Sunday, August 29, 2010

HULA SCOOP: Iiwas ka sa mabigat na trabaho




HULA : Iiwas ka sa mabigat na trabaho, kasi ayaw mong mapagod.

SCOOP: Pag pagod ka na sa iyong trabaho at gawaing bahay man, kailangan mo rin mag unat-unat o magbanat-banat ng buto.... kaya hala, tama yan, magpahinga ka ng husto!! Magbakasyon na sa tabing dagat! o kahit sa tabing ilog pwede na rin! O kaya sa tabi-tabi dyan, ayos na rin!

--------------------------------------------------------

Pasensiya na at ako'y naglimayon sa tabi-tabi dyan, nagtampisaw sa aplaya, hayyy ang sarap muling matikman ang tubig alat ng dagat. Namiss ko ang dagat na may maligamgam na tubig, malinaw at bughaw na kulay ng dagat, ang pinong buhangin na kay sarap tapakan......di tulad sa Japan na nadadampian ko na lang lagi ay ang malamig at maputing niyebe, matapakan ko man ang pinong niyebe minsan madudulas pa ko hehehe!!

"Jejeje!!", ano ba yan, ang lalim ng mga salita ko na naman! hehehe, namiss ko na ang hulascoop blog ko, grabe!

Yipee!! Nakadalaw kasi muli kami sa Hawaii!!! Feels like home!! Grabe sarap ng feeling pag nasa tropical na panahon! Dalawang araw na lang at lilisanin na naman namin ito huhuhu. Pero ilang araw na lang at masisilayan ko na naman ang bansang aking sinilangan, at maaamoy ko na rin ang hanging imburnal hahaha....pero kahit ano pa amoy, iba pa rin ang dating sa kin nito.....Pinoy yata to, ito ang totoo! hahaha...Pilipinas....game ka na ba???

-------------------------------------------------------

UKOL SA LARAWAN: Ang larawan na yan ay kuha ko sa pinaka peborit kong beach sa Hawaii, ang Bellows Beach kung saan ay makikita nyo rin sa aking homepage logo.

O sige, liligo muna ko ha!! See you all!!




5 comments:

  1. I miss you Ms. Sards at ang iyong regular blog posts especially at this period of time that we are surrounded by stressful events in our homeland.

    So how's your swimming weekend in Bellows Beach?

    A blessed Monday to you and your family.

    ReplyDelete
  2. Hi Pope, miss na rin kita at ang mga posts mo. We just came back from Hawaii pero busy pa rin sa paglilinis ng house hehehe. I hope I can swing by your blog too and to some of my favorite bloggers too

    ReplyDelete
  3. i can relate to your post, kahit pagod na sa work pagdating ng bahay kayod pa din. hay life!

    ReplyDelete
  4. uy, finally uuwi ka ulit sa pinas. inggit ako, sardz! haba ng bakasyon namin dito sa penang, 11 days! may 8 days pa kami ngayon para magliwaliw, haha.. gawa yun ng hari raya at kung anu-ano pang holidays. di ako umuwi sa pinas kasi si tina+gabby ang dadalin ko dito late october....di bale hirap pumatay ng oras, ang importante, paid holiday! jejejeje
    (ayan nahawa na ako sa yo!)...

    enjoy your break!

    ReplyDelete
  5. arlini- korek ka dyan, kaya kailangan talaga natin ng bakasyon, sorry sa late reply ko ha busy lang talaga ako

    docgelo- wow ang galing naman ang haba ng baksyon diyan, sayang naman at di ka umuwi ng Pinas (hay naku nagtipid pa kasi no lol), di bale paid holiday pala, pwede na rin hehehe

    ReplyDelete