Sunday, May 16, 2010

HULA SCOOP: Marami Kang Maiisip Na Palaisipan


HULA: Marami kang maiisip na palaisipan pero wala ka namang maisip na sagot. Pag-isipan mong mabuti kung anu-ano ang dapat isipin para hindi ka nagdadawalang isip diyan.

SCOOP: Parang malabo ang hula ngayon, naisip nyo ba ang naiisip ko? Ako, hindi hehehe. Ang labo talaga pero maliwanag naman, kaya ok na yan hehehe.

----------------------------------------------------

Dahil sa malabong pag-iisip ko ay naisip ko na ipakilala ko sa inyo ang bahagi ng aking pagkatao, kaya narito po.


SI SARDZ, ISANG PANGKARANIWANG TAO LANG:

1. Marunong akong mag gitara pero hindi ako magaling.

2. Marunong akong mag piano pero hindi ako magaling.

3. Marunong akong magbandurya pero hindi ako magaling.

4. Marunong akong magsulat pero mas magaling ako sa pindutan ng keyboard.

5. Marunong akong kumanta pero mas magaling akong kumanta na walang sound.

6. Marunong akong tumula pero mas magaling akong gumawa ng tula.

7. Marunong akong mag gantsilyo pero hindi ako magaling manahi.

8. Marunong akong magbake ng brownies pero mas magaling ako sa luto ng Diyos...... pagkain ng Diyos pala ay teka yan ba ang tagalog ng "Food for the gods?" hehehe tinagalog ko lang naman yan eh, parang mali ang dating.

9. Marunong akong matulog sa papag na matigas pero magaling ako sa kama.....

Parang bitin?? oo nga bitin, yan ang di ako marunong, di ako marunong maglambitin sa poste hehehe.....

sige na tama na to, marunong ako sa bolahan pero mas magaling akong mambola hehehe.

14 comments:

  1. hahaha! panalo ka talaga sardz! ako din marunong, pero mukang kelangan ko magpaturo. lalo na ung paggawa ng luto ng Diyos. lol!

    ReplyDelete
  2. Marunong din ako ng piano, gitara, harmonica, sax at kumanta. Pero hangang sa inuman lang ng barkada umabot ang aking kasikatan.

    Ang berde ng utak mo Sardz. : )

    ReplyDelete
  3. syel- thank you at natawa ka na naman hehehe, sa paggawa ng luto ng Diyos ay mean food for the gods pala e kailangan may asawa muna LOL, hanap ka muna hehehe kasi siya kakain ng binake mo no hehehe

    BLogus- ang glaing mo rin palang sa music at least nakarating hanggang inuman ang talent mo ako hanggang kama lang e ay hanggang bahay pala LOL

    ReplyDelete
  4. Ayos ang pagpakilala mo sa 'yong sarili, Sardonyx... at mas pinaganda mo pa dahil sa picture na kasama. U

    Favorite ko ang 'food for the gods'!

    ReplyDelete
  5. naaalala ko tuloy nung bata pa ako. i used to join bandurya in our school.

    btw thank sa pakikiisa sa PRAYER REQUEST PARA KAY NANAY NAMIN!
    we are praying na maging negative ang result ng CTscan at complete healing. gb

    ReplyDelete
  6. uy, marunong din ako magbandurya noong grade 4 ako, hehehe.. nakalimutan na ang tiklado ngayon. pero daig mo syempre ako, sardz kasi marunong kang mag gitara... wala ako tyaga e.. (read: tamad! hahaha)

    ReplyDelete
  7. RJ- alam ko marami matatawa sa picture na yan e hehehe

    Lifemoto- so marunong ka rin palang magbandurya? I hope your mother-in-law will get a negative result from her CTscan

    docgelo- ako naman natuto ng bandurya, high school na, ang strict pa ng teacher namin pero until now natatandaan ko pa yun ibang kanta...remember "tremulo" hehehe

    ReplyDelete
  8. Marunong din naman ako sa kahit anong bagay eh, di lang bilib ang iba sa galing ko :D

    Inulit ko pa ung number 9 eh, tama ba pagkakabasa ko?! lolzz

    ReplyDelete
  9. CM- yun number 9 bitin yan, mas magaling ako sa kama na matulog LOL kaw talaga! sino ba naman ang tatanggi sa kama kesa sa papag? di ba? hehehe

    ReplyDelete
  10. hahahah. so magaling ka pala sa kama. natawa ako dun ah. o sadyang madumi lng ang isip ko. magaling ka sa blogging tlga. napatawa mo nanaman kami. :D

    ReplyDelete
  11. Reena- actually dinudumihan ko ang isip nyo hahaha, magaling akong matulog sa kama, bitin lang yan no LOL

    ReplyDelete
  12. sardz, kelangan ba talaga ng asawa?! di ba pwede kahit sino na lang pakainin ko?! lol! at sobrang husay ka siguro sa kama...sa tulugan nga sabi mo! hehehe!

    ReplyDelete
  13. ahaha. tawa ko ng tawa dito. marunong din akong maggitara at magpiano pero di ako magaling. haha. marami nga kong alam gawin pero di lang talaga magaling.

    mas magaling ka kumanta ng walang sound? ahaha

    ReplyDelete
  14. syel- ganun talaga pag ikaw, kailangan may asawa sayo hehehe, oo magaling akong matulog sa kama kesa sa papag eh lol

    choknat- pareho pala tayo, arunong tayo sa ibang bagay pero di tayo magaling hehehe, magaling akong kumanta ng walang sound e kasi lip sync ;-)

    ReplyDelete