nagsnow na naman nitong Miyerkules, March 11 kaya busy akong nagpala ng snow namin, anak ko yan, mana lang sa akin papansin heheheHULA: Huwag pigilin ang nararamdaman, minsan kailangan aminin mo sa sarili mo na kung ano ka talaga. Wala namang masama kung aaminin mo sa sarili ang kakaibang nararamdaman mo. Teka ano ba yun nararamdaman mo? Baka kailangan mo lang pumunta ng banyo no? go na!
SCOOP: Aminin mo na no.....na .....adik ka na sa pagba blog at pagbisita pa ng ibang blog. Kundi ka naman adik sa pagba blog, malamang sa facebook. Wala nang paligoy-ligoy pa, tara basahin mo na ang post ko, kasi waalng kinalaman ang hula ko sa sasabihin ko ngayon hehehe.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sige aaminin ko na adik na talaga ako sa pagba blog at pagbisita ng ibang blog at syempre pa ang facebook at mga applications nito. Di ko nga alam kung paano ko nahahati ang oras ko sa bahay. Dahil lahat ng gawaing bahay nagagawa ko pa pero di ko nararamdaman ang pagod ko pag nasa harapan na ako ng laptop ko. Malaking tulong talaga sa akin ang internet, naaaliw ako sa kalungkutan ko at syempre parang feeling bata ako dahil panay pa ang facebook hehehe.
Sa sobrang adik ko sa blog at facebook wala na akong time manood ng mga TFC shows. Pero kahapon nagtry akong manood sa live stream, at first time kong nanood ng showtime, nabigla ako at ang slang words na "madlang people" ay gamit na gamit sa show na yan. So hindi pala naluluma ang ibang mga slang words ng Pinoy. Natatandaan ko kapanahunan namin nang mauso ang katawagang "madlang people." So at least pwede ko pa palang gamitin dito sa blog ko ang mga lumang slang words hehehe.
Kaya eto mag-aral uli tayo ng mga slang words ng Pinoy:
napapanahon sa eleksiyon:
1. Dekwat- kupit, nakaw
2. Kulimbat- kurakot/kupit/ nakaw sa gobyerno
3. Erap- isa pang tawag sa pare
labo-labo: (hula ko lang pinauso ito ng mga tambay sa kanto hehehe)
4. Petiks- nagliliwaliw, nakikipagdaldalan o nagrerelax habang oras ng trabaho
5. Utol- mula sa salitang "kaputol" meaning kapatid
6. Yosi- sigarilyo (yun "yo" sa dulo at "si" sa unahan na salita ay pinagdugtong, tama ba? hula ko lang hehehe)
7. Arbor- paghingi o paghiram ng isang nagustuhang gamit sa kaibigan o kamag-anak (saan kaya nakuha ang salitang ito??)
8. Sisiw- madali, kayang-kaya (bakit sisiw? bakit di na lang manok?? hehehe)
9. Astig- siga, mula sa salitang "tigas"
10. Bangag- high sa drugs
Mga pinauso ng mga bading:
1. kikay- girly girl
2. maida/aleli- katulong
3. charing- biro lang
4. praning o aning-aning- may "tama" o may mental disorder
5. chaka- pangit
6. chipipay- hindi mahal, mura, hindi maganda ang quality
7. lafang- pagkain ng pagkain hehehe (bahala kayo, alam yo na yan no, aminin
8. echozera- taong chismosa
9. anda- pera (bakit anda?? daan ba yun?)
10. naman batman palaman superman- oo naman (ngek ang haba!)
Madami pa yan kaso ayokong magalit mga bading sa kin e hayaan ko na lang sa kanila ang portion na yan, i-google nyo na lang ang mga kaek-ekan at mga kachenelyn o chervalou nilang gay lingo.
















