Tuesday, March 30, 2010

HULA SCOOP: Mapaparaning ka

Ang bata at ang isip bata

HULA: Mapapraning ka sa araw na ito, di mo alam kung may namimiss ka o nahihirapan ka sa pagbaluktot ng utak mo sa mga katanungan mo sa buhay. Kung anuman yun, pilitin mong idiretso, plantsahin mo kaya?

SCOOP: Malamang mahihirapan ka lang pigain ang utak mo sa mga kahulugan ko kaya mapapraning ka talaga hehehe, sige basahin nyo na!


MGA SALAWIKAIN AT ANG "DINIDIBDIBANG" KAHULUGAN KO:

1. Ang tunay na bakal ay

Sa apoy masusubukan.


kahulugan ko: huwag susunugin ang bakal


2. Marunong man at pantas,

Ay daig ng mamimintas.


kahulugan ko: huwag ng mag-aral kung dadaigin ka pa ng mga chismoso't chismosa lang hehehe

3. Kapag mura ang dayap
Pigain ma'y walang katas.

kahulugan ko: Huwag bumili ng murang dayap, magkalamansi ka na lang mas masarap pa


4. Ano man ang kanin,
kung sa apoy luto,

Kung di palamigin
ay nakakapaso.


kahulugan: Mag microwave na lang sa pagluto para di mapaso

5. Anak na pinaluluha
Kayamanan sa pagtanda

kahulugan ko: paluin ng paluin ang anak para umiyak dahil sa pag tanda datung ang iyong mapapala


6. Marunong bumati ng sa ibang uling,
Datapwa't sa mukha'y naglawit ang agiw.


kahulugan ko: Ano yan?? gagamba?? spiderman?? gagambino??


7. Pag ang tamis ang nauna

Ang kasunod ay ang pakla


kahulugan: e di baliktarin natin, kumain muna ng mapakla para matamis ang huling sarap


8. May mahinhing talipandas,

May dalahirang banayad.


kahulugan ko: mahinhinduting birhen at pukpukin ni taning? hehehe


9. Kahoy na babad sa tubig

Sa apoy, huwag ilapit,

Pag nadagandang ng init

Sapilitang magdidikit


Kahulugan ko: Huwag magluluto sa kahoy, gumamit na lang ng stove.


10. Ibong mahawaka'y pigilang mahigpit

Pag nakawala pa'y baka di magbalik


kahulugan ko: Huwag payagan si mister o ang bf na mag bar o club baka lam nyo na di na bumalik.....


11. Ang tunay na pag-ibig

Hanggang dulo'y matamis.


kahulugan ko: dulo ng ano??? ay ang bastos! kayo na lang mag explain niyan hehehe

PAHABOL:


Ukol sa larawan: nikonian ko pagktapos gumawa ng snowman.......grabe nag iisnow pa dito!!!

Saturday, March 20, 2010

HULA SCOOP: Huwag Kang Masyadong Tahimik

Maraming casino dito sa Japan, isa na dito ay ang Jam Friend

HULA: Huwag kang masyadong tahimik, minsan magsalita ka naman ng kusa o magsimula ka ng kwento hindi yun pinapanis mo laway mo.

SCOOP: Naisip nyo ba kung kailan nangyari sa inyo na hindi kayo nagsalita man lang sa kausap ninyo?? Huwag naman ganun, dapat matuto tayo na makisalamuha sa ibang tao.

-----------------------------------------------------------


Kapag nag lo-long driving kami o road trip, di pwedeng mapanis ang laway ko at ng asawa ko , baka makatulog ang asawa ko na panis pa ang laway habang nagmamaneho aba mahirap na, mabunggo pa kami sayang naman yun sasakyan namin hehehe.

So para magkaroon ng pag-uusapan kahit anong makita namin ay binibigyan namin ng sarili naming interpretasyon at gagawan namin ng kwento, yun ang sikreto namin, eto mga halimbawa :

1. Yun sasakyan humaharurot, nag overtake sa amin- "yun drayber "nadudumi" kaya nagmamadali, hayaan na nating mauna"

2. Nakakita kami ng napakalaking bukid pero walang tanim puro talahib ang nandun- "malamang yun may-ari ng bukid na yan natalo sa sugal kaya walang pampuhunan para makapagtanim"

3. Yun sinusundan namin sasakyan ang bagal:
Papa ko: "malamang babae na Asian ang nagmamaneho niyan"
Ako: "Uy di naman lahat no, mabilis naman akong magdrive, malamang matanda na ang driver"

- Lalapitan namin ng maige at kapag nalaman namin matanda ito naman ang sasabihin namin:

"Tatang pakibilis-bilisan nyo naman po, marami nang nakabuntot sa inyo!"

4. Mag-syota magkaholding hands-
Papa ko: "Lolokohin ka rin niyan!"

5. Yun driver ng isang sasakyan palipat-lipat ng lane at panay ang overtake-
Ako: Grabe naman yun drayber na yun, pati ba naman kalsada tinatahi niya!
Papa ko: Bakit?
Ako: Ikaw kaya ang panay ang zigzag sa pagmamaneho e para ka ng nagtahi yun nga lang kalsada tinatahi mo.
Papa: Baka naman inaantok kaya panay ang change lane para magising siya.
Ako: Siguro o baka naman lashing?
Papa: O baka naman may humahabol sa kanya??
Ako: Siguro nga o baka naman nagtatae?

6. Pag medyo pagod na dumaldal, sinasabayan na lang ang kanta sa ipod (hanep hindi na CD hehehe)....share ko na lang sa inyo yun isang road trip namin last January.






7. Kapag wala na talagang maikwento at inaantok na ko:

Ako: Ok lang ka lang ba "hon"?? Huwag kang matutulog ha, nagda drive ka, sabihin mo lang kung inaantok ka at .....magstop tayo (kala niya magvo volunteer akong magdrive nye hehehe) o kaya itutulog ko na lang ito para sa'yo hehehe.

8. Minsan kinakausap ang driver na sinusundang sasakyan.
Kagaya nitong video.



Sunday, March 14, 2010

HULA SCOOP: Huwag pigilin ang nararamdaman

nagsnow na naman nitong Miyerkules, March 11 kaya busy akong nagpala ng snow namin, anak ko yan, mana lang sa akin papansin hehehe


HULA: Huwag pigilin ang nararamdaman, minsan kailangan aminin mo sa sarili mo na kung ano ka talaga. Wala namang masama kung aaminin mo sa sarili ang kakaibang nararamdaman mo. Teka ano ba yun nararamdaman mo? Baka kailangan mo lang pumunta ng banyo no? go na!

SCOOP: Aminin mo na no.....na .....adik ka na sa pagba blog at pagbisita pa ng ibang blog. Kundi ka naman adik sa pagba blog, malamang sa facebook. Wala nang paligoy-ligoy pa, tara basahin mo na ang post ko, kasi waalng kinalaman ang hula ko sa sasabihin ko ngayon hehehe.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sige aaminin ko na adik na talaga ako sa pagba blog at pagbisita ng ibang blog at syempre pa ang facebook at mga applications nito. Di ko nga alam kung paano ko nahahati ang oras ko sa bahay. Dahil lahat ng gawaing bahay nagagawa ko pa pero di ko nararamdaman ang pagod ko pag nasa harapan na ako ng laptop ko. Malaking tulong talaga sa akin ang internet, naaaliw ako sa kalungkutan ko at syempre parang feeling bata ako dahil panay pa ang facebook hehehe.

Sa sobrang adik ko sa blog at facebook wala na akong time manood ng mga TFC shows. Pero kahapon nagtry akong manood sa live stream, at first time kong nanood ng showtime, nabigla ako at ang slang words na "madlang people" ay gamit na gamit sa show na yan. So hindi pala naluluma ang ibang mga slang words ng Pinoy. Natatandaan ko kapanahunan namin nang mauso ang katawagang "madlang people." So at least pwede ko pa palang gamitin dito sa blog ko ang mga lumang slang words hehehe.

Kaya eto mag-aral uli tayo ng mga slang words ng Pinoy:

napapanahon sa eleksiyon:

1. Dekwat- kupit, nakaw
2. Kulimbat- kurakot/kupit/ nakaw sa gobyerno
3. Erap- isa pang tawag sa pare

labo-labo: (hula ko lang pinauso ito ng mga tambay sa kanto hehehe)

4. Petiks- nagliliwaliw, nakikipagdaldalan o nagrerelax habang oras ng trabaho
5. Utol- mula sa salitang "kaputol" meaning kapatid
6. Yosi- sigarilyo (yun "yo" sa dulo at "si" sa unahan na salita ay pinagdugtong, tama ba? hula ko lang hehehe)
7. Arbor- paghingi o paghiram ng isang nagustuhang gamit sa kaibigan o kamag-anak (saan kaya nakuha ang salitang ito??)
8. Sisiw- madali, kayang-kaya (bakit sisiw? bakit di na lang manok?? hehehe)
9. Astig- siga, mula sa salitang "tigas"
10. Bangag- high sa drugs

Mga pinauso ng mga bading:

1. kikay- girly girl
2. maida/aleli- katulong
3. charing- biro lang
4. praning o aning-aning- may "tama" o may mental disorder
5. chaka- pangit
6. chipipay- hindi mahal, mura, hindi maganda ang quality
7. lafang- pagkain ng pagkain hehehe (bahala kayo, alam yo na yan no, aminin
8. echozera- taong chismosa
9. anda- pera (bakit anda?? daan ba yun?)
10. naman batman palaman superman- oo naman (ngek ang haba!)

Madami pa yan kaso ayokong magalit mga bading sa kin e hayaan ko na lang sa kanila ang portion na yan, i-google nyo na lang ang mga kaek-ekan at mga kachenelyn o chervalou nilang gay lingo.

Sunday, March 7, 2010

HULA SCOOP: Wala Ka Sa Mood Makipag-usap

Ang galing ng drawing ko!!


HULA: Wala ka sa mood makipag-usap parang may "s" ka ngayon kaya ilag ang mga tao sa paligid mo. Huwag ka namang ganyan, kung may problema ka, sarilinin mo lang, huwag kang mandadamay.

SCOOP: Bakit nga minsan wala tayo sa mood makipag-usap, minsan tahimik lang tayo pero ang init naman ng ulo??? Kayo ba ganyan ngayon? Ako, wala naman akong "s" pero sa hulascoop ko "speechless" muna ko. Kaya may "s" ako ngayon, may s!!! hehehe. Huwag kayong mag-alala di ko kayo dinadamay.....malungkot lang ako.

------------------------------------------------------------------------

Malungkot ako kasi dami kong namimiss ngayon (syempre ano fa??), kaya dinaan ko na lang sa drawing. Pasensiya na minsan mas mabuti pa ang magdrawing ng "freehand" kesa sa idrawing ko pa sa autocad o kahit sa ano pang CADD program. Napakasimpleng bilog e ido drawing ko pa ba sa computer?? Minsan mas maganda na yan para unique hehehe pasensiya na kayo di ako perfect sa bilog pero magaling akong mambilog hahaha.

Pero teka, alam nyo ba kung ano yan?? Yan kasi namimiss ko sa Pilipinas yun nasa dalawang bilog na yan sa magkabilang dulo yun sa gitna di ko namimiss yan hehehe.

O sige na wala ako sa mood talagang magkwento eh. Sana lang mahulaan nyo ang namimiss ko para mapasaya nyo ako hehehe.

PAHABOL na joke ni Sardz:

Nag-uusap ang dalawang bulol na bata:
Buknoy: Tutan, punta tayo sa kanto meron promo may libre kan tutbrush at colgate pakita mo lan ipen mo.

Susan: Wag mo ko utap, wala ako ta mood!

Sunday, February 28, 2010

HULA SCOOP: Umiwas sa apoy

A 10m Giant Spider at Roppongi Hills, Tokyo during day time (kuha ko last year)


During Night time


HULA: Umiwas sa apoy at sa singsing pero kung hindi maiwasan ok lang, ganun talaga, swerte swerte lang, kung mamalasin di ka talaga swerte kung swerte ka naman e hindi ka malas.

SCOOP: Ang swerte minsan hinahanap at minsan iniiwasan ang malas pero paano nga ba iwasan ang malas at hanapin ang swerte? Yan ang di ko masasagot. Pero ito pa ang mga tanong bakit apoy at singsing?? Dahil ba ang apoy ay nag-aalab?? na parang tukso?? E bakit singsing?? Dahil ba sa baka matukso ka sa taong may wedding ring??? heheheh Hmmm ah ewan!

----------------------------------------------------------------------------
Paano hahanapin ang swerte?

1. Umiwas sa feel mo na mamalasin ka.
2. Kung ang sabi ng hula malas ka ngayon, huwag hanapin ang swerte kasi nga malas ka nga.
3. Kung feel mo na swerte ka, malamang swerte ka nga so swerte mo talaga hehehehe....ang gulo!

Paano maiiwasan ang malas sa araw na ito, ang apoy at singsing???

Hindi ko pa rin alam!! Basta alam ko malas yata ako kasi lahat yata nang napuntahan ko ay may lindol! (Hello??? ano naman kinalaman niyan no??) Pero swerte pa rin ako dahil di pa ako nakapunta sa Haiti at Chile kung saan nagkaroon ng malakas na lindol. Pero malas yata talaga ako at sa tingin ko pagkatapos ng lindol laging may tsunami warning, lagi rin nakabuntot sa akin ang mga warning na yan! Katulad na lang nang una kong pag aabroad, sa California ayun nilindol kami doon, habang wala ang asawa ko pero mahina-hina lang yun time na yun compared sa nararanasan ko dito sa Japan at Pilipinas.

Sa Pilipinas ang malakas na naranasan kong lindol doon ay 7.7 noong 1990, grabe nasa 4th floor ako ng Mapua west building, may seatwork kami sa Differential Calculus, nilindol na kami e sige pa rin ang gawa ng seatwork pero sa sobrang tagal, ayun nagtakbuhan na rin kami sabay tapon ng mga papel. Wala ng stampede kasi kami na pala ang last na bumaba sa building hehehe. Naglakad lang naman ako mula Mapua hanggang Araneta Ave sa bandang QI (Quezon Insitute) at walang masakyan ng jeep....hay unforgettable!

Noong nasa Hawaii kami, 2006 nang nilindol din kami dun na may intensity 6.6 at nawalan ng kuryente buong island ng Oahu kung saan nandun ang sikat na Waikiki sa Honolulu. Pasalamat ako at Linggo nangyari yun wala akong pasok kundi nangatog na tuhod at tumbong ko (ooops excuse my word erase, erase hehehe) dahil nasa 28th floor ang opisina ko noon sa tapat ng Waikiki. Then may tsunami warning din kami noon nang magkaroon ng lindol sa Indonesia, kada yata may lindol sikat ang Hawaii sa tsunami warning (napansin ko lang hehehe).

At nang mapadpad naman kami dito sa Japan, 2 weeks palang kami, nagwelcome kaagad sa amin ang 6.8 na lindol gusto ko nang bumalik kaagad ng Hawaii nun hehehe sa sobrang takot, ang tagal kasi ng pagshake parang dinadambahan ang pinto ng kuwarto namin tapos may after shock pa, hay unforgettable talaga!

Pero ngayon pangkaraniwan na lang ang intensity 6.0 dito pero nakakakaba pa rin, kasi nagkaroon kami ng lindol after ng lindol sa Haiti tapos ngayon naman may tsunami warning dito dahil sa Chile's earthquake. Malas ko talaga dahil sa Northern Japan kami nakatira bandang east kaya nasa amin ang "major tsunami warning" mga 3m o 9ft or more ang ini expect na tsunami dito. Ang lapit lang kasi namin sa beach kung saan nandun ang Pacific Ocean, mga 5 to 10 minutes drive nasa beach na kami so gaano kaya kalakas ang hampas ng wave para kami mahagip dito???? Di ko alam, pero alam ko malapit kami sa dagat hindi katulad sa Pilipinas, California at Hawaii na malayo ang bahay namin sa dagat. Hay ano ba ang mga lugar na napuntahan ko eto yata ang malas ko.......apoy at singsing!!! "Ring of Fire!!" Anak ng tokwa!!!!! Ako pala ang tinutukoy ng hula ko!!!


PAUNAWA: Dalangin ko ang kaligtasan ng nakararami sa nakalipas na lindol sa Chile, sana wala ng tsunami na dumating dito sa amin at sa Pilipinas at iba pang karatig bansa.

LARAWAN: Imaginin ninyo na lang na kasing laki ng gagamba na yan ang tsunami na hahagip sana sa amin dito sa Japan, (pero ang minimum ay 3m o 9ft) pero maaring ganyan kataas. Kakatakot!

Thursday, February 18, 2010

HULA SCOOP: Magiging abala ka na naman

Hirosaki Castle


HULA: Magiging abala ka na naman sa iyong trabaho pero huwag mong kakalimutang bigyan ng quality time ang iyong sarili o pamilya mo. Remember yan ang lagi mong tatandaan, huwag mo lang kakalimutan hehehe gets mo?

SCOOP: Paano mo mabibigyan ng quality time ang sarili mo o pamilya mo?? Eh di mamasyal ka with your family, sabi ko nga "the family that pasyal together swak together" hehehe, yun ang sabi ko ewan ko sa iba.

---------------------------------------------------------------------------

Noong Sabado, Feb 13, 2010 habang abala ang mga tao sa paghahanda ng kanilang ireregalo sa kanilang ka Valentine (waaaa wag nyo ng paalala yan wala asawa ko) ay nagroad trip naman kami sa Hirosaki Castle Park, mga tatlong oras ang biyahe papunta dun. No choice ako, kaya I have to drive din.....pero sisiw lang yan sa kin kasi mga 10 to 15minutes lang ang aking minaneho papunta sa lugar kung saan kami sasakay ng tour bus hehehe mautak yata to ayokong sumagupa sa snow at magda drive na wala ang asawa ko baka kami mastranded no hirap na. Hayun nagbayad ako ng $100 sa trip ako at ang dalawa kong anak, ok na di ba?? ok na yun ang mahalaga hindi ako nagdrive hehehe.

Kaya eto share ko naman sa inyo ang aking mga pictures.

HIROSAKI SNOW LANTERN FESTIVAL


mga tao naglalagay ng candles kahit saan nila trip ilagay


Hello Kitty snow man ay snow kitten pala hehehe (namamaga yun pisngi niya siguro sa lamig)


Hawaiian show girl...ay snow girl pala hehehe (tama ba name?? hehehe)


parol na snow


pusong snow o snow na puso (whatever!)




building snow sculpture (di yan miniature ha)



ayan ganito siya kalaki kasing laki ng building


si mickey mouse ba 'to??? di ko siya kilala e


yan ang anak kong makulit


at syempre ang pinakahihintay ng lahat....ako...bow!! ayan nagbow pa ako hehehe

-------------------------------------------------------------

yun ibang picture dalawin niyo na lang sa isa kong blog para may bumisita naman sa kin dun hehehe, eto click nyo na lang ito "klik"


"paalam"

Friday, February 12, 2010

HULA SCOOP: Mabigat ang Loob Mo


HULA: Mabigat ang loob mo , wala namang hollow blocks sa katawan mo pero parang pasan mo ang daigdig ngayon. Sana lang, mailabas mo yan....baka kabag lang yan hehehe.

SCOOP: Minsan nararamdaman natin ang bigat ng loob na di mo alam kung paano mo ito papagaangin. Paano nga ba???

----------------------------------------------------------------------------

Kung mabigat ang loob mo, isipin mo lang ako lagi kasi, mabigat din ang loob ko....hehehe at least di ka nag-iisa.

Malungkot kasi ako dahil 4 na buwan na mawawala ang asawa ko tapos makatatanggap ka pa ng malungkot na balita na........baka i-end na ang contract ko sa trabaho, yun ang napakasakit!! Ilang beses nila akong pinalipat-lipat ng opisina, ni hindi ko nga nagawa ang job description na inaplyan ko e tapos dadalhin ako sa isang office para maging secretary, temporary lang naman, reliever ba dahil nasurgery yun secretary nila. Ni sa "hinagap" ng isip ko hindi ko inisip na makakapagtrabaho ko as secretary, ako kasi ang tipong di marunong sumagot sa telepono hehehe, shy kasi ako e (totoo yan! maniwala kayo....parang awa nyo na). Tapos eto na naman at ililipat na naman ako, admin position for 2 weeks, anak ng tinapa talaga! Hindi naman ako makapagreklamo kasi hindi naman nila ginagalaw ang pay rate ko. Para bang pinahihirapan nila ako at kung umayaw ako, e di ako ang talo. Pero ano sila hilo, di ako susuko, sino bang aayaw kung ang sinusweldo mo ay rate ng director sa opisina na yun (paano ko nalaman???? nun sinipag ako nagshred ako ng mga kalat ng boss ko nakita ko mga sweldo nila hehehe) tapos sinuswelduhan ka sa pagsagot lang ng telepono, wow sosy hehehe. Hay buhay......after 2 weeks di ko pa alam kung may trabaho pang naghihintay sa kin. Di ko talaga maisip na naghire sila ng isang posisyon na hanggang ngayon ay lulutang-lutang lang sa ere. Para bang nag-ubos lang sila ng pondo last year kaya naghire lang ng kahit anong posisyon. At ngayon, nagka cut down sila ng mga overhire at isa na ako doon.....huhuhu

Ilang araw akong nagmuni-muni para makagawa ng hulascoop kaso wala talagang pumapasok sa utak ko. YUn ang isa pang problema kung may utak nga ba ako???

Kaya ayun, uminom ako ng uminom ng beer......iba pala ang lasa kapag iniinom mo tapos nasa isip mo ay beer pero yun mismong iniinom mo ay rootbeer at least beer din di ba???? hehehe.

Kung iinom naman ako ng kape eh pampanerbyos naman yun, kahit ang gatas ay pampalakas di naman ako umiinom ng purong gatas lang. Bawal din daw ang kape na may gatas kasi yun kape pampanerbyos, yun gatas pampalakas so pag kape na may gatas, pampalakas ng nerbyos, mas lalong ayoko naman nun.

Bakit nga ba ako magpapakalasing, gugugulin ko na lang ang panahon ko sa mga mahahalagang bagay. At pinaplano ko nga na magbusiness na lang ako. Since naumpisahan ko na ang resto ko ay pag-uukulan ko ng buong pansin ang tinayo kong ito, bukod pa dun may isa pa naman akong business na medyo lumalago na rin.....sshhh huwag kayong maingay, bumili ako ng napakalaking ekta-ektaryang lupain, dalawa pa say nyo, hindi ko na nga naasikaso at least kung wala na akong trabaho, sobrang buhos pansin ang gagawin ko sa dalawang negosyo kong ito.

O sige maiwan ko na muna kayo, maglalaro na ako ng restaurant city, farmville at farmtown medyo napabayaan ko na ang mga pananim ko eh malaki pa naman ang binili kong lupa sa mga farm na yan. Yun resto ko medyo umuunlad naman na, pero pag nawalan na ako ng trabaho buong oras ko nandito na talaga. O sige bye na! Kitakits na lang tayo sa facebook!