At napag-uusapan natin ang prutas, napag-isip-isip ko lang na halos ang mga prutas ay may alamat. Ang pinaka sikat ay yun alamat ng pinya. Ang alamat ng santol, alam niyo ba?
Ako hindi ko alam dati pero may nakapagkwento lang sa akin nitong nakaraang taon lang, sa email pa ha. Eto, share ko sa inyo, maikli lang 'to kaya dapat basahin niyo.

ALAMAT NG SANTOL

Isang araw may naglalakad na isang matandang lalaki at bigla na lang namangha ito sa nakita niya, isang pagkalaki-laking puno at ang laki ng bunga nito na bilugan pa, ngayon lang niya nakita sa tanang buhay niya ang ganitong klaseng prutas, nakatanim ito sa bakuran ng isang ale. Kaya tinanong niya ang may-ari ng puno nito. "Ale anong pangalan ng prutas na yan na bilugan at mukhang ang sarap kainin?" Sagot ng ale, "ah yan ba....SANTOL yan!" Ayun mula noon, santol na ang tawag sa santol....hehehe.

-the end-

PAUNAWA: Ang alamat ng santol ay gawa-gawa ko lang patnubay ng matinong isipan ang kailangan, patawad po....tao lang na walang magawa at "tinatamad." Paki tanong na lang kay pareng google at kumareng yahoo kung may alamat nga ng santol tinatamad talaga kasi ako hehehe.

Tuesday, July 14, 2009

HULA SCOOP: Magiging Busy Ka Ngayon

Mt. Arayat- Kuha habang ako ay nasa sasakyan at binabagtas ang kahabaan ng SCTEX



HULA: Magiging busy ka ngayon sa ibang bagay. Matutong hatiin ang oras sa mga mahalagang bagay. Remember "time is rolex..... ay ginto pala."

SCOOP: Medyo naging abala nga ako sa mga nakaraang araw, pasensiya na po kung di ako nakakadalaw sa mga blog ng iba.

-----------------------------------------------------------------------------

Ano ba ang pinagkakaabalahan ko nang nagdaang mga araw at hanggang ngayon?

1. Ang hirap kasing magplow lalo na pag nagsisimula ka palang.

2. Naiinis kasi ako at hindi masinsin ang pagkakatanim ko ng mga alaga kong prutas at gulay.

3. Syempre pag nagplow ka, kelangan magtatanim ka rin kaagad para may maani at maibenta sa palengke.

4. Ang prutas na una kong tinanim sa aking bukid ay ubas, 4 na oras lang pwede ka ng mag-harvest.

5. Sinunod ko naman ang patatas, isang araw naman bago ka makapagharvest. At nakapagtanim din ako ng strawberry at maging ang palay di ko rin pinalagpas.

6. May nagregalo din sa akin ng puno ng mansanas, orange at lemon, naku tuwang-tuwa na ako, ang dami ko nang mga puno.

7. Pero gaano man ang paghaharvest ko, konti pa rin ang pera ko, mabuti na lang inalok ako ng mga prends ko, mag-harvest daw ako sa farm nila, may extrang pera yun. Sila rin ang dahilan kung bakit ako naging abala dito hehehe.

8. Kaya nang ako naman ang maghaharvest at hindi ko na talaga kaya, kakapagod din kasi no, ayun nag-alok din ako sa mga kapitbahay ko na kung pwede sila naman ang magharvest sa farm ko at babayaran ko na lang sila, go naman sila.

9. Ngayon medyo natuto na ako sa paghandle ng farm, pero di pa rin ganun kalakihan ang perang nakukuha ko pero sapat na para makabili ng ilang bakod, hayop at mga bulaklak.

10. Hay........kakaadik talaga ang "facebook" sa "farm town" na laro nagkaroon ako ng maliit na farm....hehehe. Kayo nasubukan n'yo na ba yun?

PAUMANHIN: Sa mga hindi nakakaunawa nang pinagsasabi at pinagsusulat ko ngayon dahil sa wala kayong facebook at wala kayong oras para dito, pagpasensiyahan niyo na lang po ako, tao lang.....at "mababaw lang ang kaligayahan ko" hehehe. At sa mga may facebook at naglalaro ng farmtown....enjoy! hehehe

PAHABOL: Sa mga bumoto po pala sa akin, maraming-maraming salamat po. At sa mga hindi pa po nakaboto parang awa n'yo na po at pakiboto lang po ako hehehe. Paki click na lang po ang logo ng 2009 PEBA nominee at makakarating na kayo sa botohan. Salamat pong muli. Ito po pala ang blog entry ko, click mo to.

LARAWAN: Ang kuha ko ay bukid sa Pilipinas....kaya kahit paano ay may kaugnayan sa hula ko ...hmmm meron nga ba??? hehehe basta meron.


Thursday, July 9, 2009

HULA SCOOP: Huwag Mahihiya Pag Pers Taym Ka Sa Isang Bagay

SCTEX (Subic, Clark, Tarlac Expressway)




HULA: Huwag mahihiya pag pers taym ka sa isang bagay o karanasan man. Pahalagahan mo ang bawat karanasan sa buhay mo, maging ito man ay "una" o "huling" pagkakataon kahit gitna pa siya o pangalawa, pangatlo o pang-apat basta ang mahalaga naranasan mo ito hehehe.

SCOOP: Marami tayong maikukuwento sa buhay na una nating naranasan kaya isipin nyo na ang mga ito bago pa maging huli ang lahat hehehe.

---------------------------------------------------------------------

PERS TAYM:

1. Pers taym kong nagbiyahe papuntang Pilipinas na lakip ang pag-asa na libre ang pamasahe namin, "I wish I wish" lang pala ang lahat.

2. Pers taym kong umuwi ng Pilipinas na walang bitbit na pasalubong, kawawa naman ako o kawawa naman sila? Pareho! huhuhu

3. Pers taym na iniwan ang sasakyan sa train station at walang "pakundangan" na lumisan lulan ang tren papuntang Tokyo "di alintana" kung may madadatnan pa kaming sasakyan sa aming pagbalik, ang alam langnamin noon, kailangan na namin umuwi ng Pilipinas....now na. Kundi ba naman itong mga hapon na ito, nagpaskil ng "babala" e japanese naman ang pagkakasulat kaya di namin alam kung may multa o wala......"lakasan ng loob" lang ang katapat.

4. Pers taym kong sumakay ng bullet train papuntang Tokyo, akala ko pa naman malilibre ang pamasahe namin mula dito sa Misawa hanggang Pilipinas lulan ang libreng eroplano, hindi pala.....akala ko lang ang lahat huhuhu....nadale kami dun ng humigit kumulang na $578....waaaaaaaaaaaaaa ang mahal!



5. Pers taym kong sumakay sa regular train mula Tokyo na "rush hour" kulang na lang magkapalitana ang mukha ng asawa ko at mga ibang pasahero dahil sa sobrang sikip, "hindi mahulugang karayom" ang tren na yun, kasumpa-sumpa! Masuwerte pa rin at nakaupo ako at si bunso ko. Pero bantay sarado ko ang mister ko kasi baka nga mapalitan ang mukha niya, mahirap na no.


6. Pers taym kong narating ang Singapore at kung saan nakaranas nang "discrimination" ng isang Singaporean, yun nagtitinda pa ang galit sa bumibili basta ang alam ko ang sabi sa amin, "if you don't want it, don't buy it!!" ganun pala dun, ang customer is always wrong hehehe lalo na siguro pag Pinoy. Ikaw ba naman ang di magreklamo eh yun display niya iba sa binigay sa akin....hayyy. Lucky Plaza pa naman ang tawag dun pero hindi lucky sa kin hehehe.....malas, malas!!!

7. Pers taym kong sumakay ng eroplano mula Singapore to Manila via PAL (one way lang) na hindi pwedeng gamitin ang mabuhay miles kasi promo daw ang binayaran namin na mahigit sa humigit o kulang-kulang na kinulang hehehe..... na ~$500 kaming apat na tao na (ako, si mister, si panganay at si bunso).....mura na sa katulad naming bumili ng ticket ng Biyernes at kinabukasan ng Sabado ng gabi ang lipad papuntang Pilipinas...."hataw!"

8. Pers taym kong hindi nabigla sa sobrang traffic sa Metro Manila dahil sa ang gumulantang sa akin ay billboard ni Papa P hehehe (walang kokontra).



9. Pers taym kong madaanan ang bagong NLEX at ang SCTEX (Subic, Clark, Tarlac Expressway)....ang galing at ang luwag.

10. Pers taym kong maranasan na maputukan ang gulong ng sinasakyan namin sa kahabaan ng NLEX at may tumulong sa aming mga Patrol Crew at palitan ang gulong ng sasakyan namin; tinanggihan ang aming "lagay" na paraan ng aming taos pusong pasasalamat.....mabuhay sila at may mga tao pa palang matitino sa atin hehehe.

At marami pa, saka na lang yun iba.....hirap na akong magtype....sorry "tuldok system" pa rin ang alam ko eh hehehe.

Tuesday, July 7, 2009

HULA SCOOP: Mararamdaman Mo Na Hot na Hot Ka Ngayon

Mga building sa Singapore (sorry di ko alam ang mga pangalan nila)


HULA: Mararamdaman mo na hot na hot ka ngayon. Try mong maligo ng tatlong beses isang araw nang mapawi ang init sa 'yong katawan.

SCOOP: Oopps huwag masama ang isipin, basta salitang "hot" mabilis tumakbo ang utak ng Pinoy, mas mabilis pa sa kuntador ng Meralco hehehe. Well, super hot ang naramdaman ko nang kami ay tumigil sa bansa na Singapore....as in ang "SOBRANG INIT!!!"

----------------------------------------------------------------------
SINGAPORE


Kapag pala galing ka sa malamig na lugar at bigla kang mapadpad sa mainit, hindi mo alam kung anong gagawin mo sa sarili mo. Hindi naman para maghubad ka kundi parang gusto mong maligo sa yelo o magbabad sa batya na puno ng malamig na tubig. Gusto mo mang pigilin ang tumatagaktak na pawis mo e di mo magawa at di mo rin naman maawat sa paglalag ng mga butil nito, mahirap saluhin lalo namang mahirap tikman hehehe. Hindi sa ang "arte" namin kundi dahil siguro nga galing kami sa malamig na lugar.

"Super hot" ang naramdaman namin nang kami ay tumigil ng dalawang araw sa Singapore bago kami nakarating pauwi sa Pilipinas, para kaming sinisilaban sa init. Akala ko ang Singapore ay medyo malamig kumpara sa Pilipinas.....mali pala ako, mas matindi pala init doon, isusumpa ko talaga (nang araw lang na yun naman hehehe). Dahil siguro sa ang iniwan naming temperatura sa Japan ay nasa 14C (summer na dito ng lagay na yan ha) at pagyapak namin sa Singapore ay niyakap kami sa init yata na 30C+ ! woooah! Hindi kaagad nakapag adjust ang katawan namin sa init.

Mahina talaga ako sa geograpiya, ang Singapore nga pala ay malapit sa equator , 85 milya ang layo bandang hilaga ng equator hmmm kaya mas mainit talaga doon kumpara sa Pilipinas. Hmmm natutulog yata ako nang ituro ng titser ko ang subject na yan hehehe at malay ko bang mapapadpad ako sa Singapore no.

Napamangha ako sa mga nagtataasang gusali dito, parang wala na yatang mga lupain para sa pananim? kaya pala halos condominium ang tirahan nila dito, puro pataas at wala nang pahalang hehehe. Ang kainaman dito ay maraming taxi at marunong mag ingles ang mga tsuper di tulad sa Japan sa dinami dami ng sinabi nila, "hai" lang kalimitan ang naiintindihan ko....kaya lagi kong sagot sa kanila "bahala kayo sa buhay niyo di ko kayo maintindihan" (hehehe).

Malinis at kaaya-aya ang paligid sa Singapore sabagay ang dami ba namang bawal dito kundi pa luminis ang paligid nila, talaga palang "fine city" ito. Bawal chewing gum, bawal dumura, bawal magkalat, bawal mamitas ng prutas o bulaklak, atbp lahat nang yan may "fine" ka....hay kaya pala "fine city ang halos nakikita ko sa mga souvenir t-shirts nila hehehe.

Bukas ko na lang ikukuwento ang iba pang nangyari sa amin dito sa Singapore, tinatamad na akong magkuwento at magtype.



Sa sobrang init at uhaw ng anak ko, pati ang tubig na nanggagaling sa merlion ay ininom na rin niya

------------------------------------------------------------------------------------

PASALAMAT: Nagpapasalamat ako at pinalad na doon nagta trabaho ang kuya ko kaya may tourist guide na may libre pang lodging (nang pabalik na kami dito sa Japan). Pag nga naman sinusuwerte ay di mamalasin hehehe. Kuya....salamat! .....sa uulitin hehehe

PASALAMAT ULI: Salamat sa "space A" (space available o parang chance passenger) travel ng US military at nalibre ang pamasahe namin mula Yokota to Singapore. DC-8 ang sinakyan naming eroplano, pakpak lang ang nakunan ko na souvenir, bawal kasi ang kodakan dito. Tanungin niyo na lang kay kumpareng "google" at kumareng "yahoo" kung ano hitsura ng DC-8 at kung ano ang "space A", close kami nun, sasabihin nila kung ano ang mga tanong ninyo.

Sunday, July 5, 2009

HULA SCOOP: Darating Na Ang Pinakahihintay Mo


HULA: Darating na ang pinakahihintay mo, kung ano man yun o kung ito man ay bagay o kung sino pa siya o kung sila man ay marami hindi ko na alam yun. Ang mahalaga, darating na ang hinihintay mo.

SCOOP: Dumating na rin ako!! Yahoo!! Nakabalik na sa aming munting tahanan....teka ako ba ang hinihintay ninyo??? Aminin! hehehe Kung binabasa mo na ito ngayon malamang isa sa hinihintay mo ay dumating na....ang hulascoop ko! hehehe.


--------------------------------------------------------------------

Labing walong araw akong nawala dito sa Misawa, Japan upang dalawin ang mga mahal namin sa buhay sa Pilipinas, pero labing isang araw lang kami sa Pilipinas.....kung bakit.....eto ikukuwento ko sa inyo....@#$%^&*()_!@#$%%^&&**()~!@#$%^&*

ayan finast forward ko na lang kasi wala naman magkaka interes sa kwento ko e hehehe

Ang mahalaga nandito na ako at buhay at masigla.

UKOL SA LARAWAN: Ang larawan na nasa itaas ay kuha ko sa una naming nilandingan nang kami ay sumakay sa libreng eroplano....ito ay sa SINGAPORE! Pasensiya na at maraming gasgas yun salamin nila at kami ay nasa buntot lang nakasakay hehehe kaya nakaharang ang pakpak ng aming sinakyang eroplano.

PASALAMAT: Salamat pong muli sa mga bumoto ng blog entry ko sa PEBA, kahit hindi ako naging active sa hulascoop ko ay nadagdagan din pala ang mga boto sa akin. Salamat sa lahat!

Saturday, June 20, 2009

HULA SCOOP: Happy Father's Day


HULA: Maaalala mo ang mahal mo sa buhay… ang iyong ama at kahit saan man sya naroroon kapiling mo man o hindi, alam mo kung gaano mo siya kamahal at dapat lang na pahalagahan mo kung paano ka niya pinalaki at naging ano ka man ngayon ay dahil sa kanya, maging sa ayaw at sa gusto mo no choice ka, bahagi sya ng buhay mo. HAPPY FATHER's DAY!!!

SCOOP: Father’s day na bukas kaya bilang pagpapaalala sa mga ama natin (o sa ama ng mga anak natin kung walang anak e kahit pamangkin mo na lang hehehe) ay narito ang ilang sinipi kong mga jokes na pinulot ko pa sa kung saan-saang panig ng cellphone at email ko:

MGA JOKES KAY TATAY

Tatay: Anak, painumin mo ang kalabaw!
Anak: Opo tay!
Anak: Tay, ayaw uminom ng kalabaw eh!
Tatay: Saan mo ba inilagay?
Anak: Sa baso!
Tatay: Sus! Katangang bata! Lagyan mo ng straw

Tatay: Juan, mag-aral ka ha!
Juan: Ayoko tay, bobo kasi ako. Hindi ako makaintindi.
Tatay: Mag-aral ka nga para makaintindi ka!
Juan: Ayoko nga tay! Bakit hindi ka makaintindi? Bobo ka rin ba tay??

Tatay: Lakas mong kumain ah, kapal talaga ng mukha mo! Bwisit!
Anak: Itay naman! E kung yung baboy, kumakain, tuwang tuwa pa kayo! Sino ba talaga ang anak nyo, ako, o yung baboy?

Nanay: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang di mo kayang bilangin?
Anak: Mas bobo si tatay 'nay, kasi narinig ko minsan sabi niya, “Tama na Inday, hanggang tatlo lang ang kaya ko.”

Tatay: Anak, Aatras ko BMW ha, sabihan mo ako kung mabubunggo na!
Anak: Ok.Tay. Sige, atras... Atras pa! Sige, atras pa! Atras pa! BOG! Ok, bunggo na tay!

Ina: Anak, tawagan mo nga ang tatay mo sa cellphone. Pauwiin mo dito. (Pagkatapos tawagan)
Anak: Inay, babae po ang sumagot!
Ina: Lintik! Sinasabi ko na nga ba, may itinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
Anak: You only have zero pesos in your account. Hindi ko na tinapos, inay, mukhang matapobre eh!

Anak: Itay, ano yung 10 commandments?
Ama: Iyon ang 10 utos ng Diyos.
Anak: Mas mataas po pala kayo sa Diyos.
Ama: Bakit?
Anak: Mas marami kayong utos eh!


PAUNAWA: Kasalukuyan akong nagpapahinga at walang magawa dito sa isang lugar na malapit sa "Sembawang Shipyard" napadpad ako dito dala ng libreng eroplano hehehe. Ang init pala dito grabe at di ko matiis na magpost ng hulascoop kasi hula ko miss ninyo na ako e hehehe. Bukas hindi na libre ang lipad ko, salamat kay kumpareng "Master" pina swipe na naman niya ako hehehe.


PASALAMAT: Maraming salamat muli sa mga bumoto! At sa lahat na lumahok at lalahok pa sa patimpalak ng PEBA. Kung di pa kayo nakakaboto, click nyo na lang po ito. At kung di pa ninyo nababasa ang blog entry ko, paki click na rin ito.

LARAWAN: Dinekwat ko lang ang larawan na yan sa flicker ng kuya ko at hindi po ako ang naglalakad dyan, salamat Kuya at Happy Father's Day na rin hehehe. Paki click ito kung gusto ninyong makita ang ilan pa niyang magagandang larawan. Salamat.