Monday, March 30, 2009

HULA SCOOP: Mawiwili Ka Sa Isang Libangan



HULA: Mawiwili ka sa isang libangan….ang pakikipagchat, mag-ingat sa iyong kausap baka madala ka ng kanyang matamis pero huwad na salita.

SCOOP: Nauso na ang pakikipagchat ngayon, isa sa dahilan ng pagkakaroon natin ng bagong kaibigan sa internet ay sa pamamagitan ng instant messenger …syempre sikat sa mga Pinoy ang Yahoo Messenger (YM). Minsan mapapansin nyo na maraming features ang YM, may phone call, may avatar, IM environment, smiley icons o emoticons at ang audible; ilan lang yan sa magagamit mo pag nakikipagchat ka. Kung di ka marunong nito…di ka “in”…your out!

Ang nakakatuwa merong audible para sa mga pinoy, ito yun animated characters na may sinasabing expressions in Filipino o Tagalog. Matagal na rin itong naglipana sa YM. Pero syempre sa bawat expressions may hidden meanings din, so ihahambing ko ang dalawang klase ng meaning; isa para sa nagliligawan o MU (mag "UN") at ang isa naman ay para sa magkaibigan lang o di type ang nanliligaw. Kaya kung ginamit ng kaibigan mo ang audible na to….think twice…baka niloloko na kayo nito hehehe. Kaya check nyo na audible nyo, kung wala kayo nito…hay naku di ko kayo kilala…dali maghanap na!

Audible expressions and their hidden meanings....sardonyx's version:




1. “Hello ok ka lang”-


Nagliligawan o MU- I miss you, do you miss me na?
Di Type ang nanliligaw o friend lang- Ano, Sigurado ka?



2. “Ang cute cute mo talaga”


Nagliligawan o MU- Hay naku crush talaga kita
Di Type ang Nanliligaw o friend lang- Feeling mo cute ka?



3. “Korek ka dyan”

Nagliligaw o MU: Ang smart mo talaga, Bilib na ko
Di Type ang Nanliligaw o friend lang: Sige na, tama na… feeling mo matalino ka?


4. “Hanep! Astig ng dating mo pare!!”


Nagliligawan o MU- Ang galing ng porma mo, kaka in love
Di Type ang Nanliligaw o friend lang- Baduy mo!! yuck kadiri!


5. “hmmm…teka muna”


Nagliligawan o MU- Sana mamiss mo ko kahit sandali
Di Type ang Nanliligaw o friend lang- Manigas ka dyan! Ang boring mo!


6. “Sori, strict ang parents ko”


Nagliligawan o MU- Type kita kaya lang pakipot muna ko
Di Type ang Nanliligaw o friend lang- Di kita type


7. “Ganun?”


Nagliligawan o MU- Yun lang? Wala bang I love you?
DI Type ang Nanliligaw o friend lang- Maniwala ako

---------------------------------------------------------------------------------------------

PAUNAWA: Ito’y sariling opinyon lang at huwag personalin at baka mamaya ang kausap mong kaibigan ay awayin…hehehe

ISA PANG PAUNAWA: Ito ay hawi sa isang e-mail uli na naglipana sa internet, pero itong ginawa ko ay galing sa yahoo audibles....pasensya na at mahirap magpiga ng utak...lalo na pagwalang laman hehehe.

TANONG: Sa palagay nyo madedemanda ba ako ng yahoo nito??? Abangan....

PAHABOL: Ang larawan na nasa itaas ay sa Sendai na pinuntahan ko kaya ako'y nawala ng ilang araw....wala itong kaugnayan sa hula ko.....nagkataon lang na blog ko ito kaya kahit ano ok lang ang ilagay ko hehehe.

Tuesday, March 24, 2009

HULA SCOOP: Maging Masipag Sa Trabaho


HULA: Maging masipag sa trabaho, labanan ang anumang masamang impluwensiya na bumabalot sa’yo. Kung hindi mo ito mapigilan malamang ikaw ang na ang mababalutan ng…katamaran.


SCOOP: Narito ang mga payo ko sa mga tinatamad sa kanilang trabaho, na pwede naman mag absent pero sa panghihinayang sa araw na masasayang at sa sweldo na makakaltas sa kanila e pilit pa rin pumapasok sa trabaho kahit walang ginagawa.


1. Maghubad- pagdating na pagdating sa trabaho maghubad kaagad ng iyong pangginaw o blazer o jacket at buksan kaagad ang dapat buksan, syempre pa ang computer, magsurf kaagad sa internet para masaya kaagad ang araw mo.


2. Paligayahin ang sarili- Pag walang tao, dahan dahan mong ipasok ang kamay mo at hugutin…. ang cell mo sa bag pasimple lang para di kayo mahalata at magstart ng magti text o tumawag sa mga friends mo, alam ko naman yun ang magpapaligaya sa araw niyo eh.


3. Magbutingting- butingtingin mo ang inyong sariling lamesa, matuto ka dapat magbutingting ng kahit ano sa mga gamit na nasa harap mo. Pag wala kang magawa pa rin kunin ang nail cutter o nail clipper at putulin ang iyong mga kuko.


4. Magbulatlat- Kung patay pa rin ang oras mo magbulatlat ka ng kahit anong mga papeles sa filing cabinet at titigan ang mga ito, kung di ninyo maintindihan itago muli at magbulatlat na lang kayo ng inyong bag, malamang mas marami pa kayong alam sa laman ng bag nyo kesa papeles nyo.


5. Iyugyog mo- iyugyog mo ang keyboard mo malamang marami ng mumu ng pagkain na nakasiksik dito kakakain nyo ng mga chichiria sa harap ng computer.


6. Labas-pasok- pag wala pa rin kayong magawa labas pasok kayo sa internet syempre puntahan ang mga peborit na blogs, pindutin lagi ang refresh at icheck nyo kung may bagong posts syempre huwag kakalimutan ang payo ng hulascoop ko.


7. Lamasin- pag inaantok at wala pa rin kayong magawa o tinatamad lang talaga kayong gumawa lamas lamasin mo ang stress ball mo, kung wala ka nito sa office mo bumili ka na lang ng pandesal yun ang lamasin mo at pag nagsawa ka na, isawsaw mo sa kape pwede pa yun. Sabi nga sa movie, “Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.”


8. Kung matagal pa ang oras na hihintayin nyo count 1 to ten, basta count to ten ng count to ten lang, hindi mo mamamalayan ang oras at uwian na pala.



PASALAMAT: Ang paksa na ito ay hawi ito sa isang email na naglipana sa internet pero binigyan ng ibang kahulugan, kulay at pinaikli ng inyong lingkod na aakma sa aking blog.


PAHABOL: Ang larawan ay talagang akma sa hula ngayon. Kayo na ang maghusga.

Friday, March 20, 2009

HULA SCOOP: Iwasan Ang Makipag-away


HULA: Iwasan ang makipag-away, kung batuhin ka ng bato, batuhin mo ng tinapay…..may palamang corned beef……na nasa lata…..yun tinapay footlong……yun corned beef, tatlo.

SCOOP: Sabi nga sa salawikain noon, “kung batuhin ka ng bato, batuhin mo ng tinapay” pero ngayon parang iba na talaga ang nagiging kahulugan nito sa tunay na pakahulugan noon, kagaya na lang nga ng hula ko….mismo! "siyang-siya" ang halimbawa nito.

Kaya narito tayo nang magsalawikain muli pero walang kahulugan ang ibibigay ko kundi paghahambingin lang ang bersiyon noon at ang bersiyon ko....remember bersiyon ko as in sardonyx's version po.



NOON: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
hindi makakarating sa paruruonan.
SARDS: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
wala ng leeg sa katabaan


NOON: Ako ang nagbayo ako ang nagsaing
saka ng maluto'y iba ang kumain.
SARDS: Ako ang nagbayo ako ang nagsaing
saka ng maluto'y sunog pala ang kanin.


NOON: Aanhin mo ang palasyo,
kung ang nakatira ay kuwago
SARDS: Aanhin mo ang palasyo,
kung ang nakatira ay multo


NOON: Mabuti pa ang bahay kubo,
ang nakatira ay tao.
SARDS: Mabuti pa ang bahay kubo,
laging may pusa at aso.

NOON: Ang paala-ala ay mabisang gamot,
sa taong nakakalimot.
SARDS: Ang paala-ala ay mabisang gamot,
sa may utang at taong kuripot

NOON: Ang taong nagigipit,
kahit sa patalim ay kumakapit.
SARDS: Ang taong nagigipit,
kahit sa pangit nangangalabit.

NOON: Magsisi ka man at huli
wala nang mangyayari.
SARDS: Magsisi ka man at huli,
huli pa rin ang pagsisisi.

NOON: Matalino man ang matsing,
napaglalalangan din.
SARDS: Matalino man ang matsing,
walang salawal pa rin

NOON: Kung nasaan ang asukal,
naruon ang langgam.
SARDS: Kung nasaan ang asukal,
naruon ang kape

NOON: Ang tunay na kaibigan,
karamay kailan man.
SARDS: Ang tunay na kaibigan,
kahit sa lamay mo ay nandyan.


NOON: Kapag may isinuksok,
may madudukot.
SARDS: Kapag may isinuksok,
may butas na natusok

NOON: Ang lumalakad nang matulin,
kung matinik ay malalim.
SARDS: Ang lumalakad nang matulin,
kung walang tsinelas talagang matinik malalim.

NOON: Ang langaw na dumapo sa kalabaw,
mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.
SARDS: Ang langaw na dumapo sa kalabaw,
isang hataw lang wala na siyang pakiramdam.

NOON: Huwag magbilang ng manok,
hangga't hindi napipisa ang itlog.
SARDS: Huwag magbilang ng manok,
kung wala ka namang itlog.


NOON: Kung sino ang unang pumutak,
siya ang nanganak.
SARDS: Kung sino ang unang pumutak,
siya ang manok.

NOON: Kapag bukas ang kaban,
nagkakasala sinuman.
SARDS: Kapag bukas ang kaban,
wala ng bigas na mararatnan.

NOON: Sala sa lamig,
sala sa init.
SARDS: Samalamig,
sago sa tag-init.

NOON: Aanhin pa ang damo,
kung patay na ang kabayo.
SARDS: Aanhin pa ang damo,
kung meron ng shabu.

NOON: Bato-bato sa langit
Ang tamaan ay wag magagalit
SARDS: Bato-bato sa langit
Ang tamaan ay talagang masakit

NOON: Ang sakit ng kalingkingan,
damdamin ng buong katawan.
SARDS: Ang sakit ng kalingkingan,
damdam ng ilong ang kalungkutan.


PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay halimbawa ng salawikain, pinilit kong lumingon kasi ayokong masabing di ako marunong lumingon sa pinanggalingan kaya at least kaya ko pang lumingon di pa naman mataba ang leeg ko hehehe.

Tuesday, March 17, 2009

HULA SCOOP: Huwag Madaliin ang Pag-ibig, Kusa Itong Dumarating



HULA: Huwag madaliin ang pag-ibig, kusa itong dumarating at nararamdaman pero dapat mo ring hanapin ang iyong “mahal” at hindi nakanganga na naghihintay.

SCOOP: Ang paghahanap ng mahal sa buhay ay sineseryoso at hindi binabalewala dahil ito ay pang habangbuhay mong pagsisisihan kung ikaw ay di tumama at habang buhay ka namang masaya kung ang mahal mo ang kasama.

Kaya narito ang mga ilang tips ni Sardonyx kung paano humanap ng pang habang buhay na kapakner:

1. Kailangan humanap ng kasintahan at hindi “syota-syotaan” lang. Iba raw ang syota, pang display lang daw yun at pang isang buwang relasyon lang. Teka ang tawag ba sa bf sa tagalog na slang ay “syoto?”

2. Huwag mong hanapin ang ugali ng Nanay mo sa hinahanap mong gf. Baka gusto mong gf ay yun katulad ng Nanay mo na masipag, marunong magluto, maglaba, mamalanta at mahusay magmasahe ng t-uhod,….teka e baka naman si “Inday” ang hinahanap mo at baka gusto mo pang itawag sa gf mo ay “cupcake” hehehe (remember si Inday tawag ni Sir sa kanya, “cupcake”…. hmmmp, ah ewan pag di mo magets, sige next hula na lang yun).

3. Huwag mong hanapin ang ugali ng Tatay mo sa hinahanap mong bf. Huwag kang umasa na ang lahat ng lalaki ay katulad ng Tatay mo na mahaba….mahaba ang pasensiya, matigas…..matigas ang loob at mataba…mataba ang puso.

4. Think postitive lagi pero huwag mo namang buntisin ang girl o magpabuntis ka sa guy na kakakilala mo palang, positive sa larangan ng relasyon ninyo. Isipin mo na “sana siya na nga…..ang manlibre ngayon,” sana siya na nga ang para ….parating magbabayad sa sinehan” o sana tulungan niya akong makatapos….ng pag-aaral” basta puro sana ang isaisip ninyo.

5. Huwag mag-tanong sa sarili na puro negative yun tipong di pa nga nanliligaw o nililigawan ay ang dami ng tanong na ganito:
“tatagal ka ba?”
“ang laki niya, kakayanin ko ba siya?”
“mahaba kaya ang p niya as in pasensiya?”
“baka di siya marunong….magluto o maglaba”
“kuripot yata….kuripot humalik”
“titi_gasan kaya siya….ng loob kung may problema na kami?”
“kiki_slap kaya mga mata niya pag nag I love you ako?”
“susu_nod kaya siya sa akin pag umalis ako ng bansa?”

6. Huwag maghanap ng ideal man or woman at “suntok sa buwan” ang hinahanap ninyo. Nasa libro, internet, at isipan lang ng tao yan, huwag kayong magpapaniwala diyan. Ang paghahanap ng lifetime partner ay comes in a “package ” na, kaya mahalin din ninyo ang kahinaan niya, malay mo, malay niya, at malay nating lahat, di ba?

7. Dahan-dahaning mong balatan… ay balutan pala…hehehe… ng pagmamahal ang lab mo para mamimiss ka niya lagi kahit wala ka. Ok lang na magpipindot-pindot ka dyan sa cellphone mo at magti-text lagi ng “I lab u,” lam mo na, mga mala-arnibal, at mala panot-sa na salita at kahit ano pang matamis na panghimagas ang ihalintulad mo basta lang na nakakapagpakilig sa lab mo, di ba?

8. Kung matalino ka naman at naghahanap ka ng mas matalino sa’yo naku malabo yan, magbilang ka na ng uban mo at asahan mong mawawala ka na sa kalendaryo. Buti pa nga ang kalendaryo may date baka ikaw di na kelan man magkakaron ng date hehehe, swertehan yan huwag ka lang talagang malasin hehehe.

9. Kung bobo ka naman, oooppps sorry bawiin ko sinabi ko, kung di ka naman matalino, sa palagay mo anong hahanapin mong kapakner??? Hmmm siyempre hanapin mo ang matalino na, kasi ang matatalino raw “bobo” sa pag-ibig hehehe at least magiging matalino ka na rin di ba? Malas lang niya.

10. Kung masyado ka talagang pihikan at hinahanapan mo kaagad ng baho o pagkakamali ang ka-date mo hay naku huwag ka na lang magbasa ng tips ko dahil, hula ko matigas talaga ang sa’yo, matigas ang ulo mo, dyan ka na nga pinapasakit mo lang lalo ang ulo ko at ulo ng mga may ulo hehehe.


PANUTO: Ilalathala ko sana ang larawan naming mag-asawa noong kami ay magkasintahan palang pero baka kayo masuka kaya beach na lang sa Hawaii ang nilagay ko. Ang payo ko dalhin ninyo sa beach ang "lab" niyo pero huwag ninyong lulunurin ha, para naman hindi ninyo malilimutan ang araw na kayong dalawa ang magkasama, kung ano man yun gusto ninyong gawin doon ehh di ko na aalamin pa hehehe.

PAHABOL: Iniaalay ko ang hulang ito kina RJ at Reena, nawa'y kapulutan ninyo ng kalokohan ang scoop ko sa araw na ito.

PAHABOL PA ULI: Baka hanapin ninyo ako sa larawan na naka two-piece, wala po ako doon ako po yun kumukuha ng larawan hehehe

Monday, March 16, 2009

Huwag Mong Dalhin Mag-isa Ang Iyong Mga Suliranin


HULA: Huwag mong dalhin mag-isa ang iyong mga suliranin, mararamdaman mo ang bigat na ito kung iyong kikimkimin. Kung gusto mong umiyak ng umiyak at tumakbo, sige lang huwag kang tamarin, tumakbo ka na….takbo! Good exercise yan, bawas bilbil, bawas taba...nakakagaan ng feeling.

SCOOP: Alam naman natin na ang bawat isa ay may mga suliranin o problema sa buhay kaya naman narito ang mga sinipi kong inspirational quotes at ang ilang mga payo ko sa inyo, nawa’y kapulutan ninyo ito ng aral at magbigay saya sa inyong malungkot na buhay. Sa ganitong kadalamhatian, kailangan din natin ng kasiyahan upang humupa at magpagaan man lang ng unos sa ating buhay. Kaya narito….tawa naman kayo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

MATINDING PROBLEMA:

Kung may problema ka, mahirap idaan ito sa walang kibo.
Mahirap idaan sa walang salita. Mahirap idaan sa pag-iyak.
Bakit di mo sabihin sa mahal mo? Malay mo? Malay ko din!


PAG-IISA

Minsan, naglalakad ako, nag-iisa.
Lumingon ako sa kanan, wala akong nakita.
Lumingon ako sa kaliwa, wala rin akong nakita.
Kaya ayun, tumawid na ako!

Huwag kang malulungkot o
magdaramdam kapag ika'y nag-iisa.
Sapagkat sa mata ng duling, lahat tayo ay dalawa.
Hangga't may duling, hindi ka nag-iisa!


ULAN:

Ang buhay ng tao ay parang ulan,
handa ka man o hindi, bumubuhos.
Pero sa tuwing pagpatak nito,
may isang taong handang mabasa kasama mo.
Sya yung taong wala ring payong!

Minsan, sa buhay natin, hindi
maiiwasang mabasa ng ulan, maranasan ang bagyo.
Pero sa mga pagkakataong ito,
tandaan mo, magdala ka ng payong
ng hindi ka na mabasa, hunghang!


DILIM:

Kung dumating ang oras na
madilim ang iyong tinatahak na daan
at parang wala ka nang makitang sikat ng
araw sa iyong buhay, sigurado, gabi na!
Matulog ka na kaya? Hello!


Minsan, mali tayo sa napili nating mahalin.
Nasaktan sa maling pagmamahal, umiyak sa maling dahilan.
At kung tatanungin mo ako?
Wala akong alam dyan, ako pa ang tinanong mo,
hula-scoop gusto mo?


In our life, there will come a
time where in we will hate the things
that hurt us but we should
never give the blame to our lives because...
whateber! Waah! Hirap mag-english!
Sige na nga good bye na lang!




PANUTO: Itong hula ko ay iniaalay ko sa mga taong may mga mabigat na suliranin ngayon at isa na nga dito ay si Yanah, isang blogger. Bagama’t hindi ko pa siya kilala at ngayon lang ako nagawi sa blog niya ay alam ko ang bigat na nararamdaman niya ngayon. Salamat na lamang kay Mr. Thoughtskoto sa kusang pagtulong niya dito na magkaisa ang ilang mga pinoy sa blogosphere para tulungan siya. Bagama’t wala akong maiaabot na tulong na materyal at sa ako man ay nahaharap sa isang masalimuot na sitwasyon ngayon ay kahit man sa ganitong “hula” ko ay mapasaya siya (sana di naman ako maka- tisod ng tao jokes lang po ito). At sa lahat ng naging bahagi ng pagsisikap na tulungan si Yanah…salamat din na maipakilala ninyo siya sa mga taong baguhan sa blog at isa na ako dito. Mabuhay kayo!

PAHABOL ULI: Ang larawan ay kuha ko dito sa likod bahay namin noong summer pa. Mga magsasaka ng Japan na tila walang mga problema sa buhay. Masayang nagpakuha ng litrato sa akin sa kabila ng hirap ng kanilang hanap-buhay…. ang magbungkal ng lupa at mag-ani ng gulay. Sana ganito tayo lagi….laging masaya.


Saturday, March 14, 2009

HULA SCOOP: Ipakita Mo Ang Pagmamahal Mo


HULA: Ipakita mo ang pagmamahal mo sa iyong asawa….hindi sa asawa ng iba. At sa mga tumanda na wala pang asawa…..mag-asawa na kayo hehehe

SCOOP: Paano ba maipapakita ang pagmamahal mo sa iyong asawa? Narito ang ilang mga payo ko, at sa mga wala pang asawa ay kakailanganin nyo na rin ito kaya hala basahin na....now na!

KAY MISTER:


1. Gawin mo ang ayaw na ayaw ni misis:

Kung ayaw ni misis maglaba- maglaba ka
Kung ayaw ni misis mamalantsa- mamalantsa ka
Kung ayaw ni misis magluto- e di magluto ka
*Nasusulat nga, mahalin mo ang iyong asawa

2. Husband, kailangan ikaw pa rin ang hari ng inyong tahanan, si misis….syempre ang “alas.”

3. Mister huwag kang magreklamo sa ulam na inihain sa inyo ni misis:
Di ba sabi nga sa joke:

Mr: Hon anong ulam natin
Mrs: Nandyan sa mesa, pumili ka
Mr: Hon, sardinas lang ang nandito e. Ano bang pagpipilian ko?
Mrs: Mamili ka kung kakain ka ng sardinas o hindi ka kakain


4. May tatlong rules daw ang mga lalaki pag nambabae, kaya make sure gawin nyo to:
Una- Huwag papahuli
Pangalawa- Pag nahuli, huwag aamin
Pangatlo- Pag umamin, huwag mandadamay

KAY MISIS

1. Pag galit si mister huwag mo na syang sagutin, tumahimik ka na lang.
Paano mo kokontrolin ang galit mo?
Maglinis ka na lang ng toilet bowl, paano ito makakatulong sa galit mo?
Gamitin mo na lang ang toothbrush ni honey mo.
**Nasusulat, pasakop sa inyong asawa.

2. Kung noon mag on palang kayo ni mister e “darna” ang tawag sa inyo sa kaseksihan mo, huwag mong hayaan na “dornin” (hindi darling ha) na ang itawag sa iyo…dat means nirereklamo na kayo ni mister na kasing lapad ka na ng “dornin”-yo

3. Misis, hayaan mong si mister ang magdesisyon ng mga plano nyo sa buhay…..pag nakapagdesisyon na sya, aprubahan mo o ireject kung kinakailangan….syempre ikaw pa rin ang masusunod desisyon lang sa kanya no hehehe

4. Huwag magselos sa bagong cellphone ni mister, huwag mong isipin na may bago ng pagkakaabalahan ang fingers ni honey mo, I’m sure sa gabi pahinga na sya sa cellphone nya.


PAANG PAUNAWA (FOOTNOTE):
* Colossians 3:19
**Colossians 3:18

Basahin nyo ang mga talata na yan sa Biblia... Yan lang ang totoo dito hehehe

PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay bahagyang iniugnay ng may akda sa hula ngayon. Bakit? Dapat magkaroon kayo ng oras sa asawa at pamilya kaya yayain ninyo ang inyong asawa o syota man na mag "road trip." Ayan kuha ko yan nang magroad trip kami papuntang Tokyo, kahit pa 9 na oras ang dinrayb ng asawa ko ay ok lang....wala naman siyang magagawa eh.....kasi "ayokong magdrive," di ba sabi ko nga, "mister gawin ninyo ang ayaw ni misis" hahaha

Thursday, March 12, 2009

HULA SCOOP: Mag-ingat at Magmasid Sa Masasalubong Ninyo



HULA: Mag-ingat at magmasid sa mga taong makakasalubong n'yo, baka kayo na ang hinahanap n'ya, kung bakit….. hindi ko rin alam, alamin nyo na lang….. paano?….basahin nyo tong scoop ko.

KAHULUGAN KO:

Magmasid- batong buto:
magma- uri ng rock o bato,
sid- buto; so batong buto (wag na kayong kumontra)

scoop- ideyang may kalokohan na hinalukay sa kung saan-saan na may kaugnayan sa hula

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SCOOP: Kayo ba’y nagmamasid sa mga taong nakakasalubong n'yo? Wala ba kayong napupuna sa mga kasuotan, porma, tindig, kilos o galaw at paano maglakad sila? Malamang ang isasagot nyo lang sa akin ay “Ma” at “Pa” Malay ko at pakialam ko.

Well ako may pakialam, kasi nga nanghuhula ako….o di ba? Kaya batay sa aking obserbasyon (wag na kayong makialam) ito ang napag alaman ko at ngayon nga ay ibinabahagi ko sa inyo:

Mga uri ng tao na nakasalubong at naradar ko:


Architect- laging nakatingala at chinicheck ang mga designs ng buildings at mga bahay sa dinadaanan, malamang namamangha at hinuhulaan kung anong klaseng materiales ang ginamit dito kung mahinang klase o nagtipid sa pera o maganda ang kalidad.

Telecommunications engineer - pag walang signal ang cellphone, ang ingay! asahan mo kung anu-ano ang mga reasons nya kung bakit may dead zone sa lugar na yun kesyo dahil wala raw cell tower, walang antenna sa lugar , may interference daw ….whatever their terms are, di naman tinatanong …. pero sa hindi engineer, basta walang signal tapos!

Doctor- yun stethoscope nakakabit pa rin sa tenga, feeling nya ipod nya yun (hmmm wala akong maisip sa kanila hehehe)

Fashionista- Pag naglalakad laging nakatingin sa mga bags at damit ng mga taong nakasalubong, bakit? ano pa, chinicheck kung fake ba o real ang bag nila o ang logo ba ng damit ay orig. Pag nagustuhan naman ang bag o damit pustahan tayo hahanapin na nila yun sa internet para icheck kung magkano at kung orig nga

Accountant/banker/teller- pag galing sa mall or any stores, asahan mo busy sa pagcheck ng resibo o sukli….binibilang ang pera kailangan mabalance at accounted sa check o credit card nya

Musician- kada may naririnig na music, gumagalaw ang mga daliri, akala mo nag gigitara, nagpipiano, nagda drum o nagta trumpet sa hangin habang naglalakad….ba’t di na lang nila lagyan ng glue ang mga instruments nila sa kamay nila no! kakainis!

Sales Agent- pormal ang suot na may dalang briefcase at laging may kausap sa cellphone, syempre kailangan kasing kumota sa month na yun

Customer ng Sales Agent- yun kasama ng sales agent na obviously hindi sila sweet, tinreat ng agent sa 5 star restaurant para siguradong aprub ang deal nila syempre…”ang lagay eh…ganun na lang?”

Programmer/IT- disente ang suot, kung walang contact lens syempre makapal ang salamin, laging tulala habang naglalakad, malalim ang iniisip, pag may kausap hindi napapansin at di naririnig...may sariling mundo, minsan ngumingiti, bakit nag-iismile? malamang may solution na s'ya sa program nila sa office....kaya ayun iniwan ang ka-date at haharapin na ang computer n'ya.

Stripper- laging nakatingin o napapalingon pag may nakikitang “bar” o “poste” sa daan gusto sigurong yakapin, maglambitin at magtutuwad dun hehehe

Snatcher- pagtingin ng tingin sa bag, cellphone at sa alahas mo, humanda ka iisnatchin na ang mga ito sa'yo! hehehe

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
PAUNAWA: Ang mga obserbasyong nakalahad dito ay pawang kathang isip lang at bunga na rin ng kalokohang imahinasyon ng may akda nito. Pasensya na kung nagkataong isa kayo sa mga ito....di sinasadya nagkataon lang.


PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay kuha ko sa loob ng train, naloka ako sa kanila pare-pareho ang mga suot nila, puro itim mahirap hulaan kung anong trabaho nila, di ko kinaya.